You are on page 1of 3

FIL-ED 204 SANAYSAY AT TALUMPATI

Kasaysayan ng Sanaysay

Ipinahayag ni Alejandro G. Abadilla na ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita,


ito ang sanay at pagsasalaysay o ang "nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay." Maituturing natin itong panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-
kuro,damdamin, kaisipan at saloobin ng manunulat tungkol sa makabuluhan at
napapanahong isyu. Dagdag pa niya, mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng
sanaysay sapagkat natututo ang mga mambabasa mula rito.
Itinuturing na sanaysay ang talambuhay dahil nagsasaad ito ng kasaysayan ng
buhay ng isang tao. Hindi lamang nito sakop ang kapanganakan at kamatayan bilang
upang paksa. Isinulat din ang mga talambuhay upang magsilbing gabay ng mga
mambabasa sa kanilang pamumuhay. Binibigyang pansin nito ang mga katangiang dapat
tularan at iwasan. Nagbibigay impormasyon din ito tungkol sa buhay ng paksa.
Ayon kay Nenita Pagdanganan - Obrique, "ito ang nagsisilbing makinarya sa
pangangalat ng mga akdang babasahin. Ginawa ito para mas maunawaan ng mga
mambabasa ang mga isinulat. Naging daluyan ng ideolohiya ang sanaysay dahil
karaniwang paksain nito ay pumapatungkol sa pulitika, relihiyon, teknolohiya, at iba pa.
Nilikha ang sanaysay upang ibahagi sa tao ang pananaw ng may katha. Maaaring ang
manunulat ay pumuna, magbigay - opinyon at impormasyon, maglahad ng
obserbasyon, pagtalakay sa araw - araw na pangyayari, pagbabalik - tanaw sa nakaraan
o pagmumuni. Isang uri ito ng pakikipag-komunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na
may nais ipabatid sa tao.
Naging malaking kontribusyon ng sanaysay ang mga naililimbag na akda tungkol sa
pagsasa-Kristiyano ng mga katutubo noon. Sa pamamagitan nito , ay naikalat ang mga
anekdotang moral, himno, at pagpapaliwanag ng mga prinsipyong Katolisismo. Sa ilalim
ng pananakop ng mga Kastila, marami sa mga katutubo ang pinaslang, pinagbayad ng
mataas na buwis, at nabiktima ng forced labor. Dahil dito, naging daluyan ng
obserbasyon ang mga pahayagansa pamamagitan ng iba't-ibang anyo ng sanaysay tulad
ng tudling, liham, lathalain, dyornal, talaarawan at sermon.
Ang pormal na sanaysay ay pinag-aralang mabuti ng sumulat. Nagbibigay
impormasyon ito tungkol sa isang bagay, hayop, lugar at pangyayari. Nasa
pagkakasunud-sunod ang mga mahahalagang kaisipan upang lubos na maunawaan ng
mambabasa, at umaakma ang salita sa isyung napili. Samantala, ang di - pormal na
sanaysay ay nagtataglay naman ng opinyon at paglalarawan. Lahat ng ito ay tumutukoy
sa mga pangyayari sa kapaligiran at sa mismong karanasan ng sumulat.
Ang malikhaing sanaysay ay pumupukaw sa interes ng mga mambabasa dahil
gumagamit ito ng teknik ng maikling kwento. Hindi ito nakaiinip basahin at maituturing
na "relatable" para sa mga mambabasa.
Para kay Gutkind, kinakailangang taglayin ng sanaysay ang mga
sumusunod:pagsasabuhay at pakikipamuhay sa realidad ng sinusulat; pananaliksik sa
napiling paksa; pagninilay sa nakalap na datos; pagbabasa ng mga teksto at ang
mismong pagsusulat. Para naman kay Gerard, una, mayroon itongmalinaw na sabjek.
Pangalawa, ito ay napapanahon. Pangatlo, pagsasalaysay ng magandang kwento at huli,
pagmumuni-muni ng may akda.
Ano ang Sanaysay?
Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang komposisyon na kadalasan ay
naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may akda. Sa ganitong paraan, naipapahayag ng
may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa. Isa rin itong uri ng pakikipag-
komunikasyon na ang layunin ay maipabatid ang iyong saloobin sa isang makabuluhan at
napapanahong paksa o isyu.
2 Uri ng Sanaysay
Ito ay may dalawang uri: ang pormal at di-pormal.
1. Pormal
Tumatalakay ito sa mga siryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik
ng sumulat. Kadalasan itong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay,
lugar o pangyayari. Ang tono nito ay siryoso at walang halong biro.
Isang uri ng pormal na sanaysay ang editoryal sa mga pahayagan. Ito ay tungkol
sa opinyon ng sumulat sa mga maiinit na balita.
2. Di-pormal
Ito naman ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang araw-
araw na nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa. Binibigyan diin nito ang
mga bagay-bagay at karanasan ng may akda sa isang paksa kung saan mababakas ang
kanyang personalidad na para bang nakikipag-usap lamang siya sa isang kaibigan kaya
naman ito ay madaling maintindihan.
Sa madaling sabi, tungkol sa damdamin at paniniwala ng may akda ang paksa ng
di-pormal na sanaysay.

Mga Bahagi ng Sanaysay


Mayroon itong tatlong bahagi: ang simula o panimula, gitna o katawan, at
wakas.
1. Simula/Panimula
Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy
ng mambabasa ang kanyang binabasa. Sa simula pa lamang ay dapat mapukaw na ng
may-akda ang damdamin ng mga mambabasa.
2. Gitna/Katawan
Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng
may-akda. Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti dito ang paksang
tinatalakay o pinag-uusapan.
3. Wakas
Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng
sanaysay. Dito rin nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga
tinalakay sa paksang pinag-usapan.
Tatlong Elemento ng Sanaysay
Bukod sa tatlo nitong bahagi, ang sanaysay ay binubuo rin ng tatlong elemento,
ito ay ang tema at nilalaman, anyo at estruktura, at wika at estilo.

Tema at Nilalaman.
Ang tema ay ang kaisipan na siyang iikutan ng nilalaman ng isang sanaynay. Ang
tema ay dapay napapanahon at nakakahuha ng interes ng mga mambabasa.

Anyo at estruktura.
Sa anyo at estruktura nakapaloob ang tatlong bahagi ng epektibong sanaysay. Ito
ay mahalagang sangkap na makakatulong sa may akda at mga mambabasa upang lubos
na maunawaan ang daloy ng mga ediya.

Wika at Estilo.
Ito ay ang paraan ng pagsulat at wastong paggamit ng wika ng may akda. Higit na
epektibo ang isang komposisyon kung ang manunulat ay gumagamit ng mga payak at
simpleng pananalita na madaling nauunawaan ng mga mambabasa.

PANANAW FORMALISMO
Ang Teoryang Formalistiko o Formalismo ay isinilang noong 1910 at yumabong
noong dekada 50 at 60, ang teoryang ito ay may pananaw na ang akda o teksto ay dapat
suriin at pahalagahan kung ibig talagang masukat ang kagandahan ng akda.
Layunin ng pagsusuring Formalistiko o Formalismo ang pagbibigay pansin sa anyo
ng panitikan. Ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito.
Naging tanyag ang pananaw na ito sa panunuring pampanitikan dahil na rin sa dami ng
mga pagsusuring ginamitan ng ganitong pananaw.
Ang tunguhin ng pananaw na ito ay matukoy ang sumusunod:
Nilalaman
Kaanyuan o kayarian
Paraan ng pagkakasulat ng akda
Sa pananaw na ito ay hindi lamang mahalaga ang pagbabalangkas kundi ang
pagsusuri na ring ginamit. Sa pagtalakay ng akda, dapat ang mailantad lahat ng
mahahalagang bagay mula sa simula patungo sa iba’t-ibang elementong magkakaugnay
hanggang sa katapusan. Dapat makita kung may ironi o paradoks o may kalabuan o may
iba pang elemento sa akda. Kung makikita ang mga elementong ito, masasabing
mahusay ang akda. Binibigyang atensiyon din ang salita o vokabularyo at ang kaibahan
ng mga salitang pampanitikan sa pang araw-araw na salita

You might also like