You are on page 1of 28

 1.

Ito’y karaniwang himig


nakikipag-usap lamang at hindi
nangangailangan ng masusing pag-
aaral upang makasulat nito.
O-R-M-P-A-L-I-M
 2. Ang paksa ay hindi karaniwan at
nangangailangan ng matiyagang
pag-aaral.
M-A-L-O-P-R
3. Tinagurian siyang “
Ama ng Wikang
Pambansa.
U-E-O-N-Q-Z
 4. Ito ang nilalaman ng isang
sanaysay at nagpapahayag ng
layunin ng may-akda.

P-K-S-A-
A
 5.Isang akdang nagpapahayag
ng kuro-kuro ng may-akda
hinggil sa isang bagay.
Y-N-S-A-S-Y-A-A
SANAYSAY
KATUTURAN, URI, BAHAGI
AT SANGKAP
ANO ANG
SANAYSAY?
Layunin ng aralin
 Nauunawaan ang kahulugan ng
dalawang uri ng sanaysay.
 naipagmamalaki ang ang
pagtatagumpay na naganap sa
kasysayan ng wikang pambansa
 nakabubuo ng isang sanaysay tungkol
sa isang yugto ng kasaysayan ng
wikang pambansa.
RUBIN, et.al., 1989:91
 Anyong pampanitikan na naglalahad
ng mga kontemporaryong usapin at
paksain sa nagbabagong mundo. Ang
mahalaga sa anyong ito ang
pagbabahagi ng manunulat ng
kanyang karanasan at di pa
namamalayang pananaw ukol sa mga
nagbabago niyang paligid kaya
maituturing ito na makabagong anyo.
Belvez(1985)
 isang komposisyong pampanitikan sa
isang natatanging paksa na higit na
maikli at pormal kaysa alinmang
akda. Sa kasalukuyan,ang
komposisyon ay naglalaman ng
maikling pag-aaral na naglalaman ng
sariling pananaw, paniniwala at
kaisipan ng sumulat.
SEMORLAN, et.al., 1999
 ay isang akdang naglalayong
maglahad o maglarawan ng isang
buhay sa makatotohanan at masining
na paraan. Maaring talakayin o
paksain ang anumang tema-
karaniwan o di-karaniwan, magaan o
seryoso- sapagkat ukol sa buhay ang
inilalahad dito.
2 URI NG SANAYSAY

PORMAL
DI - PORMAL
PORMAL NA SANAYSAY
 (MAANYO) kapag ang sanaysay ay
may lohikal na paglalahad ng mga
kaisipan o may maayos na balangkas.
Maingat din ang pagsusuri ng paksa
nito. Samakatwid, masusi ang pag-
aaral ng temang tatalakayin.
Binibigyang-diin ang katotohanan,
tuwirang pagpapahayag at seryosong
pagtalakay.
SANAYSAY NA DI-PORMAL
 (DI-MAANYO) may kalayaan sa ayos
ng paglalahad, may himig ng
pakikipag-usap at pagbibiro at higit
na kawili-wiling basahin. Subalit hindi
rin dapat na kaligtaan na lakip din
nito ang katalinuhan ng pag-iisip at
masusing pagsusuri.
ANYO NG SANAYSAY
PERSONAL NA SANAYSAY
 ang nilalaman ay tungkol sa
nararamdaman ng manunulat
kaugnay sa kanyang nakikita o
naoobserbahan. Hal. Kung ikaw ay
nakakita ng mga batang nagkalat sa
lansangan, ano ang iyong
nararamdaman sa pangitaing ito?
MAPANURI O KRITIKAL NA
SANAYSAY
 ang nilalaman ay batay sa naiisip o
kuru-kuro kaugnay sa namatyagan ng
manunulat. Mula sa pagiging personal
ng akda ay papasukin na nito at
bubusisihin ang iba’t ibang anggulo
na maaaring sangkot sa usapin.
PATALINHAGA
 ang bukal ng nilalaman mula sa mga
kasabihan o sawikain o di kaya’y
pagkamit ng mga simbolismo o
matalinhagang kaisipan bilang
panimula ng iyong pinapaksa.
Bahagi ng Sanaysay
 Panimula- ang pinakamahalagang
bahagi ng isang sanaysay sapagkat
ito ang unang tinitingnan ng mga
mababasa, dapat nakapupukaw ng
atensyon ang panimula upang
ipagpatuloy ng mambabasa ang
pagbasa sa akda.
Bahagi ng Sanaysay
 Katawan- sa bahaging ito ng
sanaysay makikita ang pagtalakay sa
mahahalagang puntos ukol sa tema
at nilalaman ng sanaysay, dapat
ipaliwanag nang mabuti ang bawat
puntos upang maunawaan ito nang
magiging mambabasa
Bahagi ng Sanaysay
 Wakas- nagsasara sa talakayang
naganap sa katawan ng sanaysay; sa
bahaging ito nahahamon ang pag-
iisip ng mambabasa na
maisakatuparan ang mga tinalakay
ng sanaysay.
SANGKAP NG SANAYSAY
 Tema at Nilalaman – anuman ang
nilalaman ng isang sanaysay ay
itinuturing na paksa dahil sa layunin
sa pagkasulat nito at kaisipang
ibinahagi.
SANGKAP NG SANAYSAY
 Anyo at Istruktura – ang anyo at
istruktura ng sanaysay ay isang
mahalagang sangkap sapagkat
nakaapekto ito sa pagkaunawa ng
mga mambabasa; ang maayos at
lohikal na pagkasunud-sunod ng
ideya o pangyayari ay makatutulong
sa mambabasa sa pagkaunawa sa
sanaysay.
SANGKAP NG SANAYSAY
 Wika at Istilo – ang uri at antas ng
wika at istilo ng pagkakagamit nito ay
nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng
mambabasa; higit na mabuting
gumamit ng simple, natural at
matapat na mga pahayag.
Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting
Mananaysay:

 May malawak nakaalaman o karanasan sa


paksa.
 Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa.
 Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng
paglalahad ng ideya.
 Malinaw at hindi madamot o matipid sa
pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol
sa paksa.
 May kakayahang pumukaw o manghikayat ng
mambabasa.
Gawain
Sumulat ng isang sanaysay
tungkol sa isang yugto ng
kasaysayan ng wikang
pambansa.

You might also like