You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 8 - KASAYSAYAN NG DAIGDIG


Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pinakaangkop na sagot mula sa mga pagpipilian.
1. Saan itinatag ang kabihasnang Minoan?
A. Athens B. Crete C. Parthenon D. Sparta
2. Ano ang ginawa ng mga Minoan upang umunlad ang kanilang kabihasnan?
A. pinalawig ang pagmimina sa lugar C. nakikipagkalakalan sa mga karatig lugar
B. nagtatag ng mga arena upang kumita D. nakipaglaban at umangkin ng iba pang lupain
3. Dahil sa pagsalakay at pagsakop nito sa mga Minoan, anong pangkat ng tao ang nagpayaman sa kabihasnang Greece?
A. Athenian B. Minoan C. Mycenaean D. Spartan
4. Anong pangyayari ang sanhi ng pagbagsak ng Mycenae?
A. Pagsakop ng mga Dorian C. Pagkasira ng kanilang mga pananim
B. Pakikipagkalakalan sa ibang lugar D. Epidemya at maraming tao ang namatay
5. Ano ang itinuring pinakamahalagang naidulot ng pakikipagkalakalan sa Kabihasnang Greek?
A. Lumago ang mga negosyanteng Greek. C. Nakapaglalakbay ang mga mamamayang Greek sa ibang lupain.
B. Nakapipili ang mga mamamayan ng iba’t ibang produkto. D. Nalalaman nila ang mga bagong ideya at teknik mula sa ibang lugar.
6. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahang- lakas sa isang bansa?
A. para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ibang bansa C. upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan
B. upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban D. para siguradong matatakot ang lipunan at susunod sa pamahalaan
7. Ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa kabihasnan ng daigdig na ginagamit hanggang sa kasalukuyang panahon?
A. Asembleya B. Batas Militar C. Demokrasya D. Lungsod-Estado
8. Alin sa sumusunod na kalagayan ang nagpapakita ng lubos na pagtulong ng pamahalaan ng sinaunang Greece sa mga mamamayan?
A. pagbibigay ng buwis sa pamahalaan C. pagpapawalang-bisa sa pagkakakulong dahil sa utang
B. pagbibigay-pautang para sa mga magsasaka D. pagbibigay-galang sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan
9. Ano ang ipinapahiwatig ni Pericles tungkol sa kaniyang pananaw na “Ang konstitusyon ay isang demokrasya dahil sa ito ay nasa mga kamay ng
nakararami at hindi ng iilan”?
A. Ang pamahalaan ay hawak ng iilang mamamayan sa lipunan.
B. Ang hari at reyna ang may lubos na kapangyarihan sa estado.
C. Ang mga inihalal na opisyal ng pamahalaan ang nagdedesisyon para sa kanilang bayan.
D. Ang mamamayan ang may karapatang magdesisyon kung sino ang dapat mamuno sa pamahalaan.
10. Saang kontinente matatagpuan ang Imperyong Romano?
A. Amerika B. Aprika C. Asya D. Europa
11. Anong uri ng pamahalaan ang ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging monarkiya?
A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Diktadurya D. Republika
12. Ano ang tawag sa mamamayang Romano na kasapi sa mayayamang asendero?
A. Haciendero B. Negosyante C. Patrician D. Plebeian
13. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana?
A. Paghatid ng kasaganaan sa Lipunan C. Pagkaroon ng maraming tagapagtanggol
B. Pagpahalaga ng kapayapaan sa Lipunan D. Pag-unlad ng pangkabuhayan ng mga mamamayan
14. Alin sa sumusunod ang hindi salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano?
A. Hindi matatag na pamumuno C. May sariling paraan ang bawat isa
B. Paglusob ng mga tribong barbaro D. Pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan
15. Ano ang tawag sa isang lugar na madalas pagdarausan ng mga labanan ng mga gladiator?
A. Appian Way B. Basilica C. Coliseum D. Parthenon
16. Sino-sino ang bumubuo sa First Triumvirate ng Roma?
A. Marcus Lepidus, Mark Antony, Octavian C. Julius Caesar, Marcus Licinius Crassus, Pompey
B. Gaius Gracchus, Marcus Brutus, Tiberius D. Antoninus Pius, Marcus Aurelius, Trajan, Vespasian
17. Ano ang tawag sa kasuotan ng mga lalaking Romano na ipinapatong sa ibabaw ng tunic?
A. Cullotes B. Palla C. Stola D. Toga
18. Alin sa sumusunod na teritoryo ang nasakop ng Roma pagkatapos ng Unang Digmaang Punic?
A. Corsica, Greece, Sicily C. Carthage, Greece, Macedonia
B. Corsica, Sardinia, Sicily D. Macedonia, Mare Nostrum, Sardinia
19. Alin sa mga pahayag ang nagpatotoo sa pagpapalawak ng Imperyong Songhai sa Africa?
A. Sa pananalakay ni Sundiata Keita, lumawak ang imperyo patungong Sahara Desert.
B. Sa ilalim ni Sunni Ali ang imperyo ay umabot sa hangganan ng kasalukuyang Nigeria.
C. Sa paghahari ni Mansa Musa, naging sentro ng karunungan at pananampalataya ang Timbuktu at Gao.
D. Sa pamumuno ni Dia Kossoi, nakapagtatag ang imperyo ng ugnayan sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam.
20. Ano ang tamang paglalarawan sa paraan ng paggawa ng pera sa Palau?
A. Gumamit sila ng bato B. Gumamit sila ng coral C. Gumamit sila ng bakal D. Gumamit sila ng bronze
21. Paano pinangalagaan ang mana ng mga sinaunang tao sa Polynesia?
A. Nagkakaroon ng pag-aayuno ang mga mamamayan. C. Nag-aalay sila ng mga hayop upang hindi ito mabawasan.
B. May mga batas na sinusunod upang hindi ito mawala. D. Nagkakaroon ng mga pagdarasal sa kanilang mga tahanan.
22. Alin sa sumusunod ang naglalarawan kay Montezuma II bilang isang pinuno ng mga Aztec?
A. Naniniwala siya sa kalikasan. C. Naniniwala siya sa taong may mapuputing kaanyuan.
B. Naniwala siyang si Hernando Cortes ay diyos. D. Naniniwala siya sa Diyos ng araw, ulan at kay Quetzalcoatl.
23. Ano ang isa sa pinakamatandang kabihasnan sa daigdig na matatagpuan sa kontinente ng Africa?
A. Egypt B. Indus C. Mesopotamia D. Shang
24. Anong rehiyon sa America naghari ang kabihasnang Maya?
A. Hilagang Mexico B. Kanlurang Mexico C. Silangang Mexico D. Timog Mexico
25. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga Mali sa Africa?
A. Paghahabi B. Pagmimina C. Pagsasaka D. Pangangalakal
26. Alin sa sumusunod na mga vegetation cover ang naglalarawan sa hilagang bahagi ng South America?
A. Mga prairie at steppe B. Tuyot na mga disyerto C. Nagyeyelong mga lugar D. Mayabong na mga kagubatan
27. Bakit mahalaga ang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica?
A. Naging sikat ang Mesoamerica sa iisang larangan C. Hindi naging madali noon ang buhay ng sinaunang tao
B. Maraming tumatak na pamanang Maya, Inca at Aztec D. Bukod tangi ang mga kontribusyon ng taga South America.
28. Sino sa sumusunod ang binansagang dakilang historyador ng sinaunang Greece?
A. Aristotle B. Herodotus C. Thucydides D. Xenophon
29. Alin sa sumusunod ang ambag ng Greece sa larangan ng arkitektura?
A. Appian Way B. Aqueduct C. Colosseum D. Parthenon
30. Sinong mananalaysay ang may-akda ng tanyag na epikong “Iliad at Odyssey”?
A. Aristotle B. Homer C. Plato D. Thales
31. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng kahariang Mali at Songhai sa pag-unlad nito?
A. Anyong-tubig na nakapalibot ay nakatulong sa pagsasaka.
B. Tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto.
C. Naging proteksiyon ang malawak na disyerto ng Sahara sa imperyo.
D. Ang lokasyon ay nakatulong para labanan ang banta ng mananakop.
32. Bakit tinawag ng mga Kanluranin ang Africa na “dark continent”?
A. Hindi nasisikatan ng araw ang kabuuan ng Africa.
B. Itim ang kulay ng balat ng mga taong naninirahan dito.
C. Nababalutan ang buong kontinente ng misteryo at kababalaghan.
D. Matatagpuan dito ang malaking bahagi ng disyerto na may buhanging kulay itim.
33. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang tao sa Pasipiko?
A. Pagmimina at pagtotroso B. Pagsasaka at pangingisda C. Pagtitinda at pangangalakal D. Paghahabi at paggawa ng palamuti
34. Bakit hinahangaan ang sinaunang kabihasnang Greece sa larangan ng arketiktura?
A. Dahil mataas ang pamumuhay ng mga taga-Greece.
B. Dahil makikita hanggang sa kasalukuyan ang kanilang kabihasnan
C. Dahil nakapagtatag ng pamayanan sa kabila ng mga hamon sa kapaligiran.
D. Dahil nakagawa ito ng kamangha-manghang estraktura tulad ng Parthenon.
35. Alin ang naglalarawan sa mga serf?
A. Kinilala sila bilang natatanging sektor sa lipunan. C. Napaunlad nila nang malaya ang kanilang pamumuhay at pamilya
B. Sila ang bumubuo sa masa ng tao noong Gitnang Panahon. D. Mayroon silang karapatan at kalayaang bumuo ng sariling pamilya.
36. Ano ang pangunahing hangarin ng ekpedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyano sa Europa na kung tawagin ay krusada?
A. Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano.
B. Mapalakas ang kalakalan ng mga bansang Europeo.
C. Mabawi sa kamay ng mga Turkong Muslim ang Jerusalem.
D. Mapalawak ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa teritoryo ng mga Muslim.
37. Ano ang dahilan sa pag-iral ng Sistemang Piyudalismo sa Gitnang Panahon?
A. pagsalakay ng mga barbaro C. paglakas ng Simbahang Katoliko
B. pagbasak ng Imperyong Roman D. paghina ng Banal na Imperyong Roman
38. Sino ang kinilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko sa Gitnang Panahon?
A. Kardinal B. Hari C. Papa D. Pari
39. Saan nakabatay ang Sistemang Manor?
A. Pagbebenta B. Pagsasaka C. Pangangalaka D. Pangingisda
40. Anong krusada ang tinaguriang “Krusada ng mga Hari” na pinamunuan ng mga hari ng Banal na Imperyong Roman, France at England?
A. Unang Krusada B. Ikalawang Krusada C. Ikatlong Krusada D. Ikaapat na Krusada
41. Anong institusyon ang bukod tanging hindi pinakialaman ng mga barbaro sa kanilang pagwasak sa Imperyong Roman?
A. Manoryalismo B. Pamahalan C. Piyudalismo D. Simbahan
42. Alin ang hindi kabilang sa mga dahilan ng paglakas ng Kapapahan sa Europa noong Gitnang Panahon?
A. Pagbagsak ng Imperyong Roman C. Pagkakatatag ng mga monasteryo at orden
B. Paglakas ng Banal na Imperyong Roman D. Pagkabuo ng isang matatag at mabisang organisasyong ng simbahan
43. Ano ang magandang naidulot ng paglitaw ng mga unibersidad sa Europa?
A. Upang maipakita ang kakayahan C. Upang maitaguyod ang edukasyon sa Gitnang Panahon
B. Upang magkaroon ng kasaganaan D. Upang makamit ang mga pangarap sa buhay at tagumpay
44. Alin sa mga sumusunod ang magandang naidulot ng Krusada?
A. Napalakas ang mga Turkong Muslim. C. Nakilala ang Europa na may malakas na sandatahang militar.
B. Nabawasan nito ang populasyon ng mga tao sa Europa. D. Napalaganap ang komersiyo at napayaman ang kulturang Kristiyano.
45. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga tao ay patuloy na namumuhay sa manor?
A. Dito sila sumikat katulad ng hari C. Takot sila na maparusahan ng hari kung iiwan nila ang manor
B. Maraming mga pagawaan ang kanilang mapapasukan D. Naipagkaloob ang mga pangangailangan ng mga mamamayan
45. Aling pangyayari ang hindi kabilang sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod?
A. Paglitaw ng Burgis B. Paggamit ng salapi C. Pagbagsak ng kalakalan D. Paglitaw ng sistemang guild
46. Sa pagbagsak ng Imperyong Romano, alin sa sumusunod ang lumakas at lumawak ang kapangyarihan?
A. Barbaro B. Paaralan C. Pamahalaan D. Simbahan
47. Ano ang pinakamahalagang ginampanan ng mga monghe sa pagpapalakas ng impluwensiya ng simbahan sa Kanlurang Europa?
A. Pagpapaunlad ng agrikultura C. Pag-iingat ng mga karunungang klasikal
B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo D. Pagpapakain at pangangalaga sa mga mahihirap
48. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga alagad na nagpalakas ng Simbahang Katoliko?
A. Kabalyero B. Monghe C. Obispo D. Pari
49. Ano ang mahalagang papel ng Simbahang Katoliko sa Panahong Medieval?
A. Pangangalaga ng maysakit C. Pagpapalago ng pamumuhay ng mga tao
B. Pagpapalakas ng hukbong sandatahan D. Pangangalaga sa espiritwal na pangangailangan ng tao
50. Bakit mahalaga ang mga Unibersidad sa Gitnang Panahon?
A. Pagbukas ng paaralan sa mamamayan C. Maging iskolar ng bayan at makilala sa lipunan
B. Makatulong para sa pagbabasa at pagsusulat D. Maitaguyod ang mga kaalaman at edukasyon sa Europa

You might also like