You are on page 1of 6

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALBAY

LANIGAY HIGH SCHOOL


POLANGUI, ALBAY
SY 2023-2024

IKALAWANG PAMANAHUNANG PAGSUSULIT IN ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: ___________________________Grade and Section: _______________ Score: _________

PANUTO: Basahin at unawain ang pangugusap sa bawat bilang. Piliin at isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na kabihasn ang nagsimula sa isla ng Crete?


A. Mycenaean B. Athens C. Minoan D. Sparta
2. Ang maalamat na Haring sinasabing nagtatag ng Kabihasnan sa Crete.
A. Minos B. Leonidas C. Pericles D. Philip
3. Anong pangyayari ang sanhi ng pagbagsak ng Mycenae?
A. Pagsakop ng mga Dorian
B. Pakikipagkalakalan sa ibang lugar
C. Pagkasira ng kanilang mga pananim
D. Epidemya at maraming tao ang namatay
4. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tinatamasa ng lehitimong mamamayan
ng Greece?
A. karapatang bomoto
B. magkaroon ng ari-arian
C. bibigyan ng porsiyento sa kalakalan
D. humawak ng posisyon sa pamahalaan
5. Anong lungsod-estado ng Greece ang binansagang “pamayanan ng mga
mandirigma”?
A. Athens B. Mycenae C. Corinth D. Sparta
6. Ano ang tawag sa isang lugar na madalas pagdarausan ng mga labanan ng mga
gladiator?
A. Appian Way B. Coliseum C. Basilica D. Parthenon
7. Saang kontinente matatagpuan ang Imperyong Romano?
A. Amerika B. Asya C. Aprika D. Europa
8. Anong uri ng pamahalaan ang ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging
monarkiya?
A. Aristokrasya B. Diktadurya C. Demokrasya D. Republika
9. Ano ang tawag sa kasuotan ng mga lalaking Romano na ipinapatong sa ibabaw ng
tunic?
A. Cullotes B. Stola C. Palla D. Toga
10. Ano ang sinaunang kabisera ng bansang Italya?
A. Roma B. Milan C. Florence D. Venice
11.May ilang kaharian ang umusbong sa sinaunang Africa. Anong kaharian ang naging
tanyag sa Silangang Africa?
A. Ghana B. Mali C. Axum D. Songhai
12.Ang kaharian ng Mali ay napatatag ni Sundiata Keita. Nang siya ay namatay, pinalitan
siya ng isang pinuno na nagpalawak sa sakop ng Mali. Sino siya?
A. Mansa Musa C. Mohammed II
B. Sunni Ali D. Muhammad Askia
13.Ang Islam ay isa sa pinakamalawak at pinakamatandang relihiyon. Anong imperyo sa
Africa ang tumanggap sa Islam noong 1010?
A. Axum B. Mali C. Ghana D. Songhai
14. Ano ang tawag sa mga masisipag na panday at negosyante na nagmula sa
Ghana?
A. Inca B. Kush C.Maya D. Soninke
15. Ito ang tawag ng mga Aztec sa diyos ng araw na sinasamba nila?
A. Tlatoc B. Huaca C. Quetzalcoatl D. Huitzilopochtl
16. Alin sa mga sumusunod ang sinaunang kaharian noong 350 CE ng klasikong
kabihasnan sa Africa?
A. Axum B. Songhai C. Ghana D. Mali
17. Ito ang kabihasnang namayani sa Yukatan Peninsula, sa rehiyon ng Timong
Mexico hangang Guatemala.
A. Maya B. Azbec C. Olmec D. Inca
18. Matatagpuan sa pagitan ng Asya at North America na sinasabing isang dating
tuyong lupaing nagsisilbing tulay sa dalawang kontinente.
A. Valley of Mexico C. Bering Strait
B. Kapatagan D. Olmec
19. Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugang tirahan ng Diyos?
A. Teotihuacan C. Halach Uinic
B. Quetzalcoatl D. Chinampas
20. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa
daigdig?
A. Sahara B. Rainforest C. Savanna D. Oasis
21. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa lipunan sa panahon ng
Piyudalismo?
A. Pari B. Serf C. Kabalyero D. Maharlika
22. Alin sa tatlong pangkat sa lipunan ng Piyudalsimo na ang posisyon ay hindi
namamana dahil hindi sila maaaring mag-asawa?
A. Pari B. Serf C. Kabalyero D. Maharlika
23. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period at nananatili silang
nagsasaka ng kanilang mga lupain.
A. Pari B. Serf C. Kabalyero D. Maharlika
24. Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na
nangangahulugang ________.
A. Cross B. Serf C. Vassal D. Krusada
25. Ito ay isang sistemang pamamalakad ng lupain kung saan ang lupang pag-aari
ng panginoon ay babahagi sa vassal?
A. Manoryalismo C. Republic
B. Psyudalismo D. Democratic
26. Ito ay isang seremonya kung saan nangangako ang vassal ng kaniyang
katapatan sa panginoong may lupa?
A. Fief B. Act of Homage C. Pyudalismo D. Chivalry
27. Ano ang tawag sa paghahati ng sakahan sa tatlong bahagi?
A. Krusada C. Three-Field System
B. Pagkakaingin D. Pagsasaka
28. Ano ang tawag sa pagpapalitan ng produkto o sistema ng kalakalan na hindi
gumagamit ng salapi o pera?
A.Barter B. Burgis C. Guild D.Manor
29. Ano ang tawag sa maalaking lupaing pagmamay-ari ng panginoong may lupa,
nasa loob nito ang halos lahat ng mga pangangailangan ng mga naninirahan dito?
A.Barter B. Burgis C. Guild D.Manor
30. Ano ang tawag sa samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na
hanapbuhay?
A.Barter B. Burgis C. Guild D.Manor
31. Paano pinaunlad ng mga Minoan ang kanilang kabihasnan?
A. nanakop ng iba pang lupain
B. pinalawak ang pagmimina sa lugar
C. nagpatayo ng mga arena upang kumite
D. sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan
32. Dahil sa pagsalakay at pagsakop nito sa mga Minoan, anong pangkat ng tao ang
nagpayaman sa kabihasnang Greece?
A. Athenian B. Mycenaean C. Minoan D. Spartan
33. Ano ang pinakamahalagang naidulot ng pakikipagkalakalan sa Kabihasnang
Greek?
A. Yumaman ang mga negosyanteng Greek.
B. Iba’t ibang produkto ang kanilang mapagpipilian.
C. Nakapamasyal ang mga mamamayang Greek sa ibang lupain.
D. Natutunan nila ang mga bagong ideya at teknik mula sa ibang lugar.
34. Anong pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana?
A. paghatid ng kasaganaan sa Lipunan
B. pagkaroon ng maraming tagapagtanggol
C. pagpahalaga ng kapayapaan sa Lipunan
D. pag-unlad ng pangkabuhayan ng mga mamamayan
35. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano?
A. hindi matatag na pamumuno
B. paglusob ng mga tribong barbaro
C. may sariling paraan ang bawat isa
D. pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan
36. Sino-sino ang bumubuo sa First Triumvirate ng Roma?
A. Marcus Lepidus, Mark Antony, Octavian
B. Gaius Gracchus, Marcus Brutus, Tiberius
C. Julius Caesar, Marcus Licinius Crassus, Pompey
D. Antoninus Pius, Marcus Aurelius, Trajan, Vespasian
37. Sa kanlurang Aprika ay may natatanging pangkat na tagapag – ingat ng mga
dokumento, historyador at tagapayo ng mga pinuno. Sila’y tinatawag na Griot. Ano
ang kahalagahan ng mga Griot?
A. Sanggunian sila ng kasaysayan ng heherasyon
B. Tagasaliksik ng impormasyon ng isang pamilya
C. Tagapaghatid sila ng balita ng kanilang pamayanan
D. Tagasalin sila ng kasaysayan sa susunod na henerasyon
38. Isang koplikadong kabihasnan ang binuo ng mga Maya. Alin sa sumusunod ang
hindi sumusuporta sa pahayag?
A. Pinamunuan ng pari ang lungsod – estado
B. Nabuo ang sistema ng panulat at kalendaryo
C. Mga ilang lungsod ang nagging sentrong kaalaman
D. Nahubog ang kultura sa may kabundukan ng Andes
39. Alin sa sumusunod ang naglalawaran sa “polis” bilang isang lungsod-estado?
A. Ang “polis” ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan
binibigyang-diin ang demokrasya.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili atnakasentro sa
isang lungsod.
C. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang “polis” at nahahati ito saiba’t
ibang yunit ng pamahalaan
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang “polis”.
40. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong
European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahinglayunin ng
Krusada?
A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo
D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko
41. Naging malaganap noong Gitnang Panahon ang paggamit ng salapi at ang
pagpapalitan nito na naging daan sa sistema ng pagbabangko. Ano ang naging
kahalagahan ng sistema ng pagbabangko sa mga mangangalakal?
A. Sumigla ang kalakalan
B. Naging ligtas ang paglilipat ng salapi
C. Dumami ang salapi ng mga mangangalakal
D. Nagkaroon ng maraming uri ng salapi ang mga mangangalakal
42. Noong ika-25 ng Disyembre taong 800 ay kinoronahan si Charlemagne bilang
Emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire). Ano ang naging
bunga ng pagkakatatag ng Imperyong ito?
A. Bumagsak ang pamumuno ng Simbahan
B. Dumami ang kalabang barbaro ang Rome
C. Binuhay muli nito ang Imperyong Romano
D. Sinikap bawiin ng mga obispo ang pamumuno kay Charlemagne
43. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang tungkulin ng mga monghe noong
Gitnang Panahon?
A. Sila ang nagsisilbing tagapagdasal ng mga tao
B. Sila ang tagapagpalaganap ng relihiyon sa utos ng Papa
C. Sila ang tagapag-ingat ng mga itinayong Simbahan
D. Sila ang naging pinuno ng mga pamayanan
44. Ano ang magandang naidulot ng paglitaw ng mga unibersidad sa Europe?
A. Upang maipakita ang kakayahan
B. Upang magkaroon ng kasaganaan
C. Upang maitaguyod ang edukasyon sa Gitnang Panahon
D. Upang makamit ang mga pangarap sa buhay at tagumpay
45. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga tao ay patuloy na
namumuhay sa manor?
A. dito sila sumikat katulad ng hari
B. maraming mga pagawaan ang kanilang mapapasukan
C. takot sila na maparusahan ng hari kung iiwan nila ang manor
D. naipagkaloob ang mga pangangailangan ng mga mamamayan

46. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahang-lakas


sa isang bansa?
A. para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ibang bansa
B. upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban
C. upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan
D. para siguradong matatakot ang lipunan at susunod sa pamahalaan
47. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod na
pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pag-unlad ng
kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging ligtas
ang isla sa mga mananakop.
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa, at
Asya ang isla ng Crete.
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil
nakahiwalay ito sa Europe.
IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya
ang Kabihasnang Minoan.
A. I at II B. II at III C. II at IV D. I, II, III
48. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na nagkaroon ng maunlad na kalakalan
sa pagitan ng kanlurang Aprika at Imperyong Romano?
A. Itinawid ang ginto sa savanna patungong Europa at Asya
B. Ginto ang pangunahing kalakal ng Kanlurang Aprika
C. Ang hari ang namamahala ng kalakalan
D. Lahat ng nabanggit
49. Aling pangyayari ang hindi kabilang sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod?
A. Paglitaw ng Burgis
B. Paggamit ng salapi
C. Pagbagsak ng kalakalan
D. Paglitaw ng sistemang guild
50. Alin sa mga sumusunod ang magandang naidulot ng Krusada?
A. Napalakas ang mga Turkong Muslim.
B. Nabawasan nito ang populasyon ng mga tao sa Europe.
C. Nakilala ang Europe na may malakas na sandatahang militar.
D. Napalaganap ang komersyo at napayaman ang kulturang Kristiyano.

“Nothing is impossible, the word itself says: I’m possible”- Aubrey Herburn

reynalynlocrecalwit

Zone 3 Lanigay, Polangui, Albay

309513@deped.gov.ph
KEY TO
KEY TO CORRECTION
2ND PT IN AP

1. C 33. B

2. A 34. C

3. A 35. C

4. C 36. C

5. D 37. A

6. B 38. A

7. D 39. B

8. D 40. B

9. D 41. B

10. A 42. A

11. C 43. A

12. A 44. C

13. D 45. D

14. D 46. B

15. D 47. D

16. A 48. B

17. A 49. D

18. C 50. D

19. A

20. A

21. D

22. A

23. B

24. A

25. B

26. A

27. C

28. A

29. D

30. C

31. D
32. B

You might also like