You are on page 1of 2

ANAK

Ang pelikulang anak na ginaganapan nina Claudine Baretto bilang Carla,


Vilma Santos bilang Josie, Baron Gaisler bilang Micheal, at Shiela Mae
Alvera bilang daday ay patungkol sa kwento ng isang OFW. Si Vilma Santos
o Josie ay muling umuwi sa Pilipinas matapos ang anim na taon sa
HongKong bilang isang domestic helper. Nagkaroon siya ng mapang
abusong amo roon.  Noong siya ay nasa paliparan pa lamang kita na niya ang
malaking pag babago ng kaniyang anak na sina Micheal at Daday. Nais
niyang magkaroon muli silang mag iina ng magandang samahan. Ang
kaniyang panganay na anak na si Claudine Baretto o Carla ay hindi na rin
maganda ang pakikitungo sa kaniya. Nalaman niya ang mga pagbabago sa
buhay ng mga ito. Nakita niya kung paano ang pag rerebelde ni Carla, nag
dadala ng lalaki sa kaniyang kwarto, naninigarilyo, nag iinom at mayroong
tatto. Hindi ito inaasahan ni Josie. Nalaman niya rin na nabuntis si Carla
hindi lamang isang beses. Nalaman niya rin na natanggal  ang kaniyang anak
na si Michael sa pagiging iskolar. Matapos ang isang nainit na
komprontasyon ipinakita sa pelikula ba bumalik muli si Josie sa ibang bansa
ngunit ngayon ay sumusulat na ang kaniyang mga anak sa kaniya. Naging
masaya ang kinatapusan ng pelikula. Ang direktor ng pelikulang ito ay si
Rory Quintos at ipinalabas ito sa masa noong May 10, 2000.

Ang pelikulang “Anak” ay isa sa pinaka maganda at kamangha manghang


obra sa larangan ng pelikulang Pilipino. Higit sa magandang aktingan ng mga
tauhan rito ang pelikula ring Anak ay nagbigay aral sa mga magulang na
OFW at sa mga anak ng mga OFW. Magaling ang pagkaka kwento sa
karanasan ni Josie sa Hongkong. Ito ay makatotohanan sapagkat bawat
Pilipino ay nakakaranas ng pag mamaltrato sa ibang bansa. Magaling rin ang
pagkaka kwento sa karanasan ni Carla sapagkat isa syang representasyon ng
mga kabataan ngayon. Karamihan ay nag rerebelde at nag bibisyo. Ipinakita
rito ang pagmamahal ng isang ina, Pag tanggap ng isang ina kahit ano pa man
ang kaniyang anak. 

Ang tauhang gumanap sa pelikula ay isa ring kamangha mangha sapagkat


ang bawat emosyon ay naparamdam nila sa atin kung ano ang tunay na
nararamdaman ng bawat isa sa kwento. Ang takbo rin ng istorya nito ay
aking naibigan sapagkat napakamakatotohanan ng bawat pangyayari rito.
Simple lamang ang pagkakabuo ng pelikulang ito mula sa mga lugar na
pinagkunan ng mga eksena hanggang sa mga awiting maririnig sa mga
madadramang eksena ay naging angkop naman sa mga dapat maganap at
nagaganap. 

Ang pelikulang ito ay nag bigay ng luha at aral sa bawat manonood. Isa sa
aking dadalhin bilang isang kabataan ay matutong intindihin ang sakripisyo
ng bawat ina at amang nasa ibang bansa. Sa panahon ngayon dapat ay
maging praktikal na tayo sa bawat desisyon sa ating buhay. At ang
pagmamahal ng isang magulang ay walang katumbas at hindi mapapantayan
ninuman.

You might also like