You are on page 1of 14

KABANATA 1

INTRODUKSYON

Rationali na Pag-aaral

Panitikan ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng kanilang mga


nararamdaman,mga naiisip,mga karanasan, at mga hangarin sa pamamagitan ng
pagsusulat. Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong
ikauunawa ng noon,ngayon at bukas ng isang bansa, ito rin ay nagpapahayag ng
damdamin at karanasan ng sangkatauhan na nasusulat sa masining at makahulugang
mga pahayag.Ang panitikan din ay nag-sasalaysay sa pamahalaan, lipunan at mga
pananampalataya at karanasan na merong kaugnayan sa pag-ibig ,kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,paghihigante,sindak at pangamba.Tulaang isang
anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao,ito ay binubuo ng mga
saktnong at amg mga saknong ay binubuo ng taludtod.

Ang tula ay isang uri ng panitikan at ito ay maaring pagpapahayag ng iyong


saloobin ukol sa isang pangyayari, dahil sat ula pwede mong masulat ang mga ideya na
meron ka.Ang tula ay isang pampanitikang nagbibigay diin sa ritmo, nagpapahayag ng
damdamin at nagbibigay kahulugan sa mga salita. Ang “tugma” ay isang mahalagang
bahagi ng tula at iba’t ibang uri ng panitikan. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pare-
arehong tunog o tunog sa huling bahagi ng mga taludtod sa isang tula. Ang tugma ay
pagbibigay ng ritmo at musikalidad sa tula at nagbibigay-daan sa mgamakata na
magbigay-diin sa kanilang mensahe o kaisipan.Ang “sukat” sa tula ay tumutukoy sa
istruktura ng taludtod o mga linya ng tula sa pamamagitan ng pagtutukoy sa bilang ng
pantig o katinig at patinig sa bawat taludtod. Ang sukat ay nagpapakita ng pagkakalayo
o pagkakapareho ng haba at bigat ng mga salita sa isang tula, na nagbibigay ng rhythm
at kahulugan sa komposisyon.

Ayon kay Arrogante 1983, ang panitikan ay isang likha ng gawa ng isang tao
upang mailahad ang mga bagay-bagay nan ais niyang ilahad. Sa pahayag na ito ay
nagsasabing ang panitikan ay nagawa dahil sa paglahad ng mga ideya ng isang
manunulat,maari itong naka ayon sa damdamin o karanasan.
Ayon kay Salazar, ang panitikan ay isang paraan upang mailahad mo ang iyong
ideya. Ang panitikan ay maaring ginawa para sa isang tao o ito ay galing sa
imahenasyon

lamang. Ito rin ay isang paraan na mailahad ang ideya na nais mong ipahayag. Ito rin
ay nakukuha o napupulutan ng maraming aral lalo na sa panitikan na talagang
nakabase sa totoong buhay. Ayon kay Arrogante noong 1983, isang talaan ng buhay
ang panitikan kung saan nag-sisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnayan na
napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan.
Ginawa ng manunulata ang kanilang panitikan sa maikling pamamaraan at ginagamit
nila ang kanila upang makabuo ng malikhaing ideya na maaring makunan ng aral na
makakabuti sa lahat.

Ayon kay Alejandro mula kay Villaduerte,Panunuring Pampanitikan ,2000. Ang


tula ay isang pagbabagong hugis sa buhay na ipinarating sa ating damdamin at
ipinahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa
mga sukat at taludtod nito. Sa pahayag na ito ay nagsasaad na ang tula ay
makabagong gamit sa buhay ng mga tao para iparating ang kanilang damdamin o
saloobin ukol sa pangyayaring kanilang nararanasan at may tamang aliw-iw at tamang
pagsunod sa sukat at talutod.

Ang tulang napili naming ay ang tulang kay Selya na isinulat ni Francisco
Baltazar. Napili rin naming ang tulang Sa Babasa Nito na isinulat din ni Francisco
Baltazar. Ang dalawang tula na napili naming ay nagsasaad sa Kabataan at Pag-
ibig.Ang sinasaad ng dalawang awtor ay merong mensahe nan ais ipabatid at tema
nan aka paloob sa tula.Ang tula na pinamagatang Kay Selya ay nagawa ni Francisco
Baltazar dahil sa masidhing damdamin ni Baltazar sa kanyang minamahal na si Maria
Asuscion Rivera. Ang tula naming pinamagatang Sa Babasa Nito ay isinulat ni
Francisco Baltazar dahil gusto niyang mailabas ang ideya at kanyang
damdamin.Francisco Baltazaar, ay isang kilalang Pilipino makata at may-akda .Siya ay
kinilala bilang “Prinsipe ng Manunulang Tagalog” at itinuring na William Shakespeare ng
Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at mg impluwensiya nito sa panitikang Pilipino .
Si Francisco Baltazar ay isinilang noong Abril 2, 1788 kina Juana Dela Cruz at Juan
Baltazar sa Barrio Paginay,Bigaa. Isa din sa mga ginawa nito ay ang tulang Sa Babasa
Nito.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang impluwensiya ng tula sa ating Lipunan at


Kabataan. Layunin nitong suriin ang dalawang tulang Napili para sa impluwensiya nito
sa sangkatauhan.Layunin ng pagsasaliksik namaunawaan at masuri ang mga
estetikong pamamaraan na ginagamit sat ula tulad ng tugma,sukat,imahinasyon,at iba
pa.Ito ay makatutulong sa pagpapalalim ng kaalaman sa sining ng panitikan at sa
pagpapahalaga sa likhang tula.

Ang estilo sat ula ay tumutukoy sa paraan ng pagsulat ng isang makata.Ito ay


nakabatay sa kung paano ginawa ng isang makata ang kanyang tula gamit ang mga
elementong tulad ng pormal,tono,salita,estruktura.Maaring tawagin estilo ang Teknik na
ginagamit ng isang makata upang maipahayag ang kanyang mensahe o damdamin sa
mga mambabasa.Pwedeng mag kaiba-iba ang estilo ng mga makata dahil ito ay
nakadepende sa mga layunin ,karanasan, at pananaw na kanilang nais ibahagi sa mga
mambabasa ng tula.May iba’t-ibang uri ng estilo o anyo na maaring gamitin ng mga
makata kagaya ng haiku,sonata, at malayang taludturan.Ang malayang taludturan ay
tulang hindi sumusunod sa ibang ng pantig,walang sukat at tugma o sintunog.Ang haiku
ay tula na nag mula sa Japan, at ito ay binubuo ng labing pitong pantig na may tatlong
taludturan.

Ang estruktura ng tula ay maaring mag-iba depende sa uri ng estilo ng tula.Ang


isang tula ay binubuo ng taludtod o berso na nagtataglay ng tiyak na anyo o
pagkakaayos.Ang tula ay may mga element ring sukat,tugma at ritmo.Maaring ang
struktura ay may tugma at maari rin itng wala ngunit ang adhikain nito ay maipahayag
ng makata ang kanyang ideya,karanasan,o damdamin.

Ang tula ay mag simbolo rin, ito ay ang mga salita sat ula na merong malalim na
kahulugan kaya kinakailangan ito ng mapanuring isipan ng mambabasa upang makuha
ang kahulugan nito ng tama.Meron ring iba’t-ibang uri ng tula kaya minsan ay pa iba-iba
ang mga estruktura ng tula dahil hindi lahat ng tula ay magkapareha.Ang sukat ay
bilang sa pantig sa bawat taludtod,samantalang ang tugma ay ang pagkakatugma ng
tunog sad ulo ng mga salita sa bawat taludtod. Meron itong tema na nangangahulugang
ang pangunahing ideya,mensahi o paksa na tinatalakay nito.Maaring tungkol sa pag-
ibig,kalikasan pagkakaibigan, pag-asa at iba pa

Kaligirang Teoryang-Konseptwal na Balangkas

Ang pagsusuri ng piling tulang liriko ni Francisco Balagtasan ay nagpapatungkol


sa makatotohanang nangyari sa kanyang mahal na sinisinta at Sa Babasa na ginawa
nito.Ito ay sinusuportahan ng Teoryang Pormalismo,Ang Teoryang Pormalismo ay isang
pananaw sa pag-aaral ng panitikan na nakatuon sa mga teknikal na aspekto ng
tekstong tulad ng anyo,estilo, at estruktura. Sa ilalim ng Pormalismo, ang pagsusuri ay
nagbibigay-diin sa pag-aaral ng mga element ng akda nang hiwalay sa konteksto ng
obhetibong pagsusuri sa tekstong, na iniiwasan ang personal na impormasyon tungkol
sa manunulat at nagbibigay-diin sa mga katangiang material ng akda.

Ang Teoryang Pormalismo ay binibigyang-tuon ng akda ang pagtakas sa


katotohanan.Karaniwan ang mga akda sa wika,kapaligiran at tauhan.Pinagpahalagahan
Narin sa akda ang kalikasan,nakaraang institusyong panlipunan at damdaming
nakapaloob dito.Sa Pormalismo, mahalaga ang sistematisadong paraan ng pagsusuri
kung saan binibigyang-diin ang malalim nap ag-uunawa sa anyo at estilo ng teksto.Ito
ay nagbibigay-daan sa masinsinang pagsusuri sa estruktura ng akda,kasama ang
kanyang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari at pag gamit ng wika.Sa pamamagitan
ng Pormalismo,maaring makilala at maunawaan ang mga teknikal na katangian ng
isang akda, na nagpapakita ng kanyang kahulugan at epekto sa mga mambabasa. Ito
ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa,bayan at iba pa. Katulad ng
ginawa ni Francisco Balagtasan,Ang Tulang Selya na hindi lamang ang bayan pati narin
ang taong sinisinta.

Nangangahulugan ang Teoryang Pormalismo ay isang pananaw sa pag-aaral ng


panitikan na nakatuon sa mga aspekto ng anyo,estilo, at estruktura ng isang teksto.Ito
ay nagbibigay-diin sa mga teknikal na katangian ng panitikan tulad ng
istruktura,tono,wika, at talinghaga, at iniiwasan ang malalim na pagsusuri sa konteksto
o paksa ng teksto. Higit na binibigyan nang pansin ng Pormalismo ang paraan ng
paglalarawan at hindi ang uri ng paksa ng isang akda.Kahit na ang paksa ay buhay ng
mababa o pangkaraniwang tao at hindi ng mayayamang tao, tanggap parin ito sa
panitikan.

Ang tunay na mahalaga ay pagiging obhetibo ng may akda. Ang sa kabuuan,


ang Teoryang Pormalismo ay isang mahalagang pananaw sa pag-aaral ng panitikan na
naglalayong unawain ang mga teknikal na aspeto ng teksto upang masuri at
maunawaan ang likas na kahalagahan nito bilang sining at kultura. Gayunpaman,
mahalaga rin na bigyan-pansin ang konteksto at paksa ng teksto upang lubos na
maunawaan ang kahulugan at mensahe nito sa mga mambabasa.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Nagbibigay diin sa kahalagahan ng pag-unawa sa sariling wika at kultura.Ito’y


nagpapalalim sa kaalaman sa panitikan at kasaysayan.Sa pamamagitan ng pag-aaral
sa tula, nakakamit natin ang kahalagahan ng pagiging senstibo sa mga damdamin at
karanasan ng iba, na nagpapalawak sa ating pag-iisip at pag-unawa sa mundong ating
ginagalawa

Sa mga Mag-aaral.Para sa mga mag-aaral dahil ito ay nagbibigay ng pagkakataton


sa kanila na magpapahayag ng kanilang damdamin at saloobin sa pamamagitan ng
pagsulat at pag-unawa sa iba’t ibang uri ng panitikan.Bukod dito,ang pagsusulat at pag-
aaral ng disiplina,pagpaplano,at pagsasarili,na mahahalaga sa kanilang personal at
akademikong pag-unlad.

Sa mga Guro.Pagpapalawak ng kanilang kaalaman at kasaysayan,pagpapalakas ng


kanilang propesyoonalismo, pagpapaunlad ng kanilang pagtuturo, at pagpapalakas ng
kanilang kakayahan na makisama sa mga mag-aaral. Bukod dito, ang patuloy na pag-
aaral ay maaring magdulot ng pag-angat sa kanilang kareka at pagbubukas ng mga
bagong opportunidad para sakanilang pag-unlad

Sa mga Administrasyon.Pamamamgitan ng pagbibigay ng kaalaman at pag-


unawa sa mga isyu at opportunidad sa pamamahala.Ito ay nagbibigay ng batayan para
sa epektibong paggawa ng desisyon, pagpaplano ng mga hakbang, at pagpapaunlad
ng polisiya at programa. Bukod dito,ang pag-aaral ay nagtutulak ng pagpapaunlad ng
mga kasanayan sa pamamahala at liderato ng mga opisyal ng administrasyon

Sa mga Magulang.Ito’y nagbibigay daan sa kanila upang makapag-ugnay sa


kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbabahagi ng karanasan at damdamin sa
pamamagitan ng mga tula.Ito rin ay nagtataguyod ng kahusayan sa pagbabasa at pag-
unawa sa wika,habang nagpapalalim sa pag-unawa sa mga damdamin at
konsepto.Bukod dito, ang tula na gawa ng kanilang mga anak ay maaring magdulot ng
damdamin ng pagmamalas at pagmamahal sa kanilang mga anak,dahil ito ay isang uri
ng personal na pahayag at pagnanais na ipahayag ang kanilang damdamin at
karanasan

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap.Para sa mga mananaliksik sa


hinaharap.Ito’y nagbibigay daan sa mas malalim na pag-unawa sa kultura,lipunan, at
emosyon ng mga tao sa iba’t ibang panahon at lugar. Ang tula ay naglalaman ng mga
pahayag ng damdamin at karanasan ng mga tao, na nagbibigay ng impormasyon at
perpektiba na mahalaga sa pananaliksik.

Sa mga Komisyon ng Wikang Filipino.Ang pag-aaral sa tula ay may mga


benepisyo sa mga kumisyon ng Wikang Filipino maraming paraan. Una, ito ay
nagpapalawak ng kaalaman at pag-unawa sa kultura at panitikan ng
Pilipinas.Pangalawa, nagbibigay ito ng pagkakataon sa pagsasaliksik at paglalabas ng
mga akda na nagpapalabas ng mga tunay na damdamin at karanasan ng mga Pilipino.
Panghuli, nagpapalakas ito ng kasanayan sa pagsusulat at pagsasalin ng wika, na
nagbubunga ng mga obra maestra na maaring magdulot ng pagpapahalaga sa sariling
wika at identidad.
Saklaw at Limitasyon

Ang paksang ito ay sumasaklaw sa pananaliksik tungkol sa impluwensya ng


tulang Kay Selya ani Francisco Baltazar at Sa Babasa sa pamamagitan ng
Pormalistikong Teorya. Ang saklaw nito ay maaring maglaman ng mga limitasyon sa
pag-aaral,tulad ng kahirapan sa pag access a orihinal na mga teksto o
impormasyon, hanggang saklaw ng Teoryang Pormalistiko sa pagpapaliwanag ng
kahulugan, at ang kakulangan ng kaukulang batayan sa ilang mga aspeto ng
pagsusuri.Ang pananaliksik na ito ay maaring magbigay ng mas malalim na pag-
uunawa sa mga tema ng pag-ibig at sining sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
tula ni Kay Selya at kanilang impluwensya sa Lipunan.

Una,ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga tula ni Kay Selya bilang pangunahing


batayan ng pag-aaral.Ikalawa,ang pagsusuri ay nakabatay lamang sa Teoryang
Pormalistiko,na tumutukoy sa estruktura,estilo, at porma ng mga tula.

Panghuli,layunin ng pananaliksik na suriin ang impluwensya ng mga tula ni Kay


Selya sap ag-unlad at pagbabago ng konsepto at karanasan sa pag-
ibig.Ngunit,mayroong mga limitasyon sa pananaliksik tulad ng limitadong pananaw
na maaring hindi sumaklaw sa iba pang mga Teorya o Sosyal na konteksto, ang
pagkakaroon ng limitadong access a orohinal na teksto o impormasyon tungkol sa
Kay Selya, at ang possibleng limitasyon sa panahon ng pagsasagawa ng
pananaliksik. Sa kabuuan, mahalaga ang pagkilala sa saklaw at limitasyon upang
magabayan ang pagsasagawa ng pagsusuri at paglalahad ng mga natuklasan.
Katuturan ng Pag-aaral.

Sa pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri at pag-unawa sa impluwensya


ng tula na Kay Selya at Sa Babasa mula sa perspektiba ng Teoryang
Pormalismo.Layunin nito ang pagtukoy at pag-aaral sa mga teknikal na aspeto ng
tula,tulad ng estruktura,wika, at estilo ng pagkakasulat na may kinalaman sa mga
pangunahing prinsipyo ng Teoryang Pormalismo.Sa pamamagitan ng ganitong
pagsusuri,maaring maunawaan kung paano binubuo at isinusulat ang tula ayon sa mga
pampanitikan ng Pormalismo,at kung paano ito naglalarawan ng mga konsepto ng pag-
ibig at buhay Pilipino panitikan.Binibigyan ng mga pananaliksik ang mga sumusunod na
terminolohiya.

Tula-isaang anyo ng panitikan na karaniwang naglalaman ng mga salita na


nagpapahayg ng damdamin,karanasan, o konsepto sa pamamagitan ng ritmo,tugma, at
imahinasyon.Ito ay may estilo tulad ng soneto,haiku o malayang malayang berso, at
karaniwang binubuo ng mga talutod na may mga sukat at tugma.Ang tula ay isang
mahalagang bahagi ng kultura at panitikan ng maraming bansa at kultura sa buong
mundo, at naglalarawan ng ibaa’t ibang aspeto ng tao at Lipunan.

Pormalistiko-ay maaring tumutukoy sa pagsasanay o pagbibigay ng pormalidad sa


isang bagay o konsepto.Ito ay maaring magpahiwatig ng pagsunod sa mga
batas,pamantayan o kaugalian sa tiyaklarangan o disiplina.

Mensahi-ang tula na Kay Selya at Sa Babasa ay maaring tumutukoy sa iba’t ibang


bahagi ng pagmamahal at mga karanasang romantiko.Puwedeng maglaman ito ng mga
aral,halaga, o pananaw ukol sa pag-ibig,ugnayan, at buhay.Maaring ipakita ng tula ang
mga Magandang aspeto,kabiguan,pagsasakripisyo,at Ligaya na kaugnay ng
pagmamahal.Bilang karagdagan pwedeng magtaglay uito ng mga pangkaraniwang
tema tulad ng tiwala,Karapatan,pakikisama,at respeto sa kapwa.Ang pag-unawa sa
mensahe ng tula ay maaring magbigay Liwanag sa kalikasan ng pag-ibig at kung paano
nito isinasalarawan ang iba’t ibang bahagi ng buhay at kultura ng tao.
Suliranin-ito ay maaring tutok sa pagpapakahulugan sa estruktura ng tula “Kay Selya
at Sa Babasa” batay sa mga konsepto ng Teoryang Pormalismo,pagsusuri sa paggamit
ng wika at estilo ng tula upang maipahayag ang mga tema at emosyon,at pag-unawa sa
impluwensya ng Teoryang Pormalismo sa likha ng tula at sa kabuuang panitikan.

Tema-ito ay nakatuon sa pagsusuri at pagunawa sa impluwensya ng tulang Sa


Babasa at Kay Selya mula sa perspektiba ng Teoryang Pormalismo.Layunin nitong
pag-aralan ang mga temang nilalaman ng tula,kung paano ito naipahayag gamit ang
mga element ng Pormalistikong panitikan, at kung paano ito nakatulong sa
pagpapahayag ng mga ideya at emosyon na kaugnayan ng pag-ibig at buhay sa
Pilipino panitikan.Sa pamamagitan ng pagsusui sat ema, maaring masuri ang kabuuan
at kalalim-laliman ng mensahe ng tula at ang mga impluwensya ng Teoryang
Pormalistiko sa pagpapahayag nito.
Teoryang Pormalismo

Ang Teoryang Pormalistiko sa panitikan ay naglalayong


surriin ang mga akda batay sa kanilang estruktura at iba
pang pormal na katangian

INPUT

Buhay Pagsusuri ng Dalawang Tula

1. Kay Selya
2. Sa Babasa

PROSESO

Pagsusuri sa Anyo ng Tula

At Struktura nito.

AWTPUT

Kaalaman sa Struktura at Anyo

ng Tula at Impluwensya nito.

Figyur 1: Iskematikong Dayagram ng Kaligirang Teoritikal-Konseptwal ng Pag-aaral.


PANANALIKSIK TUNGKOL SA IMPLUWENSYA NG TULANG” KAY

SELYA” AT “SA BABASA”

TEORYANG PORMALISMO

Isang panunuring pampanitikan na

Iniharap sa pangalan ng

ASIAN LEARNING CENTER

Bilang bahagi katuparan sa mga


Pangangailangan ng asignaturang
Filipino – 11 Pagbasa at Pagsuri ng
Iba’t ibang teksto sa
Pananaliksik

Nina:

Pedroso,Jay
Albofera,Jennifer
Alcarez,Tirso
Cayacap, MaryGrace
Clotario, Wilgyn
Desierto, Kurt
Japitan,Gerald Christ
Repolon, Rhin Rose
Ybanez, Princess Claire

Marso 2024
Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik ay nakatuon sa pagsagot sa mga pangunahing tanong o isyu


na may kinalaman sa impluwensiya ng mga tula ni Kay Selya at Sa Babasa,na
pinatutungguhan ng Teoryang Pormalismo.Ito ay naglalayong tiyakin ang mga
sumusunod:

1.Ano ang mensahe o aral na nais ihayag sa tula kay Selya at Sa Babasa?

1.1 Pag-ibig

2.1 Kasawian

2.Ano ang layunin ng pag-aaral na ito hingil sa impluwensya ng tula na Kay Selya at Sa
Babasa mula sa perpektiba ng Teoryang Pormalismo?

2.1 Kalakasan

2.2 Katibayan

3.Ano ang inaasahang kontribusyon ng pag-aaral na ito sa larangan ng panitikan at


kultura,particular sa pag-uunawa sa kahalagahan ng tula bilang isang anyo ng sining?

3.1 Paghubog

3.2 Pag-papalawak

4.Ano ang mga potensyal na impluwensya ng tulang Kay Selya sa pag-uunawa ng mga
mambabasa sa konsepto ng buhay?

4.1 Kagalingan

4.2 Katarungan

You might also like