You are on page 1of 6

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 8

Name: Section: Score:

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at BILUGAN ang letra ng tamang sagot.
1. Saan itinatag ang kabihasnang Minoan?
A. Athens B. Crete C. Sparta
2. Anong pangyayari ang sanhi ng pagbagsak ng Mycenae?
A. Pagsakop ng mga Dorian
B. Pagkasira ng kanilang mga pananim
C. Epidemya at maraming tao ang namatay
3. Ano ang kahalagahan ng pagsibol ng demokrasya sa Athens?
A. Ito ay naglilimita sa mga tao sa kanilang gustong gawin
B. Ang kapangyarihan ng bansa ay nasa iisang tao lamang
C. Nagkaroon ng kapangyarihan ang mga mamamayan
4. Bakit binansagang “pamayanan ng mga mandirigma” ang mga taga Sparta?
A. Dahil magagaling sila sa agham at astronomiya
B. Dahil sila ang pinakamahusay na mga mandaragat
C. Dahil lahat ng mga lalaki ay mga sundalo
5. Ano ang pagkakaiba ng pamayanan ng Athens sa mga Spartans?
A. Ang Athens nakapokus sa edukasyon at ang Sparta ay nakapokus sa militar
B. Ang Sparta ay nakapukos sa edukasyon at ang Athens ay naka pukos sa militar
C. Wala silang pinagkaiba dahil sila ay mamamayan ng Greece
6. Alin sa sumusunod na kalagayan ang nagpapakita ng lubos na pagtulong ng pamahalaan sa
mga mamamayan?
A. Pagbibigay ng buwis sa pamahalaan
B. Pagbibigay pautang para sa mga magsasaka
C. Pagpapawalang-bisa sa pagkakakulong dahil sa utang
7. Sangayon ka ba kay Pericles ng Athens na ang konstitusyon ng Athens ay isang demokrasya
sapagkat nasa kamay ito ng nakakarami?
A. Hindi, dahil ang pamahalaan ay hawak ng mga iilang mamamayan sa lipunan.
B. Oo, dahil Hari at reyna lamang ang may lubos na kapangyarihan sa kanilang bayan.
C. Oo, dahil ang taong-bayan ang siyang magdesisyon kung sino ang dapat mamuno
sa kanilang pamahalaan.
8. Ano ang tawag sa isang lugar na madalas pagdarausan ng mga labanan ng
mga gladiator? A. Appian B. Basilica Way C. Coliseum
9. Ano ang tawag sa kasuotan ng mga lalaking Romano na ipinapatong sa ibabaw
ng tunic? A. Stola B. Palla C. Toga
10. Sino-sino ang bumubuo sa First Triumvirate ng Roma?
A. Marcus Lepidus, Mark Antony, Octavian
B. Gaius Gracchus, Marcus Brutus, Tiberius
C. Julius Caesar, Marcus Licinius Crassus, Pompey
11. Anong uri ng pamahalaan ng ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging monarkiya?
A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Republika
12. Bakit napakahalaga ng Twelve Tables sa mga Romano?
A. Dahil ito ay nangangalaga sa karapatan ng mga plebeian
B. Dahil ito ay nangangalaga sa karapatan ng mga patrician
C. Dahil pinangangalagaan nito ang karapatan ng lahat ng tao
13. Bakit itinayo ng mga Kabihasnang Romano ang Coliseum?
A. dito sila nagsisimba
B. dito nila isinasagawa ang labanan ng mga gladiator
C. dito nagpupulong at nagplaplano ang assembly
14. Ano ang isa sa mga dahilan bakit humina ang imperyong Romano?
A. Nagkaroon ng digmaang sibil
B. Pagkaluklok ng mga mahihinang emperador/pinuno
C. Pag-alis ng simbahang katoliko sa Rome
15. Anong kabihasnan ang nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,” isang kathang lugar sa
Hilagang Mexico? A. Aztec B. Inca C. Maya
16. Ano ang ibig sabihin ng mana? A. bisa B. tapang C. kapangyarihan
17. Ano ang tawag sa mga maliliit na mga isla sa mga pulo sa Pacific?
A. Micronesia B. Melanesia C. Polynesia
18. Paano pinangalagaan ang mana ng mga sinaunang tao sa Polynesia?
A. Nagkakaroon ng pag-aayuno ang mga mamamayan.
B. May mga batas na sinusunod upang hindi ito mawala.
C. Nag-aalay sila ng mga hayop upang hindi ito mabawasan.
19. Paano nagkakahawig ng Kabihasnang Inca at Aztec?
A. Sila ay naniniwala sa diyos ng tubig
B. Sila ay naniniwala sa diyos ng kagubatan
C. Sila ay naniniwala sa diyos ng araw
20. Alin sa mga pahayag ang nagpatotoo sa pagpapalawak ng Imperyong Songhaisa Africa?
A. Sa ilalim ni Sunni Ali ang imperyo ay umabot sa hangganan ng kasalukuyang Nigeria.
B. Sa patuloy na pananalakay ni Sundiata Keita, lumawak ang imperyo patungong Sahara Desert.
C. Sa pamumuno ni Dia Kossoi, nakapagtatag ang imperyo ng ugnayan sa iba pang bahagi ng
Imperyong Islam.
21. Sa pag-usbong ng mga kabihasnan sa mga pulo sa Pacific, anong hanap-buhay ang posible
mong maging trabaho?
A. magtotroso B. mangingisda C. panadero
22. Ang may-akda ng Iliad at Odyssey ay si _________ .
A. Homer B. Plato C. Socrates
23. Isang istilo ng haligi ng mga Greek na may pinakamagarbong dekorasyon.
A. Doric B. Ionic C. Corinthian
24. Ang nagsisilbing tagapaghatid ng balita o mensahe ng mga diyos at diyosa.
A. Ares B. Apollo C. Hermes
25. Ang tanyag na eskultor na lumikha ng higanteng estatwa ni Athena para sa Parthenon na yari
sa ivory at ginto. A. Ptolemy B. Euclid C. Phidias
26. Paano naging mahalaga ang Appian Way sa mga taga-Roma
A. Ito ang kauna-unahang daanan na nag-uugnay sa Roma at Timog-Silangang Itaya.
B. Ito ang daanan nag-uugnay sa Rome at Greece
C. Ito ang daanan na ginagamit ng mg mangangalakal papuntang Egypt
27. Paano mo mailalarawan ang literatura ng mga Romano?
A. Ang kanilang literatura ay hango sa literatura ng mga Griyego
B. Ang kanilang literatura ay nilikha ng kanilang mga ninuno
C. Ang kanilang literatura ay hindi gaanong sumikat sa buong mundo
28. Kung ikaw ay isang Greyigo, paano makikita ang impluwensya ng mga Diyos at diyosa ng
mga Griyego sa kanilang pamumuhay?
A. Pag-aalay ng buhay ng tao kapalit ng kasaganahan
B. Pagpapatayo ng mga estatwa at mga templo
C. Paniniwala sa Feng Shui
29. Ano ang pangunahing hangarin ng ekpedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyano sa
Europa na kung tawagin ay krusada?
A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. mabawi sa kamay ng mga Turkong Muslim ang Jerusalem
C. mapalawak ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa teritoryo ng mga Muslim
30. Ano ang dahilan sa pag-iral ng Sistemang Piyudalismo sa Gitnang Panahon?
A. pagsalakay ng mga barbaro
B. paglakas ng Simbahang Katoliko
C. paghina ng Banal na Imperyong Roman
31. Ano ang tawag sa lupang ipinagkakaloob ng hari sa kanyang vassal?
A. Dowry B. Fief C. Homage
32. Kung ang diocese ay pinamumunuan ng Obispo. Sino naman ang namamahala sa parokya?
A. Arsobispo B. Kura Paroko C. Kardinal
33. Anong sistemang pang-ekonomiya ang katapat ng piyudalismo na gumabay sa paraan ng
pagsasaka sa buhay ng magbubukid?
A. Manoryalismo B. Merkantilismo C. Paglitaw ng Burgis
34. Paano mailalarawan ang isang Manor?
A. Isang kastilyo B. Malaking lupang sinasaka C. Isang bayan at lungsod
35. Sa pagbagsak ng Imperyong Romano, alin sa mga sumusunod ang lumakas at lumawak ang
kapangyarihan? A. Barbaro B. Pamahalaan C. Simbahan
36. Ano ang mahalagang papel ng Simbahang Katoliko sa Panahong Medieval?
A. Pagpapalakas ng hukbong sandatahan
B. Pagpapalago ng pamumuhay ng mga tao
C. Pangangalaga sa espiritwal na pangangailangan ng tao
37. Pinahalagahan ng mga Spartans ang kanilang sandatahanglakas. Bakit mahalaga ang
pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahanglakas sa isang bansa?
A. para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ibang bansa
B. upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban
C. upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan
38. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga tao ay patuloy na namumuhay
sa manor?
A. maraming mga pagawaan ang kanilang mapapasukan
B. takot sila na maparusahan ng hari kung iiwan nila ang manor
C. naipagkaloob ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
39. Alin sa mga sumusunod ang magandang naidulot ng Krusada?
A. Nabawasan nito ang populasyon ng mga tao sa Europe.
B. Nakilala ang Europe na may malakas na sandatahang militar.
C. Napalaganap ang komersyo at napayaman ang kulturang Kristiyano
40. Aling pangyayari ang hindi kabilang sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod?
A. Paglitaw ng Burgis B. Paggamit ng salapi C. Pagbagsak ng kalakalan

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 10

Name: Section: Score:

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at BILUGAN ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong


pandaigdig. A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Urbanisasyon
2. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Ekonomiya B. Globalisasyon C. Migrasyon
3. “Binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan ng mga manggagawang Pilipino”, ano ang nais ipahiwatig ng
pahayag na ito?
A. Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Paghuhulog, pagbabayad at paglalabas ng pera gamit ang mga Automated Teller Machine (ATM).
4. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila ang mura at
kakayahang umangkop sa paggawa sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa
mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
B. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis.
C. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.
5. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?
A. Patuloy nitong binabago ang kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at politikal na aspekto.
C. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad
ang mga malalaking industriya.
6. Batay sa kasunod na dayagram, ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng
tao.
B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural.
C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
7. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal
at sosyokultural maliban sa isa. Alin dito?
A. paggamit ng mobile phones B. pagsunod sa KPop culture C. pagpapatayo ng JICA building
8. Ano ang pinaka-angkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng pinsala.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.
9. Kung ikaw ang presidente ng Pilipinas ano ang gagawin mo para masolusyonan ang globalisasyon?
A. magpapatupad ako ng Guarded Globalization
B. manghihingi ako palagi ng ayuda sa mga karatig na bansa
C. hindi ko papapasukin ang mga foreign investors sa ating bansa
10. Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa. Ano
ang totoo sa pananaw na ito?
A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya.
B. May tiyak na pinagmulan ang globalisayon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao
C. Ang paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa
kanyang makipagkalakalan
11. Ang lahat ay tumutukoy sa epekto ng globalisasyon sa paggawa maliban sa isa. Ano ito?
A. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard
B. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga na ipinupukol sa
kanila ng mga taong galit sa kanila.
C. Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang
gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
12. Ano ang humikayat sa mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng
iba’t ibang isyu sa paggawa?
A. Nais ng Pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino.
B. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
C. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad ng
kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa
13. Anong sektor ng paggawa ang may pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa?
A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod
14. Alin sa sumusunod ang suliraning kinakaharap ng mga lokal na magsasaka?
A. Kawalan ng sapat na tulog
B. Kawalan ng kahalili sa pagtatanim at pag-aani ng mga pananim
C. Kakulangan ng patubig o suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda
15. Ito ay tumutukoy sa pagpapalaki ng kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at
paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa?
A. Subcontracting Scheme B. Kontraktuwalisasyon C. Mura at Flexible Labor
16. Ang pagpasok ng Pilipinas sa mga usapin at kasunduan sa mga pandaigdigang institusyong pinansyal tulad ng
IMF-WB at WTO ay lalong nagpahina sa kita ng mga lokal na magsasaka. Alin sa sumusunod na pahayag ang
sumusuporta dito?
A. Ang mga produktong agrikultural ay malayang naiaangkat sa ibang bansa.
B. Ang mga dayuhang produktong agrikultural ay malayang naibebenta sa mga local na pamilihan sa mababang
halaga.
C. Ang mga lokal na de-kalidad na produkto tulad ng mangga at saging ay itinatanim at nakalaan lamang para sa
ibang bansa.
17. Alin sa sumusunod ang hindi mabuting epekto ng kontraktuwalisasyon?
A. Hindi nakatatanggap ng karampatang sahod at mga benepisyo ang mga manggagawa.
B. Maiiwasan ang pagbabayad ng separation pay ng mga kapitalista sa mga manggagawa.
C. Hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong “employee-employer” sa mga manggagawang nasa empleyo
ng isang ahensiya.
18. Ano ang tawag sa pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang
isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon?
A. Subcontracting Scheme B. Mura at Flexible Labor C. Kontraktuwalisasyon
19. Ano ang tawag sa nakamamatay at nakahahawang sakit na nagmula sa bansang
China? A. COVID-19 B. SARS-CoV C. MERS-CoV
20. Base sa katanungan sa Bilang 19, ano ang epekto nito sa mga tao?
A. ang mga tao ay nagkaroon ng maraming trabaho
B. ang mga tao ay hindi nakalabas at hindi nakapagtrabaho
C. ang sakit na ito ay walang epekto sa mga tao at nananatiling normal ang daigdig
21. Bakit kailangan malaman natin kung ano ang migrasyon?
A. upang malaman natin ang proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. upang malaman natin ang pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga mamamayan.’
C. upang malaman natin ang proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa
isang lugar pansamantala man o permanente.
22. Sa pelikulang Ode to My Father, si Duk-Soo ay maituturing na economic migrant. Ano ang pinaka-naglalarawan
sa isang economic migrant?
A. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o di kaya ay kaguluhan.
B. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
C. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa bansang pinagmulan.
23. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang di-mabuting epekto ng migrasyon sa mga papaunlad na bansa gaya ng
Pilipinas? A. Brain Drain B. Economic Migration C. Integration
24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pang-aabuso sa mga babaeng manggagawa sa ibang bansa?
A. Ang mga kababaihang migrante ang kadalasang biktima ng human trafficking.
B. Ang ilang kababaihang migrante ay nalalantad sa karahasang sekswal (sexual violence).
C. Parehong A at B.
25. Alin sa mga sumusunod ang nakikitang dahilan kung bakit umaalis ng lugar ang ilan nating kababayang
manggagawa?
A. Higit na mataas na pasahod na alok ng mga mauunlad na bansa.
B. Mas maraming trabaho ang naghihintay sa mga mauunlad na bansa.
C. Parehong A at B
26. Kailan nagaganap ang migration transition?
A. Nagaganap kapag mas marami ang umaalis na Overseas Filipino Workers (OFWs) kaysa sa dumarating o umuuwi
dito sa Pilipinas.
B. Nagaganap kapag nawawala na ang pagkamamamayan ng isang manggagawa dahil sa pagkawalang-bisa nito
dahil sa haba ng paninirahan sa bansang pinuntahan.
C. Nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na
rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
27. Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon?
A. Nagkakaroon ng konseptong “house husband” kapag ang ina ang nangibangbansa.
B. Kapag ang lalaki ang nangibang-bansa, ang asawang babae ang mas higit na umaako ng lahat ng gawaing
pantahanan.
C. Maraming bansa ang nagpanukala na mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan na imigrante lalo na sa
kondisyon ng bansa na nais nilang puntahan.
28. Alin sa mga sumusunod ang kailangang gawin ng pamahalaan upang hindi magdagsaan ang mga tao sa mga
lungsod gaya ng Kalakhang Maynila?
A. Hikayatin ang mga manggagawa na mangibang-bansa.
B. Paunlarin ang mga lalawigan at mag-alok ng trabaho para sa mga taga-roon.
C. Isabatas ang pagbabawal sa mga taga-probinsiya na magtrabaho sa Maynila.
29. Ang mga sumusunod ay kalimitang ugat ng pandarayuhan ng mga Pilipino, maliban sa isa:
A. maghanapbuhay na may mataas na sahod
B. paghihikayat ng mga kamag-anak na nakatira na sa ibang bansa
C. matuto o mapag-aralan ng makabagong kasanayan at kakayahan
30. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng mga dahilan ng migrasyon?
A. digmaang sibil B. pagkawasak ng pamilya C. kawalan ng trabaho sa pamayanan
31. Marami sa mga pamilya ng OFW ay nakakaranas ng pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong sa
pagkawasak nito. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan upang sila ay matulungan?
A. makisimpatya sa kanila
B. bigyan sila ng sulat ang isa’t isa
C. magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa kanila
32. Sa kabila ng mga banta sa kalagayan ng mga migranteng manggagawa marami pa ring mga Pilipino ang
nangingibang bansa. Alin sa sumusunod ang hindi prayoridad ng mga Pilipino upang umalis ng bansa?
A. upang makatulong sa pag-ahon ng pamilya sa kahirapan
B. ang magkaroon ng pagkakataon na manirahan sa ibang bansa
C. ang makapaglakbay sa ibang bansa ay isang karanasan na hindi matutumbasan
33. Si Lucy ay isang dating domestic worker sa Lebanon. Ayon sa kaniyang panayam, kinukulong siya ng kaniyang
amo sa loob ng bahay na sarado ang mga bintana at pinto. Inuutusan siyang gumising ng alas-kuwatro ng umaga at
matutulog ng ala-una ng madaling araw. Minsan isang buong magdamag siyang namalantsa ng mga damit ng
kaniyang amo. Ano ang naging situwasyon ni Lucy?
A. forced labor B. human trafficking C. remittance
34. Bakit kinakailangan ng ibang mga magulang ang magtrabaho at mapalayo sa kanilang pamilya?
A. Gusto nilang mag-abroad dahil sa kanilang mga anak at asawa, sa kabila nito ay para sa kanilang ikauunlad ng
pamumuhay.
B. Gusto nilang masiyahan dahil makakapamasyal sila sa mga magagandang lugar na mapupuntahan dahil sa
pagtatrabaho nila sa ibang bansa.
C. Gusto nilang makapagpupundar ng mga mamahaling ari-arian at maiangat ang kanilang pamumuhay at apihin ang
dating nang-api sa kanila.
35. Alin sa mga sumusunod ay ang positibong epekto ang naidudulot ng migrasyon sa pamilya?
A. makapaglibang at makapamasyal sa mga magagandang lugar
B. pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng komunikasyon
C. matutugonan ang mga pangangailangang pangkabuhayan para maitaguyod ang mas maginhawang pamumuhay
ng pamilya
36. Ang pamilya ni Jun-jun ay nabubuhay sa pagsasaka, dahil sa mababang kita tuwing anihan, kaya napagpasyahan
niyang mangibang bansa at iniwan na lang ang sakahan sa kanyang mga kapatid. Hindi naman siya nangulila,
sapagkat may komunikasyon naman siya sa mga ito. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng migrasyon sa
buhay ni Jun-jun?
A. ang pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa transnasyunal na pamilya
B. ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid
C. ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan
37. Ang mga kabataan ngayon ay mahilig sa mga banyagang musika na mula sa Amerika, Espanya at Korea. Sa
kadahilang ito, mangilan-ilan na lamang ang tumatangkilik sa musikang Pinoy. Anong paraan ang mabisang pang-
iwas sa epektong ito sa pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay ng kabataang Pinoy?
A. ang hindi pagtanggap sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon
B. huwag papansinin ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa buhay
C. ang malalim na pagkakahubog ng mga magulang sa mga anak ukol sa mga pagpapahalaga at kultura bilang isang
tunay na Pilipino
38. Si Anna ay isang domestic helper sa Macau at naiwan niya ang dalawang anak at ang asawang si Eloy sa
Pilipinas. Halos maglilimang taon na siya doon at kahit pa marami siyang ginagawa ay nabibigyang oras niya pa rin
ang pamilya upang kausapin ang mga ito araw-araw. Sa sitwasyon nila, ano ang epektibong paraan upang maiwasan
at mapaghandaan nila ang epekto ng migrasyon sa kanilang pamilya upang hindi ito mauwi sa paghihiwalayan?
A. pagkakaroon ng matatag na pagmamahalan, respeto, at tiwala sa isa’t isa
B. ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
C. panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t-isa
39. Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino?
A. ang pamilya B. ang mga anak C. ang asawang naiiwan sa pamilya
40. Si Lea ay nag-apply bilang isang domestic helper sa bansang Malaysia. Ngunit, pagdating ng Malaysia ay
hinarangan siya sa airport dahil sa bagahe niya na may laman na mga droga, at siya ngayon ay hinatulan ng
kamatayan sa bansang inakala niya ay magdudulot ng magandang oportunidad para sa kanyang pamilya upang
guminhawa. Ano ang tawag sa sitwasyon ni Lea?
A. forced labor B. human trafficking C. slavery

You might also like