You are on page 1of 2

I.

Pamagat
a. May akda
Cathy Garcia-Molina
b. Genre
Palabas (romansa, komedya at drama)

II. Buod
Buong buhay ni Kenneth Delos Reyes, galit at puot ang nararamdaman niya para
sa kaniyang tatay na si Kenji Delos Reyes dahil sa pag-aakalang hindi minahal ng kaniyang
tatay ang kaniyang yumaong nanay na si Athena Tizon. Ang buong pag-aakala niya’y nasa
puder nga sila ng kaniyang tatay pero ang puso naman nito’y nakay Athena Dizon, ang
dating kasintahan ni Kenji.
Isang araw, nagising na lamang si Kenneth sa balitang naaksidente ang sinasakyang
eroplano ng kaniyang tatay. Dali-dali siyang pumuntang paliparan at doon niya nakadaong-
palad si Kelay, ang pamangkin ni Athena Dizon na nagpakilalang anak ni Kenji. Hindi man
sila magkasundo ni Kelay, magkasama nilang hinanap si Kenji. Habang naghahanap, doon
inamin ni Kelay na hindi siya anak ni Kenji at kaya niya ito hinahanap ay dahil sa kaniyang
tiyahing si Athena na malapit nang mamatay. Sa biyahe, ay ikinuwento ni Kelay kay
Kenneth ang buong katotohanan sa pagitan ng dakilang pag-iibigan ni Kenji at Athena
Dizon.
Nagsimula ang kwento nila noong inakala ni Kenji na si Athena Dizon ay si Athena
Abigail Tizon na tinatawag niyang bee. Itinext niya ito at humingi ng tawad at hiniling na
makipagkita sa kanya ngunit nairita si Athena at at nagpanggap ngang si “Athena” na
tinutukoy ni Kenji. Gumawa si Kenji ng kasunduan na magpapanggap si Athena bilang
girlfriend niya hanggang sa makuha nya muli si Abigail ngunit sa araw-araw na pagsasama
nila at pagde-date ay parating puno lamang sila ng away at sigawan.
Nagkaroon na nga ng magandang pagtitinginan ang dalawa at tinaggal na nila ang
deal sa kanilang relasyon. Nagmahalan na sila at nagsaya sa mga sandaling magkasama
sila. Ngunit bumalik si Abigail at nagmakaawa sa pagmamahal ni Kenji. Patuloy pa rin
palang naguguluhan si Kenji sa kabila ng pagmamahalan nila ni Athena kaya’ dumating
ang panahon na iniiwan niya si Athena para kay Abigail dahil may cancer si Abigail.
Nalaman ito ni Athena at nakita nito kung paano itinuturong dahilan ng mga kamag-
anak ni Abigail si Kenji sa siyang dahilan kung bakit ito hindi pumapayag magpagot. Kahit
may sakit sa puso si Athena at kailangan din niya si Kenji ay nagbigay daan siya.
Makalipas ang maraming taon, nagkita muli si Athena Dizon at Kenji Delos Reyes
sa tulong nila Kenneth at Kelay. Nakapag-usap ito ng masinsinan. Nasabi ang dapat na
sabihin. Sa huli, namatay pa rin si Athena Dizon. Si Kenneth Delos Reyes at Kelay ang
naging mag – on din sa huling bahagi ng pelikula.
III. Paksa
Ang paksa ng palabas na ito ay ang mga relasyong nagsisismula lamang sa
kunwarian ngunit nauuwi din sa totohanan at matinding pag-iibigan.

IV. Bisa
a. Isip
Tumatak sa aking isipan na sa buhay natin mayroong mga dadating upang
baguhin tayo mapa mabuti man o masama. Maaari ding umalis ang mga ito at bigyan
tayo ng leksyon ngunit kung ito ma’y kagustuhan ng Diyos, babalik at babalik ito.
b. Damdamin
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko, sa umpisa sobrang nakakakilig.
Masakit noong naghiwalay na sila dahil kay Abigail, at masaya naman noong nagkita
muli sila sa huli at nagkatuluyan naman si Kelay at Kenneth.

V. Mensahe
Ang mensahe ng palabas ay dapat tayong tumanggap sa mga bagay-bagay na
hindi natin inaasahang dumating sa ating buhay,Sapagkat marami sa atin ang may
pinagdadaanan na mga ganitong bagay na kahit sarili natin ay ating dinadaya para lang sa
ating mahal.

VI. Teoryang ginamit


Teoryang Realismo

VII. Kulturang ipinakita


Isa sa kulturang Pilipino na naipakita sa palabas na ito ay ang pagsasama-sama ng
buong pamilya kahit saan pa man madestino ang isang miyembro nito.

You might also like