You are on page 1of 5

Pangalan : China Mei M.

Repique Baitang / Pangkat : Filipino II


FIL 106: UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN Instructor : Gng. Dela Cruz

Pagsusuring Pelikula

Rebyu ng Pelikulang "Anak"

I. Banghay o Kwento

Ang pelikulang Anak ay isang pelikulang Pilipino na pinagbibidahan nina Vilma


Santos sa pagganap kay Josie at Claudine Barretto sa pagganap naman kay Clara sa
direksiyon ng isang direktor na si Raymond Lee at Ricardo Lee. Ang pelikulang
pinakatanyag sa talikya noong 2000. Ito ay ipinalabas noong May 10, 2000 at pumatok
ito sa takilya na kumita 114 milyon sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang kwento ay tungkol sa inang OFW at naiwang pamilya sa Pilipinas. Tumatakbo
ang istorya sa relasyon ng mag-iina. Ang rebeldeng anak na may malaking galit dahil sa
kakulangan ng kalinga ng kaniyang Ina.
Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabahosa Hong
Kong bilang domestic helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng perasa mga anak
niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binangggit niyana ginagawa nya
ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.Bagamat siya ay
malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo atang kanyang pagnanais
na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki. Nagsimula sa isang masayang
mag-anak, nagkawatak watak ang buhay ng mgaanak ni Josie magmula ng yumao ang
kanilang ama na syang kasama nila sa bahay.Dito nagsimulang masuklam si Carla
(Claudine Baretto) sa kanyang ina. Nagpadalasila ng sulat sa inang nasa Hong Kong
upang malaman ang nangyari at nang syayumuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie
ang sulat dahil sya ay kinulong ngkanyang amo sa loob ng kanilang bahay nang silay
lumipad sa Estados Unidos ngisang buwan. Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang
buwan, ngunit hindi parin siya pinayagan ng kanyang among umuwi kahit magmakaawa
pa siya. Pagkaraan ng ilang taon, umuwi na rin si Josie. Nagawa nya ito dahilitigil na nya
ang kanyang trabaho sa Hong Kong. Nagnanais siyang magtayo ngisang negosyo na
kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan. Namuhunan silang tatlong taksi para ipasada sa
kalsada. Masaya ang kanyang pagbalik pagkaraan ng animna taong pangungulila.
Gayunpaman, naharap nya ang matabang na pagsalubong ngmga anak. Si Daday, ang
bunso, ay hindi sya kilala. Si Michael (Baron Geisler)ay mahiyain at walang kimi at si
Carla, na hindi man lang ginagalang ang ina atiniitsa-pwera lamang. Ninais ni Josie na
makuha ang simpatiya ng mga anak sa pamamagitan ng mgapasalubong. Hindi ito
tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-untinakikita ni Josie ang mga bisyo at
karanasan ni Carla, paninigarilyo, tattoo,paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag
ng bata. Dagdag pa dito angpagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang
pinakamatalino sa kanyangmga anak. Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at
iniwan siya ng isa sa mgakasosyo niya dahil nagastos niya ang perang ibabahagi sana
niya. Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko.Pinagtatabuyan
siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas si Carla sa bahayat lalong nalulong sa
kanyang bisyo. Nang mawala ang iskolarship ni Michael,nagsimula ng mag-init ang ulo
ni Josie dahil ang dami na ng kanyang binabayaran.Dahil dito, napahiya sa Michael sa
mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya.Lumayas din si Michael. Nagtuluy-tuloy ang
kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyanginimpok na salapi para sa kanyang
pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbaliksa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik
sa Hong Kong, napuno si Josie sapagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa
hanggang sa binuhos nyaang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras
na ito, namulat angmga mata ni Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at
wala na siyangmapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagpapalalo nya sa
kanyangbisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi
angnagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon,naintindihan rin
ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagamat malayo syasa kanilang tabi.
II. Tema
Maganda ang tema ng kwentong ito mapakasalukuyan man. Ang tema ay maaaring
sa bata, tinedyer, pangkasarian, at pang-matanda dahil ito'y pumapaksa sa relasyon at
pagsubok na mayroon ang isang pamilya tulad ng hindi pagkakaunawaan, sakripisyo,
pagmamahal at pagpapatawad sa isa't isa gaano man ang kakulangan at kasalanang
nagawa.

III. Karakter at Pagganap


Ang pelikulang ito ay pinag bibidanan ng dalawang dalubhasa sa pagganap ng
karakter na sila Claudine Barretto at batikang aktor na si Ms. Vilma Santos. Walang
kasing husay ang pagganap nila bilang mag-ina sa pelikulang anak. Kakakitaan na parang
tunay na nangyari sa kanila ang istorya dahil sa napaka-natural ng kanilang pag-arte. Ang
emosyon at kanilang awra ng mukha ay madaling matukoy ang emosyong nais ikintal na
tiyak na kakaantigan ng puso ang bawat manonood. Iisipin na walang iba pang aktor ang
mas babagay kundi sa kanilang pagganap lamang. Kapwa dalawa ay mahusay na
maipalamas ang kanilang pag bida sa dalawang karakter na hindi lamang basta
isinabuhay ang pagganap bagkus ay inakto nila na parang sila ay minsan ng nasa
sitwasyong iyon.
Nabigyang buhay ng dalawang artista ang karakter nila Clara at Josie na tila ay tunay
itong nangyari sa buhay bagaman ay tunay itong nangyayari sa buhay ng sa mga OFW.
Ang pag-hagulgol, binitawang salita, emosyon, gigil, at ekspresyon ng mukha ay
madadala at mabigat ang senaryo na mabubugso ang damdamin ng sinumang
nakapanood nito.

IV. Iskrip
Mahusay at maingat na pinili ng awtor ang diyalogo sa pelikulang anak. Mula sa
pagkakagawa ng banghay, narasyon, at diyalogo ng mga tauhan sa kwento ay
nakapupukaw sa pandinig ng mga manonood. Binigyang buhay nito ang pelikula dahil
ang iskrip ay siyang pinaka-kaluluwa ng isang lathalain. Sa pelikulang ito, maraming
linya ang tumatak sa masa na nagbibigay-aral sa lahat ng tao.
Ang ilang mga kilalang linya sa pelikulang anak ay, " Sana maisip mo kahit
kaunti, kung gaano kasakit sa akin ang mag-alaga ng mga batang hindi ko kaano ano
samantalang kayo, kayong mga anak ko hindi ko man lang maalagaan. Alam mo ba
kung gaano kasakit iyon sa isang ina? Alam mo bang gaano kasakit iyon? Kung hindi
mo ako kayang ituring bilang isang ina. Respetuhin mo man lang ako bilang isang
tao. Yung lang Carla… yun man lang" ang linya ni Vilma Santos ( Josie ) na tunay na
mapapaiyak ka sa bawat salitang kaniyang binibitawan na mas binigyang buhay niya ito.
Makatotohanan ang at tunay na kakaantigan ng damdamin ang linya mula sa
pelikula na masasalamin din sa mga pangyayaring tunay na nagaganap sa tahanan
partikular sa mga pamilyang naiwan ng mga OFW.
V. Sinematograpiya
Ang pagkuha ng mga pangyayari ay lumabas na natural mula sa iba't ibang anggulo
at pokus sa tauhan at galaw ng bawat karakter. Iba-iba ang ginamit na pamamaraan sa
pagkuha ng anggulo gaya ng pagpapalapit ng camera sa mukha upang makuha ang
emosyong pinakakawalan ng mga aktor sa pelikula. Ang pagpapalayo upang maipakita
ang lokasyon at eksaktong eksena o nangyayari sa kwento. Hindi lang iisang anggulo ang
kanilang kinukuhanan.
Sa pagkuha nila nito ay mas nailahad ng maayos at detalyado ang kaganapan o
pangyayari sa kwento na maingat na nakukuhanan ang emosyon at galaw ng karakter na
maingat na nakukuhanan ang emosyon at galaw.

VI. Musika
Ang pelikulang ito ay isang drama na sa tulong ng musika ay mas lalong pinabigat at
pinalakas ang kaganapan sa kwento. Maraming batuhan at masasakit na pangyayari ang
naganap sa pelikula at tinugmaan naman ng awiting malungkot upang makatulong sa
epektibong paglalahad ng matinding emosyon sa pelikula.
Isa sa mga kantang ginamit ay ang Anak na isinulat ni Freddie Aguilar isang kilalang
batikang OPM na mang-aawit at tagalikha ng OPM na kantahin. Ang kantang anak ay
akma at hulmado sa istorya ng isang anak mula sa kwento. Dahil dito, mas umantig ang
kwento dahil kapwa ay angkop at nagkugnay.

VII. Editing
Natural na inedit ang mga pangyayari maingat na isinagawa ang pag-cut at pagdugtong
sa susunod na pangyayari upang ang daloy ay buhay at diretso pa rin. Ang paglalapat ng
musika ang natural na itsura ng mga tauhan sa pelikula ang kalinawan at pokus ay
masining at maingat na naisagawa na isang dahilan sa pagpapaganda at natural na
palabas.

VIII. Kabuuang Direksyon at Produksiyon


Mula sa tagpuan, pinangyarihan, set-up, makeup ng artista, mga kagamitang kailangan
sa pelikula, ang pagsasaayos ng pwesto ng mga tauhan ay organisado at walang
pagkakamali dahil maingat itong pinag-aralan at pinagplanuhan na mas naging detalyado
ang nais ihatid at ikintal sa mga manonood. Mahusay na inangkla ang mga kaganapan sa
pagpili pa lang ng gaganap, payak na pinangyarihan ng kwento at sa pananamit ay
maayos na naisagawa.

IX. Aral at Pagpapahalaga


Sa kwento ng pamilyang ito ang aral maraming kapupulutan ng aral na para sa
bata, matanda, mag-asawa, at buong kasapi ng pamilya. Ang pagrespeto, pagmamahalan,
pagsasakripisyo, walang kasawaang pag-intindi, pagpapasalamat, pagpapatawad,
pagsisisi, at marami pang iba na leskyon na siyang tunay na nagaganap sa loob ng
tahanan.
Ang bawat karakter ay may dalang aral sa manonood mga ugaling dapat at hindi
dapat tuluran ay naipakita sa pelikula. Sa kabuuan, ang aral na makukuha ay ang
pagmamahal ng isang Ina sa anak, pagmamahal na walang hinihinging kapalit.

X. Rekomendasyon
Maayos at walang kapintasan ang buong takbo ng pelikula. Organisado mula sa
mga pangyayari, tagpuan, pagpili ng tauhan, tema, aral, aktor, cinematograpiya, iskrip,
banghay ng kwento, at editing ay mahusay na naisagawa. Lahat ng organisadong bumuo
sa pelikulang ito ay mahusay at tunay na may pagkakaisa dahil sa magandang takbo ng
lahat sa pagbuo ng pelikulang ito.

You might also like