You are on page 1of 12

Department of Education

Zambales National High School


Iba, Zambales

“Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 10”


T.P. 2018-2019

I: Layunin:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang…
a) Nakasusuri ng wastong gamit ng matatalinghagang salita at simbolismo.
b) Napapahalagahan ang paggamit ng matatalinghagang salita at simbolismo sa tula.
c) Nakagagamit ng mga matatalinghagang salita at simbolismo sa pagbuo ng isang tula.

II: Nilalaman:

A. Tema:
a.1 Paksa: Panitikan: “Hele ng Ina sa kanyang Panganay” Isinalin sa Filipino ni: Mary Grace A. Tabora
Gramatika/Retorika: Mga Matatalinghang Salita at Simbolismo

a.2 Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahahalaga sa mga


akdang pampanitikan ng Africa at Persia
a.3 Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang
bansa batay sa binasang akdang pampanitikan

B. Yugto ng Pagkatuto:

Aralin 3.4
Araw: Ikatlong Araw
Kagamitan:
 Aklat
 Gabay ng Guro
 Kartolina
 Kagamitang Biswal
 Laptop
 Larawan
 Pentel Pen
 Projector
 Rubics Cube
 Sipi ng Akda

C. Sanggunian:

 Panitikang Pandaigdig, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 10, pahina 274-288,


 Gabay ng Guro: pahina 110-113
III: Pamamaraan:

Gawain ng Guro: Inaasahang sagot ng Mag-aaral:


A.Panimulang Gawain:

1.Panalangin:

 Andrei, maari mo bang pangunahan ang panalangin (Pupunta sa hara pang mag-aaral at
natin sa klase. sisimulan ang panalangin)
2. Pagbati at Pagsusuri ng mga liban:
 Magandang Umaga!
 Magandang Umaga rin po!
 Bago kayo umupo pulutin muna ang kalat sa paligid
at ayusin ang mga upuan. (Pupulutin ang mga kalat at aayusin ang mga
upuan.)
 Klas, kamusta ang inyong umaga? Handa na ba kayo
sa pagtuklas ng bagong kaalaman ngayon araw?  Opo, Ma’am.

 Mga lider ng bawat pangkat sino ang lumiban sa


inyo?
 Ma’am, kinagagalak ko pong ipaalam sa
inyo na wala pong lumiban sa aming
 Ikinagagalak kong malaman na walang lumiban sa pangkat.
ating klase, natitiyak kong magiging maayos at
maganda ang ating talakayan ngayong araw.

4.Pagbabalik-aral:

 Ngunit bago tayo pumalaot sa panibagong paksang


ating tatalakayin ngayong araw, magbalik-aral muna
tayo sa nakaraang talakayan.

 Sa ating pagbabalik aral tayo’y maglalaro ito ay


pinamagatang “PASS THE RUBICS CUBE”.

 Pamilyar ba kayo sa larong ito?  Opo, Ma’am!

 Kung pamilyar kayo paano ito sinasagawa?  Ma’am maari pong pagpapasahan yung
Revekah? kahon po.

 Tama! Pero dito sa ating laro hindi lang basta


ipapasa ang rubics cube, dahil kapag tumigil ang
tugtog at hawak ninyo ang rubics cube kayo ay
inaasahang makabubuo ng tanong.

 Malinaw ba kung paano natin ito isasagawa?


 Opo, Ma’am!

 Kung ganoon simulan na natin ang ating laro.


(Pagpapasahan ang kahon ng mga mag-aaral)
*Mga Gabay na Tanong:
 Ma’am, ang sanaysay ay isang maikling
 Ano ang katuturan ng sanaysay? komposisyon na kalimitang naglalaman ng
personal na kuro-kuro ng may akda. Ito rin
ay ang pagtalakay sa isang paksa sa parang
tuluyan at sa malayang paraang
naglalantad ng kaisipan, kuro-kuro,
palagay at ng kasiyahan ng sumulat upang
umaliw, magbigay kaalaman o magturo.

 Ano ang dalawang uri ng sanaysay?


 Ma’am, ang dalawang uri po ng sanaysay
ay una ang pormal na sanaysay,
nagbibigay ng patalastas sa isang paraang
maayos bunga ng isang maingat na
pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari
at mga kaisipan. Samanatala ang impormal
na sanaysay ay nagbibigay-diin sa isang
estilong nagpapamalas ng katuhan ng may
akda.

 Ano ang kaibahan ng sanaysay sa iba pang  Ma’am, ang kaibahan po ng sanaysay ito
akdang tuluyan tulad ng talumpati? po ay may layuning na malibang,
magbigay impormasyon sa paraan ng
pagsulat. Samantala ang talumpati naman
po ay isinulat upang bigkasin ng
mananalumpati sa harap ng publiko sa
paraang masining o madaling maunawaan
ng mga tagapakinig.

 Mahusay! Kung gayon wala na bang katanungan sa


nakaraang aralin ating tinalakay?  Wala na po.

 Ngayon, natitiyak kong handa na kayo sa ating


panibagong paksang tatalakayin.

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
 Maglalaro ang tatlong pangkat ng tinatawag na
“Tablue” sa loob ng 2 minuto, na kung saan may
ilang senaryo na kanilang gagawin at tutukuyin ng
mga hurado kung ito’y akma o hindi akma.

 Ako ang magbibigay ng bawat senaryo sa inyong


pangkat. Ngunit bago natin simulan tignan ang gilid
ng inyong mga upuan, mayroon kayong makikita na (Titignan ng bawat mag-aaral ang gilid ng
mga bituing kulay asul.” kanilang upuan.)
 Ang mga may bituin na asul sa upuan ang
magsisilbing mga hurado sa gagawin nating laro.
Nakabatay sa mga hawak nilang “emoji” kung akma
o hindi akma ang senaryong ginawa ninyo.

-HINDI MASYADONG AKMA

-AKMANG-AKMA

*MGA SENARYO NA GAGAWIN NG


MGA MAG-AARAL:
UNANG PANGKAT: Inuugoy ng ilaw ng
ina ang kanyang
anak.
IKALAWANG Pinapangaralan ng
PANGKAT: ina ang kanyang itim
na tupang anak.
IKATLONG Tinitignan ng ina ang (Gagawa ng tablue)
PANGKAT: kaniyang munting
anghel.
(Gagawa ng tablue)

 Batay sa ginawa ng bawat pangkat, mga hurado (Gagawa ng tablue)


maari ninyo ng itaas ang mga “emoji” na sa tingin
ninyo ay karpat-dapat sa bawat pangkat,

 Sa unang pangkat?

 Sa ikalawang pangkat?

 Sa ikatlong pangkat?
(Itataas ang emoji)

 Batay sa ating ginawang laro, ano ang mahihinuha (Gagawa ang emoji)
mong kaugnayan nito sa ating panibagong aralin?
Fatima? (Gagawa ang emoji)

 Tama! Ang ating paksang tatalakayin ngayon araw  Ma’am, baka po tungkol ito sa mga
ay tungkol sa SIMBOLISMO AT matatalinghagang pananalita at
MATATALINGHAGANG SALITA. simbolismo kasi po napansin po namin
na yung mga salitang ginamit dito mga
halimbawa po ng mga ito.

C. Paglalahad ng Aralin:

 Ang SIMBOLISMO at MATATALINGHAGANG


SALITA ay ilan lamang sa mga elemento ng tula. Sa
ating gagawing pagtatalakay, matutuklasan ninyo
ang kahalagahan ng paggamit nito at pagpapahayag
ng mga ideya sa matatalinghagang istilo. Sa usaping
pampanitikan, ang paggamit ng SIMBOLISMO at
MATATALINGHAGANG PANANALITA ay
nagpapakita ng kahusayan sa isang akda kaya
masasabing ito ay isang sining.

 Upang higit na maging lubos ang inyong pag-unawa


dito, basahin ninyo ang isang tulang pinamagatang
“Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”.

 Magkakaroon tayo ng dugtungan pagbabasa sa ating


akda.
“Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”
Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga
mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
(Magkakaroon ng dugtungang pagbasa ang mga
Mangusap ka, aking musmos na supling.
mag-aaral)
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.

Kamay na magpapasaya sa iyong ama.


Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.

At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,


Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib.

At ang pagsulyap-sulyap sa akin.


Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.
Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal
sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”

Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng


kamalasan?”
Ang poo’y di  marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.

At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay


Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,

Maging sa iyong halakhak.


Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?

Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib


dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.

Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.


Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.

Maging maringal, aking supling na ninanasa.


Maging mapagmalaki  kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.

Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.


Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang
unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.


Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y  kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.


Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong
kabataan.

Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa


hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,

Ako’y wala nang mahihiling.

 Mga Gabay na Tanong:

 Sino ang persona ng tula? Ano ang kaniyang


pangarap?

 Anong kaugalian at kultura ng mga taga-


Uganda ang lumutang sa tula?

 Ma’am, ang persona po sa tulang ito’y ang


 Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan ina ng sanggol na may pangarap na maging
at katangian ng isang anak sa kanyang ama? matagtag sa buhay ang kaniyang anak at
huwag ito sumuko sa ano mang pagsubok
ng buhay.
 Bilang isang anak, Sophia may pagkakataon ba
naa nakita mo ang labis na pagmamahal sa
iyong ina? Ilahad ito.  Ma’am, isa po sa mga kultura nila ay ang
paniniwala na ang pagpapakabayani ay
isang paraan upang makatulong at sila’y
maging parte ng alaala ng mga tao.
D. Pagtalakay sa Paksa
Naniniwala rin sila na talagang utang ng
mga anak ang kanilang buhay sa mga
magulang lalo na sa kanilang ama.
 Balikan natin ang tulang ating binasa, naging
masining ba ang pagkakalahad ng tulang ito? Bakit?  Ma’am para po sa akin hindi po kasi may
ibang katangian po madalas ang anak na
hindi katulad sa kanyang ama.
 Tama! Anong taludtod sa tula ang makikitaan natin ng
matatalinghagang salit?  Ma’am meron pong pagkakataon kasi po
ang mama ko po siya lang po ang kasama
namin sa bahay nakikita kop o na labis
niya akong mahal sa pag-aasikaso at pag-
 Mahusay! Saan naman ang simbolismo rito? aalaga po sa aming mga magkakapatid.

 Opo, Ma’am. Sapagkat gumamit po ito


ng mga matatalinghagang salita at
 Batay sa inyong pagsusuri ano ang matatalinghagang simbolismo.
salita at simbolismo?
 Ma’am dito sa taludtod na Ika’y
biniyayaan ng mga matang naglalagablab
na tila sinasabi na ang mga mata ng
sanggol ay parang apoy na lumalagabgab.

 Ma’am dito po sa taludtod na ito, Ika’y


nahimbing, supling ng leon,
inihahalintulad po rito ang sanggol na
 Mahusay! Magbigay ng ilang halimbawa ng parang leon na maamo at mabait kapag
matatalinghagang salita. tulog ngunit may angkin tapang.

 Ma’am, ang matalinghagang salita po’y


tumutukoy sa mga salita na malalim o
hindi lantad na kahulugan. Samantala ang
simbolismo naman ay naglalahad ng mga
bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng
sagisag at mga bagau na mahiwaga at
 Magaling! Magbigay naman ng ilang halimbawa ng metapisikal.
simbolismo.
 Ma’am, ilan po sa mga halimbawa ng
mga matatalighagang salita ay una butas
ang bulsa na nangangahulugan na walang
pera. Sumunod ang ilaw ng tahanan na
nangangahulugan ng ina.
 Tama, ang simbolismo at matatalinghagang pananalita
ay ilan lamang sa mga elemento na tagalay ng isang
tula. Ngayon malinaw na ba ang ating tinalakay?

 Wala na bang katanungan?

 Ma’am, ang ilan po sa mga halimbawa ng


E. Pagpapahalaga: mga simbolismo ay una pusang-itim na
Panuto: Sumulat sa isang maliit na papel ng mga salitang nangangahulugan ng malas sumunod ay
maaring ilarawan sa ina. Gumamit ng mga bulaklak na nangangahulugan ng pag-
simbolismo at matatalinghagang salita. ibig.

 Opo, Ma’am.

 Wala na po!

F. Sintesis/Paglalahat:
Panuto: Gamit ang “Speech Balloon” sagutin ang mga
sumsunod na katanungan:
 Ma’am nagiging masining po ang
pagbubuo ng isang tula kung gagamit po
ng simbolismo at matatalinghagang salita
dahil ang mga ito po ang nagbibigay ng
kulay o kariktan dito.

F. Pagsasanay:
Panuto: Piliin ang angkop na matatalinghagang salita at  Ma’am, mahalaga po ito sa tula sapagkat
simbolismo na gagamitin sa pangungusap upang ito po ang nagbibigay ng ganda at
mabuo ang diwa nito. kariktan sa isang tula.
1) Si Leo ay isang (balat-sibuyas; balat-kalabaw) dahil
nanghahamblot siya ng pagkain na hindi sa kanya.
2) Si Marga ay (walang bituka; mahapdi ang bituka)
kaya ito ay umiiyak sa sobrang sakit.
3) Ang mga tao sa baryo ay mga (tulak-bibig; dalawa
ang bibig) kung kaya walang nangyayari sa kanilang
lugar.
4) Nasilayan ni Bea ang (bukang-liwayway; paglubog
ng araw) kaya ito’y nakaramdam ng kasiyahan.
5) Ang (aklat; espada) ang kaniyang magiging sandata
sa pagharap sa buhay.

G. Paglalapat
 Pangkatang Gawain:

 Bawat pangkat ay may nakalaang lugar kung saan


ninyo gagawin ang inyong gawain. Ito ay
tatawagin nating “Karunungang Destinasyon”

“Karunungang
Destinasyon”

 Sa pagkakataong ito, gusto kong makita ang


disiplina at kooperasyon ng bawat pangkat.
Mayroon lamang kayong sampung minutong
nakalaan para sa inyong gawain.

Mayroon akong inihandang pamantayan sa


pagmamarka ng inyong mga gawain.
*UNANG PANGKAT:
Nasusuri ang wastong gamit ng 80%
mga matatalinghagang salita o
simbolismo.
Naiulat ng maayos ang gawain. 20%
KABUUAN: 100%

*IKALAWANG PANGKAT:
Naibigay ang mga 50%
matatalinghagang salita at
simbolismo sa salitang nasa puso.
Nagamit ng mga 30%
matatalinghagang salita at
simbolismo
Naiulat ng maayos ang gawain. 20%
KABUUAN: 100%

*IKATLONG PANGKAT:
Mahusay ang pagkakabuo ng tula. 25%
Maayos na nagamit ang mga 40%
simbolismo at matatalinghagang
pananalita.
Maganda ang paraan ng 20%
presentasyon.
Nakapukaw ng interes at 15%
kawilihan sa mga manood.
KABUUAN: 100%

 Ang mga ito ang ating pagbabatayan sa


pagmamarka ng inyong mga gawain.
Naintindihan ba?

 Ngayon simulan na natin ang ating gawain.


Pumunta sa destinasyon bilang 1 ang pangkat
una, destinasyon bilang 2 sa ikalawang pangkat at
ikatlong pangkat sa destinasyon bilang 3

 Handa na ba kayo?

 Opo, Ma’am.

(Pupunta ang bawat pangkat sa kanilang mga


karunungan destinasyon.)
 Opo, Ma’am.

Palay: sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok


na kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa
kaniyang tagumpay.

Salapi-silaw: pagiging mukang pera


Kapus-kapalaran: mahirap
IV: Pagtataya:

A. Panuto: Basahin at kompletuhin ang isang saknong ng tula sa pamamagitan ng paglalagay ng wastong salita sa
patlang na makukuha sa katabing kahon.

Tinalunton, ang 1. ng kalikasan, Hangin


Ako’y 2. dumating, isang buhay. Tribo
Binuklod ng 3. ng mga ninuno, Bakas
Kami’y4. dumating,isang 5. . Leon
Kamay

B. Panuto: Basahin ang pangungusap. Lagyang T ang bawat patlang kung tama ang pagkakagamit ng mga
simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pangungusap at kung mali ilagay ang sa tingin mong tamang
sagot.

6. Ang ama ang tumatayong ilaw ng tahanan.


7. Ang magandang paru-paro ay pinapalimutan ng mga bulaklak.
8. Ang magkaibigan ay laging nag-aaway kaya sila’y nabansagang saggang dikit.
9. Tinatawag na itim na tupa si Leo dahil siya’y suwail na anak.
10. Nasilayaan ko ang bukang liwayway kaya ako’y nabuhayan ng loob.

V: Kasunduan:

Panuto: Sumulat ng isang tula para sa inyong ina. Gumamit ng mga matatalinghagang salita at simbolismo sa
pagsulat nito.

Inihanda ni:

JHOANA MARIE L. ARAGON


BSE IV- Filipino
Sinuri ni:

MARGIE D. IGROBAY
Gurong Tagagabay/ SST-III

Binigyang Pansin ni:

LUCY F. EVANGELISTA
SSHT-III/Fil.Dept

You might also like