You are on page 1of 5

DIVISION OF MALABON CITY

Maya – Maya St., Kaunlaran Village, Longos, Malabon City.


MALABON NATIONAL HIGH SCHOOL
M. Naval St., Hulong Duhat, Malabon City

PAGTATAYA SA ARALING PANLIPUNAN 8


KASAYSAYAN NG DAIGDIG

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra na
lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na
katangiang pisikal o kultural?
a. lokasyon b. lugar c. paggalaw d. rehiyon

2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag- unlad
ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong
Pleistocene?
a. Mesolitiko b. metal c. Neolitiko d. Paleolitiko

3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng


organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng
pagsulat?
a. imperyo b. kabihasnan c. kalinangan d. lungsod

4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa at
kabilang ito sa “Seven Wonders of the Ancient World”?
a. Alexandria b. Hanging Gardens c. Pyramid d. Ziggurat

5. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
a. mahirap makamit ang pag- unlad ng ekonomiya
b. maraming sigalot sa mga bansa
c. may posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan
d. walang sariling pagkakakilanlan ang bansa

6. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakasunud- sunod ng prosesong naganap sa mga
sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?
I. agrikultura III. Labis na pagkain
II. Kalakalan IV. Pangangaso

a. IV, I, III, II b. II, I, IV, III c. IV, I, II, III d. I, II, III, IV

7. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag- unlad ng tao?
a. pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko
b. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko
c. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan
d. dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal

8. Piliin mula sa kahon ang angkop na dahilan at epekto tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa
Mesopotamia?

w. Natuklasan ng mga Nomadikong tao ang matabang lupain sa pagitan ng Euphrates at Tigris
x. Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyang ikinabagsak nito
y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian
z. Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia at pinaunlad ang kanilang
pamumuhay sa lugar na iyon

a. w at z b. x at y c. y at z d. z at w

9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa mga tema ng
pag- aaral ng heograpiya?
a. Ang Germany ay miyembro ng European Union
b. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristyano
c. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang namumuhunan
d. Matatagpuan ang Pilipinas sa Kanluran ng Pacific Ocean, Timog ng Bashi Channel at Silangan ng West
Philippine Sea
10. Ano ang kahalagahan ng kalakalan ng sinaunang tao na napakinabangan pa rin sa kasalukuyan?
a. nakasalalay ditto ang pag- unlad ng agrikultura
b. dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa
c. nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan
d. natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao

11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang Heograpiya- Kasaysayan?
a. may klimang tropikal ang mga bansang malapit sa equator
b. napaliligiran ang China ng malawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin
c. pinag- isa ni Haring Sargon ang mga lungsod- estado ng Sumer na nagbigay- daan sa pagtatatag ng
unang imperyo sa daigidig
d. umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang taong
nanirahan sa mga lambak nito.

12. Ano ang isang patunay na kapaki- pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang
kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
a. limitado lamang ang naiwang pamana ngm ga Olmec dahil sa pagnanakaw ng mga kayamanan at
pagkasira ng mga estruktura nito
b. patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass at imprenta na naimbento ng mga sinaunang Tsino
c. madaling unawain ang Cuneiform at Heiroglypics na dapat maging asignatura sa mga paaran sa
kasalukuyan
d. umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig

13. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, alin sa
mga sitwasyong ito ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod- estado?
a. walang pagkakaisa ang mga lungsod- estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo nito.
b. may mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod- estado na magpapaunlad sa iyong pamumuhay
c. may sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan lalo na sa pagtatala ng kasaysayan ng lungsod-
estado
d. may aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod- estado

14. Bakit karapat- dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica?
a. dahil itinatag ang maunlad na kabihasnang ito sa America
b. dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga- Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang
itinatag sa Asya at Africa
c. dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon
d. dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng mga
hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay

15. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa POLIS bilang isang lungsod- estado?
a. ang Polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang- diin ang demokrasya
b. ito ay binubuo ng isang lipunang Malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod
c. may iba’t ibang uring panlipunan ang isang Polis at nahahati ito sa mga iba’t ibang yunit ng
pamahalaan
d. ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang Polis

16. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa uring panlipunan ng sinaunang Rome?
a. Censor at Praetor c. Patrician at Plebeian
b. Etruscan at Roman d. Maharlika at Alipin

17. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific; ang Polynesia, Micronesia at
Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia?
a. maraming isla c. maitim na mga isla
b. maliliit na isla d. maitim na mga tao sa isla

18. Ang “Holy Roman EmpireZ” ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman. Sino ang naging
emperador ng Imperyo noong 800 C.E.?
a. Charlemagne b. Charles Martel c. Clovis d. Pepin the Short

19. Ang Krusada ay isang ekspidisyong military na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa
panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing layunin nito?
a. Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
b. Mabawi ang Jerusalem
c. Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo
d. Mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko
20. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman sa pakikipagkalakan sa
ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
a. napalakas ang puwersang pangmilitar ng Minoan
b. napalilibutan ng anyong- tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito
c. nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete
d. napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete

21. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod- estado na ang bawat isa ay Malaya at may
sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwa- hiwalay na lungsod- estado?
a. iba’t iba ang pinagmulan ngm ga sinaunang mamamayan ng Greece
b. ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa silangan ng Europe na isang mabundok na
lugar
c. mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming mangangalakal sa bawat lungsod-
estado
d. iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t ibang kabihasnan ang umusbong dito

22. Ano ang pangunahing dahilan ng pag- usbong ng Rome bilang pinakamakapangyarihan sa
Mediterranean?
a. nakatulong ang maunlad na aspetong pang- ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig
lugar
b. natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterranean tulad ng Carthage at
Greece
c. naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece
d. wasto ang lahat ng nabanggit sa pagpipilian

23. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag- unlad
nito?
a. napalilibutan ito ng mga anyong- tubig na nagbibigay- daan sa pag- unlad ng pagsasaka
b. nagsilbi itong tagapamagitan ng kaloob- loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara
c. nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sab anta ng mga
mananakop
d. nagsilbing natural na proteksyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara

24. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa Pulo ng Pacific?
a. ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa Pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda
b. ang mga sinaunang mamamayan ng mga Pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o
“mana”
c. ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay Animismo
d. ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat- dagatan

25. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: Pari, Kabalyero at Serf. Alin sa
sumusunod ang naglalarawan ng Serf?
a. may karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya
b. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya
c. sila ang bumubuo ng masa ng tao noong panahon ng Medieval
d. itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan

26. Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europa. Dahil
dito, hinangad ng lahat ang proteksyon kaya itinatag ang sistemang Piyudalismo. Ano ang ipinahihiwatig
ng pahayag?
a. magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro
b. sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon
c. mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga grupong barbaro
d. ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao

27. Piliin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Bourgeoisie noong Gitnang Panahon.
a. mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian
b. tinagurian silang middle class o panggitnang uri
c. nagmula sila sa mga banker at mangangalakal sa mga bayan at lungsod
d. nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng rebolusyong pampulitika at pang-
ekonomiya

28. Alin ang tamang pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari?


I. Schism sa Simbahang Katoliko
II. Pagtawag ni Pope Paul III sa Council of Trent
III. Pagpaskil ni Martin Luther ng kanyang 95 Thesis sa pinto ng Wittenburg Church

a. I- II- III b. II- I- III c. III- I- II d. I- III- II


29. Alin ang pinakawastong kahulugan ng Renaissance?
a. muling pagsikat ng Kulturang Helenistiko c. panibagong kaalamang panrelihiyon sa
Europe
b. muling pagsilang ng kaalamang Griyego- Romano d. panibagong kaalaman sa agham

30. Sino ang pilosopong Ingles na nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao ay nagmumula sa
karanasan? Binigyang- diin niya ang kaisipan ng tao ay maitutulad sa “tabula rasa” o blank slate.
a. John Locke b. Jean- Jacques Rousseau c. Rene Descartes d. John Adams

31. Bakit itinuturing na batik sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko ang INQUISITION?


a. napigilan nito ang paglaganap ng Protestant Reformation
b. ang mga kalupitang ginawa ng Inquisition ay humantong sa maraming kamatayan ng walang sala
c. nasugpo nito ang mga salungat sa alituntunin ng Katolisismo
d. nagkaroon ng maraming kaaway ang Simbahang Katoliko

32. Sa ika- 15 Siglo, ang Europe ay nahati sa mga Nation- State na nagpaligsahan sa kapangyarihan.
Nagbunga ang paligsahang ito ng pagpapalawak ng mga Nation- State. Alin sa mga sumusunod na bansa
ang nanguna sa pagtuklas ng mga lupain?
a. Spain b. England c. Portugal d. Netherlands

33. Ang bansang ito sa Europe ang siyang nagpasimula sa panggagalugad sa Karagatan ng Altantic upang
makahanap ng pampalasa o spices at ginto
a. Italy b. Spain c. Portugal d. Germany

34. Sa Italya sumibol ang Renaissance dahil dito nagtagpo ang mga kaisipan mula sa Silangan (Asya) at
Kanluran (Europe). Ang kaisipang ito ay nagpapatunay lamang na;
a. malaki ang iniambag ng heograpiya ng Italya sa pagsibol ng Renaissance
b. hindi possible ang pagsibol ng renaissance sa ibang bahagi ng Europe
c. Italya ang itinakdang bansang pagmumulan ng Renaissance
d. mapalad ang Italya dahil sa lokasyon nito

35. Siya ang Prinsipe ng Humanismo at may- akda ng “Praise of Folly” kung saan sa kanyang akdang ito
ay tinulugsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at ordinaryong mamamayan.
a. William Shakespeare c. Francesco Petrarch
b. Desiderius Erasmus d. Giovanni Boccacio

36. Ang prinsipyo ni Niccolo Machiavelli na “The end justifies the means” ukol sa pamamahala ay
makikita sa anong sitwasyon na binabanggit sa mga pagpipilian.
a. madaling magwakas ang masama at malupit na pamumuno
b. lahat ng pamamaraan ay may katapusan kung ito ay makabubuti sa lahat
c. hindi kailanman mabibigyan ng katwiran ang isang malupit na pamumuno
d. maaaring maging malupit sa pamumuno kung ang ibubunga nito ay para sa ikabubuti ng nakararami

37. Pinaniniwalaan ni Hobbes na ang tao ay likas ang kasamaan o kaguluhan. Kaya naman, lohikal para
sa kaniya na magkaroon ng isang pamahalaang;
a. tutulong at gagabay sa mga mamamayan
b. nakikinig sa mga hinaing ng mga mamamayan
c. may absolutong kapangyarihan ang namumuno
d. may malakas na military na susupil sa kaguluhan ng tao

38. Malaki ang naitulong ng Rebolusyong Industriyal sa pag- angat ng ekonomiya ng Europe. Ngunit hindi
mapasusubalian na mayroon din itong naging negatibong bunga sa ekonomiya. Ito ay;
a. paglipat ng mga tao mula sa rural patungo sa mga siyudad na nagpataas ng krimen
b. paglaki ng bilang ng mga tao na walang trabaho dahil sa mga naimbentong makinarya
c. kinasangkapan ang mga menor de edad upang kumita ng malaki
d. paglala sa polusyon sa mga siyudad

39. Ito ang pangunahing dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.


a. pagpapalakas ng hukbong military ng mga bansa sa Europa
b. pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand
c. Pagkakatatag ng Triple Alliance
d. Krisis sa Balkan noong 1913

40. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa isa;
a. pagkakatatag ng Nagkakaisang Mga Bansa (United Nations)
b. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
c. pagpapalakas ng hukbong military ng mga bansa
d. pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa
41. Ito ang samahang binubuo ng Germany- Austria- Hungary at Italy noong Unang Digmaang
Pandaigdig.
a. Triple Entente c. Triple Alliance
b. Axis Powers d. Allied Powers

42. Ito ang samahan ng mga bansa na naitatag pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
a. League of Nations c. Warsaw Pact
b. North Atlantic Treaty Organization d. United Nations

43. Ito ay kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig
a. Treaty of Versailles c. United Nations
b. League of Nations d. Treaty of Paris

44. Isa ito sa mga lugar sa Japan na pinasabog ng United States of America sa pamamagitan ng Atomic
Bomb
a. Nagoya b. Hiroshima c. Tokyo d. Kyoto

45. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin ang HINDI
kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan?
a. naitatag ang United Nations c. nawala ang Nazism at Facism
b. Nagkaroon ng World War III d. nagkaroon ng labanan ng ideolohiya

46. Ito ang ideolohiyang ipinairal ni Adolf Hitler noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
a. Facism b. Capitalism c. Conservatism d. Nazism

47. Ito ang isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa
daigdig at sa pagbabago nito. Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.
a. Neokolonyalismo b. Ideolohiya c. Cold War d. Kapitalismo

48. Ito ang dalawang Super Powers o makapangyarihang bansa na nasangkot sa Cold War.
a. US at USSR b. US at France c. Germany at USSR d. Germany at
France

49. Digmaan ng nagtutunggaliang ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa (Superpower na


hindi tuwirang naglalabanan gamit ang mga armas)
a. Neokolonyalismo b. Ideolohiya c. Cold War d. Kapitalismo

50. Tumutukoy sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon at
kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal hnaggang sa maliit na lamang ang papel ng
pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan.
a. Neokolonyalismo b. Ideolohiya c. Cold War d. Kapitalismo

jrrv/2019

You might also like