You are on page 1of 4

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, matatagpuan ang pamaraang ginamit ng mga mananaliksik,

ang pamamaraan ng pangangalap ng datos, pagpili ng mga nagsisagot, instrumentong

ginamit, pagtitipon ng mga datos at estadistikal na pamamaraang ginamit. Masusing

pinili ng mga mananaliksik ang mga ginamit na instrumento at pamamaraan upang

maging mas kapaki-pakinabang ang pananaliksik na isinagawa.

Paglalahad ng Suliranin

Ang saliksik na ito ay naglalayong alamin ang antas at epekto ng makabagong

kagamitang pampagtuturo sa mga guro sa RTU-LHS. Gayundin ang kaugnayan ng mga

iyon.

Ang Descriptive Survey Research Design na gumagamit ng talatanungan ang uri ng

descriptive method na piniling gamitin ng mga mananaliksik upang mas lalong

mapagtibay ang mga datos na nakalap sa pag-aaral.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan bilang patunay at

mapagkukuhanan ng datos. Ang antas ng paggamit at antas ng epekto ng paggamit ng

mga makabagong kagamitang pampagtuturo ay napalitaw sa pamamagitan ng

paggawa ng Talatanungan. Kabilang dito ang iba’t ibang kagamitang pampagtuturo


upang masuri at magamit sa pag-aanalisa sa antas ng paggamit ng mga kagamitang

ito.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng SPSS upang makuha ang spearman rank

correlation. Ang programang ito ay may kakayahang mapadali ang pagkuha ng resulta

ng estadistikang nabanggit. Ang spearman rank correlation ay ginamit upang makuha

ang kaugnayan ng antas ng paggamit at antas ng epekto ng mga makabagong

kagamitang pampagtuturo. Kapuwa ang dalawang baryabol ay nasa uring ranggo.

Mga Konklusyon:

Narito naman ang mga konklusyong mabubuo mula sa mga natuklasan:

1. Ang pagkakaroon ng limitadong kagamitang pampagtuturo sa RTU-LHS

at ang kursong paggagamitan ng makabagong kagamitan ang nagiging dahilan

ng minsanang paggamit nito.

Ang pagkahilig ng mga mag-aaral sa teknolohiya ang nagiging dahilan kaya mas

nahihikayat ang mga mag-aaral na makilahok sa talakayan dahil dito ay labis na

napapadali ang pagtuturo ng guro.

Mahihinuha na walang makabuluhang kaugnayan ang antas ng paggamit sa

antas ng epekto sapagkat nakadepende sa tamang paraan ng paggamit ng guro

ang magiging epekto nito. Kahit makabago ang kagamitan kung walang sapat na

kaalaman ang guro ay mawawalan ng saysay ang pagtuturo.


Mga Rekomendasyon:

Mula sa mga konklusyon, nais imungkahi ang mga sumusunod:

Magsagawa ng isang pag-aaral o seminar na pamumunuan ng punong guro para

sa kanyang mga guro na may kinalaman sa tamang paggamit ng makabagong

kagamitang pampagtuturo. Imbitahan ang mga eksperto at “practitioner” sa

pagtuturo upang makapagbahagi ng kaalaman tungkol sa makabagong

kagamitan sa pagtuturo.

1. Magkaroon ng istandard na rubrik sa paggamit ng makabagong

kagamitan upang maging batayan ng pagtataya ng epekto nito. Isasagawa ang

regular na pagtataya sa pagtatapos ng markahan sa RTU-LHS.

2. Bumuo ng mga programa na maglalaan ng badyet sa mga makabagong

kagamitan sa bawat kagawaran sa RTU-LHS na magtatakda sa pagkakaroon ng

3.

4. angkop na mg kagamitan sa bawat kurso.

RESULT NG PANANALIKSIK

5. Ang antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo ay 2.21

na mailalarawang minsan lamang ginamit. Patunay na hindi lahat ng guro ay may

kakayahang gumamit ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo. Pinatunayan ito

ni Sta. Ana (2012) sa pahayag na ang nangunguna sa mga dahilang ito ang mababang
competency ng mga guro sa paggamit ng Information Communication Technology o ICT

sa kanilang pagtuturo.

You might also like