You are on page 1of 1

Komposisyon:

Nagpakita ng magaling na pagganap sa mga karakter sina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Nabigyan ng
hustidya ng dalawang aktres ang kung paano umakto at kumilos ang kanilang mga karakter at
naipamalas rin nila ang pagkabihasa sa drama na bunga ng kanilang ilang taon na pag-arte bagaman mga
batikang actor na ang kanilang nakasama sa pelikula. Ngunit sa kanilang dalawa, mas nakuha ni Kathryn
ang tamang timpla para makuha ang loob ng manonood sa pagkakaroon ng mas magiliw na karakter
kaysa sa karakter na ginampanan ni Julia na puno ng galit at inggit.

Galaw:

Ang pelikula ay binubuo ng samu’t-saring emosyon mula sa mga tauhan kung kaya marami ang POV
shots na makikita upang maipakita at maipadama kung ang karakter ay masaya, natatakot, galit o iba
pang emosyong kinakailangan. Bukod sa POV shot, kapansin-pansin din ang paggamit ng Over the
Shoulder Shot sapagkat ang pelikula ay nais ipakita ang komunikasyon ng mga karakter. Sa kabilang
banda, namutawi ang panning na galaw ng kamera sa kabuuan ng pelikula.

Tunog:

Ang karamihan sa tunog na ginamit sa pelikula ay may kinalaman sa tubig dahil ang mga tagpuan sa
palabas ay may element ng tubig. Halimbawa ng mga ito ay ang tirahan ni Joana (Kathryn) ay sa tabing-
dagat, sa dagat rin huling nakita si Joanna (Kathryn) bago siya mawala at sa isang swim fest muli nagkita
si Joanna (Kathryn) at Jessica (Julia).

Musika:

Bunga ng genre at tema na nais ilarawan ng pelikula, karamihan sa musikang ginamit ay umaantig sa
puso, mabagal at instrumental. Ang mga eksenang ginamitan ng musika ay pawang mga pag-haharap ng
dalawang bida.

Direksyon:

Lumabas sa pelikulang Way Back Home ang pagkabatikan ni Dir. Jerry Lopez Sineneng sa genre ng
drama. Ang mga mabibigat na eksena ay damang-dama at punong-puno sa emosyon. Naipalabas rin ni
Sineneng ang kahusayan sa parte ng mga tauhan. Ngunit sa kabilang banda, may ibang eksena na hindi
nakatulong sa pagbuo ng kasukdulan ng istorya gaya na lamang ng pangalawang banghay na tungkol sa
lihim na pagtingin ng kaibigan ni Joanna sa kanya. Isa pa sa mga naging problema sa pelikula ay ang
karakter ni Jessica (Julia), kontra ang ipinapakita ng kanyang karakter bago at pagkatapos matagpuan si
Joanna (Kathryn). Nung una ay sabik siya na makasama ang kanyang kapatid at lagi pang laman ng
kanyang mga akda ngunit ng nariyan na ang kanyang kapatid ay bigla na lamang namuo ang galit at
inggit na hindi nabigyang pokus sa istorya. NAgmistulang namadali ang pagbuo ng tunggalian sa pagitan
ng bida at mas binigyang pansin ang kasukdulan ng kwento.

You might also like