You are on page 1of 7

Araling Panlipunan 8

Modyul para sa Sariling


Pagkatuto 1

Ang Panahon ng Renaissance


MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasaha ang mga mag-aaral ay:


>> Mabibigyang kahulugan ang Renaissance
>> Masusuri ang mga salik na nagbigay daan sa pagsibol ng Renaissance

PAUNANG PAGSUBOK
Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.

1. Aling pangungusap ang pinaka angkop na kahulugan ng Renaissance?


A. Panibagong kaalaman sa sining
B. Muling pagsibol ng kulturang Helenistiko
C. Muling pagsilang ng kaalamang Griyego at Romano
D. Panibagong kaalaman sa mga sinaunang kabihasnan
2. Sa anong bansa unang sumibol ang Renaissance?
A. Italya B. Espanya C. Inglatera D. Portugal
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi dahilan kung bakit sa Italya unang
umusbong ang Renaissance?
A. Bunsod ng mayaman nitong kasaysayan at likas na yaman
B. Ito ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Roma
C. Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan dito
D. Dahil sa Heograpikal na lokasyon nito
4. Ang Renaissance ay nangangahulugan ng
A. Rethink B. Rebirth C. Revive D. Rejoice
5. Maharlikang angkan na naging mahalaga ang papel sap ag-usbong ng
Renaissance sa Italya.
A. Medina B. Mellano C. Mendiola D. Medicci

BALIK-ARAL
Sa huling Linngo ng nakaraang Ikalawang Quarter ay tinalakay ang mga pagbabagong
naganap sa Europa sa Gitnang Panahon o Medieval Period. Bilang pag-babalik aral ay tukuyin
ninyo sa pamamagitan ng mga clue words at pag-tanggal ng mga labis na letra ang mystery
words o salitang hinahanap na nasa loob ng kahon.

Ito ay malaking bahagi ng fief


YGFMWAJHNODVYRAOPLWERISMO
Isang sistemang pang-ekomnomiya noong Gitnang
Panahon
Sistemang politikal, sosyo-ekonomiko at militar
PGIOUYUASODAUQLISLMSMOZXA
spanahong
Nakasalalay sa basalyo ang mga gawaing pampulitika at
pangkabuhayan
SHOOLY TURPOMXCSANQE Si Charlemagne ang naghari o emperador sa panahong
ito ito
EMVBPIRLKRE
Panahon o imperyo na bumuhay muli sa Imperyong
Romano

ARALIN
Kahulugan at mga Salik sa Pag-usbong ng Renaissance
Gawain 1: Past and Present

Mahilig ba kayong manuod ng mga teleserye? Mag-isip ng mga teleserye noon na ni-revive
o may remake sa kasalukuyan. Ano ang tema ng mga naisip ninyong telesereye? Sa inyong
palagay bakit kaya nagkaroon ng remake o revival ang mga naisip ninyong teleserye?
Alam niyo ba na hindi na bago ang revival o remake. Sa kasaysayan ay may isang
pangyayari na maituturing na revival o remake, ito ang Renaissance.

Renaissance

Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo umusbong ang


Renaissance. Ang salitang Renaissance ay mula sa salitang Pranses ay nangangahulugan ng
muling pagsilang o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang
kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Griyego
at Romano sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon.
Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o
Modernong panahon.
Ang Renaissance ay tumaliwas sa mga kaisipan noong Middle Ages na kung saan
binibigyang tuon ay ang papel ng simbahan sa buhay ng tao. Binigyang atensiyon ng
Renaissance ang kahalagahan ng tao at sa kanyang mga ambag. Nagkaroon ng malaking
pagbabago sa pagtingin sa politika, relihiyon, at pag-aaral sa nasabing panahon. Nagbigay ito ng
inspirasyon sa mga mga Europeong manlalakbay na marating ang malalayong bahagi ng
daigdig. Nagbigay-daan din ito sa pagtatatag ng mga imperyo at kolonya. Hinimok din nito ang
pagkamalikhain ng mga tao sa iba’t-ibang larangan.
Gayunpaman, sa kabila ng malawakang pagbabago sa pagtingin sa daigdig sa panahon
ng Renaissance, hindi naman tuluyang nawala ang mga ideya at institusyong naitatag sa
panahon ng Middle Ages.

Mga Salik sa Pag-usbong ng Renaissance


Umusbong ang Renaissance sa lungsod ng Italya sa Roma. Bakit nga ba
sa Italya umusbong ang Renaissance? May iba’t-ibang salik sa pag-usbong ng
Renaissance sa Italya.
Ang magandang lokasyon nito. Pinakamahalagang salik ang kinaroroonang pang
Heograpiya ng Italya. Matatagpuan ang Italya sa pagitan ng Kanlurang Asya at Kanlurang
Europa. Dahil dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod-estado sa Italy na
makipagkalakalan sa mga bansa sa Kanlurang Asya at Kanlurang Europa. Nakatulong din ang
Heograpikal na lokasyon ng Italya upang makatanggap ng iba’t-ibang kaisipan mula sa Silangan
at Kanluran.
Italya ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Roma. Itinuturing ng mga Italyano
na sa dugo at wika, higit na may kaugnayan sila sa mga Romano kaysa alinmang bansa
sa Europa. Dahil sa paniniwalang ito, nabigyang sigla ang pagnanais na manumbalik ang
kabihasnang klasikal ng Roma.
Mahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Italya. Ang mga unibersidad
sa Italya ang nagbigay diin at nagtaguyod sa kulturang klasikal, mga kaalaman sa Teolohiya at
Pilosopiya ng kabihasnang Griyego at Romano. Sa pamamagitan ng malayang pag-aaral sa mga
unibersidad, naging praktikal ang pananaw ng mga tao sa buhay at mas naging malaya sa
paglinang ng kanyang mga kakayahan at kagustuhan.
Pagtataguyod ng mga mahaharlikang angkan sa mga masigasig sa pag-aaral at alagad
ng sining. Kabilang sa maharlikang angkan na mahalaga ang papel sa pag-usbong ng
Renaissance ay ang pamilya Medici. Sa pangunguna Lorenzo d’ Medici, napag-ibayo ang
paglaganap ng Renaissance sa pamamagitan ng pagpapatayo ng pampublikong aklatan na
sentro ng pag-aaral at pagsuporta sa mga pintor at eskultor.

MGA PAGSASANAY
Gawain: Word Search
Panuto: Hanapin ang mga salita na may kaugnayan o naglalarawan sa Renaissance. Bilugan
ang mga ito

WMEDICILOLLYDFGYUPJHNBGERFGHVSCJJJHTQOAKLYUTNBVFPPLI
Rebirth HNGHOUPYNBOYREDDCXVSBFIKLJNULPPUPILSQAWSZXCDCXZJHVB
JNHLPUHFGFOYURETREBIRTHSZXCMCXZDSNBIIBVNBCJHDNHIUZZ
Humanista
UWLOLDFGYUPJHNBGERFGDVSCJJIATQOAKLYIITNBVFPPLZXSSMAP
Middle Ages HNAHOUPYNBOPANITIKANBFIKLJNIINWORLDHIIAWSZXCDCXZMAVB
REBGRTHSZXCDCXZDSVHJGBVNBCIIDNHLPZZZILGUYHTGFNHPINHI
Pinta UWLJHDFGYUPJHNBGIRFGDVSCJJJSTQOAKLYIIYNBVFPPLZXSSIIFM
HNBGEAFGDVSCJJJHTQOAHNBGERTGDVSCJJIIATQOAHNBGERISIO
Agham WABCDEMGHIJKDFGYUPJMNBGERIADVSCJJJHTQOAKLYUTNBVMPI
HNGHOUPYNBOYREDDCXWARLDHISTORYNERBVYIWSZXCDCXZIOVV
JNHLPUHFGFOYURETMANILANFSZXCDPINTAVHJGBVNBCJHDNHLPA
MIDDLEAGESHILPONGERFGDVOCJJJHTQOAKLYUTNGRIYEGOXSSAA

ItalyaRomanoHumanismo MediciGriyego
PAGLALAHAT
Panuto: Kumpletohin ang datos na hinihingi sa Concept Definition Map

KAHULUGAN
MGA SALIK SA PAG-USBONG NG RENAISSANCE

1.

2.
RENAISSANCE
3.

4.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Sagutan ang mga tanong sa Reflective Log.
Ano ang mahahalagang ideya o kaalaman na natutuhan ninyo sa aralin?
1.
2.
3.
Anu-anong mga prinsipyo o kaalaman na hango sa Renaissance ang maaari mong iangkop sa
kasalukuyan?
1.
2.
3.
Bilang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang naging ambag ng mga Humanista sa
panahon ng Renaissance?
1.
2.
3.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Basahin ng mabuti ang bawat tanong at sulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.
1. Ang Renaissance ay kilusang intelektuwal o kultural na ang hangarin ay ibalik ang
klasikal na kultura ng mga anong kabihasnan?
A. Athens at Greece C. Greece at Rome
B. Sumer at Indus D. Shang at Athens
2-3. Suriin ang salitang nakahilis. Tukuyin kung ito ay tama o mali sa ipinapahayag na
Ideya sa pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot sa na nasa kahon

A. Tama ang una at ikalawang pangungusap


B. Mali ang una at ikalawang pangungusap
C. Tama ang unang pangungusap at mali ang ikalawang pangungusap
D. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawang pangungusap

2.
I. Isa sa dahilan kung bakit umusbong sa Italy ang Renaissance ay sa
magandang lokasyon nito
II. Ang pagtataguyod ng mga maharlikang angkan tulad ng mga Medici ay nakatulong
sa pag-unlad ng Renaissaance sa Italy
3.
I. Ang Renaissance ay maaaring ilarawan bilang kilusang intelektuwal o kultural na
nais ibalik ang sinaunang kulturang Athens at Greece
II. Ang Renaissance ay panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period
4. Alin ang hindi naging salik sa pag-usbong ng Renaissance?
A. Italya ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Roma
B. Mahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Italya
C. Ang mga ambag ng mga Humanista
D. Ang magandang lokasyon nito
5. Sa paanong paraan pinangunahan ni Lorenzi De Medicci ang pag-usbong ng Renaissance sa
Italya?
A. Pagpapatayo ng pampublikong aklatan C. Pinag-aral niya ang mga Humanista
B. Pagpapadala ng mga eksplorasyon D. Pagpapatayo ng mga museo

You might also like