You are on page 1of 9

IKALAWANG MARKAHANG

PAGSUSULIT ARALING PANLIPUNAN 8


(Kasaysayan ng Daigdig)
S.Y. 2022-2023

Panuto: Piliin at itiman ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Ano ang tawag sa kauna-unahang kabihasnang Aegean na nagsimula sa Crete?


A. Athenian B. Minoan C. Mycenaean D. Spartan
2. Ano ang tawag sa sentro ng politika at relihiyon ng mga sinaunang lungsod-estado sa
Greece?
A. Acropolis B. Agora C. Polis D. Olympus
3. Ano ang tawag sa pangkat ng mga maharlika sa panahon ng Roman Republic?
A. Konsul B. Patrician C. Plebeian D. Tribune
4. Anong kabihasnan ang namayani sa Yucatan Peninsula?
A. Aztec B. Inca C. Maya D. Olmec
5. Saan umano nagmula ang mga Austronesian batay sa teorya ng iskolar na si Peter
Bellwood?
A. Australia B. China C. India D. Japan
6. Ano ang tawag sa ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo upang
bawiin ang banal na lupain mula sa mga mananakop na Muslim?
A. Investiture B. Krusada C. Manoryalismo D. Piyudalismo
7. Ano ang unang estadong naitatatag sa Kanlurang Africa?
A. Axum B. Ghana C. Mali D. Songhai
8. Saang aspeto nagkaroon ng malawak na epekto ang mga krusada?
A. Ekonomiya B. Pulitika C. Paglilibang D. Sosyo-Kultural
9. Alin ang HINDI katawagan sa panginoong may lupa?
A. Liege B. Lord C. Serf D. Suzerain
10. Alin ang HINDI kabilang sa mga uring panlipunan noong Panahon ng Piyudalismo?
A.Fief B. Kabalyero C. Pari D. Serf
11. Ano ang pangunahing naipagkaloob ng sistemang piyudalismo sa mga tao noong
Kalagitnaang Panahon?
A. Kayamanan C. Pananampalataya
B. Kabuhayan D. Proteksyon
12. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na dahilan ng pagbagsak ng Kabihasnang
Mycenaean?
A. Ang paglusob ng mga mananalakay sa pangunguna ng mga Dorian
B. Ang malakas na mga natural na kalamidad na sumira sa mga lungsod
C. Ang pagbagsak ng kalakalan na nagdulot nang lubhang kahirapan sa
mga mamamayan
D.Ang kahinaan at pagmamalabis ng mga pinunong naging dahilan ng pag-aalsa
ng mga tao
13. Bakit hindi umaasa ang Sparta sa kalakalan upang matugunan ang kanilang
mga pangangailangan?
A. Dahil sa malawak na kaalaman ng mga Spartan sa pagsasaka at pangigisda
B. Dahil sa labis na mga kalakal at paglilingkod na ibinibigay ng mga nasakop
nilang estado
C. Dahil ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupang
angkop sa pagsasaka
D.Dahil sa regular na pagbibigay ng tributo ng iba pang lungsod sa mga
mandirigmang Spartan
14. Ano ang dagliang hudyat ng pagsisimula ng Digmaang Peloponnesian?
A. Ang pagtatatag ng Delian League
B. Ang pagbuo sa Peloponnesian League
C. Ang pagpapalakas ng hukbong pandagat ng Athens
D. Ang paglusob ng Sparta sa mga karatig-pook ng Athens
15. Bakit itinuring na isang malaking trahedya sa Greece ang Digmaang Peloponnesian?
A. Dahil sa hinati nito ang Greece sa dalawang magkatunggaling panig
B. Dahil nagbigay-daan ito sa pagdating ng mga dayuhang mananakop sa Greece
C. Dahil nagdulot ito ng malawakang pagkawasak ng mga ari-arian at
pagkamatay ng tao
D.Dahil naging dahilan ito ng pagkakasakit at pagkalipol ng malaking
bahagdan ng populasyon
16. Alin sa mga sumusunod ang nagsilbing hudyat ng pagtatapos ng kapangyarihan
ng mga lungsod estado sa Greece?
A. Ang pagtiwalag ng mga Griyego sa Delian League
B. Ang paglusob ni Alexander the Great sa kabuuang tangway ng Balkan
C. Ang pagtatagumpay ni Philip ng Macedonia na magapi ang Athens at Thebes
D.Ang pagbuo ng Macedonia sa isang pangkat ng pinakamahuhusay na mandirigma
17. Bakit nagapi ng mga Persiano ang mga Griyego sa Labanan sa Thermopylae?
A. Dahil sa mahinang sandatahang lakas ng mga Griyego
B. Dahil sa modernong kagamitang pandigma ng mga Persiano
C. Dahil sa pagtraydor ng isang Griyego sa kanyang mga kapwa Griyego
D.Dahil sa mahinang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga Griyego
18. Bakit karamihan sa mga pamayanan ng sinaunang Greece ay matatagpuan malapit
sa mga baybay-dagat?
A. Dahil ang Greece ay isang kapuluan
B. Dahil sa ang mga sinaunang Griyego ay mahuhusay na manlalayag
C. Dahil sa ang tanging alam na hanapbuhay ng mga sinaunang Griyego ay
pangingisda
D.Dahil ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay sa sinaunang Greece ay
ang karagatan
19. Bakit sinasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome?
A. Dahil sa isa itong tangway na popular sa anumang panig ng sinaunang daigdig
B. Dahil sa topograpiya ng Rome ay lubhang angkop sa anumang uri ng hanapbuhay
C. Dahil sa napagigitnaan ito ng mga pinakamauunlad na kabihasnan sa
kasaysayan ng sinaunang kasaysayan
D.Dahil sa Ilog Tiber na nag-uugnay dito at sa Mediterranean Sea na nagbigay-daan sa
maunlad na pakikipagkalakalan
20. Bakit mas pinili ng mga Romano na maghalal ng dalawang konsul sa halip na pumili
ng isang hari?
A. Upang maiwasan ang pagmamalabis sa kapangyarihan ng iisang pinuno
B. Upang maging kakaiba sa iba pang kabihasnang nabuo noong sinaunang panahon
C. Upang higit na mapalakas ang pamahalaan sa pamamagitan ng dalawang
malakas na pinuno
D.Upang maging higit na bukas ang pamahalaan sa pakikipagdayalogo sa
mga mamamayan
21. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na paglalarawan sa republikang
itinatag ng mga Romano?
A. Isa itong pamahalaan na walang hari.
B. Isa itong pamahalaan na nagbibigay-diin sa pagkakapantay-pantay.
C. Isa itong pamahalaan na nangangalaga sa lahat ng karapatan ng mga
mamamayan.
D.Isa itong pamahalaan na ang tunay na kapangyarihan ay nasa kamay ng
mga mamamayan.
22. Bakit naghimagsik ang mga plebeian laban sa mga patrician?
A. Dahil sa hindi makatarungang pagtrato sa kanila
B. Dahil sa kawalan nila ng kinatawan sa republikang Romano
C. Dahil sa madalas na pagdadala sa kanila sa mga digmaang kinasasangkutan
ng Rome
D.Dahil sa mahihigpit na batas na labis na nagpapahirap sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng mga plebeian
23. Paano napalawak ng Rome ang kanyang kapangyarihan magmula sa Ilog
Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy?
A. Naging aktibo ang Rome sa pananakop ng mga mahihinang kaharian sa Italy.
B. Naging tuso ang Rome sa pakikipag-ugnayang pulitikal sa iba pang mga kaharian sa
kabuuan ng Italy.
C. Nagiging kaanib ng Rome ang mga nagaping kaaway at ginagawang kolonya ang
nasakop na teritoryo.
D.Nagpapatupad ang Rome ng mga mahihigpit na batas na humahadlang sa
posibleng pag-aalsa ng mga nasakop na lupain.
24. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng mga Digmaang Punic?
A. Ang pagkontrol ng Rome sa mga rutang pangkakalakan
B. Ang pananakop ng Carthage sa ilang mahahalagang teritoryo ng Rome
C. Ang pagsakop ng Rome sa mga kolonyang dating kontrolado ng Carthage
D.Ang hangarin kapwa ng Carthage at Rome na magpalawig ng kapangyarihan
sa rehiyon ng Mediterranean
25. Bakit kinatakutan ng Senate ang pag-angat sa kapangyarihan ni Julius Caesar?
A. Nangamba ang Senate na maaaring ideklara ni Caesar ang sarili bilang hari
at magwakas ang republika.
B. Nangamba ang mga kasapi ng Senate na lubusang tanggalin ni Caesar ang
Senado at palitan ito ng ibang konseho.
C. Natakot ang Senate sa pagkiling ni Caesar sa mga pangkaraniwang mamamayan
na maging dahilan ng pagkawala nila sa kapangyarihan.
D. Natakot ang mga kasapi ng Senate sa lubhang pagiging agresibo ni Caesar
sa digmaan na maaaring magsadlak sa Rome sa higit pang kaguluhan.
26. Bakit tinawag na “dark continent” ng mga Kanluranin ang Africa?
A. Dahil sa hindi nila ito nagalugad kaagad
B. Dahil sa masalimuot na daan patungo sa lugar
C. Dahil sa kulay ng mga taong naninirahan dito
D. Dahil sa napakalawak na kagubatang nakapaligid dito
27. Paano nakarating sa Europe ang mga produkto mula sa Africa noong unang panahon?
A. Sa pamamagitang ng Kalakalang Trans-Sahara
B. Sa pamamagitan ng mga nomadikong mangangalakal na naglakbay tungo sa
Europa mula sa Africa
C. Sa pamamagitan ng mga barkong pangkakalakan na pinangunahan ng mga
mangangalakal sa rehiyon ng Mediterranean
D. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga Europeo ng mga daungan sa lugar na
magdadala ng mga produkto sa Europa
28. Alin sa mga sumusunod ang HINDI itinuturing ng mga dalubhasa na dahilan
ng pagbagsak ng Kabihasnang Mayan?
A. Pagkasira ng Kalikasan C. Walang Humpay na Digmaan
B. Paglaki ng Populasyon D. Pagdating ng mga Europe
29. Bakit tinabunan ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga chinampas?
A. Upang hadlangan ang madalas na pagbaha
B. Upang dagdagan ang mga lupang tinataniman
C. Upang magpalawak ng teritoryong nasasakupan
D. Upang magtayo ng mga matatawag na hangganan
30. Paano natigil ang pamamayani mg mga Aztec sa Mesoamerica?
A. Pagdating ng mga Espanyol
B. Pag-aalsa ng ibang tribung nasakop
C. Pagdating ng sunud-sunod na kalamidad
D. Pagbagsak ng populasyon dulot ng digmaan
31.Bakit sinasabing magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo sa
Pacific at Timog-Silangang Asya?
A. Dahil kapwa nasakop ng China ang mga rehiyong ito
B. Dahil sa ang nandayuhan at nanahan sa dalawang ito ay mga Austronesian
C. Dahil sa paniniwalang magkaugnay ang lupain ng mga ito noong unang panahon
D. Dahil sa iisa ang wikang ginagamit ng mga mamamayang naninirahan sa rehiyong ito
32.Ano ang ginamit ng mga Kanluranin na batayan sa pagpapangalan at
pagpapangkat ng mga pulo sa Pacific?
A. Kalagayang heograpikal ng mga pulo
B. Kaayusan ng mga pulo at anyo ng mga katutubo
C. Kalagayang sosyo-kultural ng mga mamamayan
D. Kalagayang kultural ng mga naninirahan sa rehiyon
33. Bakit napatanyag sa Silangang Africa ang Kahariang Axum?
A. Dahil naging sentro ito ng kalakalan
B. Dahil sa mahuhusay nitong estratehiya sa paglalayag
C. Dahil sa napakalawak nitong nasakop na teritoryo sa rehiyon
D. Dahil sa aktibong pakikipag-ugnay ng kaharian sa mga Imperyong Europeo
34. Ano ang itinuturing na pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas
ng kapangyarihan ng Papa sa Rome?
A. Ang pagbagsak ng Imperyong Romano
B. Ang pagdating ng mga mananakop na Muslim
C. Ang pagdami ng mananampalatayang Katoliko
D. Ang pagsalakay ng mga barbaro sa iba’t ibang panig ng imperyo
35. Paano nakaimpluwensiya ang Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng
Imperyong Romano?
A. Ito ang nagsilbing institusyong nangalaga sa pangangailangan ng mga tao.
B. Ito ang nag-iisang institusyon na kinatakutan ng mga barbarong pakialaman
C. Ito ang nakipaglaban para sa karapatan ng mga mamamayan sa panahon ng
kaguluhan.
D. Ito ang naging tagapagtanggol ng mga mamamayan mula sa mapang-abusong
mananakop.
36. Ano ang ibig sabihin ng Petrine Doctrine?
A. Ang doktrinang nagbigay-diin na si Hesus ang nag-iisang Diyos.
B. Ang doktrinang naglahad ng mga batayang paniniwala ng mga Kristiyano.
C. Ang doktrinang nagpakilala sa Rome bilang sentro ng pananampalatayang Kristiyano.
D. Ang doktrinang nagsasabing ang obispo ng Rome ang tunay na pinuno
ng Kristiyanismo.
37. Paano nakatulong ang mga monghe sa paglakas ng Simbahan at pagpapalaganap
ng Kristiyanismo?
A. Ang mga monghe ang nagsilbing tulay sa ugnayan ng simbahan at
pangkaraniwang mga mamamayan.
B. Ang mga monghe ang siyang naging tagapaglingkod ng mga matataas na opisyal
ng simbahan.
C. Ang mga monghe ang nagsilbing tagapangalaga ng mga pag-aaring lupain ng
simbahan.
D. Ang mga monghe ang naatasan na magpalaganap ng pananampalatayang
Kristiyano sa iba’t ibang panig ng imperyo.
38. Alin ang HINDI totoo hinggil kay Charlemagne?
A. Siya ay anak ni Pepin the Short.
B. Siya ay mula sa tribong Aleman.
C. Siya ay pangunahing tumuligsa sa Kristiyanismo.
D. Siya ay kinoronahan bilang emperador ng Holy Roman Empire.
39. Ano ang pinakamahalagang nagawa ni Clovis sa kasaysayan?
A. Pinag-isa niya ang mga tribung Franks at sinalakay ang mga Roman.
B. Muli niyang binuhay ang bumagsak na imperyo ng mga Romano sa kasaysayan
C. Ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang tunay na emperador ng Imperyong Romano.
D. Nagapi niya ang lahat ng mga pangkat ng mga Muslim na nagtangkang sumakop
sa Rome.
40. Bakit hindi naging matagumpay ang maraming krusadang inilunsad?
A. Dahil sa kakulangan ng sapat na paghahanda
B. Dahil sa lubhang malakas ang puwersa ng mga Muslim
C. Dahil sa matitibay na moog na itinayo upang mabigo ang mga
krusadang makapasok sa Banal na Lupain
D. Dahil sa kakulangan ng pondo na lubhang kailangan upang maging possible
ang mahabang paglalakbay
41. Bakit naging isang malaking iskandalo ang Ikaapat na Krusada?
A. Dahil sa sapilitang pagsali sa mga batang makiisa sa krusada
B. Dahil sa pag-anib ng mga nakiisa sa krusada sa relihiyong Islam
C. Dahil sa mga pandarambong na isinagawa ng mga nakiisa sa nasabing krusada
D. Dahil sa pagsalakay ng mga nakiisa sa krusada sa mga lugar na kontrolado ng Papa
42. Alin ang HINDI totoo hinggil sa krusada?
A. Lahat ng krusada ay pinamunuan ng Papa.
B. Pinaunlad ng krusada ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europa.
C. Lahat ng krusada ay nabigong mabawi ang Banal na Lupain mula sa mga Muslim.
D. Ang krusada ay inilunsad upang bawiin ang Banal na Lupain mula sa mga
Turkong Muslim.
43. Ano ang pangunahing tungkulin ng isang vassal?
A. Magbigay ng lupa
B. Magbigay ng tributo sa lord
C. Magkaloob ng serbisyong militar
D. Maglingkod bilang tagapaglinang ng lupain
44. Saan nag-ugat ang piyudalismo sa Gitnang Panahon?
A. Sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa Kasunduan
sa Verdum
B. Sa walang humpay na pag-atake ng mga tribung Aleman sa iba’t ibang
bahagi ng bahagi ng Imperyong Romano
C. Sa pagkasira ng maraming sakahan na naging dahilan ng lubhang
paghihirap ng maraming mamamayan noong Kalagitnaang Panahon
D. Sa matinding digmaang kinasangkutan ng Rome na nagdulot ng
pagkakabaha- bahagi ng lupain sa iba’t ibang panginoong may-ari ng lupa
45. Bakit ang buhay ng mga tao ay nakasentro sa manor sa panahon ng piyudalismo?
A. Dahil sa takot nilang magkaroon ng kakulangan sa pagkain
B. Dahil sa kaparusahang maaaring kaharapin sa oras na lumabas sa manor
C. Dahil sa panganib na dulot ng madalas na pagsalakay ng mga tribung barbaro
D. Dahil sa posibilidad na sila ay maitakwil sa lipunang kinabibilangan sa
sandaling lumabas sila ng manor
46. Kailan lumitaw ang mga bourgeosie sa kasaysayan?
A. Sa panahon ng pananalakay ng mga tribung barbaro
B. Sa panahon ng pag-usbong ng mga bayan at lungsod
C. Sa panahon ng pagbabalik sa kapangyarihan ng mga maharlika
D. Sa panahon ng pagbagsak ng kabuhayan ng nakararaming mga Europeo
47. Paano nagkamit ng kayamanan ang mga bourgeoisie?
A. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan at pagnenegosyo
B. Sa pamamagitan ng pagpapakasal sa mga miyembro ng maharlika
C. Sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga kampanyang pulitikal ng ilang pinuno
D. Sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga proyektong pangkabuhayan ng mga
kaharian
48. Alin ang pangunahing salik sa paglago ng mga bayan?
A. Ang paglakas ng kalakalan
B. Ang paglakas ng mga gitnang uri
C. Ang panunumbalik ng kapayapaan
D. Ang pagbabalik ng kapangyarihan ng mga hari
49. Paano nakabuti ang pagtatag ng mga guild system?
A. Nagawa nitong maisulong ang mga proyektong makabubuti sa mga kasapi.
B. Nagawa nitong kumita ng pera mula sa pagkolekta ng buwis mula sa mga kasapi.
C. Naprotektahan nito ang mga bahay-kalakal mula sa pananamantala ng mga
opisyal ng pamahalaan.
D. Nahadlangan nito ang pang-aabuso isinasagawa ng mga kasapi sa
sinumang kabahagi ng lipunan.
50. Bakit naisip ng mga panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya?
A. Para magkaroon ng tagpuan ang mga mangangalakal mula sa iba’t ibang lugar
B. Para higit na kumita mula sa paglawak ng kalakalan sa pamamagitan ng
buwis at multa
C. Para protektahan ang mga lokal na mangangalakal sa posibleng pang-
aabuso ng iba pang mangangalakal
D. Para higit pang isulong ang pag-unlad ng kalakalan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng subsidiya sa mga maliliit na namumuhunan

Prepared by: Checked and Reviewed by: Approved:

LIWLIWA B. SUGUITAN KEVIN JOHN A. AGPOON BENIGNO B. BAAY


Teacher I Head Teacher I School Principal I

You might also like