You are on page 1of 9

CAREGIVER

GAWAIN 1
Sumulat ng Iskrip: Chris Martinez
Direktor: Chito S. Roño

Buod:
Si Sarah (ginampanan ni Sharon Cuneta) ay isang guro
sa Pilipinas habang ang kaniyang asawa na si Teddy
(ginampanan ni John Estrada) ay namalagi sa London
para mag-trabaho bilang nurse. Iniwan ni Teddy si Sarah
at ang kanilang anak na si Paulo (ginampanan ni John
Manalo). Si Sarah ay mapropromote na sana bilang
koordineytor ng English department ng kanilang
eskuwelahan nang tumawag si Teddy para ayain si
Sarah na mamalagi na rin sa London para sila ay maka-
ipon ng pera. Dahil doon, nagawang iwan ni Sarah si
Paulo sa Pilipinas at lumipad papuntang London upang
mag trabaho.

Nang siya ay makarating sa London, nakita niya na


maganda ang pamumuhay ni Teddy dahil mukhang
mamahalin ang mga gamit na nasa kaniyang inuupahan
na apartment. Para siya ay makahanap ng trabaho,
ginawan ng ka-trabaho ni Teddy na mabigyan ng
interview si Sarah sa isang home for the aged. At bilang
isang guro ng Ingles sa Pilipinas, siya ay agad nakapasok
sa trabaho bilang caregiver. Sa una ay mahirap ang
kaniyang trabaho dahil hindi siya sanay sa ganoong
larangan, pero siya ay pursigido para maka-ipon ng pera
kaya itinuloy niya lang ang pagtatrabaho, hindi na
lamang pinapansin ang diskriminasyon. Dahil sa
kaniyang dedikasyon ay na-promote siya sa posisyong
may mas mataas na bayad, at doon siya na-assign kay
Mr. Morgan, isang tycoon. Noong una ay hindi sila
magkasundo, ngunit sa huli ay naging magkaibigan na
sila. Nakilala niya rin si Sean (ginampanan ni Makisig
Morales), isang bata na nakita niyang nagnakaw ng
tsokolate. Matapos ang ilang araw, nalaman ni Sarah na
hindi pala nagtatrabaho bilang nurse si Teddy sa ospital,
siya ay nagtatrabaho bilang taga-kuha ng mga
laboratory results, taga-ayos at taga-linis ng ospital.
Doon pinanghinaan ng loob si Teddy dahil si Sarah ay
mas nakaka-angat na sa kaniya kahit siya ang mas
matagal nanatili sa London. Nauwi si Teddy sa pagiging
manginginom. Dumating ang isang kapamilya ni Mr.
Morgan at ang tingin niya kay Sarah ay mababa, dahil
dito ay nag-desisyon na umalis ni Sarah at hindi na
muling alagaan si Mr. Morgan. Sumama ang loob ng
matanda at mas lumala pa ang sakit kaya ang ginawa ni
David, kamag-anak ni Mr. Morgan, hinanap niya muli si
Sarah at napilitang bumalik. Di nagtagal ay namaalam
na ang matanda kaya napag isipan ni Sarah na bumalik
na lang sa Pilipinas. Habang sila ay nasa airport ay
sinumpong na naman si Teddy ng pagiging masama ang
ugali kaya napagtanto ni Sarah na iwan siya at manatili
sa London kasama ang anak na si Paulo at si Sean na
kaniyang inampon na.

Direksyon:
Simula pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng
maayos nadaloy ng mga pangyayari. Dahil dito,
masasabing naging matagumpay ang direksyon ng
pelikulang ito. Litaw na litaw ang kontrol ng direktor sa
tagpuan,pagganap ng mga artista, posisyon o galaw ng
kamera, pagsasaayos ng banghay, at Naipakita ang
pagtatagumpay ng karakter sa desisyong binitawan at
pinanindigan niya. Sa lahat ng ito, masasabing
nagtagumpay ang direktor na maabot ang
orihinalnitong layunin. Hindi lamang ito nakapag-abot
ng mahahalagang impormasyon nagiwan din ito ng aral
sa buhay ng tao.

Siniematograpiya:
Ang pelikulang Caregiver ay masasabi ko talagang
napahanga ako ng lubos. Ang pelikulang ito ay noong
taong 2008 pa ngunit maasabi kong isa ito sa mga
pelikulang kung saan unang umosbong at mas
namayagpag ang paggamit ng maayos na daloy at
maganda naipakita ang bawat tagpo at eksena.
Pagganap ng mga Artista:
Sharon Cuneta bilang ( Sarah Gonzales ) - Isang guro sa
pilipinas na nakipagsapalaran sa pagiging isang
caregiver sa London.
John Estrada bilang ( Teddy Gonzales ) - Asawa ni Sarah
na nagtatrabaho bilang nurse sa London na mataas ang
pride at puno ng bisyo at makasarili.
Rica Paralejo bilang ( Karen ) - Isang kaibigan at
katrabaho ni Sarah sa London na siyang naging susi at
nagrecomenda kay Sarah para makapagtrabaho bilang
isang caregiver.
John Manalo bilang ( Paulo Gonzales ) - Ang nagiisang
anak ni Sarah na naiwan sa pilipinas.
Makisig Morales bilang ( Sean ) - Batang nagnakaw ng
pagkain.
Mickey Ferriors bilang ( Julia ) - Nakakabatang kapatid
ni Sarah.
Lotlot Leon bilang ( Betty ) - Isang ina ni Alvin at tiyahin
ni Paulo sa pilipinas na bungangera.
Saul Reichlin bilang ( Mr.Morgan ) - Isang matandang
mayaman na inaalagaan ni Sarah.
Mathew Rutherford bilang ( David Morgan ) - Ang anak
ni Mr. Morgan.
Aaron Villaflor bilang ( Alvin ) - Pinsan ni Paulo.
Jhong Hilario bilang ( Joseph ) - Isang dating doctor sa
pilipinas na naging nurse sa London.
Anita Linda bilang ( Lola ) - Ang inaalagaan na lola ni
Sarah.

Paglapat ng Tunog:
Naging epektibo naman ang paglapat ng tunog at
musika sapagbuo ng pelikula. Sa pamamagitan ng mga
ito, mas nadarama ang emosyong taglay ng mga
artistang gumanap sa pelikulang ito. Malinaw at
maayos ang daloy ng musika at tunog sa pagpapadama
ng tunay na nais iparating ng kwento sa mga manonood
at tagapakinig.

GAWAIN 2
1. Ang pinakanagustuhan ko at pinakanaantig ako sa
kwento ay isang ina na handang isakripisyo lahat
makamit lang ang magandang buhay para sa kanyang
anak at pangalawa ay kinuha niya ang anak niya at
dinala niya sa London para makasama niya ito at Don na
manirahan kasama ng anak para may maganda itong
maging kinabukasan.
2. Ang pangunahing pokus ng pananaliksik na ito ay
sumusuri sa kasiyahan sa trabaho ng mga tagapag-alaga
sa loob ng isang kultural na konteksto. Ang layunin ng
pananaliksik na ito ay imbestigahan kung may mga
pagkakaiba sa kasiyahan sa trabaho sa pagitan ng
Taiwanese at Filipino caregiver.
3. Ang pelikulang ito ay nagbigay diin sa
pakikipagsapalaran ng ating mga kababayan upang
mabigyan ng magandang buhay o kinabukasan ang mga
minamahal sa bayang pansamantalang iniwan. Ito ay
patungkol sa mga OFW’s o Overseas Filipino Workers na
nagtitiis sa mga hirap na nararanasan nila at sapatuloy
na pagkayod para sa ikabubuti o kapakanan ng kani-
kanilang pamilya.Napagtuunan dito ang
transpormasyon ng mga indibidwal tungo sa ikauunlad
o ikababagsak ng kanilang pagkatao. Una, sa parte ni
Sarah (Sharon Cuneta), mula sa nakasanayan niyang
pagsunod sa bawat kagustuhan ng kanyang asawa ay
nabago niya ang takbo ng kanyang buhay malaya siyang
nakapagpasiya para sa alam niyang mas makabubuti sa
buhay niya. Sa kabilang banda, mula sa nasimulang
determinasyong gumanda ang buhay, naipakita ni
Teddy (John Estrada) ang isang nakakabiglang
pagbabago, at ito ay ang desisyon niyang sumuko na sa
trabahong sa tingin niya ay hindi naman karapat-dapat
sa kanya. Bukod pa rito, natalakay rin ang mga
katangian ng isang tunay na Pilipino.Isa sa mga ito ay
buong pusong pagbibigay serbisyo, pagtulong sa abot
ng makakaya, paggalang sa kapwa, at higit sa lahat, ang
pagkapit sa tamang paniniwala o ang pagsulong sa
tamang prinsipyo. Ipinakita sa pelikulang ito ang
realidad ng buhay sa kabila ng mga paghihirap at
problemang kinakaharap. Ang pamumuhay nina Sarah
at Teddy sa United Kingdom sa kabila ng matinding
pagtitiis sa hirap, ang pagsasakripisyo ni Sarah para sa
pamilya, lalong lalo nasa kanyang anak na si Pau (John
Manalo), ang pagpupursigi ng iba pang pangunahing
tauhan sa trabaho sa UK, at ang pagharap ng bawat
karakter sa mga problemang dumadagsa sa kanilang
buhay ay ilan sa mga katibayan na ito ay naging tunay
at may matapat na paksa.

You might also like