You are on page 1of 1

GAWAIN 4

ALAMAT NG LITSON
Noong panahon na bata pa ang sibilisasyon, ang magkauring tao ay namumuhay ng sama-sama sa isang tribu. May isang pamayanan ng mga Intsik na
namumuhay ng masaya at mapayapa. Ang bawat isa sa kanila ay nagtutulungan at nagbibigayan. Makikita mo sa kanila ang kasipagan. Ang pagsasaka at
pag-aalaga ng mga hayop ang pangunahing hanapbuhay ng mga intsik sa pamayanang iyon. Bawat pamilya ay nagtatanim ng iba't ibang uri ng gulay,
gayundin ang pag- aalaga ng iba't-ibang uri ng hayop tulad ng baka, manok at baboy. Ang mga intsik ay mahilig sa baboy kaya minabuti nilang mag-alaga
ng maraming baboy. Hanggang sa dumating ang araw na ang tribu ay napuno ng maraming baboy. Napagkaisahan ng kanilang pinuno na gumawa ng
malaking kulungan at pagsamasamahin ang mqa alagang baboy. Isang araw, nasira ang kulungan. Maraming baboy ang nakatakas at tumakbo palayo.
Nagkagulo ang mga tao sa nakawalang mga alaga.

Sa pagmamadaling iyon, isang ginang ang nakaiwan ng kanyang lutuin na lumikha ng sunog sa buong tribu. Kasama sa naabo ay ang mga naiwan pang
baboy. Nanlumo ang mga tao ng magbalik sa kanilang tribu. Naging abo ang kanilang mga tahanan. Wala kahit ano man, liban sa mga nahuli nilang baboy.
Maya-maya'y may naamoy sila, isang napakasarap na amoy. Sinundan nila ang pinagmulan ng amoy at namangha ang lahat nang malaman nila na sa
nasunog na baboy pala galing ang katakam-takam na amoy. May isang matabang babae ang hindi nakapagpigil. Kumurot ito ng kapirasong balat at laman
ng nasunog na baboy. Ganoon na lang ang kanyang katuwaan ng matikman niya ang napakalinamnam na lasa nito. Nahikayat din ang iba at tumikim,
hanggang ang bawat isa ay kumakain na. Ang mga tao sa tribung iyon ay naging masayang muli.Ipinagbili nila sa ibang tribu ang mga baboy na nasunog.
Simula noon, ang pagbebenta na ng lutong baboy ang malakas na pinagkakakitaan ng pera para sa mga Intsik. Di nagtagal, lalo pang umasenso ang tribu.
Salamat sa nasunog na baboy. Hanggang ngayon ayon sa marami, hindi raw kumpleto ang handaan kapag walang nakahain na LITSON

SURIIN ANG KATANGIAN AT KALIKASAN NG BINASANG TEKSTONG NARATIBO AT SAGUTIN


ANG MGA TANONG:

1.Sino ang tagapagsalaysay ng binasang akda? Sa anong pananaw o paningin ito isinalaysay?
Ipaliwanag. Ang tagapagsalaysay ng binasang akda ay hindi nabanggit. Walang direktang pagtukoy sa
kung sinuman ang nagsasalaysay. Ang pananaw o paningin ay ikatlong panauhan mula sa perspektibo
ng nagsasalaysay.
2.Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Ang pangunahing tauhan sa akda ay ang mga Intsik sa tribu
Siya ba’y tauhang bilog o lapad? Patunayan ang sagot. Sila ay tauhang bilog dahil maraming saklaw
and kanilang mga personalidad.
Ang kwento ay isinalaysay mula sa ikatlong tao na pananaw, kung saan ang
nagsasalaysay ay hindi mismong kasama sa kwento kundi isang
Punto de vista tagapagkuwento na nagbibigay impormasyon tungkol sa mga pangyayari at
mga tauhan.

Mga Tauhan Mga Intsik sa tribu, Pinuno ng tribu, isang Ginang, at ang matabang babae

Tagpuan at Panahon Naganap noong panahon ng sibilisasyon sa tribu ng mga intsik

Dumami ang mga alagang baboy ng mga intsik, na nagtulak sa pinuno na


magpasya na gumawa ng malaking kulungan para sa mga hayop. Subalit, ang
Banghay nasabing kulungan ay nasira, at nagresulta sa pagtakas ng mga baboy.
Pagkatapos ng pangyayaring ito ay nagkaroon ng sunog sa tribu dahil sa isang
ginang na nagluto ng lutong baboy. Bagamat nagdulot ito ng lungkot sa tribu,
nang bumalik ang mga tao sa kanilang pamayanan, isang amoy mula sa
nasunog na baboy ang nagdulot ng kasiyahan sa kanilang puso. Sa huli, ang
pagbebenta ng lutong baboy ay nagbigay daan sa umasensong pamayanan ng
mga Intsik.

Pinakkta nito kung pano nabuo ang litson at paano sila natulungan nitong
Paksa maiangat ang kanilang kabuhayan

You might also like