You are on page 1of 2

Reaksyong Papel Ukol sa Pelikulang "Himala"

Ang pelikulang Himala ay naka-sentro sa buhay ng isang babae, si Elsa na


nakatira sa baryo sa probinsya, ang Barrio Cupang na pinaniniwalaang isinumpa dahil
sa nararanasang matagal na panahon ng tagtuyot. Si Elsa ay isa lamang normal na
residente sa lugar hanggang sa sinabi niyang kaniyang nakita ang ispirito ng Birheng
Maria at inutusan siya nitong manggamot ng mga may sakit.

Sa napakaikling panahon lamang, ang baryo ay nagsimulang magbago. Umiral ang


imoralidad. Nagpatuloy ang ganoong pamumuhay sa lugar hanggang sa ipinagtapat ni
Elsa ang katotohanang walang totoo sa lahat ng sinabi niya, na walang himala, mga
diyos at sumpa.

Ipinakita ng pelikula na ito ang mga bagay na maaari talagang mangyari sa totoong
buhay. Na ang bawat tao sa isang lugar ay pwedeng mabago nang kung sino at ano
ang nakapaligid rito. Nababago sila ng paniniwala, layaw, ganid at galit na sumisira sa
buhay ng marami.

Ang pelikulang ito ay isang napakahusay na sining sapagkat binibigyang diin niyo
ang mga kakayahan at sakripisyo ng mga kababaihan at kung paano sila nararapat na
itrato. Naipapakita rin kung ano ang papel nila sa komunidad. Mga karapatan na dapat
nilang tamasahin.

Bagamat ganon, naipakita rin rito ang pagkakait sakanila ng karapatan nila tulad na
lamang ng parte sa pelikula kung saan hindi nabigyang respeto ang kababaihan
matapos gahasain ang dalawang karakter rito, si Elsa at ang kaibigang si Chayong.
Maging ang mapayapa at masayang buhay, maging ang buhay, ay naipagkait sa
karakter nilang dalawa matapos magdalang tao si Elsa na ginawan nanaman ng
kasinungalingan ni Mrs. Abad at si Chayong naman na nagpatiwakal dahil sa dinanas
na hirap at trauma sa nangyari at ito ang senyales na nawalan na rin siya ng paniniwala
sa Diyos dahil sa nangyari. Ganun rin sa totoong buhay, ang kadalasang perspektibo
ng tao sa mga kababaihan ay pampalipas lamang ng layaw. Nagiging biktima ng
kahalayan. Ang respeto pa rin ang nararapat na mangibabaw sa lahat na ngayon ay
unti-unti nang nanawawala sa maraming tao.

Gayunpaman, marami ring eksena na may positibong pananaw ang naipahayag sa


pelikula at ang karamihan ay talagang akma sa tunay na buhay at nararapat na
maipahayag lalo sa mga seryosong usapin sa buhay.

Sa femenismong pananaw sa pelikula, ang mga kababaihan ay kasing lebel lang


halos ang kakayahan sa mga kalalakihan sa anumang aspeto tulad na lamang sa
kabuhayan at relihiyon. Halimbawa lamang na ang pitong apostol ni Elsa ay puro babae
na kung ihahalintulad sa totoong buhay, sa relihiyon, kalalakihan ang kadalasang
inirurururok sa matataas na posisyon at ang mga kababaihan ay naisasantabi sapagkat
iniisip ng marami na hindi nila kaya.

Magpasahanggang ngayon, sa tunay na buhay, pinagdududahan pa rin ang


kakayahan ng mga babae sa hanapbuhay, sa politika, sa gobyerno, at sa marami pang
aspeto ng buhay. Ngunit sa pelikula ipinakita na mas maunlad ang kabuhayan ng mga
kababaihan kaysa sa mga kalalakihan, na kahit pa mas mahina ang pangangatawan ng
mga babae, kaya nilang maging matagumpay sa sarili nilang kakayahan, sa sarili nilang
paraan. Ibang-iba ito sa pananaw ng mga Pilipino na kapag babae ka, sa bahay ka lang
at hindi mo kayang gampanan ang mga gampanin ng mga lalaki. Inilathala ng pelikula
ang kalupit ang buhay ng mga kababaihan sa buong mundo lalo na ng mga kababaihan
sa ating bansa.

Ang pelikulang ito ay isang magandang tulay upang buksan ang isipan na mga tao
at mapagtanto na pantay-pantay lang naman lahat ng tao kahit ano pang kasarian ang
meron ang bawat isa.

Maaaring may pagkakaiba-iba tayo ang bawat isa pero hindi ito dapat maging
hadlang upang magkaintindihan ang bawat isa. Walang mataas, walang mababa.
Walang malakas, walang mahina. Tama nga sigurong may sarili tayong kahinaan at
kalakasan, ngunit hindi ito nararapat gawing basehan upang magkaroon ng malaking
pagitan sa kababaihan at kalalakihan. Lahat ng bagay ay maaaring maisa-ayos. Lahat
ay posible dahil gaya ng pamagat nang pelikula, may himala pero sa tao lamang
naniniwala.

You might also like