Professional Documents
Culture Documents
Naging maganda naman ang kanyang trabaho ngumit makalipas ang ilang taon ay umuwi
na sya sa Pilipinas at napagdesisyunan na tulungan na lamang ang kanyang magulang. Bago pa
man magkaroon ng sariling pamilya ay nakagawa na sya ng mga proyekto sa lungsod ng Manila.
Kasama niya sa pagbuo ng mga proyektong ito si Ar. Florante Trinidad.
Makalipas ang ilang taon siya ay nagpatakbo ng sariling negosyo na trading taong 2003
hanggang sa kasalukuyan kasabay ng paghinto sa pagtanggap ng mga proyekto. Ngunit dahil
propesyon niya ang pagdisenyo at pagbuo ng mga estraktura, tinanggap niya ang isang proyekto
na pabahay sa Tacloban City at tumanggap din ng ibang trabaho katulad na lamang ng pagiging
isang dealer ng gas.
Taong 2008 ay naimbitahan siya upang maging isang tagapagsalita sa San Roque
Elementary School upang magbigay mensahe sa mga magtatapos na estudyante. Marami na rin
ang naiambag niya sa lipunan. Ilang halimbawa ay ang mga sikat na gusali, iba’t ibang
pampublikong gusali katulad ng mga paaralan. Taong 2018 ay ipinagpatuloy na ulit niya ang
pagtanggap ng mga proyekto.