You are on page 1of 20

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 1
Ang Mga Ambag ng Renaissance
sa Iba’t Ibang Larangan

AIRs - LM
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan - Modyul 1: Ang mga Ambag ng Renaissance sa Iba’t Ibang
Larangan
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Norelissa L. Gabatin


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Mario P. Paneda, Ed.D, EPS in Charge of Araling Panlipunan

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


ones =

Sapulin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na


maunawaan ang mga mahahalagang pagbabagong pulitikal, ekonomiko, at
sosyo-kultural sa panahon ng Renaissance. Ang mga kaalaman at mga
gawain sa modyul na ito ay makatutulong upang mas lalo mong maunawaan
ang paksa.
May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging
makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang iba’t
ibang gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay sa mga mahahalagang
ambag ng mga Renaissance sa mga sumusunod na larangan:
• Pulitika
• Ekonomiya
• Sosyo-Kultural

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong pulitikal, ekonomiko, at
sosyo-kultural sa panahon ng Renaissance. (MELC 1)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:


• Nailalahad ang mga salik na nagbigay daan sa Renaissance;
• Nahihinuha ang kahalagahan ng mga kontribusyon sa panahon ng
Renaissance;
• Napahahalagahan ang papel na ginampanan ng kababaihan sa
panahon ng Renaissance; at
• Nakalilikha ng collage na nagpapakita ng mga ambag at paglaganap
ng Renaissance.
Simulan

Bilang panimula, sagutin ang gawain sa ibaba upang mataya ang


iyong kahandaan sa pag-aaral sa paksa. Ito ay makatutulong
upang mawari mo ang nilalaman ng modyul na ito.

Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
MALAKING TITIK ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawastong kahulugan ng


Renaissance?
A. Muling pagsikat ng kulturang Helenistiko
B. Muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano
C. Panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe
D. Panibagong kaalaman sa agham
2. Anong bansa sa Europe na hugis bota at napaliligiran ng mga Dagat
Adriatic at Mediterranean ang siyang pinagsibulan ng Renaissance?
A. England B. Italy C. Portugal D. Spain
3. Ang Renaissance na nagsilbing panahon ng transisyon mula sa Gitnang
Panahon tungo sa Modernong Panahon ay nangangahulugang
_________________.
A. rebirth B. regrowth C. restore D. restructure
4. Isa itong kilusang kultural na nakatuon sa panunumbalik at pagbibigay-
halaga sa kulturang klasikal ng mga Griyego at Romano.
A. agham B. humanismo C. relihiyon D. repormasyon
5. Francesco Petrarch: Ama ng Humanismo; __________________: Makata ng
mga Makata
A. Giovanni Boccacio B. Desiderius Erasmus
C. Niccolo Machiavelli D.William Shakespeare
6. Ilan sa mga pinag-aaralan sa Humanidades ay ang kasaysayan,
pilosopiya, retorika at ang mga wikang Griyego at _______________.
A. French B. English C. Latin D. Spanish
7. Michelangelo Bounarotti: Pieta; Leonardo da Vinci: ___________________
A. Alba Madonna
B. Madonna and the Child
C. Mona Lisa
D. The Small Cowpower Madonna
8. Ang mga sumusunod ay mga taong may ambag sa larangan ng Agham sa
Panahon ng Renaissance MALIBAN kay ________________.
A. Nicolas Copernicus B. Galileo Galilei
C. Raphael Santi D. Sir Isaac Newton
9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang kumakatawan sa pahayag
na, The end justifies the means, isa sa mga prinsipyo na nilalaman ng The
Prince ni Niccolo Machiavelli?
A. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting pamamaraan ng
pamamahala.
B. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng
nasasakupan.
C. Ano pa man ang pamamaraan ng pinuno basta mabuti ito ay palaging
may mabuting bunga.
D. Anuman ang pamamaraan ng pinuno ay katanggap- tanggap kung
mabuti ang kaniyang hangarin.
10. Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng
Greece at Rome ay tinawag na _________________.
A. humanista B. kapitalista C. siyentista D. sosyalista
11. 11. Sino sa mga sumusunod na alagad ng sining sa panahon ng
Renaissance ang may likha sa Pieta?
A. Cervantes Saavedra B. Leonardo da Vinci
C. Michelangelo Bounarroti D. Raphael Santi
12. 12. Sino ang babaeng nakilala sa Panahon ng Renaissance ang nagsulong
ng makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral na humanistiko para sa
kababaihan?
A. Isotta Nogarola B. Laura Cereta
C. Sofonisba Anguissola D. Veronica Franco
13. 13. Sino sa mga sumusunod na kababaihang nakilala sa Panahon ng
Renaissance ang may-akda ng Dialogue on Adam and Eve at Oration on
the Life of St. Jerome?
A. Isotta Nogarola B. Laura Cereta
C. Sofonisba Anguissola D. Veronica Franco
14. 14. Sino sa mga sumusunod ang nakilala sa tawag na “Prinsipe ng mga
Humanista” at ang may-akda ng “In Praise of Folly”?
A. Desiderius Erasmus B. Goivanni Boccacio
C. Francesco Petrarch D. William Shakespeare
15. 15. Ang mga sumusunod na personalidad ay nakilala sa larangan ng
Panitikan sa Panahon ng Renaissance MALIBAN kay
_____________________.
A. Desiderius Erasmus B. Goivanni Boccacio
C. Galileo Galilei D. Nicollo Machiavelli
Lakbayin

Mga Ambag ng Renaissance


sa Iba’t Ibang Larangan

Matapos matiyak ang iyong inisyal na kaalaman hinggil sa aralin,


ngayon naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong
ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon.
Nakita mo na ba ang larawan na “Mona Lisa”? Nabasa mo na rin ba
ang kuwentong “Romeo at Juliet”? Kilala mo ba ang lumikha sa mga obra
maestrang ito? Kung gayon simulan mo ang pagkatuto sa modyul na ito sa
pamamagitan ng paglalakbay sa Panahon ng Renaissance. Patunayan ang
iyong angking galing sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing inilaan
para sa iyo nang buong husay.

Pag-usbong ng Renaissance
Dahil sa pag-unlad ng agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan
at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong
Middle Ages. Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng
pangangailangan ng mga mamamayan na natugunan naman ng maunlad na
kalakalan. Ang mga lungsod-estado sa hilagang Italy ay nakinabang sa
kalakalang ito. Noong ika-11 hanggang ika-12 na siglo, umunlad ang mga
lungsod na ito bilang sentrong pangkalakalan at pananalapi sa Europe.
Monopolisado rin ng hilagang Italy ang kalakalan sa pagitan ng Asia at
Europe. Ilan sa mga lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence,
Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa. Ang yaman ng mga
lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at
industriya. Sa katunayan, kung nangailangan ng pera ang Papa o hari, o
panginoong may lupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker sa
mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng
isang pamilyang mangangalakal at banker
Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo,
isinilang ang Renaissance. Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling
pagsilang” o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang
kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng
sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa
panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon
ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modernong Panahon.
Ang mga Humanista
Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon
ng Greece at Rome ay tinawag na humanist o humanista, mula sa salitang
Italian na nangangahulugang “guro ng humanidades, partikular ng wikang
Latin.” Pinag-aaralan sa humanities o humanidades ang mga wikang Latin at
Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan, at pilosopiya, at maging
matematika at musika. Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga
humanista na dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang
matatagpuan sa mga signaturang ito.
Si Francisco Petrarch ang itinuturing na “Ama ng Humanismo.” Sa
kaniyang pag-aaral ng wika at panitikang Latin, mas pinili niyang pagtuunan
ng pansin ang iniisip at nararamdaman ng mga Roman. Hinikayat din niya
ang kaniyang mga mag-aaral na pag-aralan ang wikang Greek.
Labis ang pagmamahal ni Petrarch sa pagbabasa. Noong 1374,
natagpuan siyang patay sa kaniyang aklatan, na nakasubsob ang mukha sa
bukas na aklat.

Panitikan

Francesco Petrarch (1304-1374)


-Ang “Ama ng Humanismo”.
Pinakamahalagang isinulat niya ang
“Songbook”, isang koleksyon ng mga sonata
ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si
Laura.

Pinagkunan:
https://www.thefamouspeople.com/profi
les/francesco-petrarch-284.php

Goivanni Boccacio (1313-1375)


-Matalik na kaibigan ni Petrarch.
-Ang kaniyang pinakamahusay na piyesang
pampanitikan ay ang “Decameron”, isang
tanyag na koleksyon na nagtataglay ng
isandaang nakatatawang salaysay.

Pinagkunan:
http://terrencecrimmins.com/pulitzer/3
022/attachment/giovanni-boccaccio-
1313-1375-engraving/
William Shakespeare (1564-1616)
-Ang “Makata ng mga Makata.”
-Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang
Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna
Elizabeth I. Ilan sa mga isinulat niya ay ang
mga walang kamatayang dula gaya ng: Julius
Caesar, Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony,
Pinagkunan:
at Cleopatra at Scarlet.
https://www.williamshakespeare.net/

Desiderius Erasmus (1466-1536)


-“Prinsipe ng mga Humanista”
-May-akda ng “In Praise of Folly” kung saan
tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga
pari at karaniwang tao.

Pinagkunan:
https://www.biographyonline.net/writ
ers/erasmus.html

Niccolo Machiavelli (1469-1527)


-Isang diplomatikong manunulat na taga
Florence, Italy; May-akda ng “The Prince.”
Nakapaloob sa aklat na ito ang dalawang
prinsipyo:
*Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa
pamamaraan.
*Wasto ang nilikha ng lakas.

Pinagkunan:
https://medium.com/moderntheory/
niccolo-machiavelli-fear-and-love-
cbf63c02fe29

Miguel de Cervantes (1547-1616)


-Isinulat niya ang nobelang “Don Quixote
dela Mancha”, isang aklat na kumukutya at
ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang
kabayanihan ng mga kabalyero noong
Medieval Period.

Pinagkunan:
https://www.britannica.com/biograph
y/Miguel-de-Cervantes
Pinta
Michelangelo Bounarotti (1475-1564)
-Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance; ang
una niyang obra maestro ay ang Estatwa ni David.
-Sa paanyaya ni Papa Julius II, ipininta niya sa
Sistine Chapel ng Cathedral ng Vatican ang Kuwento
sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng
sandaigdigan hanggang sa pagbaha.
Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang
“La Pieta”, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng
Kaniyang Krusipiksyon.
Pinagkunan:
https://www.pinterest.ph/pin/281475
045431182389/

Leonardo da Vinci (1452-1519)


-Ang “Huling Hapunan” (The Last Supper)
ang obra maestra niyang hindi makakalimutan
na nagpapakita ng huling hapunan ni Kristo
kasama ang Kaniyang labindalawang disipulo.
-Isa siyang henyong maraming nalalaman sa
iba’t ibang larangan. Hindi lang siya kilalang
pintor, kundi isa rin siyang arkitekto, iskultor,
inhinyero, imbentor, siyentista, musikero, at
pilosopo.

Pinagkunan:
https://www.britannica.com/list/10-
famous-artworks-by-leonardo-da-vinci

Raphael Santi (1483-1520)


-“Ganap na Pintor” at “Perpektong Pintor”.
-Siya ang pinakamahusay na pintor ng
Renaissance.
-Kilala siya sa pagkakatugma at balanse o
proposisyon ng kaniyang mga likha.
-Ilan sa kaniyang mga tanyag na gawa ang obra
maestrang “Sistine Madonna”, “Madonna and
the Child”, at “Alba Madonna.”

Pinagkunan:
https://www.biography.com/artist/raph
ael
Agham

Nicolas Copernicus (1473-1543)


-Inilahad niya ang Teoryang Heliocentric.
Pinasinungalingan ng teoryang ito ang
tradisyunal na pag-iisip na ang mundo ang
sentro ng sansinukob, na matagal ding
tinangkilik ng simbahan.

Pinagkunan:
https://en.wikipedia.org/wiki/Nicolaus
_Copernicus#/media/File:Nikolaus_Ko
pernikus.jpg

Galileo Galilei (1564-1642)


-Isang astronomo at matematiko.
-Malaki ang naitulong ng kaniyang
naimbentong teleskopyo para
mapatotohanan ang Teoryang Copernican.

Pinagkunan:
https://www.thoughtco.com/galileo-
galilei-biography-1991864

Sir Isaac Newton (1642-1727)


-Siya ang higante ng siyentipikong
Renaissance.
-Ayon sa kaniyang “Batas ng Universal
Gravitation”, ang bawat planeta ay may
kani-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang
dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang
kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya na ang
grabitasyong ito ang dahilan kung bakit
bumabalik sa lupa ang isang bagay na
Pinagkunan: inihagis pataas.
https://addicted2success.com/quotes/1
4-sir-isaac-newton-quotes-which-will-
inspire-you-to-think-and-act/
Kababaihan sa Renaissance

Sa panahon ng Renaissance, iilang kababaihan lamang ang tinanggap


sa mga unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa Italy.
Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang makilala ang ilang kababaihan
at ang kanilang ambag sa Renaissance.

Isotta Nogarola
-May-akda ng Dialogue on Adam and Eve
(1451) at Oration on the Life of St. Jerome
(1453) na kinakitaan ng kaniyang
kahusayan sa pag-unawa sa mga isyung
teolohikal.

Pinagkunan:
https://www.pinterest.ph/pin/4539488
37415861003/

Laura Cereta
-Bago siya mamatay sa gulang na 30 ay
isinulong niya ang isang makabuluhang
pagtatanggol sa pag-aaral sa humanistiko
para sa kababaihan.

Pinagkunan:
https://www.histhrill.com/laura-cereta/

Sofonisba Anguissola
-Siya ang may likha ng Self-Portrait (1554).

Pinagkunan:
https://upload.wikimedia.org/wikipedia
/commons/e/e3/Self-
Portrait_by_Sofonisba_Anguissola%2C_1
558%2C_Galleria_Colonna.jpg
Artemisia Gentilesche
-siya ang nagpinta ng Judith and Her Maid
Servant with the Head of Holofeness (1625)
at Self-Portrait as the Allegory of Painting
(1630).

Pinagkunan:https://www.theguardian.co
m/artanddesign/2020/mar/16/artemisi
a-gentileschi-national-gallery-exhibition

Galugarin

Ang mga sumusunod ay mga gawaing dapat mong isagawa para


mapalalim ang iyong kaalaman sa mga konseptong iyong
natutunan sa aralin.

Gawain 1: Kilalanin Mo Ako!


Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy na konsepto sa Hanay A. Isulat
ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Ang kinikilalang “Ama ng A. Francesco Petrarch


Humanismo.”
2. Siya ang bumuo ng “Batas ng B. Galielo Galilei
Universal Gravitation.”
3. Isa sa kaniyang obra maestra ay ang C. Isaac Newton
“Huling Hapunan.”
4. Siya ang itinuturing na “Makata ng D. Leonardo da Vinci
mga Makata.”
5. Isa siyang astronomiko at matematiko E. Nicolas Copernicus
na nag-imbento ng teleskopyo.
F. William Shakespeare
Gawain 2: Kontribusyon Ko, Itala Mo!
Panuto: Sa tulong ng mga kaalamang nakuha mo mula sa tekstong iyong
binasa, punan ng mahahalagang impormasyon ang talahanayan sa ibaba na
maglalaman ng mga naging kontribusyon ng iba’t ibang personalidad sa
Panahon ng Renaissance. Sundan ang halimbawa upang malinaw na
maisagawa ang gawain.

PERSONALIDAD LARANGAN KONTRIBUSYON


Halimbawa:
Isotta Nogarola Panitikan Dialogue on Adam and Eveand Eve
(1451) at Oration on the life of St.
1.

2.

3.

4.

5.

Para sa iyo, alin sa mga naging kontribusyon ng Renaissance


ang sa tingin mo ay pinakamahalaga? Bakit?
Gawain 3: Salitang Kapares Ko, Tukuyin Mo!
Panuto: Tukuyin ang salitang inilalarawan ng konsepto. Hanapin ang sagot
sa kahon sa ibaba at isulat ito sa hiwalay na sagutang papel.

1. Paniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng


Greece at Rome.

2. Mga iskolar na nanguna sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyon ng Greece


at Rome.

3. Tumutukoy sa pag-aaral ng Latin at Greek, komposisyon, retorika,


kasaysayan, pilosopiya, matematika, at musika.

4. Ang salitang ito ay nangangahulugang rebirth o revival.

5. Bansang pinagsimulan ng Renaissance.


.

Humanidades Humanismo Humanista


Italy Renaissance Spain

Palalimin

Gawain: I-Collage Mo Ako!


Ang gawain na ito ay naglalayon na maipahayag mo ang pagpapahalaga sa
mga naging kontribusyon sa Panahon ng Renaissance.

Panuto:
Lumikha ng isang collage na naglalaman ng mga naging kontribusyon sa
Panahon ng Renaissance sa iba’t ibang larangan. Maaaring gumupit ng mga
larawan mula sa mga magazine o maaari ding kumuha mula sa internet.
Pagdikit-dikitin ang mga larawang ito gamit ang disenyong mapipili ninyo.
Ilagay ang collage sa short bond paper. Gamiting gabay ang rubric sa susunod
na pahina sa pagsasagawa ng gawain.
COLLAGE

RUBRIC SA PAGMAMARKA NG COLLAGE

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman Ang nabuong collage ay nakapagbigay ng 20


kumpleto, wasto, at napakahalagang
impormasyon tungkol sa mga naging
kontribusyon o pamana sa Panahon ng
Renaissance.

Anyo at Malikhain, maayos, at malinis ang 10


Disenyo pagkakadisenyo ng collage; naglagay ng
malikhaing bagay at simbolo; at angkop ang
kulay ng mga disenyo.

Kabuuang Puntos 30
Sukatin
Sagutan ang gawain sa ibaba upang higit mong
mapatunayan ang iyong pag-unawa sa paksang nakapaloob
sa modyul na ito.

Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
MALAKING TITIK ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Anong bansa sa Europe na hugis bota at napaliligiran ng mga Dagat


Adriatic at Mediterranean ang siyang pinagsibulan ng Renaissance?
A. England B. Italy
C. Portugal D. Spain

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawastong kahulugan ng


Renaissance?
A. Muling pagsikat ng kulturang Helenistiko
B. Muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano
C. Panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe
D. Panibagong kaalaman sa agham

3. Isa itong kilusang kultural na nakatuon sa panunumbalik at pagbibigay-


halaga sa kulturang klasikal ng mga Griyego at Romano.
A. agham B. humanismo
C. relihiyon D. repormasyon

4. Ang Renaissance na nagsilbing panahon ng transisyon mula sa Gitnang


Panahon tungo sa Modernong Panahon ay nangangahulugang
_________________.
A. rebirth B. regrowth
C. restore D. restructure

5. Michelangelo Bounarotti: Pieta; Leonardo da Vinci: ____________________


A. Alba Madonna B. Madonna and the Child
C. Mona Lisa D. The Small Cowpower Madonna

6. Ilan sa mga pinag-aaralan sa Humanidades ay ang kasaysayan,


pilosopiya, retorika at ang mga wikang Griyego at _______________.
A. French B. English
C. Latin D. Spanish
7. Francesco Petrarch: Ama ng Humanismo; __________________: Makata ng
mga Makata
A. Giovanni Boccacio B. Desiderius Erasmus
C. Niccolo Machiavelli D.William Shakespeare

8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang kumakatawan sa pahayag


na The end justifies the means, isa sa mga prinsipyo na nilalaman ng The
Prince ni Niccolo Machiavelli?
A. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting pamamaraan
ng pamamahala.
B. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng
nasasakupan.
C. Ano pa man ang pamamaraan ng pinuno basta mabuto ito ay palaging
may mabuting bunga.
D. Anuman ang pamamaraan ng pinuno ay katanggap- tanggap kung
mabuti ang kaniyang hangarin.

9. Ang mga sumusunod ay mga taong may ambag sa larangan ng Agham sa


Panahon ng Renaissance MALIBAN kay ________________.
A. Nicolas Copernicus B. Galileo Galilei
C. Raphael Santi D. Sir Isaac Newton

10. Sino ang babaeng nakilala sa Panahon ng Renaissance ang nagsulong ng


makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral na humanistiko para sa
kababaihan?
A. Isotta Nogarola B. Laura Cereta
C. Sofonisba Anguissola D. Veronica Franco

11. Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng


Greece at Rome ay tinawag na _________________.
A. humanista B. kapitalista
C. siyentista D. sosyalista

12. Sino sa mga sumusunod na alagad ng sining sa panahon ng Renaissance


ang may likha sa Pieta?
A. Cervantes Saavedra B. Leonardo da Vinci
C. Michelangelo Bounarroti D. Raphael Santi

13. Ang mga sumusunod na personalidad ay nakilala sa larangan ng Sining


at Panitikan sa Panahon ng Renaissance MALIBAN kay
_____________________.
A. Desiderius Erasmus B. Goivanni Boccacio
C. Galileo Galilei D. Nicollo Machiavelli
14. Sino sa mga sumusunod ang nakilala sa tawag na “Prinsipe ng mga
Humanista” at ang may-akda ng “In Praise of Folly”?
A. Desiderius Erasmus B. Goivanni Boccacio
C. Francesco Petrarch D. William Shakespeare

15. Sino sa mga sumusunod na kababaihang nakilala sa Panahon ng


Renaissance ang may-akda ng Dialogue on Adam and Eve at Oration on
the Life of St. Jerome?
A. Isotta Nogarola B. Laura Cereta
C. Sofonisba Anguissola D. Veronica Franco

Malugod na pagbati!
Tapos ka na sa modyul na ito.
Sukatin Gawain 3: Salitang Gawain 1: Simulan
1. B 9. C Kapares Ko, Tukuyin Kilalanin Mo 1. B 9. D
2. B 10. B Mo! Ako! 2. B 10. A
3. B 11. A 1. A 3. A 11. C
4. A 12. C 1. Humanismo 2. E 4. B 12. B
5. C 13. C 2. Humanista 3. D 5. D 13. A
6. C 14. A 3. Humanidades 4. F 6. C 14. A
7. D 15. A 4. Renaissance 5. B 7. C 15. C
8. D 5. Italy 8. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Aklat

Kasaysayan ng Daigdig. Vibal Publishing House, Inc. 2012


Modyul ng mga Mag-aaral, K-12 Grade 8 Araling Panlipunan

B. Iba pang Sanggunian

https://www.theguardian.com/artanddesign/2020/mar/16/artemisia-
gentileschi-national-gallery-exhibition
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/e/e3/SelfPortrait_by_So
fonisba_Anguissola%2C_1558%2C_Galleria_Colonna.jpg
https://www.histhrill.com/laura-cereta/
https://www.pinterest.ph/pin/453948837415861003/
https://addicted2success.com/quotes/14-sir-isaac-newton-quotes-which-
will-inspire-you-to-think-and-act/
https://www.thoughtco.com/galileo-galilei-biography-1991864
https://en.wikipedia.org/wiki/Nicolaus_Copernicus#/media/File:Nikolaus_
Kopernikus.jpg
https://www.biography.com/artist/raphael
https://www.britannica.com/list/10-famous-artworks-by-leonardo-da-vinci
https://www.pinterest.ph/pin/281475045431182389/
https://medium.com/moderntheory/niccolo-machiavelli-fear-and-love-
cbf3c02fe29
https://www.biographyonline.net/writers/erasmus.html
https://www.williamshakespeare.net/
http://terrencecrimmins.com/pulitzer/3022/attachment/giovanni-
boccaccio-1313-1375-engraving/
https://www.thefamouspeople.com/profiles/francesco-petrarch-284.php

You might also like