You are on page 1of 20

TULA

TULA

Ito ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag sa


damdamin ng isang tao.

Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga


saknong naman binubuo ng mga taludtud
MGA ELEMENTO NG TULA
• SUKAT – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig
ng bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong. Ang pantig ay galaw ng bibig, saltik ng
dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o
walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng
salita.
MGA ELEMENTO NG TULA

MGA URI NG SUKAT


1. Wawaluhin (8 pantig)
Ang/ tu/big/ pa/ra/ sa/ a/poy
Ang/ lu/pa/ pa/ra/ sa/ la/ngit
2. Lalabindalawahin (12 pantig)
3. Lalabing-animin
4. Lalabingwaluhin
MGA ELEMENTO NG TULA

• TUGMA – sinasabing may tugma ang tula kung


ang huling pantig ng huling salita sa bawat
taludtod ay magkakasingtunog. Ito ang
nagbibigay sa tula ng angking himig o indayog.
MGA ELEMENTO NG TULA

PANGKALAHATANG KAURIAN NG TUGMA


1. Patinig ( a, e, i, o, u)
2. Katinig ( b, c, d, f, g, h, j, k, l, m, n, ñ, ng,
p, q, r, s, t, v, w, x, y, z)
URI NG TUGMANG PATINIG

Salita sinta
Tabo sino
Paglalaho tribo
lahi siya
MGA ELEMENTO NG TULA

URI NG TUGMANG PATINIG


1. Walang Impit – Magkatugma ang anumang
dalawa o higit pang salitang nagtatapos sa
iisang patinig na walang impit o glottal na
pasara.
masaya dalaga Sulu Tawi-Tawi
URI NG TUGMANG PATINIG

2. May impit – magkatugma ang anumang dalawa


o higit pang salitang nagtatapos sa patinig na
may impit o glottal na pasara.
Salita Dinarakila Luwalhati
Naghahari Katunggali Pakikidigma
MGA ELEMENTO NG TULA

URI NG TUGMANG KATINIG


1. Mahina – Magkatugma ang anumang dalawa
o higit pang salitang magkatulad ang patinig
ng huling pantig at ang pinakadulong
ponemang katinig ay alinman sa l, m, n, ng, r,
w, y.
URI NG TUGMANG KATINIG

2. Malakas – magkatugma ang anumang


dalawa o higit pang salitang magkatulad ang
patinig ng huling pantig at ang pinakadulong
ponemang katinig ay alinman sa b, k, d, g, p,
s, t.
MGA ELEMENTO NG TULA

• TALINGHAGA – tumutukoy ito sa paggamit ng


matatalinghagang salita at tayutay.
❖ Tayutay – isang sinadyang paglayo sa
karaniwang paggamit ng mga salita upang
gawing mabisa, matalinghaga, makulay at
kaakit-akit ang pagpapahayag.
MGA ELEMENTO NG TULA

• TEMA – Ito ang paksa ng tula. Ito ay maaaring


tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo,
kabayanihan, kalayaan, katarungan,
pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan at
marami pang iba.
ANYO NG TULA
• Malayang Taludturan
• Tradisyonal
• May sukat na walang tugma
• Walang sukat na may tugma
ANYO NG TULA

• MALAYANG TALUDTURAN – isang tula


na isinulat nang walang sinusunod na
patakaran kung hindi ang ano mang
naisin ng sumusulat.
MALAYANG TALUDTURAN

Ang sakit maiwan ng taong iyong mahal,


Tinatanong at nagdaramdam,
Sa mga rason na patuloy mong hinahanap,
Kung bakit niya nasabi ang salitang paalam.
ANYO NG TULA

• TRADISYUNAL – ito ay isang anyo ng


tula na may sukat, tugma at mga
salitang may malalim na kahulugan.
ANYO NG TULA

• BLANGKO BERSO– tulang may sukat


bagamat walang tugma.

O nasaan kayo ngayon?


Aking mga kaibigan
Bakit nang ako’y may sakit
Ni walang ibig dumalaw.
PAGBIBIGAY INTERPRETASYON SA TULA
• Ang pagpapaliwanag, pagsasalin ng
kahulugan o pagbibigay ng sariling
pananaw o kaisipan sa isang teksto o
pahayag ay tinatawag na
interpretasyon.
PROSESO NG PAGBIBIGAY
INTERPRETASYON
• Basahin at unawain ang pamagat ng
tekstong binasa upang malaman kung
ano ang layunin nito.
• Kilalanin ang may-akda at kung anong
uri ng tula ang kanyang sinusulat.

You might also like