You are on page 1of 2

Tula

Isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo.
Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay, ang mga likhang panulaan ay
tinatawag na tula.

Ito’y isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng
mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod.

Pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang


kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

Nagbibigay diin sa ritmo, magpapahayag ng damdamin at nagbibigay ng kahulugan sa mga salita.

Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-anim, at labing-waluhing pantig.


Matalinhaga at ginagamitan diin ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya
naman ay mahaba.

Mga anyo ng tula


 Malayang Taludturan
 Tradisyonal
 May sukat na walang tugma
 Walang sukat na may tugma

Elemento ng tula
TUGMA
Tumutukoy sa pagkakapareho ng huling tunog o titik ng salita at sa bawat taludtod. May dalawang
uri ng tugma:

Ganap- kapag magkapareho ang tunog at titik ng huling salita sa bawat taludtod
Di- ganap- kapag magkapareho lamang ang tunog ng huling salita sa bawat taludtod

TAYUTAY/MATALINHAGANG SALITA
Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at
mabisa ang pagpapahayag.

HALIMBAWA NG TAYUTAY
 Pagtutulad- ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, pangyayari at
iba pa. Gumagamit ng mga salitang tulad ng, gaya ng, para ng, kawangis, atbp.
 Pagwawangis- katulad ng pagtutulad ngunit hindi ito gumagamit ng mga salita gaya ng sa
pagtutulad.
 Pagsasatao- pagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay, may buhay man o wala
 Pagmamalabis- lubhang nagpapalabis sa kalagayn ng tao, hayop, bagay at halaman

SIMBOLO
Ang simbolo ay ang mga salitang kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan
ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.

TALUDTOD
Isang linya ng mga salita sa tula

KARIKTAN
Paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita

TONO
Diwa ng tula

PERSONA
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula
Mga ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin
Ang paggamit ng damdamin sa pagpapahayag ay nakatutulong upang epektibong naihahatid
ang mga naiisip at nasasabi ang mga nararamdaman, sa ganoong sitwasyon ay mas magiging
maayos ang daloy ng pakikipagtalastasan.

EMOSYON
Dahil sa tiyak na damdamin ang mga pahayag, mahihinuha agad ang mga pahayag, nahihinuha
agad ang damdaming nakapaloob sa ipinapahayag ng nagsasalita.

MATALINHAGANG PAHAYAG
Gumagamit tayo ng mga pangungusap o ekspresyong nagpapahiwatig. i.e.; Wala talaga siyang
sikmura! (Hindi siya marunong mahiya); Lubhang maanghang ang dila mo! (Masakit kang
magsalita); Tabla na ang mukha mo! (Wala kang kahihiyan)

MGA SAMBITLA
Mula sa mga salitang sambit ng dila. Karaniwang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag
ng matinding emosyon o damdami; nagtatapos sa tandang padamdam. i.e.; Wow!, Uy!, Ay!, Ngek!,
Aww!, Ahh!, Yehey!, Yahoo!

MGA PADAMDAMIN
Ipinapaphiwatig ang masidhing damdamin o emosyon ng isang tao. Ginagamitan ng bantas na
tandang padamdam (!). i.e.; Aray!, Sakit!, Grabe!, Sunog!, Naku!, Galing, Sobra na!, Nakakainis!,
Buwisit!, Ano ba yan?!, Harinawa!

You might also like