You are on page 1of 4

PAGSUSURING PELIKULA NG “MORE THAN BLUE”

I. Pamagat ng Pelikula

 More than Blue

II. Direktor ng Pelikula

 Nuel C. Naval

III. Tauhan

Pangunahing Tauhan

JC Santos bilang ( Charles Keith/ K)


Yassi Pressman bilang ( Sue Anne/Cream)

Katuwang na Tauhan

Diego Loyzaga bilang ( John Luis)


Marion Aunor bilang ( Bonnie)
Ariella Arida bilang ( Cindy)
Irma Adlawan bilang ( Mother K)
Soliman Cruz bilang ( Uncle Doctor)
Josef Elizade bilang (Eman)
Jennifer Lee bilang (Elaine)
Phoebe Walker bilang (Maggie)
Nicole Omillo bilang (Lisa)
Germaine De Leon bilang (Ivan Padilla)
Arvic Tan bilang ( Paul)
Jimmy Marquez bilang ( Amanda)
Jojit Lorenzo bilang ( Taxi Driver)
MJ Cayabyab bilang ( Ben)
Artemio Abad bilang (MTV Dorector/ Temi Abad)
Arnel Garcia De Vera bilang (Sound Engineer)
Mischa Clark bilang (Teacher)

IV. Uri o Genre ng Pelikula

 DRAMA
Sa pelikula ito ay umikot lamang sa buhay ng dalawang karakter na si K at
Cream. Patungkol ito sa dalawang taong nagiibigan na kalaunan ay sinubukan ng
mapaglarong tadhana, di nila iyon inaasahan na dadating pala sa kanila ang mga
ganong pagsubok. Napuno ng masidhing emosyon ang ilang pangyayari sa pelikula at
kahit ang manonood nito ay talagang magkakaroon ng pagkalumbay at kalungkutan,
dito masusukat kung gaano sila katibay upang mapaglaban ang kanilang
pagmamahalan sa kabila ng mga ilang pagsubok na kanilang kinakaharap. Hindi naging
biro ang mga pagsubok na iyon talagang kahit na dumating sila sa sitwasyong di nila
gusto hindi sila nag patinag. At sa huli, masasabi talaga na ang pagmamahalan ay may
hangganan gaano mo man kamahal yun taong yun, puno ng emosyon ang bawat scene
nina K at Cream. Lumaban sila pero talagang tadhana na ang naghuga sa kanila at
wala silang magagawa.

V. Tema ng Pelikula

- Ang pelikulang “More than blue” ay tungkol sa isang lalaki na mayroong


malalang sakit (terminal) at ang gusto niya lang ay makasama ang kaniyang
katipan hanggang sa dulo. Umikot lang ang pelikulang ito sa dalawang
karakter na si K At Cream naa magkasamang hinarap ang hamon ng tadhana
at makikita sa pelikulang ito kung ano ba ang ginawa nilang dalawa para
lang labanan ang mahirap na pagsubok sa kanilang buhay, kung naging
matatag ba silang dalawa sa pagharap at nakayanan ba nila ito. Masyadong
puno ng emosiyon kahit sino ang manunuod ng pelikulang ito ay talagang
maantig at mapapaluha na lang bigla. Napakaganda ng pelikulang ito ngunit
sa kabilang dako ay mayroong nakakasindak na plot twist sa dulo.
VI. Buod ng Pelikula

- Sa pasimula ng pelikulang ito ay, nakatamabay si K sa isang coffee shop


kasama ang kaniyang ka trabaho. Isa siya sa mga nasa recording studio na
doon ay gumagawa sila ng kanta at humahanap din sila ng mga music artist
na maaring magamit nila sa recording studio para sumikat. At isang araw,
nagkasalubong sila ni Cream sa loob ng coffee shop at agad naman
nahiwagaan si K sa kanya walang ano ano ay nilapitan niya ito at
nakipagkilala sa kaniya. Lumipas ang ilang araw ng pagkikilanlanan tuluyan
nan gang nahumaling si K kay Cream at napagdesisyunan ng dalawa na
maglive in para sa ikabubuti nila at di kalaunan naging music artist si Cream
sa recording studio nina K at patuloy silang gumawa ng kanta. Naging
masaya ang pagsasama ng dalawa na animo ay wala ng bukas ang kanilang
pagmamahalan. Ngunit isang araw, nagkalabuan silang dalawa sa isang
pangyayari sapagkat nakita ni Cream na kasama ni K yung dati niyang
kasintahan na si Bonnie noon pa man ay kilala na ni Bonnie si K lahat ng
napagdaanan ni K yung mga bagay na noon pa man ay lihim pa din kay K. Si
K ay nangulila na sa kaniyang mga magulang iniwan siya ng tatay niya at
kalaunan ay inabanduna ng kaniyang ina at mag isa siyang namuhay
hanggang ngayon. At ayon kinausap ni K si Cream pilit niyang inaayos ang
problema nilang dalawa labis na nasaktan si Cream, nagkalabuan pa din sila
at dun iniwan ni Cream si K. sa isang bar habang andoon si cream nililibang
ang sarili kasama ang mga kaibigan pinakilala nila si Luis isang mayaman at
dentista nakilala ito ni Cream. Nahulog ang loob ni Cream kay Luis sa labis
na kabaitan nito sa kanya siya ang pumalit sa pwesto ni K sa buhay ni
Cream. Naging masaya silang dalawa at sa kabilang dako nangungulila,
lumbay at pag-iisa ang nararamdaman ni K pero iniisip niya pa din kung
babalik ba sa kanya si K. Umaasa pa din talaga si K na makakausap niya ng
maayos si Cream at bumalik siya sa kaniya. Sa di inaasahang pagkakataon
nag kausap si Bonnie at Cream at sinabi ni Bonnie lahat lahat, biglang
napaisip si Cream na tama ba yung ginawa niya kay K. Habang nagluluto ng
hapunan si Cream para kay Luis bigla naming lumitaw si Luis at binigyan niya
ito ng promise ring sa pagkakataong ito di niya ito tinanggap. Isang araw
bago mangyari iyon, ay may masama ng nangyari kay K at dinala siya sa
ospital doon ay kinausap niya ang kaniyang lolo na doctor at sinabi niya kay
K na “ Malala na ang iyong sakit “ at tinaningan na nga siya ng buhay labis na
nalungkot si K ngunit ang sabi niya ay wag ito ipabatid kay Cream. Sa kabila
ng karamdaman na kaniyang dinadala ay iniisip niya pa din ang kapakanan ni
Cream, habang siya ay namamahinga ay nabigla siya na andoon na si Cream
sa tabi niya. Ngunit sa pagkakataong iyon ay huli na talaga para sa kanila.
VII. Epekto sa mga manonood

Isang nakakaantig at nakakapaluhang pelikula ang “More Than


Blue”. Punong puno ng emosyon ang bawat eksena at talagang
nakakadala ng damdamin habang ito ay pinapanood ng kahit sino man.
Lahat ay makakarelate sa istorya ng pag iibigan ni K at Cream mapatanda
man o ang mga kabataan sa kadahilanang ang mga manonood ay labis
na nahumaling di lang sa pelikula at ganon na din sa mga nagsipag-ganap
na mga batikan at sikat na artista. Walang tapon na mga karakter lahat
mayroong kanya kanyang eksena at talagang pinagisipan ng mga tao sa
likod ng kamera ang mga pagaksunod-sunod na pangyayari. Bawat
manonood ay makakaramdam na halong pagkalungkot at panghihinayang
patungkol na lamang sa pelikulang ito.

VIII. Dahilan ng Pagtangkilik ng Manonood

Ang nais ipabatid ng pelikulang ito para sa mga manonood ang “pag-
iibigan ng dalawang tao ay may hangganan”. Bawat eksena ay talagang may
halong sa totoong nangyayari sa mga nag-iibigan yung mga problema na
kakaharapin nila na magkasama kahit sino man ay makakarelate dun. Yung
paglalahad ng kwento ng buhay ni K at Cream ay talagang napakaganda ngunit
may malungkot na storya na nararanasan din ng ibang tao. Ang pag-iibigan nila
na siyang naging sentro ng pelikula sa paglalahad pa lang sa simula sa
pagharap nila sa suliranin na magkasama at sa panghuli na labis na ang lahat
ay magugulat. Ito ay nagpapatungkol lang na iisa lang ang buhay ng tao kaya
pumili ka ng karapat dapat na taong makakasama mo hanggang dulo. Andiyan
palagi para sayo para mahalin ka ng buong puso, tatanggapin ang pagkatao mo
at higit sa lahat kasama mo sa pagharap ng pagsubok na dumating sa inyo. Sa
hirap at ginhawa ay talagang di umalis sa tabi mo kasi alam niya na mahal na
mahal ka ng taong yun. Love is the precious things sa mundo at pinatunayan
talaga yan sa storya nina K at Cream naging matatag sila sa pagharap ng mga
problema nakayanan nila ito ngunit sa di inaasahan ang pagmamahalan pala
nilang dalawa ay may dulo/hangganan na ang tadhana ang nagtakda noon kahit
sila ay di nila napigilan. Ang pelikulang “ More than Blue” ay isang napakalungkot
na pelikula akala mo masayang storya ng nagiibigan akala mo lang pala.

You might also like