You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Region V
Bicol University Polangui Campus
SY 2021-2022

Kathleen B. Borja BTLED 2B May 10, 2022

I. PAMAGAT NG PELIKULA

AVATAR
Ang paggamit ng pelikula ng avatar ay malapit na kaugnayan sa orihinal nitong kahulugan. Ito ay
isang salita na nangangahulugang reincarnation at hindi palaging nangangahulugang isang kinatawan ng
Diyos sa lupa. Nangangahulugan lamang ito na ang isa ay nasa ibang anyo. Sinabi ni Cameron na ang
pamagat ng pelikula ay isang subconscious reference sa India. Ang avatar sa Sanskrit ay nangangahulugang
reincarnation.

II. DIREKTOR NG PELIKULA


James Cameron

Si James Cameron, (ipinanganak noong Agosto 16, 1954, Kapuskasing, Ontario, Canada), Canadian
filmmaker na kilala sa kanyang malawak na pananaw at mga makabagong special-effects na pelikula, lalo
na ang Titanic (1997), kung saan nanalo siya ng Academy Award para sa pinakamahusay na direktor, at
Avatar (2009).
Si Cameron ay nag-aral ng sining bilang isang bata; kalaunan ay ibinigay niya ang mga guhit na
kilalang-kilala sa Titanic. Noong 1971 lumipat ang kanyang pamilya sa California. Pagkatapos mag-aral ng
physics sa California State University sa Fullerton, nagtrabaho si Cameron sa isang serye ng mga trabaho,
kabilang ang machinist at driver ng trak, bago ang panonood ng Star Wars (1977) ay nagbigay inspirasyon
sa kanya na subukan ang kanyang kamay sa paggawa ng pelikula.

III. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PELIKULA

Ang pelikulang “Avatar” ay inilabas noong 2009. Ang Avatar ay isang science fiction na muling
pagsasalaysay ng kasaysayan ng North at South America noong unang bahagi ng kolonyal na panahon.
Malinaw na tinukoy ng Avatar ang panahon ng kolonyal sa America, kasama ang lahat ng labanan at
pagdanak ng dugo sa pagitan ng mga aggressor ng militar mula sa Europa at ng mga katutubo. Ang Europe
ay katumbas ng Earth. Ang pelikula ni James Cameron ay isa ring pagkilala sa isyung military ng estados
unidos at nakikita niya bilang mga moral na pagkabigo ng patakaran sa digmaan ng U.S. at ang hindi wastong
anti-intelektuwalismo ng mga konserbatibo at militar.

IV. BUOD NG PELIKULA

Si Jake Sully (Sam Worthington) ay isang retirong lumpong marino na may kakambal ngunitnamatay
ang kambal niya sa ingkwentro. Ang kambal niya ay sinanay sa paghahanda sa isangmisyon tungo sa
planetang planetang Pandora at dahil nga sa namatay na ang kaniyang kambalay siya ang papalit dito dahil
match ang kanilang genes sa ginawang AVATAR na katawan.Gumawa ang mga scientist ng katawang avatar
sa pagkat ang tao ay hindi makakahinga samundong Pandora at ginawa rin ito para makihalubilo ang
DREAMER (katawang avatar) parapag-aralan ang kultura at makuha ang kanilang tiwala. Si Dr. Parker ang
pumili kay jake parapumalit dito ngunit ayaw sa kaniya ni Dr. Grace ngunit sa kalaunan ay wala ng nagawa
si Drgrace kundi ang tanggapin si Jake. Sinimulan ang pagtetest sa katawan ni jake upang ilipat na
sakaniyang avatar. Hanga ang mga Doktor sa pagtakbo ng utak niya. At noong magising si Jake atnalaman
niyang nasa katawan na siya ng Avatar hindi niya mapigilang matuwa dahil siya aymuling makakalakad na.
Sinubukan niyang tumakbo at maglakad muli kahit ito ay bawal pa atwalang nakapigil sa kanya kahit na isa
sa kanyang mga kasama. Hanggang sa isinama ni Dr.Grace at ni Dr. Moore si Jake upang turuan ng ibang
pamamaraan sa katawan ng Avatar. At dahilsa kakulitan ni Jake nakasagupa niya ang isa sa pinakamabangis
na hayop sa mundong Pandoraat dahil dito ay nahiwalay siya sa kaniyang mga kasama. Hinanap nila Dr.
Grace at Dr. Moore sijake ngunit di na nila ito nahanap dahil kailangan na nilang bumalik sa base. Sa
paglalakad niJake sa gubat ay nakasagupa niya ang mala-asong lobo sa gubat ng Pandora at siya ay inatake
ngmga ito. Halos mapatay na siya nito ngunit dumating si Neytiri para siya ay iligtas. Si Neytiri ayanak ng
Pinuno ng mga Navi. Nagalit si Neytiri kay Jake sapagkat napatay nila ang ganitonghayop. Sa mundong
Pandora lahat ng mga nabubuhay ay may halaga sakanila. Balak na sanangiwan mag-isa ni Neytiri si Jake
ngunit lumapit kay Jake ang mga kumikislap na ilaw na gawa ni Eywa (pinaka dyos nila sa pandora). Isinama
ni Neytiri si Jake sa kanilang Tribo at pinakilala sakanilang pinuno na siyang tatay ni Neytiri bilang isang "sky
people". Hanggang sa doon napinatuloy si Jake at pinatulog sa kanilang tribo. At pagkapikit ng kanyang
mata ang siya namangpagbalik ni Jake sa kanyang tunay na katauhan. Kinabukasan pumunta sa base si Jake
paramagsabi ng mga impormasyon kila Colonel at Dr. Parker tungkol sa kung saan ang lokasyon ngtirahan
ng mga Navi. Sinabi ni Jake ito dahil hindi niya pa alam ang pakay nila Colonel at Dr. Parker at pinayuhan
nila si Jake na mas magmasid pa at pagaralan ang mga tradisyon ng mgaNavi para mas makilala pa nila ito.
Hanggang sa tinuruan ni Neytiri si Jake ng kanilang iba'tibang tradisyon at kultura, at dahil doon unting- unti
napamahal si Jake kay Neytiri at sa mgaNavi. Malaki na din ang tiwala ng lahat sa kanila dahil sa kanilang
mga pinapakitang kabutihan. Hanggang sa isang araw paggising ni Jake sa katawang Avatar nagulat ito
sapagkat nakita niyakung paano sirain ng mga kasamahan niya ang isang bahagi ng bundok sa Pandora.
Sinubukanniya itong pigilan dahil akala niya ito pa ay kanilang kakampi ngunit siya ay nagkamali dahilhind
nito pinansin. Patuloy ito sa pagsira na siyang ikinagalit ni Jake at naging dahilan parawasakin niya ang
kamera ng sasakyang panira sa gubat. Nalaman ng Colonel na si Jake angsumira sa kaniang plano at dito
nagalit si Colonel at siyang naging dahilan para pabalikin si Jakeat Dr. Grace sa kanilang tunay na katauhan.
Dito nagsimulang magplano sila Jake upangmatulungan ang mga Navi. Hinde rin nag paawat ang kampo
nila Colonel at Parker. Sakadahilanang nasira ang tirahan ng mga Navi, nagalit si Neytiri kay Jake at nawalan
ng tiwala.Upang makuha ulit ang tiwala ng mga Navi, kinuha ni jake ang loob ng pinakamabangis nadragon
sa Pandora. Sa paraang ito nagtulong tulong muli ang lahat ng ibat ibang lahi ng Naviupang sagupain ang
kampo ni Colonel. Sa huli, nagtagumpay ang mga Navi, sa tulong na rin ngkanilang Maharlika. Napatunayan
din ni Neytiri at Jake ang kanilang pagmamahalan na ito rinang dahilan upang magdesisyon si jake na maging
isang Avatar narin.

V. ELEMENTO NG PELIKULA

a. Mga tauhan
Sam Worthington bilang "Jake Sully"siya ang bida sa pelikula. Siya ay isang retiring lumpingMarino na
napili bilang parte ng isang misyon para sa programa ng Avatar matapos mamatay ang kanyang kapatid.
Siya ay napili dahil mayroon siyang kakayahan bilang isang military paratumulong at mabuo ang Novi
warrior Culture. At kalaunang umibig sa isang Navi nagngangalang Neytiri.

Zoe Saldanabilang "Neytiri"isa siyang anak ng pinuno sa tribo ng Omaticaya at nagkagusto kay Jake
dahil sa kaniyang katapangan at kakisigan.

Stephan Lang bilang "Colonel Miles Quaritch"pinuno ng RDA Mining Operations securityforces. Malupit
na kaaway ng mga Navi, sapagkat siya ang dahilan ng pagkasira ng kanilangtirahan at ibang lugar sa
Pandora.

Michelle Rodriguez bilang "Trudy Chaeon", isa siya sa mga tumulong upang maisakatuparanang mga
plano ni Jake at ni Dr. Grace sa pagligtas ng mga Navi sa kamay ng RDA (Resources Developmental
Administration).

Diovanni Ribisi bilang "Parker Selfridge"siya ay isa sa mga opisyal ng RDA na interesado saplanetang
Pandora.

Joel David Moore bilang "Dr. Norm Spellman", isa siyang xenanthropologist na nag- aaral ngkultura ng
Navi at siyang nagging parte ng misyon ni Jake sa pagprotekta at pag-alaga sa planetang Pandora.

Sigourney Weaver bilang "Dr. Grace Agustine", isa siyang xenobotanist at siya angnamumuno sa
programa para sa Avatar. Tinulungan niya si Jake sa pagprotekta sa mga Navi matapos malaman niyang
may masamang balak ang grupo ni Colonel Miles sa Pandora.

Wes Studi bilang "Eytukan", siya ang pinuno ng Omaticaya at tatay ni Neytiri. Sa ilalim ngkaniyang
pamumuno sinanay niya si Jake Sully upang matutunan ang kultura at pamumuhay ngmga Navi.CCH
Pounderbilang "Mo'at"siya ang spiritual leader sa tribo ng Omaticaya at asawa ni Eytukan. Siya ang
nagpahintulot kay Jake upang matutunan ang kanilang pamumuhay.

Laz Alonzobilang "Tsu'tey", isang mandirigma ng Omaticaya na handing ipagtanggol angkanilang planeta
laban sa mga sundalo ng RDA

b. Tema ng Pelikula

kolonisasyon at paglaban sa kolonyalismo

c. genre ng pelikula

Sci-Fi

VI. BISANG PANGKAISIPAN

Ano ang nais ipabatid ng pelikula?

Ang pelikulang ito ay nagbigay ng isang makabuluhang mensahe saakin na ang pagkakaugnay ng
buhay ay hindi lamang isang siyentipikong katotohanan, ngunit isang moral na halaga na dapat na
gumabay sa ating pag-uugali sa iba, tao at hindi tao.

VII. BISANG PANGKAASALAN


Dahil dito, mas humanga ako sa mga taong kahit na mayroon silang kapansanan ay nagagawa pa
rin nilang magmalasakit sa kapwa at magpatuloy na magpursige sa buhay.

VIII. BISANG PANDAMDAMIN

Sa pelikulang ito ay naipakita ng

IX. BISANG PANLIPUNAN

Ang pelikulang "Avatar" ay nagbigay aral sa atin na kahit ano mang kapansanan ang meron tayo
ay kaya pa din nating ipagtanggol ang ating sarili at ang ibang tao na naaapi. Katulad na lamangni Jake na
may nakita siyang binabastos at sinasaktan na babae pinilit niya pa ding ipagtanggolang babae dahil ayon
yung tama. Isa pa ay kailangan nating pahalagahan at pag aralan ang atingmga tradisyon. Tulad na lamang
ng mga Navi ay kanilang sinusunod at ginagawa ang kanilangmga tradisyon sa kanilang tribo dahil ito ang
makakabuti para sa kanila. At isa pa sa mganatutunan ko na wala sa itsura at estado ng buhay ang
pagmamahal. Dahil kapag nagmahal kakaya mong tanggapin ng buo ang taong mahal mo. At doon
mapapatunayan ang katatagan niyosa isa't isa. Tulad na lamang ni Jake at Neytiri kahit si Jake ay tao at si
Neytiri ay isang Avatarnatutunan nilang mahalin ang isa't isa. Dahil iyon ang kanilang naramdaman.
Natanggap nila angkanilang estado kahit sila ay magkaibang magkaiba. At ang panghuli ay kahit anong
mangyaringtrahedya sa ating buhay at problema ang dumaan sa atin kaya nating bumangon at magsimula
ngpanibagong buhay. Katulad na lamang ng mga Navi kahit ang kanilang kinikilalang tahanan aynasira
hindi pa din sila pinaghinaan ng loob at naghanap sila ng panibagong bahay na pwedengpagtirahan at
magsimula ulit ng panibagong buhay

X. TEORYA O DULOG NG PELIKULA

Ang pelikulang ito ay marahil na ginamitan ng Dulog “Marxismo” sapagkat ipinakita rin dito ang
dambuhalang korporasyong mina laban sa tribong Na`vi Tunggalian: Ang pagtutol ng Na`vi sa pagkamkam
ng korporasyon sa kanilang lupain. Bida ang Na`vi at kaalyado nila (Ang mga nagtraydor sa kanilang kauri)
Ginamit ng korporasyon ang pwersang military at superior na armas para gapiin ang Na`vi Gera ng Na`vi
sa korporasyon Tuloy ang laban ng Na`vi sa korporasyon bagama`t natalo sila sa round 1.

You might also like