You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 8

THIRD PRELIMS
AJM

Class No: Name: ____________________________Parent/Guardian Signature_____________


Grade and Section:__________Date:

URI NG PAGSUSULIT PUNTOS MARKA


I. Maramihang Pagpili A,B at C 40
II. Tama o Mali 10
III. Kabuuan 50

MELCs:
1. Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong pulitika, ekonomiko at sosyo-kultural sa
panahon ng Renaissance.
2. Nasusuri ang dahilan,pangyayari at epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo

I. Maraming Pagpili -A. Basahin ang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ikaw ay isang pananaliksik sa Kagawaran ng Kalusugan na naatasang gumawa ng isang presentasyon
Powerpoint ukol sa paraan kung paano lumaganap ang isang sakit sa pangkat ng mga mag-aaral sa
Ikawalong Baitang sa kanilang pagtitipong may pinamagatang “Wastong Pangangalaga sa Sarili, Mabuting
Pamumuhay”. Paano mo iuugnay ang kanilang aralin sa Kasaysayan ng Mundo sa paksang tatalakayin sa
symposium?
a. Ibabahagi kong mabuti kung paano ang nagdusa ang mga mamamayang nabuhay sa mga
lungsod noong Kalagitnaang Panahon sa pagkalat ng Black Death dulot ng maruming paligid.
b. Iuugnay ko ang paksa kung paano nanalo ang puwersa ni Joan Arc ng Pransiya laban sa mga Ingles
noong Hundred Years’ War
c. Babanggitin ko sa presentasyon ng naganap na Great Schism sa pagitan ng mga Santo Papa sa Roma at
sa silangan ng Pransiya.
d. Tatalakayin ko kung paano nakuha ni Giovanni Boccaccio ang inspirasyon sa kanyang akdang naisulat,
ang The Decameron bunga ng Black Death.
2. Anu-ano ang mga pamantayang dapat mong isaalang-alang sa iyong kasagutan sa bilang 1?
a. Kaangkupan sa kasarian at edad ng mga manonood at pagiging kumpleto ng datos.
b. Pagiging kumpleto ng impormasyon o datos, sanhi at bunga, at pagiging patas ng mga
pinagmulan ng datos na sinaliksik.
c. Estilo sa pagsulat, layunin ng sumulat at batayang panrelihiyon.
d. Estilo sa pagsulat ng may-akda, pamantayang panrelihiyon, at pagiging kumpleto ng mga datos na
natipon.
3. Alin sa mga salik ang naging dahilan ng pagkalat ng epidemyang Black Death noong huling bahagi ng
Panahong Midyebal?
a. Pagtaas ng pandarayuhan ng mga tribong Aleman sa Kanlurang Europa
b. Pagpasok ng mga mangangalakal mula sa Asya at Aprika
c. Kawalan ng kalinisan at sistema sa koleksyon ng basura sa lungsod
d. Epekto ng sandaang taong digmaan sa pagitan ng mga Pranses at mga Ingles
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagbibigay ng kahulugan sa salitang Renaissance?
a. rebirth o revival
b. 1000-1200 Siglo
c. pagsibol ng kaisipang humanista
d. buhayin ang dakilang tagumpay ng mga Griyego at Romano
5. Ang panahon Renaissance ay natatanging panahong pangkasaysayan dahil sa pagsisimula ng isang kaisipang
nagbigay-diin sa kahalagahan ng mga tagumpay ng mga tao habang sila ay nabubuhay pa sa panahong iyon:
a. Piyudalismo b. Merkantilismo c. Iskolastisismo d. Humanismo
6. Ang panahon ng Renaissance ay nagmula sa makasaysayang bansa ng _______________.
a. Venice b. Italy c. Genoa d. Roma
7. Ang mga pagbabagong naganap dulot ng panahong Renaissance ay ang mga sumusunod maliban sa:
a. pag-unlad ng sistema ng pagbabangko
b. pagsibol ng kaisipang iskolastisismo
c. pagsisiwalat sa korapsyon ng mga pari
d. pag-unlad ng iba’t-ibang estilo sa larangan
8. Ang pamilyang pinaka-maimpluwensyang tagapagtaguyod ng proyekto sa muling pagpukaw sa kultura at
nakilala dahil sa itinayo nilang bangko sa Florence at iba’t ibang negosyo. Sino sila?
a. Medici b. Petrarch c. Machiavelli d. Castiglione
9. Ang pagpapahalaga ng pamilyang nabanggit sa bilang 5 ay naging unang lugar kung saan naipakita ang mga
likhang sining ng mga lalaking Renaissance ay makikita sa kanilang ?
a. Palasyo b. museo c. hardin d. bangko

10. ‘‘Anong panahon kaluwa-luwalhati upang mabuhay!’’ ay ayon sa sipi ng sulat ng isang Pilosopong Italyong
si :
a. Marsilio Ficino b. Thomas Aquinas c. Francis of Assisi d. John Wycliffe
11. Ang mga sumusunod na Italyanong humanista ang hindi kabilang sa larangan ng sining maliban sa ______.
a. Da Vinci b. Rafael c. Michael Angelo d. Harvey
12. Ang mga sumusunod ay mga tanyag na isinulat ni William Shakespeare maliban sa:
a. Hamlet b. Macbeth c. Utopia d. Romeo and Juliet
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga obra ni Leonardo da Vinci?
a. The Last Judgement b. Vitrubian Man c. Monalisa d. The Last Supper
14. Alin sa mga sumusunod ang higit na naglalarawan sa Imperyalismo?
a. Pagpapalawak ng teritoryo ng isang bansa
b. Pamamahala ng isang bansa sa isang bansa
c. Pananakop ng isang bansa sa isang bansa
d. Tuwiran o di tuwirang pagpapalawak ng awtoridad ng isang bansa sa isa pang bansa.
15. Nagmula sa salitang French na rebirth o revival.
a. Renaissance b. Nasyonalismo c. Imperyalismo d. Kolonisasyon
II. Maraming Pagpili -B. SINO AKO? -Basahin ang mga sumusunod na paglalarawan o pagpapakilala sa
sarili ng mga bantog na personalidad noong panahong Renaissance.
16. Ako ay isang pintor, ilan sa aking nagawa ko ang pintura ukol sa Last Supper, Mona Lisa, Vitruvian Man at
sarili kong imahe.
a. Michelangelo b. Leonardo Da Vinci c. Raphael Santi d. Titian
17. Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang “Huling Hapunan”(The Last Supper),na nagpapakita ng
huling hapunan ni kristo kasama ang kanyang labindalawang disipulo.
a. Michelangelo b. Leonardo Da Vinci c. Raphael Santi d. Titian
18. Gumagamit ako ng katatawanan upang isiwalat ang imoralidad at korapsyon ng mga tao. Nanawagan
maisalin ang Bibliya mula sa wikang Latin sa iba’t iba pang wika upang higit na maunawaan ng
nakararami.
a. Thomas More b. Desiderius Erasmus c. François Rabelais d. William Shakespeare
19. Makikita sa aking mga ginawa ang lantay na emosyon na ibinubuhos ko sa aking likhang sining kabilang
dito ang hapis na naramdaman ni Maria habang kinakandong ang patay na si Hesukristo.
a. Raphael Sanzio b. Michelangelo Simoni c. Titian d. Leonardo Da Vinci
20. Mahusay akong manunulat ng dula ng kahit anong henerasyon katulad ng pag-iibigan ng dalawang
magkatunggali ng pamilya na nagwakas sa isang pagpapatiwakal.
a. William Shakespeare b. Leonardo Da Vinci c. Thomas More d. Desiderius Erasmus
21. ‘‘Ang layon ay nagbibigay katarungan sa anumang paraan’’(the end justifies the means) ang popular na
katagang magpapakilala sa akin hango sa sipi ng The Prince.
a. Giovanni Boccaccio b. Niccolo Machiavelli c. Marcilio Ficino d. Francesco Petrarch
22. Itinuturing na Ama ng Humanista na sumulat ng aklat ng mga awiting naglalaman ng sonata ng pag-ibig
tungkol sa aking minamahal na si Laura.
a. Giovanni Boccaccio b. Francesco Petrarch c. Marcilio Ficino d. Niccolo Machiavelli
23. Ginawa ko ang isang aklat na naglalarawan sa isang huwaran o perpektong lipunan na may hustisya at
pagkakapantay pantay ng mga tao upang lutasin ang krimen.
a. Desiderius Erasmus b. Thomas More c. William Shakespeare d. Francois Rabelais
24. Ako ang pinakabata sa pangkat na naging popular sa aking pagpipinta kay Madonna o Maria.
a. Michelangelo Simoni b. Raphael Sanzio da Urbina c. Titian d. Leonardo Da Vinci
25. Kung ikaw ay dumadalo sa korte mas mainam na mabasa ang aking isinulat tungkol sa wastong etika o asal
na dapat mong taglayin.
a. Giovanni Boccaccio b. Baldassare Castiglione c. Niccolo Machiavelli d. William Shakespeare
26. Dapat akong pagpasensyahan sapagkat maging ang diyos ng alak ng mga Romano na si Bacchus ay aking
napagdiskitahang ipinta.
a. Raphael Sanzio b. Michelangelo Simoni c. Titian d. Leonardo Da Vinci
27. Sa aking pagiging nasyonalismo at pagmamahal sa bansa isinulat ko ang aking aklat na Gargantuan at
Pantagruel.
a. Thomas More b. François Rabelais c. Titian d. Leonardo Da Vinci
28. Isinalaysay ko ang kwento ng isang kabalyerong si Don Quixote na nakaligtas sa pamamagitan ng kanyang
mga nalalaman bilang isang kabalyero.
a. Giovanni Boccaccio b. Miguel De Cervantes c. Desiderius Erasmus d. Baldassare Castiglione
29. Ako ang nakagawa ng isang kagamitan upang mas mapabilis ang paglilimbag ng mga libro sa panahon ng
Renaissance.
a. Miguel De Cervantes b. Johann Gutenberg c. Desiderius Erasmus d. Baldassare Castiglione
30. Ako ang nagsulat ng “In Praise of Folly”. Ito ay kwento ng katatawanan upang ihayag ang korapsyon ng
mga tao sa lipunan.
a. Miguel De Cervantes b. Desiderius Erasmus c. Johann Gutenberg d.Baldassare Castiglione

III. Maraming Pagpili -C. Basahin mabuti ang mga tanong. Itiman ang bilog alinsunod sa titik ng tamang
sagot sa nakalaang sagutang papel.
31. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng totoo ukol sa konsepto ng merkantilismo:
a. maraming ginto at pilak, mas maunlad, c. mas maraming sakop na bansa,mas mayaman
b. mas maraming lupain, mas makapangyarihan d. maraming inaangkat na produkto, mas tanyag na
bansa,
32. Pananakop at pag-agaw sa mga lupain sa Asya ng mga Kanluranin ay panahong tinatawag na:
a. eksplorasyon b. pandarayuhan c. imperyalismo d. panggagalugad
33. Naging mahalaga sa kasaysayan ang paglalakbay ng mga manlalayag katulad ni Magellan at iba pa sa
kapwa bilang taga-Europeo dahil sa mga iba’t ibang dahilan maliban sa:
a. nakatuklas ng panibagong kontinente sa daigdig,
b. nagbunga sa pag-uunahan sa pagtatatag ng imperyo,
c. naging daan upang matulungan ang mga taong kanilang sinakop
d. natutuhan nilang gamitin ang mga karagatan bilang daanan.
34. Pumukaw sa imahinasyon ng mga taga-Europa na maghangad at makipagsapalaran sa kontinente ng
lupaing in larawang maraming seremonyang isinasagawa, batong nagbabaga(coal), at usa pagkatapos:
a. mabasa ang librong The Travels of Marco Polo,
b. napasakamay ng mga Turkong Ottoman ang dagat Mediterranean,
c. pagbabahagi ng mga mangangalakal sa kanilang karanasan sa paglalakbay,
d. paglalakbay ni Ferdinand Magellan.
35. Mahigit apat na taong naglakbay si Marco Polo kasama ang kanyang tatay at tiyuhin patungong Tsina
upang makipagkalakalan Tinanggap sila ni Kublai Khan na noon ay Emperador ng China at di kalaunan ay
naging:
a. emperador b. kasosyo c. kaaway d. opisyal
36. Ang mangangalakal na taga-Venice ay nakulong dahil sa:
a. pag-aangkat ng mga produkto galing Tsina
b. pagsulat ng aklat na The Travels of Marco Polo.
c. pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Venice at Genoa
d. pag-aalsa laban sa pamamahala ng kanilang pinuno,
37. Bakit hindi naniniwala ang mga karamihan na maaaring naglakbay pakanluran?
a. pag-aakalang mahuhulog sila sa kung hanggang saan lang ang natatanaw ay ito na ang
hangganan ng mundo,
b. naniniwala silang maraming mga malalaking hayop sa karagatan,
c. mas magastos ang paglalakbay at walang katiyakan na may matutuklasan ang bagong ruta,
d. lahat ng nabanggit.
38. Alin sa mga sumusunod na kanluraning bansa ang hindi interesado sa komersyo?
a. England b. Portugal c. Greece d. Spain
39. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pakikipagkalakalan sa pagitan ng mga taga-Europeo at Asyano ng
dumating at kontrolin ang dagat Mediterranean na tanging alam na rutang daanan patungong Asya( vice-
versa) ng mga/ni:
a. Constantine the Great b. Kristiyanong Orthodox c.Kristiyanong Romano d.Turkong
Muslim
40. Dahil sa pagsara ng ruta na tinutukoy sa bilang 13, tanging ang mga Italyano ang pinahintulutan na
dumaan sa anong kadahilanan?
a. may parehong paniniwala c. paghahati sa kanilang kita
b. nagbabayad ng buwis sa pagdaan sa ruta d.tumulong sa pakikipagdigma

B. TAMA O MALI.
Panuto:Basahin ang mga pangungusap at piliin ang TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan at
MALI naman kung ito ay walang katotohanan.

41. Ang merkantelismong pananaw ang isa sa naging dahilan ng mga Europeo upang mag-unahan na
makakuha ng mga lupaing nasasakop sa Asya. – M
42. Si Leonardo Da Vinci ang sikat na pintor na gumawa ng mga pinta sa Sistine chapel-M
43. Naging tanyag na pintor si Michelangelo dahil sa kanyang obra maestrang Mona lisa-M
44. Ang humanismo ay tumutukoy sa panunumbalik ng sigla at buhay ng kultura ng klasikal na
kabihasnan ng Greece at Rome.-T
45. Ang 3 bagay na motibo ng Kolonyalismo o 3 G's. God , Gold , Glow-M
46. Isa sa mga dahilan ng kolonyalismo ay ang pagnanais na maging makapangyarihang bansa. -T
47. Si Marco Polo ang taong nalibot ang cape of good hope sa dulo bg Africa na siyang magbubukas ng ruta
papuntang India at sa mga islang Indies.-M
48. Si Miguel De Cervantes ang nakaimbento ng printing press na naging daan upang mailimbag ang mga
balita – M
49. Ang paghahanap ng mga kayamanan ay isa sa mga itinuturing na motibo para sa kolonyalismong dulot
ng eksplorasyon. T
50. Ang panahon ng Renaissance ay tumutukoy sa panunumbalik ng sigla at buhay ng kultura ng klasikal na
kabihasnan ng Greece at Rome. T

You might also like