You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN 08

KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang letra ng wastong sagot at isulat ito sa inyong
sagutang papel.

1. Ang panahong Renaissance ay kakikitaan ng mga sumusunod na katangian


    maliban sa isa:
A. Pagbibigay halaga sa tao at ikabubuti nito
B. Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan
C. Paglikha ng iba’t- ibang anyo ng sining
D. Wala sa nabanggit
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan kung bakit nagkaroon ng Renaissance.
A. Paghina ng mga burgis sa Europa
B. Pagkalat ng mga unibersidad sa Europa
C. Nakilala ang Iskolastisimo noong ika- 13 siglo
D. Nagkaroon ng komunikasyon ang Europa sa Byzantine at sa sibilisasyong
          Muslim sa tulong ng mga Krusada at kalakalan
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan ng paglaganap ng Renaissance sa
    labas ng Italya?
A. Sa pamamagitan ng mga batang iskolar
B. Sa pamamagitan ng mga negosyante
C. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng digmaan
D. Sa pamamagitan ng mga diplomatikong palabas-labas ng bansa dahil sa
                trabaho at interes
4. Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay rebirth o muling
    pagsilang, sa yugtong ito ipinapaliwanag ang
A. Pagyabong ng Kaisipang Simbahan.
B. Pagpapanatili ng paniniwalang Midyibal
C. Transisyon mula Medieval hanggang sa pagpasok ng Modernong Panahon
D. Lahat ng nabanggit
5. Ang Renaissance ay nagmula sa Italya, alin sa mga sumusunod ang hindi
    nagpapaliwanag kung bakit ito nagsimula sa Italya?
A. Ang lokasyon ng Italya ay nagbibigay sa mga lungsod ng pagkakataon 
               upang yumaman at magkaroon ng pagkakataon sa paglikha ng sining
B. Ang Italya ay mas malapit sa mga sinaunang Romano sa dugo at wika     
               kaysa sa ibang bansa
C. Ang Italya ay kontrolado ng Papa sa Roma
D. Wala sa nabanggit
6. Nakaimbento ng movable press:
A. Johannes Gutenberg C. Baldassare Castiglione
B. Desiderius Erasmus D. Thomas Moore
7. Isa sa mga bunga ng Renaissance kung saan nagbago ang pananaw sa buhay ng 
    tao at nahaluan ang dating pagpapahalaga sa pananampalataya ng pagbibigay 
    diin sa kahalagahan ng buhay ng tao ay:
A. Humanismo B. Primogeniture C. Gothic D. Klasikal
8. Aklat na nanlalait sa mga kamangmangan ng lipunan at ng simbahan
A. Decameron B. La Pieta C. In Praise of Folly D. The Prince
9. Ang pinakamalaking simbahan sa daigdig at pinakamagandang halimbawa ng
      arkitekturang Renaissance
A. St. Peter’s Basilica C. Our Lady of Lourdes
B. St. Paul’s Cathedral         D. St. John the Baptist
10. Teoryang nagpapaliwanag na ang araw ang sentro ng sanlibutan
A. Geocentric theory C. Theory of Gravitational Force
B. Heliocentric theory D. Theory of Inertia
11. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang hindi kabilang sa paniniwalang
      Machiavellian?
A. Malakas ang gumagawa ng mabuti
B. Ang wakas ang magpapatunay
C. Ipamahagi ang kapangyarihan sa ibang makakatulong para sa pag-unlad
D. Kailangan ang kalupitan upang maingatan ang kapangyarihan
12. Anak ng isang edukadong abugado, siya ay ipinanganak sa Florence at kinilala
     bilang Ama ng Humanismo
A. Niccolo Machiavelli C. Lorenzo de Medici
B. Francisco Petrach D. Leonardo da Vinci
13. Ang aklat na ito ay nagparebolusyon ng mga pulitikal na ideya ng kanyang
      kapanahunan (Machiavelli) at naglagay na pundasyon ng isang bagong
      siyensiyang pulitikal
A. The Prince B. In Praise of Folly C. Decameron       D. La Pieta
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa epektong dulot ng Renaissance?
A. Tumulong sa mga tuklas ng heograpiya at mga eksplorasyong maritime.
B. Nagpaningas sa Rebolusyong Intelektual.
C. Nagpaunlad sa dokrinang pang pansimbahan
D. Nagpasulong ng paglago ng mga pambansang estado.
15. Isang aklat na nilikha ni Miguel de Cervantes na nagpapakilala sa isang   
     kabalyerong nadismaya kung saan sinasabing katawa-tawa.
A. Hamlet C. Don Quixote de la Mancha
B. Macbeth D. Oratorio
16.  Ito’y tumutukoy sa pananakop ng mga malalakas ng bansa sa mga mahihirap na
                bansa.
A.  Imperyalismo B. Kapitalismo C. Kolonyalismo D. Kristiyanismo.
17. Ang sumusunod ay ang mga motibo sa eksplorasyon maliban sa ISA.
A. Pagtamo ng ginto at pilak C.  Pagpalaganap ng kristiyanismo
B. Katanyagan at karangalan D.  Maangkin ang buong mundo
18.  Ang naging inspirasyon at nagpasigla sa eksplorasyon sa pamamagitan ng mga 
                paaralang pangnabigasyon.
A.  Bartholomeu Dias C. Prince Henry the Navigator
B.  Ferdinand Magellan D. Vasco da Gama
19.  Unang bansa na sumabak sa eksplorasyon at kolonisasyon.
A.  America B. Espanya C. Netherland D. Portugal
20.  Ang lugar na kung saan napadpad si Bartholomeu Dias dahil sa malakas na bagyo 
               na tinatawag niyang Cape of Storm subalit ito’y pinalitn ng pangalan.
A. Cape of Horn B. Cape of Good Hope C. Cape Town    D. New World
21.  Bakit mahalaga sa mga Europeo ang mga spices o pampalasa?
A. Ginagamit sa pagpreserba ng pagkain C.  Ginagamit bilang medisina
B. Ginagamit bilang pabango D.  Lahat ay tama
22.  Isang instrumenting panukat ng mga anggulong kinalalagyan ng mga bituin at 
                araw.
A.  Astrolabe B. Compass C. Mercator D. Sextant
23.  Noong 1497 narating ni Vasco da Gama ang kanlurang baybayin ng India bagamat 
                mahigpit ang kontrol ng mga Muslim sa kalakalan nagawa pa rin niyang makuha
                ang mga kalakalang ito.  Ano-ano ang mga kalakalang tinutukoy?
A. asin at paminta B. bawang at cinnamon C. cinnamon at paminta    
24.  Sa pagitan ng taong 1420 hanggang 1528, nakapaglayag ang mga Portuguese
                hanggang sa kanlurang bahagi ng Africa. Ano ang pakay o layunin nila?
A. Upang hanapin ang rutang katubigan patungo sa Asya.
B. Upang maghanap ng mga rekados o spices na dadalhin sa Portugal
C. Upang makahanap ng mga bansang gagawing kolonya ng Portugal
D. Lahat ay tama
25.  Ano ang napatunayan ni Dias sa kanyang paglalayag matapos marating ang Cape
                  of Good Hope? 
A. Ang mundo ay bilog
B. Marating ang isang lugar sa madaling paglalakbay
C.Maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa
Africa
D.Wala sa mga pahayag
26. Sino ang Italyanong nabigador na isinunod sa kanyang pangalan ang bansang America?
A. Amerigo Vespucci C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Columbus D. Ferdinand V ng Aragon
27. Sino ang unang naglakbay sa palibot ng daigdig?
A. Christopher Columbus C. Kapitan James Cook
B. Ferdinand Magellan D. Marco Polo
28. Bakit hinati ni Pope Alexander VI ang mundo sa Portugal at Spain?
A.Upang hindi maangkin ang mga kolonya nito.
B.Upang hindi magkaroon ng problema sa hinaharap. 
C. Upang maayos ang alitan sa pagitan ng dalawang bansa.
D. Upang magkaroon ng pantay na paghahati ng dalawang bansa.

29. Ito ang pilosopiyang tumutukoy sa pag-unlad ng Europa noong ika-18 siglo na maaari ding
sabihin na kilusang intelektuwal. 
        A. Renaissance     B. Enlightenment   C. Merkantilismo         D. Komunismo
30. Ano ang ibig sabihin ng teoryang heliocentric? 
A. Paniniwala na ang mundo ang sentro ng sansinukob
B. Paniniwala na ang buwan ay kumukuha ng enerhiya sa araw
C. Paniniwala na ang Mercury ay kasunod ng planet Venus
D. Paniniwala na ang araw ang sentro ng sansinukob

31. Ano ang naimbento ni Galileo Galilei? 


A. Compass B. Mikroskopyo C. Astrolabe D. Teleskopyo
32. Anong ideya ang pinaniniwalaan ni Thomas Hobbes? 
A. Siya ay naniniwalang dapat may kasunduan sa pagitan ng tao at ng kanyang pinuno.
B. Siya ay naniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na pamahalaan.
C. Siya ay naniniwala na ang tao ay may karapatang mangatwiran sa buhay, kalayaan at pag-
aari.
D. Siya ay naniniwala na ang tao ay maaaring sumira sa kaniyang kasunduan sa pinuno kung
ang pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at ibigay ang kaniyang mga natural na
karapatan.
33. Ang Renaissance ay ang muling pagkabuhay. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa
Enlightenment? 
A. Pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-18 siglo
B. Pagkamulat mula sa maling paniniwala
C. Pagkakaroon ng liwanag mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at
pamamayani ng pamahiin 
D. Lahat ng nababanggit
34. Ang Rebolusyong Industriyal ang naging dahilan ng pag-unlad sa lipunan at ekonomiya ng
Europe kasabay ang mga suliraning idinulot nito. Alin sa sumusunod ang mga suliraning
panlipunan at ekonomiya na idinulot ng Rebolusyong Industriyal?
A. Dumagsa ang mga tao sa lungsod mula sa mga probinsiya.
B. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy.
C. Maraming bata ang napilitang magtrabaho.
D. Lahat ng nabanggit
35. Maraming makabagong ideya at imbensyon ang nabuo noong Rebolusyong Siyentipiko.
Binago ng panahong ito ang pagtingin ng tao sa sansinukob. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamahalagang ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa mga Kanluranin?
A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito.
B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang-agham sa Europa.
C. Nagbago ang tingin ng mga Kanluranin sa sansinukob.
D. Naging pangunahing dahilan nito ang kamalayan ng mga kanluranin. 
36. Ito ay simula ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang
pagmamasid sa sansinukob?
A. Enlightenment     B. Renaissance   C. Repormasyon D. Siyentipiko
37. Naisakatuparan ang Rebolusyong Politikal matapos umusbong ang mga kaisipang liberal at
radikal sa daigdig. Ano ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal?
A. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang nagtulak sa pag-usbong ng Rebolusyong Politikal.
B. Ang Rebolusyong Politikal ang naging sanhi ng paglaganap ng Rebolusyong
Pangkaisipan.
C. Ang Rebolusyong Pangkaisipan at Politikal ay bunga lamang ng Renaissance sa
Europe.
D. Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Politikal at Rebolusyong Pangkaisipan.
38. Ang bansa kung saan nagsimula ang Rebolusyong Industriyal?
A. Great Britain          B. Somalia               C. United Kingdom                  D. New York     
39. Sino ang pilosopong Ingles na nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao ay  nagmumula
sa karanasan? Binigyang-diin niyang ang kaisipan ng tao ay maitutulad sa “tabula rasa” o blank
slate.  
A. John Locke C. Rene Descartes            
B. John Adams      D. Jean-Jacques Rousseau
40. Matagal nang may alitang politikal ang mga bansang France at England. Nang   magsimula
ang Rebolusyong Amerikano, nagpadala ng tulong militar ang France sa United States na
malaki ang tulong sa pananagumpay ng huli. Batay dito, ano ang pinakaangkop na hinuha ang
mabubuo?  
A. Magkakampi ang France at United States
B. Magkasabay na nilabananan ng Inglatera ang United States at France. 
C. Galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa United States. 
D. Ginamit na pagkakataon ng Pransya ang Rebolusyong Amerikano upang                
     mapabagsak ang Inglatera.
41. Naisakatuparan ang rebolusyong politikal matapos umusbong ang mga kaisipang liberal at
radikal sa daigdig. Ano ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal? 
A. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang nagtulak sa pag-usbong ng Rebolusyong 
    Politikal. 
B. Ang Rebolusyong Politikal ang naging sanhi ng paglaganap ng Rebolusyong 
    Pangkaisipan. 
 C.Ang Rebolusyong Pangkaisipan at Politikal ay bunga na lamang ng       
    renaissance sa Europe. 
 D.Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Politikal at Rebolusyong       
     Pangkaisipan.

42. Isa sa kinikilalang pilosopo sa panahon ng Rebolusyong Pangkaisipan dahil sa kanyang


tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiya.
A. Baron de Montesquieu C. John Locke
B. Voltaire D. Thomas Hobbes
43. Nagkaroon ng pagbabago sa kaisipang pang-ekonomiya, kung saan binibigyang diin sa
kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya na hindi nararapat na pakialaman ang
pamahalaan.
A. merkantilismo C. laissez faire
B. sosyalismo D. kapitalismo

44. Ang pangyayaring pagtapon sa tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston Harbor sa


Massachusetts at ang pagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inangkat sa mga kolonya.
Ito ay kinilala sa kasaysayan bilang _____________.
A. Masschusetts tea party C. New York tea party
B. Boston tea party D. Florida tea party
45. Ilan ang naging kolonya ng mga British sa Amerika?
A. 14 C. 13
B. 15 D. 16
46. Kailan inaprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan sa Amerika?
A. Hunyo 4, 1776    C. Hunyo 4, 1775  
 B. Hulyo 4, 1776 D. Hulyo 4, 1775
47. Paano nangyayari ang balance of power sa isang bansang may tatlong sangay ng
pamahalaan?
A. Kinilala ang kaisipang balance of power na tumutukoy sa paghalili ng 
     kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay.
B. Ang ganitong uri ng pamahalaan ang nagbibigay proteksiyon sa mamamayan 
     laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng pamahalaan
C. Naniniwala na ang katotohanan ay maaring malaman gamit ang katwiran
D.Paniniwala na maaring maranasan ang kaginhawaan habang ikaw ay 
    nabubuhay
48. Ano ang paboritong islogan ng mga Amerikano?
A.” Walang Pagbubuwis kung Walang Reperesentasyon”
B. “Kapatiran, Katiwasayan, Kalayaan tungo sa Kaunlaran”
C. “Karapatan Ipaglaban para sa Bayan”
D. “Huwag susuko Buwis Ihinto”
49. lahat ng nasa ibaba ay katangian ng Bourgeoisie noong Gitnang Panahon  MALIBAN sa
anong aytem?
           A. Mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian.
B. Tinagurian silang middle class o panggitnang uri.
C. Nagmula sila sa mga banker at mangangalakal sa mga bayan at lungsod.
D. Nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng 
     rebolusyong pampolitika at pang-ekonomiya.
50. Ang mga sumusunod ay salik sa pagsiklab ng Rebolusyong Pranses, MALIBAN sa:
           A. Naghimagsik ang mga makapangyarihang Hari at Reyna.
B. Kawalan ng katarungan ng rehimen
C. Opsisyon ng mga intelektuwal sa namayaning kalagayan.
D. Walang hanggang kapangyarihan ng hari.
51. Ang lipunan ng France ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na ESTATE. Ito ay
Unang estate, ikalawang estate at ikatlong estate. Ano ang bumubuo sa ikatlong estate sa
lipunan ng France?
A. Binubuo ng mga guro, manananggol, doctor at may-ari ng tindahan.
B. Binubuo ng mga obispo, pari at iba pang may katungkulan sa simbahan.
C. Binubuo ng mga alipin at mababang uri ng mamamayan.
D. Binubuo ng mga maharlikang Pranses.
52. Sino ang nagpatawag ng isang pagpupulong ng lahat ng kinatawan ng tatlong estates sa
Versailles para mabigyang lunas ang kakulangan sa salapi?
A. Haring Charles C. Haring Phillip
B. Haring Louis D. Haring Minos

53. Alin sa mga sumusunod ang palatandaan sa pagbagsak ng Bastille?


A. Palatandaan na ang mga tao ay walang pakialam sa kanilang bansa.
B. Palatandaan na ang mga tao ay naghahangad ng pagbabago sa pamahalaan.
C. Palatandaan na ang mga tao ay may kanyakanyang gusto sa buhay.
D. Palatandaan na ang mga tao ay naghahangad para sa pansariling kapakanan.
54. Alin sa mga sumusunod na mga kulay ng kanilang badges na ginagamit o isinisuot na kung
saan hanggang sa kasalukuyan ang mga kulay na ito ay matatagpuan sa watawat ng France?
A. Pula, dilaw at berde C. Pula, puti at bughaw
B. Pula, puti at kayumanggi D. Pula, berde at bughaw

55. Isinulat ng mga Pranses ang “Decleration of the Right of Man” noong Agosto 27, 1789. Ang
mga sumusunod ay prinsipyong nakapaloob dito, maliban sa isa:
A. The law is expression of the general will
B. Men are born and remain free and equal rights.
C. The aim of the people is to preserve their rights.
D. Every Man is presumed innocent until proven guilty.

56.Siya ay tinaguriang pinakapopular at matagumpay na heneral at nahirang na pinuno ng


France noong 1799.
A. Maximilian Robespierre C. John Harrison
B. Haring Louis XVI D. Napoleon Bonaparte
57. Ano ang dahilan ng pagkamatay ni Napoleon Bonaparte?
A. Itinapon siya sa dagat C. Dahil sa pandemya
B. Dahil sa malalang sakit D. Dahil sa Arsenic Poisoning
58. Alin sa sumusunod ang pangunahing epekto ng Rebolusyong Pranses?
A. Pagtanggal ng sistemang piyudal.
B. Pagpirma ng “Deklarasyon ng Karapatan ng Tao”.
C. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republika.
D. Paglawak ng ideyang kalayaan, pagkapantay-pantay at pagkakapatiran.
59. Lahat ay dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin maliban sa
A. manifest destiny
B. pagsunod sa sistemang kapitalismo
C. pagpapaunlad sa mga bansang nasakop
D. pangangailangan sa hilaw na mga sangkap
60. Ano ang tawag sa bansang isinasailalim at pinamamahalaan ng mananakop?
A. Concession B. Kolonya C. Protectorate D. Sphere of Influence
61. Sa white man’s burden, tungkulin ng mga Europeo at ng kanilang mga inapo na panaigin
ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop.
A. Hindi sigurado B. Mali C. Tama D. Lahat ng nabanggit
62. Nang matalo ng Amerika ang Spain noong 1898, napasailalim ng Amerika ang bansang
Pilipinas.
A. Depende B. Mali C. Tama D. Wala sa nabanggit
63. Saan kadalasan ipinadala ng Britain ang mga bilanggo matapos and digmaan sa Amerika?
A. Aprika B. Australia C. India D. Pilipinas
64. Lahat ay epekto ng pananakop ng mga Kanluranin maliban sa _____________.
A. hidwaan sa teritoryo C. pagkaubos ng likas na yaman
B. pag-unlad ng kolonya D. pagkasira ng kulturang katutubo
65. Tinawag na “pinakamaningning na hiyas” ng Imperyo ng Britain ang __________.
A. Aprika B. India C. New Zealand D. Pilipinas
66. Bago ang 1898, kolonya ng Spain ang __________.
A. Aprika B. China C. Indonesia D. Puerto Rico
67. Alin dito ay pagbabagong pampulitika sa bansang nasakop ng Kanluranin?
A. Naging demokrasya ang Pilipinas
B. Naipalaganap ang Kristiyanismo sa mga bansang nasakop
C. Lalong yumaman ang bansang nanakop
D. Lalong naghirap ang kabuhayan ng mga kolonya
68. Binigyan ng China ang Britain ng isang lugar na bahagi ng bansa kung saan kontrolado nito
ang pamahalaan at pulitika. Ito ay ______________.
A. concession B. kolonya C. protectorate D. sphere of influence
69. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang pinaka-angkop na kahulugan ng salitang
Nasyonalismo? 
A. Pagsasakripisyo, pakikibaka para sa kapakanan ng nakakarami       
B. Rebolusyon laban sa pamahalaan upang hindi maisakatuparan ang magandang layunin
nito
C. Pagsasakripisyo, pakikibaka para sa kapakanan ng nakakarami.
D. Rebolusyon laban sa pamahalaan upang hindi maisakatuparan ang magandang layunin
nito
70. Alin ang mga pahayag na nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon?

I.  Mamuhunan sa ibang bansa upang malaki ang kita.


II. Sumusunod sa batas na ipinatupad ng sariling barangay.
III. Magtapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natututuhan sa sariling
      bansa.
IV. Gumamit ng wikang Ingles upang maipakilala ang kalinangan at kulturang 
      Pilipino.

A. I,II,III, IV B. I, II, III C. II,III,IV D. III, IV

71. Alin sa mga bansa o lugar sa daigdig ang nakakaranas ng diskriminasyon ng lahi o racial
discrimanation?
A. Latin Amerika, Afrika, Pilipinas C. Pransya,Russia, Afrika
B. China, India, Pilipinas D. Lahat na nabanggit
72. Anong uri ng digmaan na pinangunahan ng heneral ng Pransya, ang naglalayong
magpakilala ng kaisipang rebolusyunaryo  sa kabuuan ng Europe?
A. Napoleonic War C. Rebolusyong Pranses
B. October Revolution War D.. Rebolusyon sa Latin Amerika
73. Alin sa mga bansa sa Asya ang nagkaroon ng tunggalian ng dalawang Ideolohiya,
Komunismo at Demokrasya?
A. Pilipinas B. India C. China       D. Japan
74. Bakit karaniwang pag-aalsa ng mga katutubo ay hindi nagtatagumpay? Tukuyin
 ang tamang dahilan sa mga pahayag sa ibaba.
A. Walang pagkakaisa sa ipinalaban para sa kabutihan ng bansa
B. May mga pagdududa sa mga layunin at hangarin ng namumuno.
C.  Ang mga malalakas na bansang kanluranin ay nagtutulungan upang masupil 
     ang   rebelyon.
D.  Lahat na nabanggit ay tama.
75.Tukuyin ang karaniwang dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo sa mga pahayag sa ibaba.
A. Matinding diskriminasyon ng lahi.
B. Labis na pang-aalipin at pagpapahirap sa mga katutubo para sa kapakanan lamang
ng dayuhang bansa.
C. Ang pananakop ng mga dayuhan ay nagbibigay ligalig sa mga mamamayan dulot ng
maraming pagbabago sa kultura man at pangingibabaw sa kapangyarihan sa
pamahalaan.
D. Lahat na nabanggit ay tama.
76. Paano ipinatupad ni Mohandas Gandhi ng India, ang pag-aalsa na hindi gumagamit ng
dahas?
A. Panghihikayat sa iba pang mamamayan na magalit at hindi magtrabaho para sa mga
Igles.
B. Pagboboykot ng produktong Ingles, paghihimagsik at hindi pagsunod sa kanilang
patakaran.
C. Ito ay paraan ng paglabas ng katotohanan, pagdarasal, meditasyon, pag-aayuno
(fasting), at pagboboykot o hindi pagbili sa mga kalakal o produkto ng Ingles.
D. Lahat na nabanggit ay tama.
77. Sa Pilipinas, kung ang rebolusyong KKK ni Bonifacio ay paghimagsikan upang mapalayas
ang mga dayuhang Espanyol, ano naman ang paraan ng Kilusang Propagandista  sa
pagnanais na makamit ang reporma ng pamahalaan?
A. Pagbibigay ng regalo at pagpapakita ng kabutihan sa mga dayuhan.
B. Iba’t ibang paraan ng pakikiusap sa mga namamahala sa pamamagitan ng pagsusulat.
C. Pagsusulat ng pahayagan at nobela bilang paglalantad ng katiwalian ng mga banyagang
namamahala at makarating ito sa hari ng Spain.
D. Pang-uuyam sa mga dayuhan upang matauhan.

You might also like