You are on page 1of 5

BAYABAT NATIONAL HIGH SCHOOL

2018-2019

Filipino

Pagsusuring Pampelikula

Ni:
Albert O. Quintos

Para Kay:
Bb. Jenny Lauigan
I. TUNGKOL SA PELIKULA
A. Pamagat ng pelikula
“Anak”
B. Direktor
Dinerek ni RORY B. QUINTOS, na isang batikang director na kinilala
bilang isa sa mga mahuhusay na director ng taon. Tumabo ng parangal ang
pelikulang ito na maaaring ihanay sa mga dakilang pelikula
C. Prodyuser
 Wan Allen-unit producer: Salon Films
 Trina N. Dayrit-producer
 Malou N. Santos-executive producer
 Charo Santos-Concio-executive producer
D. Pangunahin tauhan
 Josie- isang dakilang ina na nagtatrabaho bilang OFW sa Hongkong para
mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.
 Carla-panganay na anak ni Josie na nagrebelde sa akalang pinabayaan na
sila ng kanilang ina.
 Michael-lalaking anak ni Josie
 Daday-bunsong anak ni Josie
 Rudy-asawa ni Josie
 Lyn-matalik na kaibigan ni Josie na isa ring OFW sa Hongkong.
 Mercy- matalik na kaibigan ni Josie na isa ring OFW sa Hongkong

Tinuturan

 Vilma Santos - bilang Josie


 Claudine Barretto-bilang Carla
 Baron Geisler- bilang Michael
 Joel Torre Shiela-bilang Junsay
E. Tema ng pelikula

Ang tema ng pelikulang ito ay ang maipahatid sa mga manood, hindi lang sa mga simple
manonood kundi para sa mga manonood ng may kapamilyang OFW na sanay maintindihan nila
ang mga pinagdadaan nila doon, ang mga pagsubok na kinakaharap, and hirap na mawalay sa
pamilya sa Pilipinas at ang pagpapahalaga ng isang ina sa kanyang mga anak, na umalis siya sa
Pilipinas upang maging OFW para pa iahon niya ang kanilang buhay dito sa Pilipinas.Bilang
isang manonood, naiitindihan ko ang isang buhay ng OFW pero hindi gaanong naiintindihan
dahil ang hirap na dinaranas nila doon ay masmabigat kesa sa nararanasan natin dito sa Pilipinas,
karapatdapat talaga silang tawaging mga bagong bayani dahil sa kanilang paghihirap para sa
kadahilanang maiangat ang kanilang buhay at lalong lalo na para sa kanilang pamilya.
F. Buod ng pelikula

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong
Kong bilang domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya
upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa niya ito para
mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa
kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang
kanyang mga anak sa kanilang paglaki.

Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na


pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik,
hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang
bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla
(Claudine Barretto), na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap
ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas
ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang
pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng
bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni
Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing
pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi
sana niya.

Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad


ng anak niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang
nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla
ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa
pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak
at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng
ina.

Ang kwento ay kapanapanabik dahil ipinapakita nito kung ano ang nangyayari sa mga
OFW na umaalis papuntang ibang bansa at uuwi dito sa Pilipinas ng puno ng kasabikang makita
ang mga anak ngunit dahil sa matagal siyang nawala sa kanila at hindi na niya gaano kilala ang
kanyang mga anak.

Malalim ang hatid ng istorya dahil ito ay makatotohanan, ang fokus nito ay kung paano
mabigay ng ina ang kanyang pagkukulang sa kanyang mga anak upang bumalik ang loob ng mga
ito sa kanya. Ang paglabas ng mga tagong detalye sa pelikula ay mabagal ang pag usad pero
hindi masyadong nahuhulaan agad ang susunod na mga pangyayari dito. Ang pelikulang ito ay
dapat panoorin dahil pinapahalagan nito ang isang pamilyang at pinapakita ang isang tunay na
pamilyan pilipino.
II: MGA ASPETONG TEKNIKAL

A. Musika
 Jessie Lasaten
 Maganda at malinaw ang nilapat na tunog at ibinagay sa bawat eksena.
Lalo nitong binibigyan kahulugan ang mga kwento. Bagay din ito sa paksa
o tema ng pelikula.
B. Sinematograpiya
 Joe Batac
 Mahunas ang mga angulo ng camera dahil malinaw ang bawat eksenang
nagaganap at gumamit ng realistikong pamamaraan ng pag angulo ng mga
camera. Hindi nasusukat ang visual effects sa kagandahan ng pelikula
kundi kung paano ang kwento dumadaloy at kung paano gampanan ng
mga aktor ang kanilang papel. Kailangang ma adjust ang galaw ng aktor
dahil tinatawag rin itong chase scene sa mga pelikula.
C. Pagkasunod sunod ng mga pangyayari
 Ang pagkakaayos ng mga kaganapan ay maayos kung kayat malinaw at
naiintindihan ang bawat kaganapan.
D. Pagganap ng mga artista
Maganda ang pag ganap g mga artista. Ang kanilang ipinamalas na
emosyon at pagganap ay makatotohanan kung kaya’t lalong nabigyan ng buhay
ang bawat eksena.
E. Tagpuan
 Tahanan nila Josie

III: KAHALAGAAN PANGTAO

A. Paglapat ng realismo

B. Mga aral
Tayo’y naririto sa mundong ibabaw dahil sa ating mga
magulang.Lahat ng sakripisyo at hirap kanilang kakayanin alang alang sa
ikabubuti natin kung kaya’t atin itong pahalagahan.Wag natin waldasin
ang perang pinapadala sa atin sa walang ka kwenta kwentang bagay dahil
hindi natin alam kung gaano ito pinaghirapan ng ating mga magulang na
nagpapakahirap magtrabaho sa ibang bansa. Hindi natin alam kung gaano
sila naghihirap at nagsasakripisyo tayo’y mabigyan lamang ng magandang
kinabukasan.
C. Pananaw kabuuang
 Bilang isang anak matuto tayong respetuhin at intindihin ang ating mga
pinakamamahal na ina dahil hindi natin alam kung gaano kahirap ang
kanilang ginagawang trabaho para lang mabigyan tayo ng mabuting
buhay. At bilang kapalit ng kanilang hirap, mag aral tayo ng mabuti hindi
yong magrerebelde tayo at gagastusin sa walang kwentang bagay ang
pinaghirapan nilang pera.

You might also like