You are on page 1of 29

7.

6 Paglakas ng Kapangyarihan ng Pamumuno


ni Julius Caesar
7.7 Pagbagsak ng Republikong Romano
7.8 Pagsisimula ng Imperyo ng Rome

Ika-walong lingo
Unang araw
PANIMULANG PANALANGIN:
+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen
Tagapamuno Lahat:
Maria, ating Ina at huwaran ng mga kristiyano……….Ipanalangin mo kami
San Pablo, aming Patron………………………………..Ipanalangin mo Kami
Fr. Louis Chauvet at ang mga unang Madre na nagtatag
ng kongregasyon ng St.Paul of Chartes ………………Ipamagitan mo kami
Nawa ang awa ng Diyos ang maghari sa atin ………. Ngayon at
magpakailanman, Amen.

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.


Isang Magandang Umaga.
Pagpalain kayo ng Panginoon
at
sumainyo ang kapayapaan.

Week 8 Day 1
INAASAHANG PAGGANAP SA BUHAY:
LPO5: Maaruga, tagapagtaguyod ng
kapayapaan, at pangkalahatang kaayusan.

Ako ay maaruga, tagapagtaguyod ng


kapayapaan, at pangkalahatang kaayusan na
ginagabayan ng habag at pag-ibig sa kapwa.
Core Value: Charity (Mapagkawanggawa)
INAASAHANG MAHALAGANG PAGGANAP:
EPO4: Napananatili ang katatagan sa kabila ng
pagtutol sa kanilang pagsisikap na maibahagi
ang kapayapaan, mabawasan ang karahasan,
at mapawi ang pinsalang ipinataw laban sa iba.
(LPO5)
INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO
Ang bawat Paulinian ay inaasahang:
ILO1: naipaliliwanag ang mga pangyayaring sa
pagsisimula at pagbasak ng Republika at ng
Imperyong Romano;
ILO2: naipaliliwanag ang kontribusyon ng
kabihasnang Rome sa kasalukuyang kabihasnan ;
AP8DKT-IIc-3 at
Ang bawat Paulinian ay inaasahang:

ILO3: napananatili ang katatagan sa hamon ng


panghuhusga at inggit ng kapwa mula sa tagumpay
na nakamit habang isinasabuhay ang karanasan at
aral mula sa kabihasnang klasiko ng Rome.
DIRECT: PATNUBAY NG PAGKAKTUTO
PAKSANG NILALAMAN
Unang Araw
7.6 Paglakas ng Kapangyarihan ng Pamumuno ni
Julius Caesar
7.7 Pagbagsak ng Republikong Romano
7.8 Pagsisimula ng Imperyo ng Rome
7.8.1 Pamumuno ni Augustus Caesar
PAGBABALIK-TANAW
Noong nakaraang pagkikita ay pinag-usapan natin
ang digmaang Punic at epekto ng paglawak ng
kapangyarihan ng Rome. Subukan natin ang
pagbabalik aral sa ating natalakay ng nakaraang
pagkikita.
DIP: PAGGANYAK: PAGBUBUNGKAL
PANUTO: Ayusin ang mga titik upang makabuo ng salita at ibigay
ang kahulugan o kahalagahan nito sa pagsakop ng Macedonia.

1.CILYSI- _________ - pinakamalaking pulo sa Italya


2.NIHANBAL __________– heneral na lumusob sa Saguntum
3.SICIOP NUSCAFRIA ______________ – heneral ng Rome
4.AGETHCAR _______________- dating kolonya ng Phoenicia
5 CIANPATRI ______________- mayayamang aristokrata na
bumubuo ng senado
PAGPAPAKILALA SA PAKSANG-ARALIN:
Ngayon naman ay ating tunghayan ang tungkol sa kapangyarihan
ng pamumuno ni Julius Caesar, pagbagsak ng Republikong
Romano at pagsisimula ng Imperyo ng Rome.
DEEPEN: PAGTALAKAY: PAGTATANIM
I. Ang Pag-angat ni Julius Caesar
Sa gitna ng kaguluhan sa Roma, nagpatuloy ang paghahangad ng mga
pinunong militar na mamuno sa pamahalaan sa pamamagitan ng paggamit ng
hukbo.
Noong 60 BCE, nagsanib ang 3 lider military. Sila ay tinaguriang “Unang
Triumbirata” at pinaghatian ang Imperyong Romano
1. Crassus

3. Julius
2. Pompey
Paano nakamit ni Julius Ceasar
ang kapangyarihan?
Noong 59 BSC,si Julius ay nahirang bilang Consul.
Nanatili ang pagkakaibigan nila ni Crassus at Pompey
sa loobng 10 taon at pinamunuan ang pamahalaang
Romano bilang triumbirata

58-50 BCE, pinamunuan ni Julius Caesar ang kanyang


hukbo sa matagumpay na pananakop sa Gaul, siya ay
naging popular sa mga Romano na labis na kinabahala
ni Pompey.
Gabi ng Enero 10 49 BCE, tinawid ni Caesar ang Rubicon
River (Crossing the Rubicon) “The dies is cast” ng Italya
patungong Rome.
44 BCE, itinalaga sa senado si Julius Caesar bilang diktador at
di nagtagal itinalaga ang sarili bilang diktador na panghabang
buhay.
Si Julius Caesar ay naging ganap at makapangyarihang pinuno
at gumawa ng mga repormang nakabuti sa pagpapalakas ng
Republikang Romano hanggang siya ay sabwatang pinapatay
nina Marcus Brutus at Gauis Crassius noong Marso 15,44 BCE
(Ides of March).
Bakit naging bantog si
Julius Caesar?
Bilang diktador gumawa ng mga reporma si Julius Caesar tulad ng
sumusunod:
1. binawasan niya ang kapangyarihan ng senado ngunit
dinagdagan ang bilang mula 600 ay naging 900 na ang kasapi;
2. binigyan ng Roman Citizenship ang lahat ng naninirahan sa Italy;
3. inayos ang pagbabayad ng buwis ng mga lalawigan at pinagbuti ang
pamahalaan;
4. lumikha ng mga trabaho upang matulungan ang mahihirap;
5. nagtatag ng kolonya upang mapagkalooban ng lupain ang mga
mahihirap; at
6. itinaas ang suweldo ng mga sundalo.
Bakit naisip ng mga nagsabwatang mga senador
na kailangang patayin si Julius Caesar?
Kailan nila isinakatuparan ang planong pagpaslang?

Ang pagpatay kay Julius


Caesar ay tinuturing ng
pagbagsak ng Republikang
Romano at pagsilang ng
Imperyong Romano.
Sino-sino ang bumubuo
ng ikalawang Trumbirata?
II. Unang Roman Emperor
Sa pagkamatay ni Julius Caesar si Octavian (apo sa
pamangkin ni Caesar) ang siyang tagapagmana ni Caesar.
Bumuo ng “Ikalawang Triumbirata” 43 BCE, upang
maibalik ang kaayusan sa Roma
Bakit nabuwag muli ang
ikalawang triumbirata?
“unchallenged leader”
IMPERATOR

PRINCEPS
Ano-anong mga titulo ang
PATER ginawad kay Octavian?
PATRIAE
AUGUSTUS
Tinawag ni Augustus ang sarili bilang princeps o “First Citizen”
(Unang Mamamayan). Ano ang persepsiyon ninyo tungkol dito?
Pax Romano o Roman Peace ang pamumuno ni
Augustus Caesar.(200 taon ng katahimikan at
kaayusan sa imperyong Romano)

Bakit ginawaran ng karangalang Ginintuang Panahon


ang pamumuno ni Augustus Caesar sa Imperyong
Romano?
LARAWAN NG PAX ROMANO O ROMAN PEACE
1. pinatatag niya ang hangganan ng Rome sa pagtatalaga ng
mga hukbong Romano;
2. nagpatayo ng magagarang gusaling pampubliko;
3. nagpatupad ng “civil service”;
4. nagpasa ng batas na nagpatatag sa pamilyang Romano;
5. nagpagawa ng daan, irigasyon at mga proyektong nagpaunlad
sa kalagayang ng tao at nagbigay hanapbuhay sa mga mahihirap
na nasa lungsod; at
6. napaunlad niya ang Roma sa kanyang kahusayan at
katalinuhan sa pamamahala.
DISCERN: PAGPAPAHALAGA: PAGBIBINHI:

Paano mo maipakikita ang iyong kasiyahan sa


tagumpay ng iba gaya ng iyong kapatid, kaibigan, at
kamag-aral habang ipinakikita ang iyong pagiging
maaruga, tagapagtaguyod ng kapayapaan, at
pangkalahatang kaayusan na ginagabayan ng habag
at pag-ibig sa kapwa?
SYNTHESIS: PAGBUBUOD: PAG-AANI: Bunga ng
Pagsisikap

Bilang isang Paulinian dapat tayong maging


matatag sa hamon ng panghuhusga at inggit ng
kapwa mula sa tagumpay na nakamit habang
isinasabuhay ang karanasan at aral mula sa
kabihasnang klasiko ng Rome.
PAGWAWAKAS:
PAULINIAN AFFIRMATION OF THE DAY:

Bilang isang Paulinian, Ako ay maaruga,


tagapagtaguyod ng kapayapaan, at pangkalahatang
kaayusan na ginagabayan ng habag at pag-ibig sa
kapwa.
DEVOTE: PANGWAKAS NA PANALANGIN

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen


Tagapamuno: Lahat:
Maria, ating Ina at huwaran ng mga kristiyano…………..Ipanalangin mo kami
San Pablo, aming Patron…………………………………..Ipanalangin mo Kami
Fr. Louis Chauvet at ang mga unang Madre na nagtatag
ng kongregasyon ng St.Paul of Chartes ………………..Ipamagitan mo kami
Nawa ang awa ng Diyos ang maghari sa atin ………….. Ngayon at magpakailan-
man,amen.
+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.
Sa susunod na pagkikita Basahin ang
1. PAGBAGSAK NG IMPERYONG ROMANO
2. Kulturang Greko- Romano

Salamat sa inyong pakikinig at


Paalam sa inyo.

You might also like