You are on page 1of 31

1

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: GILBERT T. SADSAD


Assistant Regional Director: JESSIE L. AMIN

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: ROMMEL L. VALENZUELA- Teacher I (Hawan NHS)

Editor: TERESA T. CAMU- Head Teacher III (Catanduanes NHS)


JUPITER L. TORNO- Teacher III (Catanduanes NHS)
AUGUSTO R. VARGAS- Master Teacher II (VPES-SSES)

Tagasuri: CYNTHIA T. SONEJA- Education Program Supervisor I

Tagaguhit:
Tagalapat: JOHN ANTHONY F. ROMERO- Teacher II (Catanduanes NHS)
KEVIN M. ESCOBIDO- Teacher III (Calatagan HS)

2
TALAAN NG NILALAMAN

ANG KABIHASNANG ROMANO

Panimula…………………………………………….. iii

Mga aralin at sakop ng module……………………. 1

Aralin 2.1 Ang Sinaunang Rome ...................... 1


Pagsasanay 1………………………………… 3
Pagsasanay 2………………………………… 4
Pagsasanay 3………………………………… 6

Aralin 2.2 Ang Republika ng Rome ................... 9


Pagsasanay 1…………………………………. 11
Pagsasanay 2…………………………………. 11
Pagsasanay 3…………………………………. 14

Aralin 2.3 Paglaganap ng Kapangyarihan


ng Rome ............................................. 17
Pagsasanay 1…………………………………. 19
Pagsasanay 2…………………………………. 22
Pagsasanay 3…………………………………. 23
Pagsasanay 4…………………………………. 25

3
Ikalawang Markahan – Modyul 2 – Linggo 2
ANG KABIHASNANG ROMANO

Ang heograpiya ay isa sa mga salik na nakaaapekto sa daloy


ng kasaysayan. Sa katunayan, malaki ang bahaging
ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng
isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na
humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura
ng tao.

Sa modyul na ito, mauunawaan mo ang ugnayan ng heograpiya at ng


kasaysayan ng pagsisimula ng sinaunang kabihasnang Rome. Maiisip mo kung
paano nilinang at ginamit ang kanilang kaisipan sa pagpapayabong ng
sinaunang Kabihasnang Romano at kung anu ang ambag nito sa kasalukuyang
panahon.

Aralin 2.1
ANG SINAUNANG ROME

SIMULAN NATIN!
Alam mo ba kung paano nakaapekto ang heograpiyang pisikal sa
paghubog ng kabihasnang klasikal ng Rome at Italy? Paano
nagkakaiba at nagkakatulad ang heograipyang pisikal ng Italy na
nagbigay daan sa paghubog at pag unlad ng natatangiang
kabihasnang klasikal sa daigdig? Paano nagsimula nag pagkakatatag ng
Kabihasnang Romano? Iyan ay ilan sa mga katanungan na nais masagutan sa
paksang tatalakayin. Sa araling ito ay tatalakayin ang pagsisimula ng
sinanunag kabihasnan sa Roma.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang makatutukoy mo ang mga salik
heograpikal na nakaimplwensya sa paghubog at pag unlad ng kabihasnang
klasikal sa Rome at Italy.

4
MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang katangiang heograpikal ng Rome


2. Nailalahad ang pinagmulan ng Rome.
3. Napapahalagahan ang mga katangian ng Pamilyang Romano

TALAHULUGAN
Narito ang ilan sa mga mahahalagang salita na makakatulong sa
iyo upang lubos mong maunawaan ang paksang tatalakayin.

a. Sinaunang Roma– isang kabihasnan sa Europa na umiral sa tangway o


peninsula.
b. Etruscan– mga dayuhang sumakop at tumalo sa Rome.
c. Latium Plain– ito ay batayan para sa pagbuo ng kabihasnang Romano. Ito
ay napaka-yabong na lupain kung saan nagsimula ang sinaunang Rome.
d. Ilog Tiber– nagbibigay daan ito sa madaliling pakikipagkalakalan ng Rome
sa mga bansang nakapalibot sa Mediterranean Sea.
e. Italya– tangway na nagmumula sa Timog Europa patungo sa Dagat
mediterian. Maburol at bulubundukin.

PANIMULANG PAGSUBOK
Unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti unting humina ang malawak na


imperyong kanyang itinatag. Sa kabilang dako naman ng kanlurang Europe,
anong pamayanan ang namukadkad ng mga panahong ito?
A. Greece C. Rome
B. Macedonia D. Sparta

2. Kung ang Greece ay kilala sa taguring “the Glory that was Greece”, nakilala
naman ang Rome sa tawag na?
A. The Dark C. The Granduer
B. The Extravagant D. The Queen

3. Sino ang kambal na sinagip at inaruga ng isang babaeng lobo na ayon sa


isang alamat ay ang nagtatag ng Rome?
A. Julius at Ceasar C. Rulus at Remus
B. Philip at Alexander D. Romulo at Augusto

4. Saan sinasabing umusbong ang dakilang lungsod ng Rome?


A. Alps Mountain C. Kapatagan ng Latium
B. Ilog Tiber D. Mediterrean Sea

5
5. Sino ang tumalo sa mga Romano?
A. Etruscan C. Peloponessian
B. Macedonian D. Spartan

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Payabungin ang iyong kaalaman. Alamin ang kasaysayan ng
pag- usbong at pag- unlad ng Kabihasnang Romano. Maaari
nang magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa yugtong ito,
inaasahang iyong matututuhan ang mahahalagang konsepto
tungkol sa mga sinaunang tao sa daigdig na gamit ang mga teksto, larawan,
chart, at mga gawaing higit na magpapayabong sa iyong kaalaman.

PAGSASANAY 1
SURI TIMELINE!
Suriin ang timeline ng kasaysayan ng Imperyong Romano.
Magagamit itong gabay sa mga susunod na pagtalakay.

Figure 1: Timeline ng mga


202 BCE- pangyayari sa Imperyong Rome
Natalo ng mga
Roman si
Hannibal
300 CE –
Naging
27 BCE
Emperador ng
Nagsimula
451 BCE Imperyo ng
ang Pax
Itinatag ang Romana sa Constantine
Roman pamumuno
Republic ni Augustus
500 BCE 250 BCE 1CE 200 CE 400 CE

451 BCE 180 BCE 476 CE


Naging Nagtapos Nagtapos ang
pundasyon ang Pax Imperyong
ng batas Romana Romano sa
ng mga Kanluran
Romans 45 BCE 285 CE Hinati ni
ang Twelve Naging Diocletian ang
Table diktador ng
Imperyong
Rome si
Roman
Julius Caesar

264 BCE
Sumiklab ang
Punic War

6
Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-unting humina ang malawak
na imperyong kanyang naitatag. Sa kabilang dako naman ng kanlurang
Europe, isang pamayanan ang unti-unting namumukadkad. Ito ay ang
Rome. Kung ang Greece ay kilala sa taguring “the glory that was Greece”
makikilala ang Rome sa taguring “the grandeur that was Rome”. Ano kaya
ang kahulugan nito?

Pamprosesong Tanong:
1. Kailan nagsimula at nagwakas ang Republika ng Rome?
2. Ilang taon tumagal ang Republika ng Rome?
3. Kailan nagkaroon ng malawakang digmaan sa Rome?
4. Anong pangyayari ang nagbigay daan sa pagwawakas ng Republika ng
Rome?

PAGSASANAY 2
MAGBASA AT MATUTO:
Unawain ang nakasaad na teksto. Maaari mo ring gamitin ang
internet at iba pang mga babasahin tulad ng aklat o ibang modyul
upang makakalap ng mga karagdagang impormasyon na makakatulong upang
lubos na mapalalaim pa ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.

LOKASYON NG KABIHASNANG ROME

Ang Italy ay isang bansang


matatagpuan sa kanlurang
Europe. Ito ay isang peninsula na
nakausli sa Mediterranean Sea.
Katulad ng Greece, ang Italy ay
binubuo ng maraming
kabundukan at ilang mga
kapatagan. Isang mahalagang
kapatagan ang Latium. Ang Ilog
Tiber ay dumadaloy sa
kapatagang ito. May ilang bakas
ng sinaunang kabihasnan sa
kapatagan ng Latium at
sinasabing dito umusbong ang
dakilang lungsod ng Rome.

Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na nag-


uugnay ditto at sa Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay nagbigay-daan sa
pakikipagkalakalan ng Rome sa mga bansang nakapalibot sa Mediterranean
Sea. Ang saganang kapatagan at maunlad na agrikultura ay kayang suportahan
ang pagkakaroon ng malaking populasyon.

7
Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag usbong ng Rome bilang
isang matatag na lungsod?
_______________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________________.

Ang Simula ng Rome

Ang Rome ay Ang kambal ay


itinatag sa kalagitnaan sinagip at inaruga ng isang
ng ikawalong siglo babaing lobo. Nang lumaki
B.C.E. ng mga unang ang dalawa at nalaman ang
Roman na nagsasalita kanilang pinagmulan,
ng Latin, isang sangay inangkin nila ang trono at
ng wikang nabibilang sa itinatag ang Rome sa
IndoEuropeo. Sila ay pampang ng Tiber River
lumipat sa gitnang Italy noong 753 B.C.E.
at nagtayo ng sakahang
pamayanan sa Latium
Plain.

Ayon sa isang
matandang alamat ang
Rome ay itinatag ng
kambal na sina Romulus
at Remus. Habang mga
sanggol pa lamang,
inilagay sila sa isang
basket at ipinaanod sa
Tiber River ng kanilang
amain sa takot na
angkinin ng kambal ang
kaniyang trono. https://www.ancient.eu/image/1456/r
omulus--remus/

Ang mga Romano ay tinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa


hilaga ng Rome. Sila ay magagaling sa sining, musika, at sayaw.
Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal, at kalakaln Tinuruan nila
ang mga Roman sa pagpapatayo ng mga gusaling may arko, mga aqueduct,
mga barko, paggamit ng tanso, paggawa ng mga sandata sa
pakikipagdigma, pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak.

8
Pamprosesong Tanong:
1. Paano nagsimula ang pagkakatatag ng Kabihasnang Rome?
2. Paano mo mailalarawan ang pamumuhay ng mga Romano?
3. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag usbong ng Rome bilang isang
matatag na lungsod

PAGSASANAY 3
3-2-1 CHART!
Punan ang tsart ng mga mahahalagang impormasyon mula sa
binasang teksto sa kabilang pahina.

Bagay na aking natutunan 1.

3
tungkol sa Kabihasnang
Klasikal ng Rome.
2.

3.

2 Impormasyon na aking 1.
nalaman
kahalagahan
tungkol sa

kabihasnang Rome.
ng
2.

1 Mahalagang tanong sa 1.
paksa:
ipapakita
Paano

pagpapahalaga
pinagmulan ng Rome?
mo
ang
sa

Pamprosesong Tanong:
1. Paano nagsimula ang Rome?
2. Ano ang mga katangian ng Rome?
3. Ano ang mga naiambag ng pamilyang Romano sa kabihasnang klasikal ng
Rome?

9
PANGWAKAS NA PAGSUBOK
PANUTO: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang _________ ay itinatag sa ikawalong siglo BCE na nagsasalita ng Latin.


A. Germany C. Rome
B. Hungary D. Switzerland

2. Saang dagat naitatag ang kabihasnang Klasiko ng Rome?


A. Adriatic Sea C. Celebes Sea
B. Black Sea D. Mediteranean Sea

3. Paano napag isa ng mga Romano ang kanilang Lungsod-estado?


A. Sa pamamagitan ng bayanihan
B. Sa pamamagitan ng pederasyon
C. Sa pamamagitan ng pagpupulong
D. Sa pamamagitan ng pagsasakripisyo

4. Paano namuhay ang pamilyang Romano sa Lipunan?


A. Namumuhay ng payak
B. Namumuhay ng magulo
C. Namumuhay ng masagana
D. Namumuhay ng mapayapa

5. Ito ay isang peninsula na nakausli sa Meditereanne Sea


A. Athes C. Persia
B. Italy D. Sparta

6. Paano inilarawan ang heograpikal na katangian ng Italy?


A. Malapit ito sa ilog
B. Ito ay isang vegetation
C. Matatagpuan ito sa malawak na disyerto
D. Ito ay binubuo ng kabundukan at ilang kapatagan

7. Ang mga susmusunod ay katangian ng mga Etruscan sa mga Romano,


maliban sa isa?
A. Arkiltektura C. Kalakalan
B. Gawaing metal D. Pag-aalaga ng hayop

8. Ano ang impluwensya ng Etruscan sa mga Roman?


A. Magpalakas ng katawan
B. Mag alsa laban sa mga maharlika
C. Manakop ng mga lupang sakahan
D. Pagtatayo ng mga gusaling may arko

10
9. Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na nag-
uugnay sa Mediterennian Sea. Ano ang magndang naidulot nito sa Rome?
A. Nakapanakop ng ibang lupain
B. Pang iimpluwensya ng relihiyon
C. Umunlad sa larangan ng industriya
D. Nagbigay-daan sa pakikipagkalakalaan

10. Bilang isang kabataan, paano mo ipagmamalaki ang pamilyang Pilipino na


may pagkakatulad sa pamilyang Romano?
A. Panood ng sine kasama ang pamilya
B. Pamamasyal sa parke na magkakasama
C. Pagpapahalaga sa moralidad ng pamilya
D. Pagsisimba tuwing lingo kasama ang pamilya

KARAGDAGANG GAWAIN
SLOGAN-MAKING
Panuto: Gumawa ng slogan sa isang malinis na papel (long
coupon bond) tungkol sa natalakay na paksa.
Tema: Pamilya: pundasyon ng matatag na pamayanan at maunlad na bansa
Rubriks:
Indicator Iskala Iskor
1. Napapaloob sa slogan ang mensahe 1-5
ng paksang aralin
2. May pagkakatugma –tugma ang 1.5
huling mga salita.
3. Malinis at maayos ang 1-5
pagkakagawa
KABUUAN 15

MGA SANGGUNIAN:
• Kasaysayan ng Daigdig (Manwal ng Guro) III,2012 pahina 80-81
• Modyul sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig pahina 159-160
• Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat pahina 90-91
• Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2012. pp. 32-40.
• https://tl.maps-italy.com/img/1200/mapa-ng-italya-at-karatigbansa.jpg
retrieved July 29, 2019
• https://www.worldatlas.com/r/w728h425c728x425/upload/15/d1/1f/shutterst
ock-125398649.jpg retrieved July 29, 2019
• http://upload.wikipedia.org/wikipedia/commons/6/6a
Shewolf_suckles_Romulus_and Remus.jp
• https://graylinerome.com/blog/travel-guide-exploring-ancient-rome/
• https://www.ancient.eu/image/1456/romulus--remus/

11
Aralin 2.2
ANG REPUBLIKA NG ROME

SIMULAN NATIN!
Matapos matalakay ang pagsisimula ng sinauang kabihasnang
Romano, iyong natutunan ang heograpikal na katangian nito.
Tinalakay din sa naunang aralin ang papel ng Heograpiyang
Pisikal sa Pagkakabuo ng Sinanaung Kabihasnan ng Rome at
Italy.

Ngayon, iyong tuklasin ang tungkol sa pagkakatatag ng republika ng


Rome. Inaasahan na maipaliliwanag at mapahahahalagahan mo ang
pagkakatatag ng republika ng Rome at kung ano ang kahalagahan nito sa
kasalukuyan.

Pagkatapos mong maunawaan ang paksa, iyong masasagot ang


katanungan kung ano ang mga suliranin at solusyon ang hinarap ng mga
Romano sa pagtatag ng sinaunang kabihasnan ng Rome.

May iba’t-ibang gawain na inihanda at tataya sa iyong kaalaman hinggil


sa paksa.

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Naiisa-isa ang mga pangyayari sa pagkakatatag ng Republika Rome.


2. Naipapaliwanag ang pagkakatatag ng Kabihasnang Romano.
1. 3. Napapahalagahan pagkakatatag ng Kabihasnang Romano.

TALAHULUGAN
Narito ang ilan sa mga mahahalagang salita na makakatulong sa
iyo upang lubos mong maunawaan ang paksang tatalakayin.

a. Patrician– hango sa salitang latin na “Patres” o mga Ama. Sila ang ay


mayayamang may ari ng lupa.
b. Plebeian– Karaniwang naitutulad sa mga magsasaka at mangangalakal.

12
c. Konsul– Parehong nagsisilbing pinuno ng estado o pinong tagapagpaganap
d. Diktador– paraan ng pamumuno na kung saan dinidiktahan nito ang mga
nasasakupan.
e. Tribune– nagsusulong ng mga hinaing at kapakanan ng mga plebeian
f. Republika- ang mga mamamayan ang humihirang ng kanilang kinatawan sa
pamahalaan.
g. Veto– isisigaw kapag nais hadlangan ang isang panukalang batas ng isang
tribune.
h. 12 Tables– naging basehan ng sinaunang batas sa Rome.

PANIMULANG PAGSUBOK
PANUTO: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Hango ang konseptong ito sa pariralang Latin Res Publica, na


nangangahulugang public affairs, o that which belongs to the people. Anung
uri ng pamahalaan ang naitatag ng mga Romano?
A. Aristokrata C. Diktador
B. Demokratiko D. Republika

2. Ano ang tawag sa pagtutol na ginagwa ng isang tribune kapag nais


hadlangan ang isang panukalang-batas?
A. Veto C. Vital
B. Vita D. Vote

3. Sila ang mga itinuturing na kapos sa kabuhayan?


A. Diktador C. Patrician
B. Konsul D. Plebeian

4. Ilang buwan pwedeng manungkulan ang isang diktador?


A. 6 buwan C. 2 taon
B. 6 taon D. 1 taon

5. Sino ang higit na nagtatamasa ng kapangyarihan?


A. Diktador C. Patrician
B. Konsul D. Plebeian

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Unawain ang nakasaad sa teksto tungkol sa Republikang
Romano. Maari mo ring gamitin ang internet at iba pang mga
babasahin tulad ng aklat o ibang modyul upang makakalap ng
mga karagdagang impormasyon na makakatulong sa iyo upang
lubos na mapalalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.

13
PAGSASANAY 1
MIND CONCEPT.
Magbigay ng salita na maiuugnay sa salitang “REPUBLIKA”.
Isulat ito sa bilog.

REPUBLIKA

Pamprosesong mga Tanong:


1. Naging madali ba saiyo ang pagbigay ng mga salita?
2. Masasabi mob a na ang Pilipinas ay isang republika? Pangatwiranan.
3. Batay sa nabuong concept map, ano ngayon ang inyong pagkakaunawa
tungkol sa kahulugan ng republika?

PAGSASANAY 2
MAGBASA AT MATUTO. Unawain ang nakasaad na teksto.
Maaari mo ring gamitin ang internet at iba pang mga babasahin
tulad ng aklat o ibang modyul upang makakalap ng mga
karagdagang impormasyon na makakatulong upang lubos na mapalalaim pa
ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.

ANG REPUBLIKANG ROMANO

Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan


at nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari. Noong 509 B.C.E,
namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga
Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius
Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal ito
mula 509 hanggang 31 B.C.E.
14
Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul
na may kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang
taon. Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa. Dahil sa
pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul, humina ang sangay
tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kailangang pumili ng diktador na
manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa ang diktador
ng higit na kapangyarihan kaysa sa mga Konsul.

Republika lamang sa pangalan ang pamahalaan dahil laan lamang ito


sa mga maharlika o patrician . Pawang mga patrician ang dalawang konsul,
ang diktador at ang lahat na kasapi ng senado. Mga kapos sa kabuhayan ang
mga plebeian at kasapi ng assembly na binubuo ng mga mandirigmang
mamamayan. Walang kapangyarihan ang plebeian at hindi rin makapag-
aasawa ng patrician.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et.
al. pahina 92.

Batay sa binasang teksto, ilarawan ang mga sumusunod na bahagi


ng Republikang Romano.

KONSUL
______________________________________________________
______________________________________________________

DIKTADOR
______________________________________________________
______________________________________________________

PATRICIAN
______________________________________________________
______________________________________________________

PLEBEIAN
______________________________________________________
______________________________________________________

TAGUMPAY NG PLEBEIAN LABAN SA PATRICIAN

Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian


noong 494 B.C.E. upang magkamit ng pantay na karapatan. Nagmartsa sila
sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na Bundok.
Doon sila nagbalak magtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng mga patrician na
mawalan ng mga manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang
kanilang balak sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang;
pagpapalaya sa mga naging alipin nangg dahil sa pagkakautang; at ang

15
paghahalal ng mga plebeian ng dalawang mahistrado o tribune na
magtatangol ng kanilang karapatan.

May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga


hakbang ng senado na magkasama sa mga plebeian. Kapag nais hadlangan
ng isang tribune ang isang panukalang-batas, dapat lamang niyang isigaw ang
salitang Latin na veto! (Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at kalahati,
nagkaroon ng higit na maraming karapatan ang plebeian. Noong 451 B.C.E,
dahil sa mabisang kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang mga bataas sa 12
lapidang tanso at inilagay sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat. Ang
12Tables ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng
Batas Roman. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlilinlang sa mga
plebeian at napagkalooban sila ng karapatang makapgasawa ng patrician,
mahalal na konsul, at maging kasapi ng Senado.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al.
pahina 92.

Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasulat na batas para


sa mga plebeian?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
____________________________________________________.

Magbigay ng halimbawa ng pangyayari sa kasalukuyang panahon


na maihahalintulad sa tinahak ng mga plebeian upang matamo
ang kanilang karapatan. Ipaliwanag
_____________________________________________________
_____________________________________________________
____________________________________________________.

Sa kasalukuyan nabibigyan din ba ng kahalagahan ang kapakanan


ng mga karaniwang tao? Patunayan.

_____________________________________________________
_____________________________________________________
____________________________________________________.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang twelve tables? Ano ang kahalagahan nito sa lipunang Romano?
2. Sino ang puno ng pamilya sa lipunang Romano? Ano ang kanyang mga
karapatan?
3. Paano pinapangalagaan ng 12 tables ang karapatan ng kapwa mahihirap at
mayayaman?
4. Sa kasalukayang panahon, paano nagkakapareho ba ang batas Romano sa
batas ngayon? Pangatwiranan.
16
PAGSASANAY 3
I-R-F CHART
Ipahayag ang iyong natutunan tungkol sa Republikang Romano.
Punan ang chart na nasa ibaba.

ALAM KO NGAYON NADAGDAG KONG ITO NA ANG ALAM


KAALAMAN

Pamprosesong Tanong:
1. Kailan nagsimula at nagwakas ang Republika ng Rome?
2. Ilang taon tumagal ang Republika ng Rome?
3. Anong pangyayari ang nagbigay-daan sa pagwawakas ng Republika ng
Rome?

PANGWAKAS NA PAGSUBOK
PANUTO: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Kailan itinatag ang Rome?


A. Ika 2 siglo C. Ika- 7 siglo
B. Ika 4 na siglo D. Ika-8 siglo

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng karapatan?


A. payag ako! C. tutol ako!
B. tama na! D. hindi ako!

3. Bakit bumagsak ang Rome?


A. dahil sa digmaang sibil
B. dahil sa krisis pangkabuhayan.
C. dahil sa pag aalsa ng mga alipin
D. dahil sa pagsalakay ng mga barbaro

17
4. Alin sa mga ito ang nagpapahayag ng tagumpay?
A. natalo sa digmaan
C. sigalot sa loob ng bansa
B. matatag na pamahalaan
D.watak-watak na mamamayan
.
5. Isa sa mga naging pinuno ng Rome ay si Julius Ceasar na tinawag na
diktador. Ano ang HINDI Gawain na magpapatuloy na pagiging diktador ni
Julius Ceasar sa Rome?
A. Sapilitang nangulekta ng buwis sa lalawigan
B. Pinalakas niya ang senate at kapangyarihan nito
C. Ipinaubaya niya sa senado ang control sa kapangyarihan
D. Binawasan ang kapangyarihan ng Senate at kontrolado niya ang buong
kapangyarihan

6. Ano ang dahilan ng pagsisimula ng paghihimagsik ng mga plebeian?


A. paraan ng pamumuno
B. pananakop ng mga patrician
C. upang m magkaroon ng sariling lupain
D. upang makamit ang pantay na karapatan

7. Ito ay ang kauna-unahang nasusulatna bats sa Rome at naging ugat ng


Batas Roman. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlilinlang sa mga
plebeian at napagkalooban ng karapatang makapag asawa ng patrician,
makalahok na konsul, at maging kasapi ng senado. Ano ito?
A. 10 tables C. 15 tables
B. 12 tables D. 20 tables

8. Ayon sa kasaysayan, binalak ng maghimagsik ng mga Plebeian laban sa


mga Patrician upang makamit ng pantay na karapatanUpang mapigilian ito
ay angmga sumusunod na pangyayari ay ginawa ng mga patrician maliban
sa isa.
A. Hindi sila siningil sa mga pagkakautang
B. Pinagbayad sila sa murang halaga ng kanilang pagkakautang
C. Pinapalago ang mga plebeian na naging alipin dahil sa pagkakautang.
D. Sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang kanilang balak sa
pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang

9. Ang mga sumusunod ay ang mgay karapatan ng mga plebeian maliban sa


isa.
A. maging isang patrician C. mahalal na konsul
B. maging kasapi ng senado D. makapag asawa ng patrician

10. Bilang isang kabataang mag aaral, paano pahahalagahan ang mga nagawa
ng mga Romano sa pagkakatatag ng republika nito?
A. Lumaban sa pamahalaan
B. Hayaan lang ang mga namumuno
C. Maging masunurin sa batas na ipinapatupad
D. Magbulag bulagan sa mga nangyayari sa paligid

18
KARAGDAGANG GAWAIN
Gumawa ng iyong sariling Komitment sa Reflection
Notebook/Journal.

Gabay na tanong: Paano nabago ang iyong pananaw bilang mag-


aaral pagkatapos mong malaman ang mahahalagang pangyayari sa
Republikang Romano?

________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
______________________________.

MGA SANGGUNIAN:
• Kasaysayan ng Daigdig pahina Modyul sa Araling Panlipunan 8
• Kasaysayan ng Daigdig pahina 161-164 (Manwal ng Guro) I.2012 pp.80-81
• Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat pahina 92-94
• Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong
Taon nina Vivar et. al. pahina 92.
• Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong
Taon nina Mateo et. al. pahina 127-128
• https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/2b/Pr
esidente_Sergio_Mattarella.jpg/220pxPresidente_Sergio_Mattarella.jpg
retrieved July 29, 2019
• https://odnmedia.s3.amazonaws.com/image/fotopapa_2019051812465707
7078_art_feat.jpeg retrieved July 29, 2019
• https://www.thoughtco.com/the-roman-republics-government-120772

19
Aralin 2.3
PAGLAGANAP NG KAPANGYARIHAN NG
ROME

SIMULAN NATIN!
Sa nakaraang aralin natalakay ang pagsisimula ng sinaunang
kabihasnang Rome at ang pagkakatatag ng Republika ng Rome.
Nalaman mo ang heograpikal na katangian ng Rome at kung
paanu ito pinalawak ng mga Rome. Ngayon ang tatalakayin
naman ay ang paglaganap ng kapangyarihan nito. Inaasahan na sa patuloy na
pagpapalawak ng iyong kaalaman iyong maiisa-isa ang pangyayaring nagbigay
daan sa paglaganap ng kapangyarihan ng Rome. Matutukoy mo rin ang dahilan
at naging resulta ng digmaang kinasangkutan ng Rome.

Sa pagtatapos ng aralin iyong mapapahalaghan ang mga pamana ng


imperyong Romano at kung an0 ang naiambag nito sa kasalukuyang panahon.

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Naiisa-isa ang pangyayaring nagbigay-daan sa paglaganap ng


Kapangyarihan ng Rome.
2. Naipaliliwanag ang dahilan at resulta ng Digmaang Punic
3. Napahahalagahan ang pagkakatatag at mga pamana ng imperyong
Romano.

TALAHULUGAN
Narito ang ilan sa mga mahahalagang salita na makakatulong sa
iyo upang lubos mong maunawaan ang paksang tatalakayin.

a. Digmaang Punic– salitang Latin na nagmula sa pangalang “Phoenician”.


Sa digmaang ito napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa
Mediterreanian.

20
b. Tunic– ay kasuotang pambahay na hanggang tuhod ng mga lalaking
Roman.
c. Stola– kasuotang pambahay ng mga babaing Roman.
d. Toga– isinusuot ng mga lalaking Roman kung sila ay lumalabas ng bahay.
e. Basilica- isang bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng
assembly.
f. Coliseum– isang amphitheater para sa labana ng mga gladiator.

PANIMULANG PAGSUBOK
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
wastong sagot. Isulat ang titik lamang ng wastong sagot.

1. Sino ang nagtatag ng Carhage?


A. Etruscan C. Phoenician
B. Latino D. Vloscian

2. Anong digmaang Punic nanalo ang Rome laban sa Carthage?


A. Unang Digmaang Punic
B. Ikalawang Digmaang Punic
C. Ikatlong Digmaang Punic
D. Ikaapat na Digmaang Punic

3. Ano ang itinawag ng mga taga Rome sa Mediterrainne Sea?


A. Black Sea C. Mare Nostrum
B. Cradle of Civilization D. Red Sea

4. Ito ay batas para sa lahat na Romano, patrician man o plebeian.


A. Aqueduct C. Minoan
B. Doric D. 12 tables

5. Ang panitikan ng Rome ay impluwensya ng ___________________ ?


A. Greece C. Peloponesian
B. Macedonean D. Spartan

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:


Maaari nang magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa
yugtong ito, inaasahang iyong matututuhan ang mahahalagang
konsepto tungkol sa paglaganap ng kapangyarihan ng Rome
gamit ang mga teksto, larawan, chart, at mga gawaing higit na
magpapayabong sa iyong kaalaman.

21
PAGSASANAY 1
MAGBASA AT MATUTO:
Unawain ang nakasaad na teksto at pagkatapos ay sagutan ang
gawain sa ibaba.

PAGLAGANAP NG KAPANGYARIHAN NG ROME

Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang


sunud-sunod na digmaan mula pa noong 490 B.C.E. Nasakop ang mga Latino,
mga Etruscan at iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian, Sabine at
Samnite. Matapos masakop ang gitnang italy, isinunod ang lungsod-estado ng
greece sa timog. naganap ang unang sagupaan ng rome at greece sa
heraclea, italy noong 280 b.c.e. nagwagi ang greece dahil tinulungan si haring
pyrrhus ng espirus ng kaniyang pinsang si alexander the great at dahil din sa
paggamit ng mga elepanteng kinatatakutan ng mga mandirigmang Romano.
Bagamat nagtagumpay si Haring Pyrrus, marami sa kaniyang tauhan ang
nalipol, kung kaya sa ngayon, ang isang napakamahal na tagumpay ay
tinaguriang Pyrric Victory.

Ang tagumpay ng isang labanan ay hindi lamang nangahulugan ng


panalo ng Romano at pagtatamo ng kabantugan sa military. Kadalasan, naging
kaanib ng Rome ang nagaping kaaway at magiging kolonya ng Rome ang
nasakop na teritoryo. Ang mga hukbong nagapi ay nagiging karagdagang
mandirigma para sa hukbong Roman. Sa ganitong sistema unti-unting
lumaganap ang kapangyarihan ng Rome magmula sa ilog Tiber hanggang sa
kabuuan ng Italy. Sumasakop ang teritoryong Roman mula sa Ang mga
hukbong nagapi ay nagiging karagdagang mandirigma para sa hukbong
Roman. Sa ganitong sistema unti-unting lumaganap ang kapangyarihan ng
Rome magmula sa ilog Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy. Sumasakop ang
teritoryong Roman mula sa Ariminium at Pisa sa hilaga hanggang sa Kipot ng
Messina sa timog. Sa kabila ng 16 na kilometrong kipot na ito, nakaharap ng
mga Roman sa Sicily ang naging pinakamabigat na kaaway nito- ang mga
Carthagenian. Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong
Taon nina Vivar et. al. pahina 93

Mula sa binasang teksto, isa-isahin ang pangyayaring nagbigay-daan


sa paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome.

1. __________________________________________________

2. __________________________________________________

3. __________________________________________________

4. __________________________________________________

5. __________________________________________________

22
DIGMAANG PUNIC
2
1 Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang
Sa simula pananakop ng Rome sa bahaging timog ng
makapangyarihan ang Italy. Nagisismula pa lamang ang Carthage
Carthage sa dagat noon na maging makapangyarihan sa
bagaman pawang kanlurang bahagi ng Mediterranean. Itinatag
upahan ang mga ang Carthage (Tunis ngayon) ng mga
mandirigma nito dahil Phoenician mula sa Tyre noong 814 B.C.E.
sa maliit na populasyon. Nang sakupin ng Persia ang Tyre, naging
Ang mga Roman malaya ang Carthage at nagtatag ito ng
naman sa simula ay imperyong komersyal na nasasakop ng
walang hukbong hilagang Africa, silangang bahagi ng Spain,
pandagat ni karanasan pulo ng Corsica, Sardinia at Sicily.
sa digmaang pandagat.

Mapa 1.5 Lokasyon ng Digmaang Puni

https://www.slideshare.net/AngelMediavillo/digmaang-punic-68049348
3

Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at Carthage sa tatlong


Digmaang Punic- salitang Latin na nagmula sa pangalang Phoenicia. Sa
digmaang ito napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa Mediterranean.
Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat bagaman pawang
upahan ang mga mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon. Ang mga
Roman naman sa simula ay walang hukbong pandagat ni karanasan sa
digmaang pandagat.

23
Digmaang Mahahalagang Pangyayari Kinahinatnan
Punic
Unang • Bagamat walang malakas na plota, • Nanalo ang Rome
Digmaang dinaig ng Rome ang Carthage laban sa Carthage.
Punic (264 noong 241 B.C.E.
-241 BCE) • Nagpagawa ang Rome ng plota at
sinanay ang mga sundalo nito na
maging magagaling na
tagapagsagwan.
• Bilang tanda ng pagkakapanalo ng
Rome, sinakop nito ang Sicily,
Sardinia, at Corsica.
Ikalawang • Nagsimula ito noong 218 BCE nang • Natalo si Hannibal
Dignaang salakayin ni Hannibal, heneral ng sa labanan sa Zama
Punic Cartage, ang lungsod ng Saguntum noong 202 BCE
(218 -202 sa Spain na kaalyado ng Rome • Sa isang
BCE) • Mula Spain, tinwid ni Hannibal ang kasunduang
timog France kasama ng mahigpit pangkapayapaan
na 40 000 sundalo noong 201 BCE,
• Tinawid din nila ang bundok na Apls pumayag ang
upang makarating sa Italy. Carhage na sirain
• Tinalo ni Hannibal ang isang ang plota nito, isuko
malaking hukbo ng Rome sa ang Spain at
Cannae noong 216 BCE. Subalit magbayad ng buwis
hindi naghangad si Hannibal na taon taon sa Rome
salakayin ang Rome nang hindi pa
dumarating ang inaasahang
puwersa na manggagaling sa
Carthage.
• Sa ilalim ng pamumuno ni Scipio
Africanus, sinalakay ng mga Roman
ang hilagang Africa upang pilitin si
Hannibal na iwan ang Italy at
tumungo sa Cartage upang sagipin
ang kanyang mga kababayan.
Ikatlong • Matapos ang 50 taon, naganap ang • Muling natalo ang
Digmaang Ikatlong Digmaang Punic. Carthage sa
Punic • Mahalaga ang papel ni Marcuis digmaan.
(149146 Porcuis Cato, isang pinuno at • Kinuha ng Rome
B.C.E) manunulat na Roman, sa pagsiklab ang lahat ng pagaari
ng digmaan. Sa kanyang pagbisita ng Carthage sa
sa Carthage, nakita niya ang Hilagang Africa
kasaganahan at luho ng
pamumuhay dito. Batid niyang
malakas ang Carthage at nananatili
itong banta sa seguridad ng Rome.
Pagbalik ng Rome, itinanim niya sa
isipan ng senado at publiko na dapat
wasakin ang Carthage.

24
• Nang salakayin ng Carthage ang
isang kaalyado ng Rome, sinalakay
ng Rome ang Carthage. Sinunog
nito ang lungsod at ipinagbili ang
mga mamamayan bilang alipin.

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalaga para sa mga Roman ang pagkontrol sa Meditereannean
Sea?
2. Ano ang dahilan ng pananalig ng Rome sa mga nagaganap sa Digmaang
Punic?
3. Paano nakabuti sa Rome ang kanilang pananaig laban sa Carthage?

PAGSASANAY 2
DATA RETRIEVAL CHART
Batay sa tekstong binasa, punan ng angkop na impormasyon
ang talahanayan

Digmaang Punic Namuno Sangkot na Dahilan ng Pagsiklab


Bansa ng Digmaan
Unang Digmaang
Punic

Ikalawang
Digmaang Punic

Ikatlong
Digmaang Punic

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit sumiklab ang Digmaang Punic?
2. Ano ang mga naging epekto ng Digmaan sa mga Romano?
3. Bakit sinakop ng Rome ang Greece?

25
PAGSASANAY 3
LAGUMIN MO!
Basahin ang teksto at pagkatapos sa sagutan ang talahanayan
sa ibaba.

TAGUMPAY SA SILANGAN

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Punic, ang mga hukbo ng Rome


ay pumunta sa silangan. Tinalo ng Rome ang Macedonia. Noong 146 BCE,
ang Macedonia ay naging isang lalawigan ng Rome. Sa taon ding ito, sinunog
ng Rome ang Corinth at inilagay ang iba pang lungsod pangangasiwa nito.

Mula 133B.C.E, nagsimulang mapasakamay ng Rome ang marami pang


lupain. Sa pagsapit ng 100 B.C.E, lahat ng lupain sa baybayin ng
Mediterranean Sea ay nasakop ng ng Rome. Dahil dito, hindi kataka taking
tawagin ng mga taga-Rome ang Mediterranean Sea bilang Mare Noustrum o
Aming Dagat.

KABIHASNANG ROME
Sa pagsakop ng Rome sa mga
lungsod-estado ng Greece, libo-libong
Greek ang tumungo sa Italy. Tinangay
din ng mga heneral ng Rome ang mga
gawang sining at aklat ng Greece sa
pagbabalik nila sa Rome. Kumalat ang
kabihasnang Greece sa Rome at
maraming Roman ang tumungo sa
Athens para mag-aral.
Naimpluwensiyahan ng Greece ang
kabihasnang nabuo sa Rome.
Gayunpaman, may sariling katangian
ang kabihasnang Roman. Pangunahin
https://edu.glogster.com/glog/amba
na rito ang kaalaman sa arkitektura,
g-ng-kabihasnang- inhenyeriya, at sistema ng pamahalaan
romano/2cdxa4fjh16 at batas.

BATAS

Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng


sinaunang panahon. Ang kahalagahan ng Twelve Tables ay angkatotohanan
na wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito ay batas para sa lahat, patrician
o plebeian man. Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen at taniyahin
ang kaukilang parusa. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan
at ang pamamaraan ayon sa batas.

26
PANITIKAN

Ang panitikan sa Rome ay nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong


siglo BCE. Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng Greece.
Ang halimbawa ay si Livius Andronicus na nagsalin ng “Odyssey” sa Latin. Si
Marcus Palutus at Terence ay ang mga unang manunulat ng comedy. Ang
iba pang manunulat ay sina Lucretius at Catullus. Si Cicero naman ay
manunulat at orador na nagpapahalaga sa batas. Ayon sa kanya, ang batas
ay hindi dapat maimpluwensyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera
kailanman.

INHENYIRA

Ipinakita ng mga Roman ang kanilang galing sa inhenyeriya. Nagtayo


sila ng mga daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang ang
malalayong lugar. Marami sa mga daan na ginawa nila noon ay ginagamit pa
hanggang ngayon. Isang halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa
Rome at timog Italy. Gumawa rin sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig
sa lungsod.

PANANAMIT

Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman. Ang tunic ay kasuotang


pambahay na hanggang tuhod. Ang toga ay isinusuot sa ibabaw ng tunic kung
sila ay lumalabas ng bahay. Ang mga babaeng Roman ay dalawa rin ang
kasuotan. Ang stola ay kasuotang pambahay at palla ay isinusuot sa ibabaw
ng stola.

ARKITEKTURA

Ang mga Roman ang tumuklas ng semento. marunong na rin silang


gumamit ng stucco, isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader.
Umaangkat sila ng marmol mula sa Greece. Ang arch na natutuhan ng mga
Roman mula sa mga Etruscan ay ginagamit sa mga temple, aqueduct, at iba
pang mga gusali. Ang gusali na ipinakilala ng mga Roman ay ang basilica,
isang bulwagan ng nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng assembly.
Mayroon din silang pampublikong paliguan at [pamilihan na nagsisilbing
tagpuan para sa mga negosyo at pag uusap. Ito ay isang forum ang sentro ng
lungsod.

May iba pang gusaling pinapatayo na hanggang sa ngayon ay makikita


pa rin sa Rome. Halimbawa ay ang Coliseum na isang amphitheater para sa
mga labanan ng mga gladiator.

27
Pangyayaring Nagdulot ng Patunay/Paliwanag
Paglakas ng Rome

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag unlad ng kabihasnang Rome?
2. Bakit mahalaga sa Rome ang pagkakapanalo sa Digmaang Punic?
3. Sa kabuuan, ilarawan ang pag unlad at paglakas ng kabihasnang Rome.

Natapos mo nang pag-aralan ang tungkol sa kontribusyon ng Sinaunang


Rome. Ngayon ay balikan natin ang iyong kaalaman tungkol sa mga paksang
natalakay sa pamamagitan ng gawain na nasa ibaba.

PAGSASANAY 4
TIMELINE SEQUENCING
(Pagsusunod-sunod). Bumuo ng kwento sa pagbuo at pag unlad
ng kabihasnang klasikal ng Rome sa pamamagitan ng timeline.
Pumili ng 10 pinakamahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
Rome. Isulat ang bawat isang pangyayari sa loob ng kahon. Sa tabi, ng bawat
pangyayri, sumulat ng maikling paliwanag sa kahalagahan nito sa paghubog at
pag unlad ng kabihasnang klasikal ng Rome.

28
Pamprosesong Tanong:
1. Paano nakaimpluwesya ang heograpiya sa paghubog ng pananahanan sa
Rome? Bakit higit na madaling nabuo ang Rome at Italya bilang bansa kaysa
sa isang siyudad-estado?
2. Ano ang mga naging epekto ng kabihasnang Rome sa mga sumunod na
sistemang pampolitikal at batas sa daigdig?
3. Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng Rome sa sistemang polikal
sa daigdig?

PANGWAKAS NA PAGSUBOK
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
wastong sagot. Isulat ang titik lamang ng wastong sagot.

1. Bakit sumiklab ang digmaang Punic?


A. dahil sa Carthage C. dahil sa Sicily
B. dahil sa Germany D. dahil sa Switzerland

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng digmaang Sibil


A. Monopolyo n g kapangyarihan
B. Pagkapanalo ng magkapatid na Gracchus
C. Maraming tao ang nagkaroon ng mga pag-aari
D. Pagpapanukala ng batas na layunin ay ipamahagi ang bukirin sa mga
mahihirap

29
3. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang
makapangyarihan sa Mediterranean?
A. Dahil sa dami ng kanilang nasakop
B. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece
C. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa
Meditarranean tulad ng Carthage at Greece.
D. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung
ikukumpara sa mga karatig-lugar.

4. Sino ang nagsalin ng Odyssey sa Wikang Latin?


A. Cicero C. Lucretus at Catullus
B. Livius Andronicus D. Marcus Palatus at Terence

5. Si Cicero ay isang manunulat at Orador na nagpapahalaga sa batas. Ayon


sa kanya ang batas ay hindi lamang dapat nakaimpluwensya ng
kapangyarihan o sirain ng pera kailanman. Ang mga Roman ay kinikilala
bilang mga pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon. Isang
katunayan na naipakita ang kahalagahan sa Twelve Tables ay ang
katotohanan na wala itong inuuring tao. Anong larangan nabibilang si Cicero
at ang Twelve Tables na nagpalakas sa kabihasnang Romano?
A. Arkitektura at panitikan C. Batas at panitikan
B. Batas at arkitektura D. Panitikan at inhenyera

6. Ilang taon ang nakalipas bago naganap ang ikatlong Digmaang Punic?
A. 50 taon C. 200 taon
B. 100 taon D. 500 taon

7. Maraming implwensya sa larangan ng arkitektura ang natutuna mula sa


mga mananakop. Sinong mananakop ng Rome ang nagturo sa knila ng
paggawa ng arch?
A. Dorian C. Mycenean
B. Etruscan D. Spartan

8. Ang Appian Way na nag-uugnay sa Timog Italy at ang Aqueduct na


nagsisilbing daan upang tubig sa lungsod ay ilan lamang sa patunay o
pangyayaring nagpapalakas sa Rome. Sa anong larangan nabibilang ang
Appian Way at aqueduct?
A. Arkitektura C. Inhenyera
B. Batas D. Panitikan

9. Ano ang kinahinatnan ng Ikatlong Digmaang Punic?


A. Natalo si Hannibal sa labanan
B. Nanalo ang Rome labana sa Carthage
C. Pumayag ang Cartahge sa isang kasunduang pangkapayapaan
D. Kinuha ng bRome ang lahat ng pag aari ng Carthage sa hilagang Africa

10. Ang panitikan ng Rome ay impluwesya ng ________________?


A. Greece C. Minoan
B. Macedonnean D. Spartan

30
KARAGDAGANG GAWAIN:
Hi-STORY!
Gumawa ng isang essay tungkol sa tema sa ibaba.

Tema: “Digmaan: Nakakatulong ba o Nakakasama sa isang


bansa.”

Sumulat ng historical essay na naglalahad ng sumusunod:

1. Sariling pananaw o batay sa mga impormasyong nabasa at natutunan


2. Pagdama at pag-unawa sa mga damdamin na sinakop ng mga
makapangyarihang bansa.

Rubriks:

Mga Kraytirya Natatangi Mahusay Medyo Hindi


(5 (4 na (3 Mahusay
puntos) puntos) puntos) (2 puntos)
Malinaw na mensahe
Malawak na kaalaman sa
paksang tinalakay
Organisasyon

Kabuuang Puntos

MGA SANGGUNIAN:

• Kasaysayan ng Daigdig (Manwal ng Guro ) pahina 2012 pp.80-81


• Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat pahina 92-93
• Modyul sa Araling Panlipunan 8 Kasaysayan ng Daigdig pahina 161-164 4.
Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2012.
• https://odnmedia.s3.amazonaws.com/image/fotopapa_2019051812465707
7078_art_feat.jpeg retrieved July 29, 2019
• https://www.thoughtco.com/the-roman-republics-government-120772
• Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong
Taon nina Vivar et. al. pahina 93
• https://www.slideshare.net/AngelMediavillo/digmaang-punic-68049348
• https://edu.glogster.com/glog/ambag-ng-kabihasnang-romano/2cdxa4fjh16

For inquiries or comments, please contact:

31

You might also like