You are on page 1of 15

Ang panunuri ay isang uri ng

pagtatalakay na nagbibigay-buhay at
diwa sa isang likhang-sining. Hindi
lamang ito nagsusuri o nagbibigay-
kahulugan kundi ito'y isang paraan ng
pagsusuri sa kabuuan ng tao- ang
kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng
pagsasalita at maging ang kaniyang
pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at
sa lipunang kinabibilingan
Halimbawa sa panunuri ng maikling
kuwento, dapat suriin ang mga
elementong taglay nito:TAUHAN,
BANGHAY, TUNGGALIAN, SIMBOLO,
PAHIWATIG, MAGAGANDANG KAISIPAN
O PAHAYAG AT MAGING ANG PARAAN
KUNG PAANO ITO NAGSIMULA AT
NAGWAKAS.
. Samantala sa nobela, karaniwan na
inaalam ang mga katangiang
pampanitikang napapaloob sa
akda(tulad ng elemento ng maikling
kuwento); inaalam din ang aspektong
PANLIPUNAN, PAMPOLITIKAL,
PANGKABUHAYAN, AT PANGKULTURA
na napapaloob sa nobela at paggamit
ng angkop na teoryang gagamitin sa
pagsusuri
Panunuri
o
Suring basa
Ang suring basa ay isang anyo ng
pagsusuri o rebyu ng binasang teksto
o akda tulad ng nobela, maikling
kwento, tula, sanaysay, o iba oang
gawa/uri ng panitikan
Ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam sa
nilalaman(content), kahalagahan(importance) at
ang estilo ng awtor o may-akda(author's writing
style).
Sa pagsasagawa nito maaaring gumamit ng
isang balangkas i format
ng suring-basa tulad ng mga sumusunod:

I. Pamagat, may-akda, genre


II. Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela)
III. Paksa
IV. Bisa (sa isip, sa damdamin)
V. Mensahe
VI. Teoryang Ginamit
Buod- maaaring isulat sa lima
hanggang anim na
mahahalagang pangungusap
(lalo na kung maikling kuwento)
Paksa- ay sumasagot sa tanong
na tungkol saan ang binasa.
Bisa sa isip- tumutukoy naman
sa kung paano
naimpluwensiyahan ang pag-
iisip/utak/o paraan ng pag-
iisip ng mambabasa
Bisa sa damdamin-
tumutukoy kung ano ang
nadama o paano natigatig
ang emosyon ng mambabasa
Mensahe- tumutukoy sa kung
ano ba ang gustong sabihin ng
teksto sa mambabasa, o
maaari ding gustong sabihin
ng sumulat ng teksto.
NATURALISMO kung pinahahatid
ng awtor sa pamamagitan ng mga
pangyayari sa buhay ng tauhan na
ang kapalaran ay bunga ng kultura
at hereduty at hindi sa
pamamagitan ng kaniyang sariling
pagpili
EKSISTENSIYALISMO kung
ipinakita at mas lumutang na ang
naganap sa buhay ng tauhan,
mga pangyayari ay bunga ng
kaniyang sariling pagpili dahil
naniniwala siya na ang isang
dahilan ng existence ng tao sa
mundo at hubugin ang sarili
niyang kapalaran
SALAMAT!

You might also like