You are on page 1of 44

Filipino 10

Sir. Aldre Malupeng


Pamantayan sa loob ng Silid-aralan

Umupo ng maayos.

Makinig sa guro.

Itaas ang kamay kung may nais na


itanong o magsasalita.
Fix It!
Panuto: Ayusin ang mga jumbled words na
makikita sa presentasyon. Gawing batayan ang
mga sumusunod na mga pangungusap upang
masagutan ito.
Fix It!
Ito ay tumutukoy sa pagkakapareho ng dulong
tunog ng bawat salita sa pangungusap.

UGTAM
Fix It!
Ito ay binubuo ng ilang mga salita na
nagkakaroon ng pagkasunod-sunod at
karaniwang may iisang bilang ng pantig sa
bawat linya.

UDTODLAT
Fix It!
Ito ay binubuo ng isang pagpapangkat ng
dalawa o mas marami pang mga guhit ng salita
o linya ng mga salita na may mga patlang.

KASGNON
Pamprosesong Tanong
1. Saan kaya tumutukoy ang mga salitang
inyong sinagutan?
2. Bakit mahalaga ang mga salitang ito sa
pagbuo ng isang tula?
3. Ikaw ba ay nakapagsulat na ng isang tula?
Ibahagi ang karanasan.
Lesson 3.1

“Tula”
Ikalawang Markahan
Tula
Ang tula ay isang masining na likha ng imahinasyon
at damdamin.
Sa pangkalahatang depinisyon, ang tula ay isang
teksto o komposisyong binubuo ng mga taludtod at
saknong. Maaari itong may sukat at tugma o
maaaring malayang taludturan.
Tula
Para sa premyadong makata na si Mark Angeles, ang tula
ay mahiwaga at matalinghaga sapagkat tila isa itong
nilalang na nagkaroon ng sariling buhay kapag isinusulat
sa papel at binasa o binibigkas. Dahil sa pagtatabi-tabi at
pag-uugnay ng mga pili-piling salita, nagluluwal ang tula
ng iba’t ibang interpretasyon.
Tula
Ayon sa makatang Ingles na si William Wordsworth, ang tula
ay ang kusang-loob na pagdaloy at pag-apaw ng
makapangyarihang damdamin na nagmula sa mga tinipong
emosyon mula sa kapayapaan at katahimikan. Samakatuwid,
ang tula ay sisidlan ng matitinding damdamin ng tao sa mga
maliligaya at maliligalig na bahagi ng kaniyang buhay.
Karagdagan
Ang tula ay nagmula sa salitang Griyego na
poiema na nangangahulugang “isang bagay na
nilikha o ginawa.” Mula rito , ang isang
makata ay itinuturing na manlilikha.
“Iba’t ibang
Uri ng Tula”
Tulang Liriko
Ito ay tulang karaniwang maikli at maaaring
awitin, lapatan ng musika, at gamitan ng
instrumento dahil sa maindayog na paghabi nito
ng mga salita. Nagpapahayag din ito ng
marubdob na damdamin.
Uri ng Tulang Liriko
Awit - Ito ay karaniwang may malungkot na paksa.
Soneto - Ito ay karaniwang may malinaw na kabatiran sa likas na
pagkatao.
Oda - Ito ay tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o
isang bagay.
Elehiya - Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
Dalit - Ito ay pangkaraniwang pangrelihiyon na nasakasulat na may
layunin ng papuri, pagsamba o panalangin.
Tulang Liriko
Tulang Naratibo
Ito ay mga tulang nagsasalaysay ng
mga pangyayari at karanasan ng isang
tao, bayani, diyos, at iba pa.
Uri ng Tulang Naratibo
• Epiko - Ito ay naglalaman ng mga detalye ng
kabayanihan.
• Awit at Kurido - Ito ay kadalasang alamat o
kuwento na nagsasalaysay.
• Pasalaysay - Ito ay tungkol sa pangyayari sa
araw-araw na buhay.
Tulang Naratibo
Tulang Naglalarawan
Ito ay mga tulang detalyadong naglalarawan
upang makalikha ng mga imahen sa
damdamin, kapaligiran, o daigdig ng persona
o makata.
Tulang Patnigan
Ito ay isang uri ng pagtatalong patula na
ginagamitan ng pangangatwiran at
matalas na pag-iisip.
Uri ng Tulang Patnigan
• Balagtasan - Ito ay tagisan ng talino
sa pagbigkas ng tula, bilang
pangangatwiran sa isang paksang
pinagtatalunan.
“Elemento ng Tula”
Talinghaga
Ang talinghaga ang nagbibigay ng kariktan sa tula at
nagpapatunay rito bilang isang likhang-sining. Nagmumula
ang talinghaga sa malikhaing paghahabi ng mga salita at
paggamit ng imahen ng isang bagay, sitwasyon, o
pangyayari upang maipahiwatig ng ibang sapin ng
kahulugan liban sa tuwirang inilalarawan ng mga taludtod.
Talinghaga
Halimbawa:
• agaw-buhay - naghihingalo, between life and death.
• anak-pawis - magsasaka; manggagawa farmer; laborer.
• alilang-kanin - utusang walang sweldo, slavery
Persona
Ang persona ang tinig na nagsasalita sa tula.
Maaaring makata ang persona ng tula. Maaari
ding lumikha ng ibang persona ang makata na
magsisilbi niyang boses sa tula.
Imahen
Ang imahen ay ang larawang nabubuo sa isipan ng
mambabasa mula sa pagbabasa ng tula. Nakabubuo ng
larawan ang tula sa pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang naglalarawan sa mga pandamdam tulad ng
paningin, panlasa, pang-amoy, pandinig, at pandama.
Tugma
Katangian ito ng tradisyonal na tula na
nagkakahawig ang mga tunog sa dulo ng
taludtod. Dahil sa tugma, tila nagiging
musika ang tula na nakakahalina sa
pandinig.
Tugma
• Tugmang Patinig - Magkatugma ang mga salitang
nagtatapos sa a, gayundin ang mga salitang nagtatapos sa
e at i, o kaya ay o at u.
• Tugmang Katinig - Maaari itong uriin sa dalawa.
Tugmang malakas ang mga salitang nagtatapos sa b, k, d,
g, p, s, at t samantalang tugmang mahina ang salitang
nagtatapos sa l, m, n, ng, r, w, at y.
Sukat
Ang sukat ay tumutukoy sa magkakatulad o
tiyak na bilang ng pantig sa lahat ng taludtod.
Ito ang nagbibigay sa tula ng ritmo at
indayog kapag binibigkas.
Sukat
Tinatawag na couplet ang tula kung ang sukat ay
dalawahan, tercet kung tatluhan, quatrain kung
apatan, limerick kung limahan, sestet kung
animan, septet kung pituhan, octava kung
waluhan, at soneto kung labing-apatan.
Tono
Ang tono ay ang emosyon o damdamin ng
persona sa tula. Kaiba ito sa tono o himig na
elemento ng musika. Maaaring mapahayag ang
tono sa tula ng pagkadismaya, kaligayahan, takot,
panunumbat, at iba pa.
“Sangkap ng Tula”
Tayutay
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na
ginagamit upang bigyang diin ang isang kaisipan
o damdamin. Ito rin ay sangkap sa pagtula na
ginagamit din sa lahat ng anyong pampanitikan.
Pagtutulad (Simile)
Ito ay paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay ayon sa magkatulad nilang katangian.
Hal. Ang kaniyang alaala ay tulad ng isang
salamin na nagbubunyag ng kaniyang pagkatao.
Pagwawangis (Metaphor)
Ito ay tuwirang pag-angkin ng isang bagay sa
katangian ng iba pang bagay.
Hal. Ang Bulkang Mayon ay isang apa na
nakataob sa lupa.
Pagsasatao (Personification)
Ito ay pagbibigay-katangian sa tao tulad ng
talino, gawi, o kilos sa mga bagay na walang
buhay.
Hal. Kinain ng kadiliman ang buong lungsod
nang mawalan ng kuryente.
Paghihimig (Onomatopoeia)
Ito ay paggamit ng mga salitang
naglalarawan o gumagadgad ng tunog.
Hal. Nakailang kiriring din ang kabilang
linya ng telepono bago ito sinagot.
Pagmamalabis (Hyperbole)
Ito ay mga pahayag na masidhi, labis sa katotohanan, at
kadalasang hindi kapani-paniwala ang literal na kahulugan.
Ginagamit ito upang idiin ang isang punto o patindihin ang
damdamin o paglalarawan sa sitwasyon.
Hal. Lumipad si Joel sa kaligayahan nang malaman niyang
nakapasa siya sa Bar Exam.
Pagpapalit-tawag (Metonymy)
Ito ay pagpapalit ng pangalan ng isang bagay para sa iba
pang bagay, hindi upang maghambing, kundi ipakatawan ang
isa sa isa tulad ng ugnayang sanhi at bunga o sagisag sa
sinasagisag.
Hal. Pinuri ng Malacanang ang sakripisyong ginagawa ng
mga guro para makapaghatid ng edukasyon.
Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)

Ito ay ang pagbanggit sa isang bahagi bilang


pagtukoy sa kabuuan nito.
Hal. Naglakbay ang aking dalawang paa
hanggang marating ko ang isang lugar na
hindi pamilyar sa akin.
Parikala o Pag-uyan (Irony)
Ito ay ang mapang-uyam at tila nagpapatawang paraan
ng pagsulat o pagpapahayag, na nagsasanhi sa pagiging
salungat ng literal na kahulugan ng mga salitang
ginagamit sa tunay na kahulugan nito.
Hal. Napakasarap ng kaniyang luto kaya hindi ko na ito
titikmang muli.
Simbolismo (Symbolism)
Ito ay kongkretong bagay o tao na
kumakatawan sa ibang bagay na higit sa
abstrakto.
Hal. Isang mabigat na krus ang kaniyang
pinapasan para sa kaniyang pamilya.

You might also like