You are on page 1of 3

Antique National School

Junior High School


KASAYSAYAN NG DAIGDIG 8

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8


SY: 2017-2018
Pangalan:_________________________
Grado/Pangkat:_________________Iskor:_____
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem.Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.
___ 1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa “polis”bilang isang lungsod estado”
A. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang diin ang demokrasya.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod.
C. May ibat- ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa ibat- ibang yunit ng pamahalaan.
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang polis.
___ 2. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome
A. Censor at Praetor B. Etrucan at Roman C. Patrician at Plebeian D. Maharlika at Alipin
___ 3. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia, Micronesia at Melanesia.Ano ang
kahulugan ng Micronesia?
A. Maraming isla B. maliit na isla C. maitim na mga isla D. maitim ang mga tao
___ 4. Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Romano.Sino ang naging emperador ng imperyo
noong 800 CE.?
A. Charlemagne B. Charles Martel C. Clovis D. Pepin the Short
___ 5. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa panawagan ni Pope
Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada?
A. Mapalawak ang teritoryo ng mga kristiyano. C. Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo.
B. Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Muslim. D. Mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahan.
___ 6. Alin sa mga sumusunod na kabihasnan sa Amerika ang umusbong noong panahon ng Pre- Historic?
A. Kabihasnang Olmec B. kabihasnang Maya C. Kabihasnang Aztec D. Kabihasnang Inca
___ 7. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Gresya.Ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong
dagat.Ano ang pangunahing dahilan nito?
A. Napakalakas ang pwersang pang- militar ng Minoan.
B. Napapalibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
C. Nakarating sa ibat- ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
___ 8. Ano ang pangunahing dahilan ng pag- usbong ng Rome bilang pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean?
A. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece.
B. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa karatig-pook.
C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece.
D. Wasto ang lahat ng nabanggit.
___ 9. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag- unlad nito?
A. Napalibutan ito ng mga anyong -tubig na nagbigay- daan sa pag- unlad ng pagsasaka.
B. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto,asin at iba pang produkto sa sa Aprika,Asya at Europa.
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon para mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa mananakop.
D. Nagsilbing natural na proteksyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara.
___10. Alin sa mga ito ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ay pagsasaka at pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o mana.
C. Ang sinaunang relihiyon ng mg tao sa mga pulo ng pacific ay animismo.
D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat- dagatan.
___ 11. Sa panahon ng piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: Pari, Kabalyero, at Serf. Alin sa sumusunod
ang naglalarawan sa serf?
A. May karapatan at Kalayaan silang buuo ng sariling pamilya.
B. Malaya nilang mapaunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
C. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong panahong medieval.
D. Itinuturing silang natatanging sector sa lipunan.
___ 12. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahan.Isang bahagi nito ang paglakas ng
kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy).Alin sa suusunod ang higit na naglalarawan sa kapapahan o sa Papacy?
A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang
pinakamataas na pinuno ng simbahang katoliko.
B. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga kristiyano na siya paring tawag hanggang sa kasalukuyan.

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa AP 8 Inihanda ni: G. EDUARD V. CEPEDA SY 2018-2019 1


C. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang pulitikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.
D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong Medieval Age.

___ 13. Ano ang naging inspirasyon ng mga Griyego upang sila ay maging malikhain, mapagmahal sa kagandahan,
kalayaan, karunungan at sa sining?
A. Kalikasan B. kanilang bansa C. kanilang mga diyos D. kanilang pamilya
___14. Paano naglaho ang kabihasnang Minoan noong 1400 BCE?
A. Dahil sa matinding pagsabog ng bulkan. C. dahil sa matinding pagyanig ng lupa.
B. Dahil sa nasunog ang buong kaharian. D. natalo sa pagsalakay ng mga Mycenean.
___ 15. Ang Greece ay binubuo ng mga lungsod estado, ang pinakapopular dito ay ang Sparta at Athens. Saan
nakasentro ang buhay ng mga lalaking Spartan?
A. Pagsasanay sa militar C. pangangalakal
B. Pagsasanay sa pagbubukid D. pangingisda
___ 16. Alin sa mga sumusunod ang unang emperador na tagalabas na umupo sa trono ng imperyong Romano?
A. Antoninus Pius B. Marcus Aurelius C. Hadrian D. Trajan
___ 17. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang pamana ng Roma?
A. Kristiyanismo B. Pantheon C. Panitikan D. Wikang Latin
___ 18. Nasakop ng mga turkong muslim ang Jerusalem, anong hakbang ang ginawa ng mga kristiyano sa pamumuno ng
simbahan at mga kristiyanong bansa sa Europa?
A. Nagpatayo ng mga simbahan sa paligid ng Jerusalem.C. Nagbebenta ng mga gamit ng simbahan.
B. Naglunsad ng krusada. D. nagpadala ng mga mersenaryo
___ 19. Sa pamumuno ni Charlemagne sa Roma, ano ang kanyang itinatag?
A. Sistema ng edukasyon C. relihiyong Romano Katoliko
B. Pamahalaang sentral D. lahat ng nabanggit
___20. Noong panahong Medieval, marami sa mga tungkulin ng pamahalaang Romano aang napasalin sa _________.
A. Mga manor B. simbahan C. mga lungsod D. mga mananakop
___21. Alin sa mga sumusunod na krusada ang pinakapopular sa lahat?
A. Unang Krusada B. Ikalawang krusada C.Ikatlong krusada D. Ikaapat na krusada
___ 22. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito” Ang Krusada ay bigong Tagumpay”?
A. Maraming buhay ang nasawi. C. Ang layunin ay dakila ngunit hindi nagtagumpay.
B. Anumang pagsisikap ay mayroong kabiguan. D. Ang landas ng buhay ay mayroong katapusan.
___ 23. Alin sa mga sumusunod ang unang naganap sa Panahong Medieval?
A. Nakoronahan bilang emperador si Charlemagnne. C. Naitatag ang Piyudalismo sa England.
B. Bumagsak ang Roma. D. Pinamahalaan ni Clovis ang Franks.
___ 24. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na “ Land of the Four Quarters”?
A. Collasuyu B. Tahuantinsuyu C. Contisuyu D. Chincasuyu
___25. Saan nagmula ang wikang Meroitic?
A. Peru B. Mexico C. Egypt D. Libya
___ 26. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng tao ang tinatawag na “taong goma”?
A. Olmec B. Toltec C. Maya D. Inca
___ 27. Ang mga sumusunod na pulo ay bahagi ng Melanesia, alin ang hindi?
A. New Guinea B. Timor Leste C. Solomon islands D. Guam
___28. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na” The Glory that was Greece”?
A. Nakalinang ito ng mataas na kultura. C. Tinalo ng Greece ang Persia.
B. Nakatira sa Mt Olympus ang kinikilalang mga diyos. D. Marami silang nagawang palamuti at disenyo.
___ 29. Ang mga sumusunod ay salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano.Alin ang hindi maituturing na kabilang?
A. Kakulangan sa matapat at may kakayang pinuno. C Paghina at korapsyon sa hukbong Romano.
B. Paglubha ng krisis pangkabuhayan. D. Mabilis na paglaki ng populasyong Romano.
___ 30. Ang pamahalaang griyego ay nahahawig sa ating pamahalaan sa kasalukuyan. Saang aspeto ito makikita?
A. Organisasyong pampolitika na may tatlong sangay. C. Sistema ng pamamahalan ng pangulo.
B. May karapatang pantao na iginawad ng konstitusyon. D. May saligang batas na nagtataglay ng karapatan.
___ 31. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Unang triumvirate?
A. Pompey B. Crassus C. Julius Caezar D. Mark Anthony
___ 32. “The die is cast ,sino ang nagwika nito?
A. Pompey B. Crassus C. Julius Caezar D. Mark Anthony
___ 33. Alin sa mga sumusunod ang kinikilalang “Serpente ng ilog Nile”?
A. Cleopatra B. Marcus Aurelius C. Reyna Nefertiti D. Charlemagne
___ 34. Ang pangalang Italya ay mula sa salitang “italus’ ,ito ay nangangahulugang ______.
A. Punyal B. bota C. kasangkapan D. armas
___ 35. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang ambag ng mga Romano sa kabihasnan?
A. Batas ng twelve Tables B. Amphitheater C. Pantheon D. Colosseum

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa AP 8 Inihanda ni: G. EDUARD V. CEPEDA SY 2018-2019 2


___ 36. Ano ang pinakapopular na palaro ng mga Romano?
A. Olympic games B. Gladiator C. Sabong D. Rodeo

___ 37. Alin sa mga sumusunod na digmaan ang naging sanhi ng pagbagsak ng Greece?
A. Digmaan sa pagitan n Athens at Persia. C. Digmaan sa pagitan ng Sparta at Persia.
B. Digmaan sa pagitan ng Persi at Macedonia. D. Digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta.
___ 38. Alin sa mga sumusunod na lugar unang nalinang ang demokrasya?
A. Egypt B. Greece C. Persia D. China
___ 39. Ano ng tawag sa digmaang hangarin na mapalaya ang banal na lupain sa kamay ng mga turkong muslim?
A. Hegira B. Exodus C. Krusada D. pananakop
___ 40. Sino ang pinunong Romano na tinaguriang “haring walang korona”?
A. Augustus Caezar B. Julius Caezar C. Augustus Aurelius D. Nerva

II. Pagtapat- tapatin ang mga konsepto sa Hanay A sa mga inilarawan nito sa Hanay B. Titik lamang ang isulat.
Hanay A Hanay B
___ 40. Peninsula na kinalalagyan ng Gresya. A. pagsasaka
___ 41. Pinakamataas na caste ng lipunang aryan. B. Crete
___ 42. Dagat sa kanlurang bahagi ng Gresya. C. Solon
___ 43. Itinatag niya ang Konseho ng 400 katao. D. Ionian
___ 44. Pinakamalaking pulo sa Greece. E. Brahmins
___ 45. Tagapagtatag ng kabihasnang Crete F. Thera
___ 46. Pinairal niya ang tunay na demokrasya sa Athens. G. Dorian
___ 47. Ang sibilisasyong nakilala sa kapanahonan ni Homer H. Minos
___ 48. Ama ng Medisina I.Cleisthenes
___ 49. Tinatawag itong ‘lungsod- estado” J. Hippocrates
___ 50. Gumawa ng iliad at Odessey K. Balkan
___ 51. Ama ng kasaysayang Griyego L. Mycenean
___ 52. Pinatanyag ang Socratic Method M. Herodotus
___ 53. May- akda ng ‘The Republic” N. Socrates
___ 54. Uri ng digmaan sa Gresya sa pagitan ng Persia at Athens O.Alexander the Great
___ 55. Digmaan sa pagitan ng Sparta at Athens P. Marathon
___ 56. Nagbahagi ng kuturang Griyego sa Asya Q. Thermopylae
___ 57.Pinamunuan ni Xerxes ng Persia at Leonidas ng Sparta R. Peloponesian
___ 58. Diyosa ng pag- ibig at kagandahan. S. Plato
___ 59. Panahon ng kapayapaan sa Roma T. Athena
___ 60. Nagsasagawa ng “human sacrifice” U. Pax Romana
V. Aztec

Inihanda ni: Ipinagtibay ni:

G. EDUARD V. CEPEDA G. CLARITO P. MELICANO JR


Master Teacher I Head Teacher IV

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa AP 8 Inihanda ni: G. EDUARD V. CEPEDA SY 2018-2019 3

You might also like