You are on page 1of 2

|

Name: COPREROS, Benedic L.


Course/Year/Section: BSCrim 2 Sec 1

Pagsusuri ng Pelikula
I. Panimulaa.
a. Pamagat ng pelikula: Crazy Beautiful You
b. . Direktor: Mae Czarina Cruz - Alviarc. Pangunahing
c. Tauhan: Jackie Serrano
Kiko Alcantara
Dra.Leah Serranod.

d. Tema o paksa: Ang mga paksa sa pelikulang Crazy Beautiful you ay ang pag-ibig,
sakripisyo at ang pamilya.At isa din dito ang sakripisyo ng anak sa pamilya kung saan
ang mga anak ay hindi nabibigyan ng atensyon at ang mga anak ang nagsisilbing haligi
ng tahanan.Isa din dito ang paglayo ng loob ng anak sa magulang.Simple, ngunit
mahirap ang buhay sa Capas Tarlac kung saan nangangailangan ng libreng medical
mission,at mga gamot,wala ding kuryente.Ang pelikulang ito ay hindi lamang umiikot sa
bidang si Jackie, sa kanyang sama ng loob at pag-ibig. Umiikot din dito ang problema ng
ibang tao tulad ni Kiko at ang mga sakripisyo nito. Ipinakikita nito ang mga sakripisyo ng
bawat ta -mula sa maliit hanggang sa pinakamalaki.

II. SULIRANIN
a.) Saglit na kasiyahan:
Si Jackie ay isang pasaway na babae na lumaki kasama ang kanyang ama at malayo sa
kanyang sariling ina, madalas siyang nagiging sakit sa ulo sa kanyang ama dahil sa pagsunod
sa kanyang mga kalayawan. May isang aksidente ang naganap sa kanyang buhay at nagdulot
ng pagkakakulong. Hindi nagtagal ay nalaman ng kanyang ina ang nangyari at dali dali itong
pumunta kasama ang kanyang dating asawa (Ama ni Jackie) kung saan nakakulong si Jackie.
Hiwalay man ang kanyang magulang at kahit na dalaga na si Jackie ay pinag-aagawan pa din
siya ng kanyang mga magulang. Dahil nga sa pangyayari at dahil na din sa pag-uugali ni Jackie
napagkasunduan ng mga magulang niya na isama siya sa Medical Mission sa Tarlac.

b. Kasukdulan: Tumira si Jackie sa maliit na bahay o kubo na kung saan walang kuryente at
kasama rin niya ang dalawang bata.Doon niya napagtanto ang kahalagahan ng pamilya at
natututo rin siya maging responsable. Doon niya naranasan ang hirap ng buhay.

c. Tunggalian: Noong si Jackie ay sumali sa car racing nagkaroon ng tunggalian sa


magkaliwang panig. At noong nakulong si Jackie nagkaroon din ng tunggalian sa kanyan ina at
ama. Noong nakita niya ang kanyang ina na abala sa pag-aalaga ng mga batang may sakit ay
naiyak siya at nainis dahil hindi niya man lang naramdaman ang alagaan ng isang
ina.Hanggang sa napansin siya ng kanyang ina at nabigyan ang isa't-isa para mag-usap at
doon ipinalabas ni Jackie ang lahat ng sama ng loob tungkol sa mga naranasan niya noong
bata pa lamang nang wala ang kaniyang ina. Nang dahil daw sa hindi pagkakaintindihan ng
ama nito na nagdulot ng palagihang pag-aaway nila.

III. MAGBIGAY NG TATLONG (3) TEORYANG PAMPANITIKANG NAKITA SA PELIKULA O


KWENTO
1.) Teoryang Feminismo
Ang teoryang Feminismo ay ipinakita rin sa pelikulang ito dahil may mga gawaing
karaniwang ginagawa ng mga lalaki na ginagawa rin ni Jackie tulad na lamang ng pakikilahok
sa car racing. Ang car racing ay karaniwang ginagawa ng mga lalaki dahil ito ay lubhang
deligado ngunit si Jackie ay nagkaroon pa rin ng oportunidad na makasali rito.

2.) Teoryang Marxismo


ipinapakita din sa pelikula ang pagtutunggalian o labanan sa dalawang
magkasalungat na pwersa katulad ng mayaman at mahirap.

3.)Teoryang Klasisismo
L dito pinakita sa pelikula ang kahalagahan ng pamilya at katotohanan at mga
kabutihan na nagawa.malinaw na paglalahad ng mga detalye.

IV. WAKAS NG KWENTO


Nagkaroon ng hindi magandang epekto ang nangyari sa magkapatid na si Kiko at
Marcus at ito ay naging dahilan ng pag iwas ni Kiko kay Jackie, na naging dahilan ng pag-alis
nito sa lugar at pagbalik ni Jackie sa Maynila. Dahil sa mga naganap sa buhay ni Jackie habang
siya ay nasa Tarlac, madami siyang natutunang bagay at nabago nito ang kanyang ugali dahil
dito nagkaroon na ng tiwala ang kanyang kapatid at kanyang magulang sa kanya.
Sa kabila ng nangyari sa pag-iibigan ni Kiko at Jake ay binigyan pa din sila ng pagkakataon na
ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan sa tulong ng kapatid ni Kiko na si Marcus. Tinulungan
siya nito sa pamamagitan ng paghahatid ni Marcus sa kanya sa Maynila upang mahabol ni Kiko
si Jakie. Gusto sana isurpresa ni Kiko si Jackie kaso baka hindi sila magkita at hindi niya
maabutan ito, kaya tumawag siya kay Jackie at nakapagusap sila. Sakto naman na nasa iisang
lugar lang sila dahil sa matinding daloy ng trapiko. Si Kiko ay umakyat sa overpass upang mas
makita niya o siya ni Jackie. Hindi nagtagal nagkita rin sila.

You might also like