You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 8

SECOND SEMI-FINAL EXAMINATION

Name: ____________________Parent/Guardian Signature_____________________


Grade & Section: Date: _________________________________
URI NG PAGSUSULIT PUNTOS MARKA
I. Maramihang Pagpili A 20
II. Tama o Mali 10
VI. Kabuoan 30
MELC
1. Nasusuri ang kabihasnang Minoan,Mycenaean at kabihasnang klasiko ng Greece
2. Naiisa-isa ang mga mahahalagang pangyayari sa Kabihasnan ng Minoan at Mycenaean
3. Napapahalagahan ang mga ambag sa kabihasnang klasiko ng Roma
4. Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa–Africa-Songhai,
Mali,atbp.America- Aztec, Maya, Olmec
I. A. Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ayon sa mga arkeologo, ang sibilisasyong Aegean ay sumibol sa pulo ng Crete.
A. Kabihasnang Minoan C. Kabihasnang Crete
B. Kabihasnang Knossos D. Kabihasnang Minos
2. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific?
A. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay Animismo.
B. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagata.
C. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda.
D. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan.
3. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan
sa ibayong dagat.Ano ang pangunahing dahilan dito?
A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
B. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Nalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
4. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa polis bilang isang lungsod-estado?
A. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa iba-ibang yunit ng
pamahalaan.
B. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang polis.
C. Ito ay binubuo ng isang lipunan malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod.
D. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang-diin ang demokrasya.
5. Paano nagsimula ang kabihasnang Minoan?
A. Umusbong ang kabishang Minoan sa pulo ng Crete sa pamumuno ni Haring Minos.
B. Sumibol ang kabihasnang Minoan Sa Greek.
C. Dahil sa pakikipagkalakalan sumibol ang kabihasnang Minoan.
D. Ito ay mula sa lungsod ng Knossos na magagaling na mandirigma.
6. Ang paggamit ng mga Greek sa Trojan Horse upang mapasok at masunog nila ang lungsod ng Troy
ay maihahalintulad sa _________.
A. Karera ng mga hayop
B. Larong boxing
C. Paggamit ng isang bagay na maganda sa pandinig ngunit ikakasira pala sa kapwa.
D. Lahat ay tama.
7. Paano mo mabibigyan ng solusyon ang hindi pagkakaunawaan sa kapwa tao?
A. Mapayapang pakikipagusap C. Walang mainam na solusyon
B. Idaan sa pakikipagdigmaan D. Huwag na lamang pansinin
8. Ang demokrasya ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga Griyego sa kultura sa daigdig. Ano ang
Kahulugan ng demokrasya?
A. Ito ay pinamumunuhan ng pinakamahusay na tao
B. Ang kapangyarihan ng estado ay nagmumula sa iisang tao
C. Ang kapangyarihan ng estado ay nagmumula sa pinakamayamang tao
D. Ito ay uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan
9. Alin sa mga sumusunod ang may Higit na paglalarawan sa heograpiya ng Greece?
A. Bulubunduking bansa na may makikitid na lambak.
B. Mayroon itong malalaking ilog na angkop sa paglalayag
C. Mayroon itong malawak na kapatagan na angkop sa pagtatanim
D. Bahagi ito ng malawak na steppe ng Europa at Asya.
10. Sa ilalim ng pamumuno ni Pericles,ang Athens ang pinakamagandang lungsod noong panahon na
iyon.Paano kaya mapaganda ang iyong lungsod na kinabibilangan sa kasalukuyan?
A. Magkaroon ng paniniwala na ang mga Pilipino na ang kanilang tungkulin sa bansa ay para sa sarili.
B. Pagkatiwalaan ang pinuno ng bansa sa kanyang kampanyang military.
C. Magkaroon ng kalayaan ang mga mamamayan na pag-usapan ang kapakanang pambayan
D. Manumpa ang lahat ng mamamayan na sila ay makikiisa sa mga proyekto ng pamahalaan
11. Ang pamahalaang demokrasya na umiiral sa ating bansa ngayon ay nahahawig sa pamahalaan ng
mga Griyego. Paano nagkakahawig ang mga ito?
A. Ang ating pamahalaan ay may tatlong sangay
B. Ang lahat ng kapangyarihan sa pamumuno ay nasa pangulo
C. Ang saligang batas ay naglalaman ng mga karapatang pantao
D. Ang mga mamamayan ay may karapatang mamili ng kanilang pinuno.
12. Isa sa naiambag ng kabihasnang Roma ay ang Aqueduct. Ano sa tingin mo marahil ang magiging
epekto kung hindi nila ito natuklasan?
A. Mas hahaba ang pagtagal ng kabihasnang Roma
B. Mas maraming masisirang bahay at daan kapag umuulan.
C. Mas maraming maghihirap dahil walang trabaho sa lugar.
D. Mas yayabong ang kanilang pakikipagkalakalan sa ibang kabihasnan.
13. Paano yumaman ang Songhai Empire?
E. Pangingisda B. Pagtatanim C. Pangangaso D. Pangangalakal
14. Bakit tinaguriang kauna-unahang malakas na estado ang Ghana?
A. Dahil magagaling ang pinuno nito.
B. Dahil sila at magagaling na mandirigma.
C. Dahil sa lokasyon nilang malapit sa dagat.
D. Dahil sa lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara.
15. Ang Aprika ay pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Sa lawak nito, nagtataglay ito ng
iba’t ibang katangiang pangheograpiya na maaaring magbigay paliwanag kung bakit iba’t-ibang uri
ng pamumuhay ang mga tao rito. Sa lawak ng kontienente, hindi nagalugad ng mga Europeo ang
kabuuang lawak nito. Ano ang implikasyon nito ?
A. Hindi ganoon kalawak ang impluwensiya ng mga kanluranin sa kontinenteng Aprika
B. Kinatatakutan ng nakararami ang mga maiitim na itsura ng mga Aprikano
C. Puno ng kahiwagaan ang pamumuhay ng mga tao sa Aprika
D. Sa sobrang tapang ng mga taga-Aprika, takot sa kanila ang mga Kanluranin
16. Ano ang tinawag ng mga kanluranin bilang dark continent dahil sa nahirapan silang galugarin ito?
A. Amerika B. Asya C. Australia D. Aprika
17. Ang kalakalan ay mahalagang bahagi ng pag-unlad ng sinaunang kabihasnan Ano ang idinulot ng
pakikipagkalakalan ng Africa sa Europe at iba pang bahagi ng Asya?
A. Nagkaroon ng mga pananakop sa bawat lugar na kanilang mapuntahan.
B. Nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagpalitan ng produkto.
C. Hindi naging maayos ang ugnayan dahilan sa inggitan sa mga produkto.
D. Ang mga taga-Africa ay nanirahan na lamang sa Europe at ilang bahagi sa Asya.
18. Siya ang kaunaunahang hari at pinuno na nagpalawak ng emperyong Songhai.
A. Sunni Ali B. Sundiata Keita C. Mansa Musa D. Dia Kossoi
19. Ano ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa?
A. Axum B. Mali C. Ghana D. Songhai
20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pangunahing dahilan kung bakit tinawag na “DARK CONTINENT”
o MADILIM NA KONTINENTE ang Aprika.
A. Hindi masyadong nagagalugad o nadidiskubre ang Aprika
B. Karamihan sa mga parte nito ay mga karagatan
C. Ito ay isang misteryoso at maraming hindi kilalang kasaysayan

II. TAMA O MALI. Piliin ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung hindi.
21. Ang APRIKA ang ikaapat sa pinakamalaking kontinente sa mundo? M
22. Tinagurian ang Aprika bilang “KONTINENTE ng KALIKASAN” dahil mayaman ito sa mga likas na yaman. M
23. Mayaman ang Europa sa ginto,brilyante at deposito ng langis. M
24. Isa sa mga disyertong matatagpuan sa Aprika ay ang NAMIB. Ito ang pinakamalaking disyerto sa buong
mundo. M
25. Tinagurian ang Kabihasnan ng AXUM bilang sentro ng pakikipagkalakalan. T
26. Nakilala sa Hilagang Aprika ang tatlong Imperyo (Ghana,Mali at Songhai). M
27. Nagsimulang umunlad ang IMPERYONG MALI ng bumagsak ang IMPERYONG GHANA. T
28. Si MANSA MUSA ang namuno sa Imeryong MALI.T
29. Bumagsak ang Imperyong Ghana dahil sa papalit-palit ng mga ruta ng kalakalan. M
30. Ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan katulad ng sa Ghana.T

You might also like