You are on page 1of 4

IKALAWANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: __________________________Taon/Seksiyon:_________Iskor:__
Lagda ng Magulang: ________________________________Petsa:_________
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat
ang titik sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na kalagayan ang nagpapakita ng lubos na pagtulong ng pamahalaan sa
mga mamamayan?
A. Pagbibigay ng buwis sa pamahalaan
B. Pagbibigay pautang para sa mga magsasaka
C. Pagpapawalang-bisa sa pagkakakulong dahil sa utang
D. Pagbigay galang sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan
2. Ano ang itinuring pinakamahalagang naidulot ng pakikipagkalakalan sa Kabihasnang Greek?
A. Lumago ang mga negosyanteng Greek.
B. Nakapipili ang mga mamamayan ng iba’t ibang produkto.
C. Nakapaglalakbay ang mga mamamayang Greek sa ibang lupain.
D. Nalalaman nila ang mga bagong ideya at teknik mula sa ibang lugar.
3. Sa lungsod-estado ng Sparta, ang mga batang lalaking malulusog ay sinanay na sa mga
serbisyong militar. Ano ang iyong mahinuha sa kalagayang ito?
A. Pinahalagahan ang kanilang edukasyon.
B. Pinahalagahan ang kalinisan ng kampo-militar
C. Pinahalagahan ang kanilang sandatahang lakas.
D. Pinahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan.
4. Ano ang kahulugan ng salitang tyrant sa kasalukuyan?
A. masipag na lider
B. masayahing lider
C. malupit na pinuno
D. makupad na pinuno
5. Dahil sa pagsalakay at pagsakop nito sa mga Minoan, anong pangkat ng tao ang nagpayaman
sa kabihasnang Greece?
A. Athenian B. Minoan C. Mycenaean D. Spartan
6. Ano ang ginawa ng mga Minoan upang umunlad ang kanilang kabihasnan?
A. pinalawig ang pagmimina sa lugar
B. nagtatag ng mga arena upang kumita
C. nakikipagkalakalan sa mga karatig lugar
D. nakipaglaban at umangkin ng iba pang lupain
7. Ayon kay Pericles ng Athens, ang konstitusyon ng Athens ay isang demokrasya sapagkat nasa
kamay ito ng nakakarami. Ano ang ipahiwatig ni Pericles?
A. Ang pamahalaan ay hawak ng mga iilang mamamayan sa lipunan.
B. Hari at reyna lamang ang may lubos na kapangyarihan sa kanilang bayan.
C. Tanging opisyal ng pamahalaan lamang ang magdesisyon para sa kanilang bayan.
D. Ang taong-bayan ang siyang magdesisyon kung sino ang dapat mamuno sa kanilang
pamahalaan.
8. Ano ang pinakamahalagang natutunan ng mga Greek mula sa mga Phoenician?
A. paggamit ng mga aklat
B. paggamit ng lapis at papel
C. pagtatag ng mga paaralan
D. paggamit ng kanilang alpabeto
9. Anong pangyayari ang sanhi ng pagbagsak ng Mycenae?
A. Pagsakop ng mga Dorian
B. Pakikipagkalakalan sa ibang lugar
C. Pagkasira ng kanilang mga pananim
D. Epidemya at maraming tao ang namatay
10. Ano ang pinakamahalagaahang naiambag ng Athens sa kabihasnan ng daigdig?
A. Asembleya B. Batas Militar C. Demokrasya D. Lungsod-Estado
11. Saan itinatag ang kabihasnang Minoan?
A. Athens B. Crete C. Parthenon D. Sparta
12. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahang-lakas sa isang
bansa?
A. para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ibang bansa
B. upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban
C. upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan
D. para siguradong matatakot ang lipunan at susunod sa pamahalaan
13. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tinatamasa ng lehitimong mamamayan ng Greece?
A. karapatang bomoto
B. magkaroon ng ari-arian
C. bibigyan ng porsiyento sa kalakalan
D. humawak ng posisyon sa pamahalaan
14. Anong lungsod-estado ng Greece ang binansagang “pamayanan ng mga mandirigma”?
A. Athens B. Corinth C. Mycenae D. Sparta
15. Anong lugar ang sentro ng pulitika at relihiyon ng Greece?
A. Acropolis B. Agora C. Arena D. Polis
16. Ano ang pinakamalaking pulo ng Greece kung saaan naninirahan ang mga Minoans?
A. Crete B. Knossos C. Mycenae D. Troy
17. Ano ang angkop na paglalarawan sa Knossos na nakilala bilang makapangyarihang lungsod
sa Greece?
A. Ang malaking palasyo sa Crete C. Ang relihiyosong templo sa Peloponnesus
B. Ay bayan ng mangingisda sa Crete D. Ang malaking labyrinth na iniikutan ng Minotaur
18. Kung ang mga Minoans ay agrikultura ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan, ano
naman sa Mycenaean pagdating ng 1400 BCE?
A. Alipin B. Maharlika C. Mandirigma D. Mangangalakal
19. Ano ang dalawang sinaunang kabihasnang sumibol sa Greece?
A. Dorians at Hebrews B. Minoans at Mycenaean C. Trojans at Olympians D. Spartan at Athenian
20. Ano ang pangunahing dahilan ng pagyaman sa kalakalan ng mga Minoans?
A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan
B. Napapalibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete
D. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
21. Sino ang pinaniniwalaang nagtatag ng kaharian at tinawag na dakilang hari ng Crete?
A. Agamemnon B. Dorian C. Minos D. Zeus
22. Alin lamang ang HINDI nagpapakita ng kabihasnang Minoan?
A. May mantas na antas ng teknolohiya at sining C. Mahusay sa paggawa ng armas
B. May nasusulat na alpabeto D. Walang maunlad na teknolohiya
23. Sino ang sumalakay sa kabihasnang Minoan?
A. Bulgaria B. Dorian C. Mycenaean D. Phoenician
24. Anong pulo matatagpuan ang isa sa pinakamaunlad at mayamangl lungsod sa rehiyong
Aegean?
A. Albania B. Bulgaria C. Egypt D. Peloponnesus
25. Bakit humina ang kabihasnang Mycenaean?
A. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Dorian at Mycenaean
B. Tumigil ang kalakalan at sining
C. Nakalimutan ang pagsusulat ng mga tao
D. Lahat ng nabanggit
26. Ano ang tawag sa hukbong Greek na karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga
mandirigma?
A. Liga B. Phalanx C. Pormasyon D. Spartiate
27. Ano ang tawag sa isang mataas na lugar na naging takbuhan ng mga Griyego sa panahon ng
digmaan para sa kanilang proteksyon?
A. Acropolis B. Agora C. Hellas D. Polis
28. Ano ang tawag sa mga bihag ng digmaan ng lungsod-estado ng Sparta na ginagawa nilang
tagapagsaka ng kanilang malawak na lupain?
A. Hellas B. Hellenes C. Helot D. Maharlika.
29. Ano ang tawag sa pamilihang bayan kung saan maaring magtinda o magtipon-tipon ang mga
tao?
A. .Acropolis B. Agora C.Oligarkiya D. Polis
30. Anong sistema ang sinimulan ni Cleisthenes na pinahihintulutan ang pagpapatapon o
pagtatakwil sa isang tao sa sinaunang Athens?
A. Demokrasya B. Oligarkiya C. Ostracismo D. Perioci
31. Anong tawag sa kinatawan ng pambansang pamahalaan na gumagawa ng batas?
A. Assembly B. Democracy C. Konseho D. Lehislatura
32. Sino ang lumikha ng kauna-unahang talaan ng mga batas na tinawag na “Draconian Code”?
A. Cleisthenes B. Draco C. Solon D. Pisistratus
33. Ano ang pinakamahalagang pamana ng Athens?
A. Demokrasya B. Laro C. Medisina D. Sining
34. Sino ang tinatawag na mga uring namumo mula sa salinlahi ng mga Dorian?
A. Helot B. Maharlika C. Perioci D. Spartiate
35. Sino ang tinatawag na malalayang tao at mangangalakal at walang karapatang political?
A. Helot B. Maharlika C. Perioci D. Spartiate
36.Sino ang dakilang lider ng mga Persiano na sumakop sa Asia Minor at iba pang lungsod-
estado ng Greece?
A. Alexander the Great B. Cyrus the Great C. Darius the Great D. Xerxes
37. Anong ilog ang naging kapakipakinabang sa mga sinaunang Roma dahil naging daan ito
upang madaling maiangkat ang mga produkto sa Rome?
A. Indus River B. Nile River C. Tiber River D. Yangtse River
38. Ano ang opisyal na wika ng imperyong Romano na naging batayan ng wikang Italian, French,
Spanish at Portuguese?
A. Chinese B. Fortuguese C. Greek D. Latin
39. Bakit tinawag ng mga Kanlurin na Dark Continent ang Aprika? Dahil sa _____.
A. limitado ang kaalaman ng mga bansang Kanlurainin tungkol sa kontinenteng ito hanggang ika-
19 na siglo
B. maitim ang kutis ng mga taong naninirahan dito
C. sagana ang kontinente sa yamang likas katulad ng mga kagubatan at iba’t ibang uri ng hayop
na makikita sa bawat lugar
D. mahirap pakisamahan ang mga katutubong nakatira sa bawat tribo
40.Bakit mahalaga ang oasis sa mga taong naninirahan sa Aprika? Dahil sa nagsilbing _____.
A. patubig sa mga lupang pansakahan at mga taong ninirahan sa disyerto
B. rutang pangkalakalan ng mga taga-Europa at Asya
C. sentro ng edukasyon at pangrelihiyon
D. depensa sa mga mananakop sa ibang lugar

Inihanda ni:
G. JEBUN P. LANGAMIN

Answer key
1. C
2. D
3. C
4. A
5. C
6. C
7.

You might also like