You are on page 1of 4

BACUAG NATIONAL AGRO-INDUSTRIAL SCHOOL

Bacuag, Surigao del Norte

IKalawang markahang pagsusulit


In
Araling Panlipunan 8
Name:______________________________________________ Date:______________________
Section:_____________________________________________ Score:_____________________

1. Saan itinatag ang kabihasnang Minoan?


A. Athens B. Crete C. Parthenon D. Sparta
2. Ano ang ginawa ng mga Minoan upang umunlad ang kanilang kabihasnan?
A. pinalawig ang pagmimina sa lugar
B. nagtatag ng mga arena upang kumita
C. nakikipagkalakalan sa mga karatig lugar
D. nakipaglaban at umangkin ng iba pang lupain
3. Dahil sa pagsalakay at pagsakop nito sa mga Minoan, anong pangkat ng tao
ang nagpayaman sa kabihasnang Greece?
A. Athenian B. Minoan C. Mycenaean D. Spartan
4. Anong pangyayari ang sanhi ng pagbagsak ng Mycenae?
A. Pagsakop ng mga Dorian
B. Pakikipagkalakalan sa ibang lugar
C. Pagkasira ng kanilang mga pananim
D. Epidemya at maraming tao ang namatay
5. Anong lugar ang sentro ng pulitika at relihiyon ng Greece?
A. Acropolis B. Agora C. Arena D. Polis
6. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tinatamasa ng lehitimong
mamamayan ng Greece?
A. karapatang bomoto
B. magkaroon ng ari-arian
C. bibigyan ng porsiyento sa kalakalan
D. humawak ng posisyon sa pamahalaan
7. Ano ang itinuring pinakamahalagang naidulot ng pakikipagkalakalan sa
Kabihasnang Greek?
A. Lumago ang mga negosyanteng Greek.
B. Nakapipili ang mga mamamayan ng iba’t ibang produkto.
C. Nakapaglalakbay ang mga mamamayang Greek sa ibang lupain.
D. Nalalaman nila ang mga bagong ideya at teknik mula sa ibang lugar.
8. Anong lungsod-estado ng Greece ang binansagang “pamayanan ng mga
mandirigma”?
A. Athens B. Corinth C. Mycenae D. Sparta
9. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahang-
lakas sa isang bansa?
A. para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ibang bansa
B. upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban
C. upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan
D. para siguradong matatakot ang lipunan at susunod sa pamahalaan
10. Ilang Digmaang Punic ang naganap laban sa kapangyarihan ng Roma at
Carthage?
A. isa B. Dalawa C. tatlo D. Apat
11. Anong pangkat ang nagtatag ng Carthage na naging kalaban ng mga Romano?
A. Assyrian B. Lydian C. Phoenician D. Sumerian
12. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana?
A. paghatid ng kasaganaan sa lipunan
B. pagkaroon ng maraming tagapagtanggol
C. pagpahalaga ng kapayapaan sa lipunan
D. pag-unlad ng pangkabuhayan ng mga mamamayan
13. Alin sa sumusunod ang hindi salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano?
A. hindi matatag na pamumuno
B. paglusob ng mga tribong barbaro
C. may sariling paraan ang bawat isa
D. pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan
14. Ilang lider ang bumubuo sa triumvirate ng Roma?
A. isa B. Dalawa C. tatlo D. Apat
15. Saang kontinente matatagpuan ang Imperyong Romano?
A. Amerika B. Aprika C. Asya D. Europa
16. Anong uri ng pamahalaan ang ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging
monarkiya?
A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Diktadurya D. Republika
17. Ano ang tawag sa mamamayang Romano na kasapi sa mayayamang asendero?
A. Haciendero B. Negosyante C. Patrician D. Plebeian
18. Ang karaniwang mamamayang Romano o masa ay tinatawag na?
A. Haciendero B. Negosyante C. Patrician D. Plebeian
19. Kailan yumabong at naging maunlad ang kalakalan sa pagitan ng Hilagang
Africa at Kanlurang Sudan?
A. 1 000 BCE B. 2 000 BCE C.3 000 BCE D. 4 000 BCE
20. Alin sa mga pahayag ang nagpatotoo sa pagpapalawak ng Imperyong Songhai
sa Africa?
A. Sa ilalim ni Sunni Ali ang imperyo ay umabot sa hangganan ng kasalukuyang
Nigeria.
B. Sa pananalakay ni Sundiata Keita, lumawak ang imperyo patungong Sahara
Desert.
C. Sa pamumuno ni Dia Kossoi, nakapagtatag ang imperyo ng ugnayan sa iba
pang bahagi ng Imperyong Islam.
D. Sa paghahari ni Mansa Musa, naging sentro ng karunungan at
pananampalataya ang Timbuktu at Gao.
21. Ano ang tamang paglalarawan sa paraan ng paggawa ng pera sa Palau?
A. gumamit sila ng bato
B. gumamit sila ng coral
C. gumamit sila ng bakal
D. gumamit sila ng bronze
22. Paano pinangalagaan ang mana ng mga sinaunang tao sa Polynesia?
A. Nagkakaroon ng pag-aayuno ang mga mamamayan.
B. May mga batas na sinusunod upang hindi ito mawala.
C. Nag-aalay sila ng mga hayop upang hindi ito mabawasan.
D. Nagkakaroon ng mga pagdarasal sa kanilang mga tahanan.
23. Alin sa sumusunod ang naglalarawan kay Montezuma II bilang isang pinuno
ng mga Aztec?
A. Naniniwala siya sa kalikasan.
B. Naniwala siyang si Hernando Cortes ay diyos.
C. Naniniwala siya sa taong may mapuputing kaanyuan.
D. Naniniwala siya sa Diyos ng araw, ulan at kay Quetzalcoatl.
24. Ano ang isa sa pinakamatandang kabihasnan sa daigdig na matatagpuan sa kontinente ng Africa?
A. Egypt B. Indus C. Mesopotamia D. Shang
25. Anong rehiyon sa America naghari ang kabihasnang Maya?
A. Hilagang Mexico C. Silangang Mexico
B. Kanlurang Mexico D. Timog Mexico
26. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga Mali sa Africa?
A. paghahabi B. Pagmimina C. pagsasaka D. Pangangalakal
27. Alin sa sumusunod na mga vegetation cover ang naglalarawan sa hilagang bahagi ng South America?
A. Mga prairie at steppe
B. Tuyot na mga disyerto
C. Nagyeyelong mga lugar
D. Mayabong na mga kagubatan
28. Sinong pilosopo ang may akda ng “The Republic” na nagsilbing batayan ng pamahalaang Romano?
A. Aristotle B. Plato C. Socrates D. Thucydides
29. Alin sa sumusunod ang tinaguriang isa sa mga tanyag na arkitektura ng bansang Roma?
A. Colosseum B. Corinthian C. Doric D. Parthenon
30. Anong produkto sa Africa ang kasing halaga ng ginto na ginagamit sa pagpreserba ng pagkain?
A. Asin B. Asukal C. Ivory D. Suka
31. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng kahariang Mali at Songhai sa pag-unlad nito?
A. Anyong-tubig na nakapalibot ay nakatulong sa pagsasaka.
B. Tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto.
C. Naging proteksiyon ang malawak na disyerto ng Sahara sa imperyo.
D. Ang lokasyon ay nakatulong para labanan ang banta ng mananakop.
32. Bakit tinawag ng mga Kanluranin ang Africa na “dark continent”?
A. Hindi nasisikatan ng araw ang kabuuan ng Africa.
B. Itim ang kulay ng balat ng mga taong naninirahan dito.
C. Nababalutan ang buong kontinente ng misteryo at kababalaghan.
D. Matatagpuan dito ang malaking bahagi ng disyerto na may buhanging kulay itim.
33. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang tao sa Pasipiko?
A. Pagmimina at pagtotroso
B. Pagsasaka at pangingisda
C. Pagtitinda at pangangalakal
D. Paghahabi at paggawa ng palamuti
34. Bakit hinahangaan ang sinaunang kabihasnang Greece sa larangan ng arketiktura?
A. Dahil mataas ang pamumuhay ng mga taga-Greece.
B. Dahil makikita hanggang sa kasalukuyan ang kanilang kabihasnan
C. Dahil nakapagtatag ng pamayanan sa kabila ng mga hamon sa kapaligiran.
D. Dahil nakagawa ito ng kamangha-manghang estraktura tuladng Parthenon.
35. Alin ang naglalarawan sa mga serf?
A. Kinilala sila bilang natatanging sektor sa lipunan.
B. Sila ang bumubuo sa masa ng tao noong Gitnang Panahon.
C. Napaunlad nila nang malaya ang kanilang pamumuhay at pamilya.
D. Mayroon silang karapatan at kalayaang bumuo ng sariling pamilya.
36. Ano ang pangunahing hangarin ng ekpedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyano sa Europa na kung tawagin ay
krusada?
A. Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano.
B. Mapalakas ang kalakalan ng mga bansang Europeo.
C. Mabawi sa kamay ng mga Turkong Muslim ang Jerusalem.
D. Mapalawak ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa teritoryo ng mga Muslim.
37. Ano ang dahilan sa pag-iral ng Sistemang Piyudalismo sa Gitnang Panahon?
A. pagsalakay ng mga barbaro
B. pagbasak ng Imperyong Roman
C. paglakas ng Simbahang Katoliko
D. paghina ng Banal na Imperyong Roman
38. Ano ang tawag sa lupang ipinagkakaloob ng hari sa kanyang vassal?
A. dowry B. Fief C. homage D. Manor
39. Kung ang diocese ay pinamumunuan ng Obispo, sino naman ang namamahala sa parokya?
A. Arsobispo B. Kardinal C. Kura Paroko D. Papa
40. Sino ang kauna-unahang naging emperador ng Banal na Imperyong Roman na hinirang ni Papa Leo III noong 800 CE?
A. Charlemagne B. Charles Martel C. Clovis D. Pepin the Short
41. Anong krusada ang tinaguriang “Krusada ng mga Hari” na pinamunuan ng mga hari ng Banal na Imperyong Roman,
France at England?
A. Unang Krusada C. Ikatlong Krusada
B. Ikalawang Krusada D. Ikaapat na Krusada
42. Anong institusyon ang bukod tanging hindi pinakialaman ng mga barbaro sa kanilang pagwasak sa Imperyong Roman?
A. Manoryalismo B. Pamahalaan C. Piyudalismo D. Simbahan
43. Alin ang hindi kabilang sa mga dahilan ng paglakas ng Kapapahan sa Europa noong Gitnang Panahon?
A. pagbagsak ng Imperyong Roman
B. paglakas ng Banal na Imperyong Roman
C. pagkakatatag ng mga monasteryo at orden
D. pagkabuo ng isang matatag at mabisang organisasyong ng simbahan
44. Bakit mahalaga ang mga unibersidad sa Gitnang Panahon?
A. Pagbukas ng paaralan sa mamamayan
B. Makatulong para sa pagbabasa at pagsusulat
C. Maging iskolar ng bayan at makilala sa lipunan
D. Maitaguyod ang mga kaalaman at edukasyon sa Europe.
45. Paano mailalarawan ang isang Manor?
A. Isang kastilyo C. Isang bayan at lungsod
B. Malaking lupang sinasaka D. Isang malawak na kapatagan
46. Ano ang magandang naidulot ng paglitaw ng mga unibersidad sa Europe?
A. Upang maipakita ang kakayahan.
B. Upang magkaroon ng kasaganaan.
C. Upang maitaguyod ang edukasyon sa Gitnang Panahon.
D. Upang makamit ang mga pangarap sa buhay at tagumpay.
47. Alin sa mga sumusunod ang magandang naidulot ng Krusada?
A. Napalakas ang mga Turkong Muslim.
B. Nabawasan nito ang populasyon ng mga tao sa Europe.
C. Nakilala ang Europe na may malakas na sandatahang militar.
D. Napalaganap ang komersyo at napayaman ang kulturang Kristiyano.
48. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga tao ay patuloy na namumuhay
sa manor?
A. dito sila sumikat katulad ng hari
B. maraming mga pagawaan ang kanilang mapapasukan
C. takot sila na maparusahan ng hari kung iiwan nila ang manor
D. naipagkaloob ang mga pangangailangan ng mga mamamayan
49. Aling pangyayari ang hindi kabilang sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod?
A. Paglitaw ng Burgis
B. Paggamit ng salapi
C. Pagbagsak ng kalakalan
D. Paglitaw ng sistemang guild
50. Ano ang pinakamahalagang ginampanan ng mga monghe sa pagpapalakas ng
impluwensiya ng simbahan sa Kanlurang Europe?
A. Pagpapaunlad ng agrikultura
B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
C. Pag-iingat ng mga karunungang klasikal
D. Pagpapakain at pangangalaga sa mga mahihirap

© Ma’am Glenda ©

You might also like