You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO

ARALING PANLIPUNAN

I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang dahilan kung bakit binansagang Holy Roman
Empire ang imperyo ni Charlemagne.
2. Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkabuo ng Holy
Roman Empire.
3. Nakagagawa ng timeline batay sa mahahalagang pangyayaring
nagbigay-daan sa pagkakabuo ng Holy Roman Empire.
II. Nilalaman
Paksa: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na lipunan sa Europe.
Ang Holy Roman Empire
Batayang aklat: Kasaysayan ng Daigdig (Modyul para sa Mag-aaral)
Pahina 237-239
Kagamitan: manila paper, pentel pen, aklat, picture ni
Chalemagne
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
- Panalangin
- Pagbati
- Balitaan
- Balik-aral
Magpaskil ng mga metacard na may nakasulat na mga salita (pari,
papa, arsobispo at obispo). Sabihin sa mga mag-aaral na ayusin ang
organisasyon ng Simbahang katoliko. Simula sa mataas hanggang sa
mababang katungkulan.
- Lunsaran ng Gawain
Panuto: Pagpapangkat ng klase para sa pagbuo ng puzzle picture
ni Charlemagne. Bibigyan ang bawat grupo ng 10 segundo upang mabuo
ang puzzle picture.
B. Aktibiti
1. Basahin at suriing mabuti ang teksto tungkol sa mga kaganapang nagbigay-
daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman Empire”.
2. Punan ang timeline ng mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa
pagkakabuo ng Holy Roman Empire.
C. Analisis
1. Bakit hindi nagtagumpay ang pagpapanatili ng imperyo?
2. Bakit kaya Holy Roman Empire ang ibinansag sa imperyo ni Charlemagne?
3. Ano ang kahalagahan ng Simbahang Katoliko sa “Holy Roman Empire”?
4. Kahanga-hanga ba ang pamumuno ni Charlemagne? Ipaliwanag ang iyong sagot.
D. Abstraksyon
1. Ano ang kontribusyon ng imperyong ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang
kamalayan?
2. Sa kasalukuyan, masasabi pa bang may matibay na ugnayan ang pamahalaan at
simbahan? Patunayan.
3. Sa iyong palagay, sinong personalidad ang pinakamahalaga sa pagtatatag ng
Holy Roman Empire?
E. Aplikasyon
Gawain 10.Sa Madaling Salita
Panuto: Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa ikalawang kahon.

Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-


usbong ng Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong ang paglakas ng


simbahang Katoliko sa pag-usbong Paano nakatulong ang pagkakatatag ng
“Holy Roman Empire”sa pag-usbong ng
ng Europe sa Panahong Medieval?
Europe sa Panahong Medieval?
IV. Takdang-Aralin
Alamin sa susunod na aralin ang mga sanhi at bunga ng paglulunsad ng mga
Krusada.

You might also like