You are on page 1of 2

TIMELINE

Mga Emperador Pagkatapos ni


Augustus
Namatay si Augustus noong 14 CE. Ang titulong imperator o
emperador ay iginawad ng Senate kay Tiberius na siyang pinili ni
Augustus na humalili sa kanya . Mula sa pag-upo ni Tiberius bilang
emperador hanggang sa katapusan ng Imperyo noong 476 CE, ang
Rome ay nagkaroon ng iba’t ibang uri ng emperador.

TIBERIUS Magaling na administrador


si Tiberius bagama’t isang

(14 - 37 CE) diktador.

Nilustay niya ang pera ng


Imperyo sa maluluhong
kasayahan at palabas tulad ng
CALIGULA
labanan ng mga gladiator. May (37 - 41 CE)
sakit sa isip si Caligula at iniisip
niyang siya ay isang gladiator

CLAUDIUS Nilikha niya ang isang


burukrasya na binubuo ng
(41 - 54 CE) mga batikang
administrador.

Ipinapatay niya ang lahat ng


hindi niya kinatutuwaan,
kabilang ang kanyang sariling NERO
(54 - 68 CE)
ina at asawa. Inakusahan siya
ng panununog sa Rome at
natutuwa pa siya diumano
habang ginagawa ito.

VESPASIAN Kinilala ang dinastiyang Flavian sa

(69 - 79 CE)
maayos na patakarang pananalapi
at pagtatayo ng
imprastrukturang tulad ng
pampublikong paliguan at
amphitheater para sa mga
labanan ng mga gladiator
TIMELINE
Mga Emperador Pagkatapos ni
Augustus

NERVA Nagkaloob ng pautang sa


bukirin si Nerva at ang
(96 - 98 CE) kinitang interes ay inilaan
niya para tustusan ang mga
ulila.

Sa panahon ng pamumuno ni
Trajan, narating ng imperyo
ang pinakamalawak nitong
TRAJAN
hangganan. (98 - 117 CE)

HADRIAN Patakaran ni Hadrian na


palakasin ang mga
(117 - 138 CE) hangganan at lalawigan ng
Imperyo.

Ipinagbawal ni Antoninus Pius


ang pagpapahirap sa mga ANTONINUS PIUS
(138 - 161 CE)
Kristiyano.

MARCUS AURELIUS Siya ay isang iskolar at manunulat.


Itinaguyod niya ang Pilosopiyang

(161 - 180 CE) Stoic. Binibigyang-diin ng


pilosopiyang ito ang paghahanap
ng kaligayahan sa pamamagitan
ng pamumuhay ayon sa banal na
kalooban (divine will).

You might also like