You are on page 1of 5

GURO: ANJOE E.

MANALO ASIGNATURA: Filipino 10


GRADE 10
IKALAWANG ARAW MARKAHAN: Ikatlong Markahan
DAILY LESSON
PETSA:
PLAN
March,05 2024
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa akdang pampanitikan ng Africa at Persia
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa
kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang
pampanitikan.
C. Kasanayan sa Pagkatuto F10WG-IIId-e-74

Nabibigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa


akda
D. Tiyak na Layunin Nakakapigbigay ng nahinuha tungkol sa binasang akda.
Nakakagawa ng isang maikling kwento
Naipahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan
ng akda sa:
-sarili
-panlipunan
-pandaigdig
II. NILALAMAN Panitikan : Isang Maikling Kwento “ Ang Alaga” ni Barbara
Kimenye na Isinalin sa Filipino ni Magdalena 0. Jocson
III. KAGAMITAN SA PAGTUTURO Laptop, Power Presentation, YouTube, Filipino Modyul
para sa mga Mag-aaral.
B. Iba pang Kagamitang Panturo Index Card, Wordwall
IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik Aral sa Kahapon ay tinalakay natin ang aralin tungkol sa tula ng “Hele ng Ina sa
mga unang kaniyang panganay”.
natutuhan
Sino ang makakapagbahagi sa akin ng ilan sa mga naganap noong
nakaraan talakayan at ang kaniyang natandaan batay sa tulang
binasa/sinuri?

Sige nga, ikaw Janna wari ay malalim ang iyong iniisip diyan. Sir, nagparinig po kayo sa amin
ng isang awitin/hele at ito po ay
“Ugoy ng Duyan”
Mahusay!

May karagdagan ka ba, Jhared ano ang iyong nababatid? Ang akin naman po maidadagdag
Sir, ay iyong pagpupugay po ng
buwan ng kababaihan.

Magaling at iyan ang iyong nabahagi. Tama nga naman iyon.

Salamat sa ilang mag-aaral na nagbahagi ng kani-kanilang natatandaan sa


nakaraan nating talakayan

Minsan ba naranasan niyo na ang hanapin ang isang bagay na sa inyo ay


parang nawalala. Sa madaling sabi ito ay kinakailangan ninyo.
B. Paghahabi sa
layunin ng aralin Para sa ating gagawing aktibidad lilinangin nito ang talas ng inyong mga
(Pagganyak) mata at isipan upang mahanap ang mga natatagong salita na
hinahanap/kinakailangan.

HANAPIN MO AKO!
PANUTO: Hanapin ang ilang mga salita na may kinamalan sa magiging
talakayan.
Handa na po Sir!
Handa na ba kayo?

MAIKLING KWENTO

GGOMBOLA HEADQUARTERS

ANG ALAGA

KIBUKA

.
SULIRANIN

C. Pag-uugnay ng
mga halimbawa Para simulan ang ating bagong talakayan alamin muna natin kung ano nga
sa bagong aralin ba ang sinasabing Maikling Kwento.
(Presentation)
Ano ang Maikling Kwento?

Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na


naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong


Tagalog.

Makikibasa ako ng sunod na slide, Daverly Ayon kay Edgar Allan Poe na
Ama ng Maikling Kuwento sa
Ingles, ang maikling kwento ay
isang akdang pampanitikang likha
Ito ay nababasa sa isang upuan lamang, nakapupukaw ng damdamin, at ng guniguni at bungang-isip na
mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. hango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay.
Dadako naman tayo sa mga bahagi ng maikling kwento at ito ay nahahati
sa lima

Makikibasa ako ng limang bahagi Jeric Simula


Saglit na Kasiglahan
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas

Maraming Salamat Jeric

Ito ang limang bahagi ng maikling kwento:

Panimula
Ito ay ang elemento na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa kwento.
Mahalagang maging kapansin-pansin ito upang mabihag ang kawilihan ng
bumabasa.
Saglit na kasiglahan
Ito ay elemento ng maikling kwento na naglalarawan ng simula patungo sa
paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Dapat maging kaakit-
akit ang bahaging ito sa bumabasa at madama niya ang magaganap na
pangyayaring gigising sa kanya ng isang tiyak na damdamin.

Kasukdulan
Ito ay ang bahagi ng kwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan.

Kakalasan
Ito ay ang panghuling bahagi ng kwento na kaagad sumusunod sa
kasukdulan. Ito ay dapat pahabain at bigyan ng paliwanag. Ipaubaya sa
mambabasa ang pag-iisip at hayaang siya ang magbigay ng wakas sa
kwento.

Wakas
Ito ang katapusan o ang kahihinatnan ng kuwento.
D. Pagtatalakay ng Babasahin ang maikling kwento na “ Ang Alaga” sa journal sa pahina 29.
bagong
konsepto at Makinig ng may pag intidi, Naiintindihan ba? Naiintindihan po Sir!
paglalahad ng
bagong Batid ko sa ating ginawang dugtungang pagbasa ay may nalaman naman
kasanayan (1) ang klase. Kaya ang lahat ay maghanda at sagutan ang ilang gabay na
tanong.

- Bakit hindi masayang pangyayari para kay Kibuka ang


pagreretiro? Anong katangian niya ang ipinapahiwatig dito?

Sige ibahagi mo ito Amanda.. Sir dahil po napamahal na po sa


sarili niya ang kaniyang trabaho
bilang kawani ng Ggogombola
Headquarters. At sa tingin ko po
hindi mapapagkatiwalaan ang
papalit sa pwesto niya dahil ito po
ay tamad at babae lamang ang
iniisip.
Maraming Salamat sa iyong kasagutan..

- Batay sa mga pangyayari sa akda, paano mo ilalarawan ang


isang alaga nang may pagpapahalaga?

Parang may nais sabihin si Andrei.. Ano iyon? Sa ipinakita po na pagmamahal ni


Kibuka sa kaniyang alaga batay
sa kwento ay talagang hindi
mapapantayan ipinaramdam po
niya sa alagang baboy yung pag
aalaga nito ng buong puso at
itinuring niya pa po itong anak.
Maraming Salamat sa iyong kasagutan..

E. Pagtatalakay ng PANGKATANG GAWAIN


bagong
konsepto at Gagawa ng isang maikling kwento ang bawat grupo gamit ang graphic
paglalahad ng organizer at ang nilalaman nito ay ang limang bahagi ng maikling kwento.
bagong
kasanayan (2) SIMULA
SAGLIT NA KASIGLAHAN/PATAAS NA AKSYON
KASUKDULAN
PABABA NA AKSYON/KAKALASAN
WAKAS
F. Paglilinang sa Para sa mas lalo niyong maintindihan ang inyong binasa o napaklinggan
Kabihasnan na maikling kwento na “ Ang Alaga”. Sagutan ang mga gabay na tanong
(Tungo sa sa inyong Journal sa pahina. 32 C. PAG UNAWA NG BINASA.
Formative
Assessment)
G. Paglalapat ng Para sa karagdagang gawain mayroon akong ditong inihandang aktibidad
aralin na nais ko ipagawa sa inyo.
(Application/
Valuing) Handa na ba kayo! Handa na po kami Sir!

GAWAIN: MR & MRS. Q&A


Panuto: May iikot na korona at kung sino ang pipiliin ng korona ay siya
ang sasagot ng mga katanungan.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Sabihin ang suliraning


kaniyang kinaharap sa nasabing kwento?
Sige ikaw nga John Paul.. Sir si Kibuka , at ang napansin ko
po na suliranin ay ang
pagkamatay ng kaniyang alagang
baboy.
Maraming Salamat sa iyong pagbabahagi..

2. Sa huling parte ng kuwento kung saan namatay ang alaga ni


Kibuka ano yung nangibabaw na damdamin para sa inyo?

Dahil ikaw ang pinili ng Korona Juan Emmanuel.. Nalungkot at naawa po ako kay
kibuka sa kadahilanang,
napamahal na po si Kibuka sa
alaga niyang baboy at dahil
lamang po sa di inaasahang
pangyayari ay namatay po ito.
Napakaganda naman ng iyong ibinahagi Juan Emmanuel, Maraming
Salamat.

H. Paglalahat ng Bilang isang mamamayan, paano mo ipapakita ang iyong pagpapahalaga


Aralin at pagmamahal sa mga hayop?
(Generalization)

Maari ka bang magbahagi Czedrick Sir, ako po kasi ay may alagang


aso sa amin kaya alam ko ang
pakiramdam na may pagmamahal
sa hayop. Ang akin pong
ginagawa ay pinapakain ito sa
tamang oras at binibigyan ng
sapat na atensyon. Yun lamang
Maraming Salamat sa iyong pagbabahagi po sir.
I. Pagtataya ng Panuto: Ipahayag ang iyong damdamin at saloobin batay sa sumusunod
Aralin na pahayag sa akda at tukuyin ang kahalagahan nito sa sarili, Lipunan at
daigdig.

PAHAYAG DAMDAMIN/ KAHALAGAH


SALOOBIN AN

1. Isang
mapagkakatiwalaa
ng kawani si
Kibuka ng
Ggombala
Headquarters,
kahit siya ay
matanda na,
naniniwala siya na
hindi para sa
kaniya ang
pagreretiro.

2. Ngunit hindi
kailanman sumagi
sa isip ni Kibuka
na kainin ang
kaniyang alaga
kung kaya’t
hinayaan niyang
paghati-hatiin ito
ng kaniyang mga
kapitbahay.
J. Karagdagang Basahin at unawain ang akda na “ Si Pingkaw” ni Isabelo S. Sobrevega.
Gawain
(Assignment)
MGA TALA Panitikan : Isang Maikling Kwento “ Ang Alaga” ni Barbara Kimenye na
Isinalin sa Filipino ni Magdalena 0. Jocson

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mga-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa estratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ang
aking punongguro at supervisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

ANJOE E. MANALO
Gurong Sinasanay

Binigyang-pansin ni:

NOEL A. AGRAVANTE
Dalubguro II

Sinang-ayunan ni:

MARIA DOLORES R. CASTILLO


Ulong-guro II

You might also like