You are on page 1of 2

Ralph Terence P.

Caminero November 23,2022


8-Courage

“SANAYSAY”
Ang sanaysay ay tinatawag na “essay” sa wikang ingles. Ito ay isang uri ng
sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito. Ang isang
sanaysay ay may pokus sa iisang diwa at paksa. Ang mga sanaysay ay may
layong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman,
magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.
Tinuturing ang Sanaysay bilang isang uri ng pantikan na hindi mauubusan
ng gamit. Iba-iba ang maaring maging porma nito. Maaring personal, na parang
nakikipagusap, o kaya naman analitikal at siyentipiko. Gumagamit ito ng
pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa upang magpahayag ng katotohan
o kaya mga karaniwang karanasan ng tao. Maari itong maikli o mahaba, at
walang hadlang sa dami ng mga maaring isulat bilang isang sanaysay. Iba-iba
rin ang maaring paraan ng pagsusulat ayon sa personalidad ng may-akda.
Nagmula ang salitang sanaysay sa makatang si Alejandro Abadilla, na
nangangahulugang pagsasanay sa pagsusulat ng isang sanay o nakasulat na
karanasan.

“URI NG SANAYSAY”
Nahahati ito sa dalawang uri na:
PORMAL NA SANAYSAY
-Ang pormal na sanaysay ay karaniwang nagpapahayag tungkol sa seryosong
paksa at karaniwang isinusulat na may taglay na maiging pag-aaral o
pananaliksik ng may akda. Ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa ibat-
ibang paksa maging: tao, hayop, bagay, okasyon o pangyayari. Ang tono ng
pagsulat ay seryoso at pormal din pormat nang pagkakasulat.
DI-PORMAL NA SANAYSAY
-Ang di-pormal na sanaysay naman ay maaring tungkol sa karaninwang mga
paksa, personal na pananaw o mga sualt na naglalayong makapagbigay aliw sa
mambabasa. Ang tema at pormat nang pagsulat nang ganitong uri ng sanaysay
ay kadalasan may bakas ng personalidad ng may akda at parang nakikipag-usap
lamang sa isang kaibigan at hindi gaanong pormal ang mga salitang gamit sa
pagsulat.
“SANGKAP NG SANAYSAY”
Tema at Nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay
itinuturing na paksa dahil sa layunin sapagkakasulat nitoat kaisipang
ibinahagi.
Anyo at Istruktura - ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang
mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga
mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng edeya o pangyayari
ay makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay
nakaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit
ng simple, natural at matapat na mga pahayag.

“BAHAGI NG SANAYSAY”
Panimula - ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito
ang unag titingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atansyon
ang panimula upangipagpatuloy ng mamababasa ang pagbasa sa akda.
Katawan - Sa bahaging ito ang sanaysaya makikita ang pagtalakay sa
mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat
ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito ng maigi
ng mambabasa.
Wakas - nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa
bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan
ang mga tinalakay ng sanaysay.

You might also like