You are on page 1of 6

Naratib

Ang mga Roman ay kilala bilang pinakadakilang


mambabatas ng sinaunang panahon. Ang Twelve Tables
ay ang katotohanang walang tinatanging uri ng lipunan at
ito’y batas para sa lahat.
Ang panitikan ng Roma ay nagsimula noong
ikatlong siglo BCE. Subalit ito’y salin lamang ng mga dula
at tula ng Greece. Halimbawa ay si Livius Andronicus na
nagsalin ng “Odyssey ’’ sa Latin at iba pa.
Ipinakita ng mga Romano ang kanilang galing sa
inhenyeriya. Sa pag papatayo ng daan at tulay upang
pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang ang malalayong
lugar.
Ang mga Roman ang tumuklas ng semento.
Marunong rin silang gumamit ng stucco. Umaangkat sila
ng marmol mula sa Greece. Ang arch natutuhan ng mga
Roman sa mga Estrucan ay ginagamit sa templo,
aqueduct, at iba pang gusali. Ang mga gusali ay
ipinakilala ng mga Roman ay ang basilica. Mayroon din
silang pampublikong paliguan at pamilihan na nasa
forum, ang sentro ng lungsod. May iba pang gusali na
ipinatayo na makikita parin ngayon sa Roma. Halimbawa
ay ang Coliseum.

Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman. Ang


tunic na kasuotang pambahay na hanggang tuhod at toga
na isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila’y lalabas ng
bahay. Ang kababaihang Roman ay dalawa rin ang
kasuotan. Ang stola ay kasuotang pambahay at palla ay
isinusuot sa ibabaw ng stola.

Si Julius Caesar ay isang gobernador ng Gaul kung


saan niya napalawak ang mga hangganan ng Roma
hanggang France at Belgium at isa siya sa bumuo ng First
Triumvirate.
Siya ay tinawag na diktador ay dahil kontrolado na
niya ang buong kapangyarihan ng Roma at sa laki ng
kanyang kapangyarihan.
Bilang diktador, binawasan niya ang kapangyarihan
ng senate ngunit dinagdagan niya ang bilang nito, mula
600 naging 900 ang kasapi at binigyan ng Roman
citezenship ang lahat ng naninirahan sa Italy. Sa
lalawigan, ang pagbabayad ng buwis ay inayos habang
ang pamahalaan ay pinagbuti.

2
Ang ipinahiwatag ng kamatayang ni Julius Caesar ay
ang katotohanang may sima at katapusan ang isang
bagay, gaano man ito kaganda o kapangit.
Sina Julius Caesar, Pompey at Marcus Licinius Crassus
ang bumuo ng First Triumvirate

Binuo ni Octavian ang Second Triumvirate kasama


sina Mark Antony at Marcus Lepidus.
Mahalaga kay Octavian ang Roma at dahil siya ang
pinuno gusto niya ring palawakin ang kalupaan at
lumawak ang kanyang hawak na kapangyarihan.
Tinawag na Augustus si Octavian ay dahil hawak na
niya lahat ng kapangyarihan at ang pagiging banal o
hindu pangkaraniwan.

Ang hangganan nito ay ang Euphrates River sa


silangan; ang Atlantic Ocean sa kanluran; ang mga ilog ng
Rhine at Danube sa hilaga; at ang Sahara desert sa timog.

3
Ang Pax Romana ay mahabang panahon ng
relatibong kapayapaan at mababang pagpapalawak ng
pwerseng militar na naranasan sa Imperyong Romano.

Ang pag-unlad ng panitikan ng Roma ay


importanteng bahagi ng kasaysayan nito. Ang maunlad
na panitikan ng Roma ay isang malinaw na simbolo na
maunlad o umuunlad din ng pamumuhat ng tao, kasabay
na rin ang kabihasnan nito.

Mga Emperador Pagkatapos nii Augustus


•Mula sa dinastiyang Julio-Claudian
Pinuno Nagawa

Tiberius (14-37 C.E.) Magaling na administrador si


Tiberius bagama’t isang
diktador
Caligula (37-41 C.E.) Nilustay niya ang pera ng
imperyo sa maluluhong
kasayahan at palabas tulad ng
labanan ng mga gladiator. May
sakit sa isip si Caligula at iniisip
niyang siya ay isang gladiator.

4
Claudius (41-54 C.E.) Nilikha niya ang isang
burukrasya na binubuo ng mga
batikang administrador.

Nero( 54-68 C.E.) Ipinapatay niya ang lahat ng


hindi niya kinatutuwaan,
kabilang ang kanyang sariling
ina at asawa. Inakusahan siya
ng panununog sa Rome at
natutuwa pa siya diumano
habang ginagawa ito.

Vespasian (69-79 C.E.) Kinilala ang dinastiyang Flavian sa


maayos na patakarang pananalapi at
pagtatayo ng imprastrukturang tulad
ngpampublikong paliguan at
amphitheater para sa mga labanan ng
mga gladiator.

5
•Ang limang mahusay na Emperador
Pinuno Nagawa

Nerva (96-98 C.E.) Nagkaloob ng pautang sa


bukirin si Nerva at ang kinitang
interes ay inilaan niya para
tustusan ang mga ulila.
Trajan (98-117 C.E.) Sa panahon ng pamumuno ni
Trajan, narating ng imperyo ang
pinakamalawak nitong
hangganan.
Hadrian( 117-138 C.E.) Patakaran ni Hadrian na
palakasin ang mga hangganan
at lalawigan ng imperyo.
Antoninus Pius (138-161 C.E.) Ipinagbawal ni Antoninus Pius
ang pagpapahirap sa mga
Kristiyano.
Marcus Aurelius (161-180 C.E.) Siya ay isang iskolar at
manunulat. Itinaguyod niya ang
pilosopiyang stoic. Binibigyang-
diin ng pilosopiyang ito ang
paghahanap ng kaligayahan sa
pamamagitan ng pamumuhay
ayon sa banal na kalooban
(divine will).

You might also like