You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Laguna
District of Majayjay
STA. CATALINA INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Majayjay, Laguna
Second Semester – THIRD Quarter Examination
Pagbasa at Pasusuri ng iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
I.Panuto:Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng pinakawastong sagot sa sagutan
papel.
1. Ano ang tawag sa sistematikong proseso ng biswal na pagkilala at pagbibigay interpretasyon sa mga
nakaimprentang simbolong pangkomunikasyon?
A. Mapanuring Pagbasa B. Mapanuring Pakikinig C. Pagbasa D. Pakikinig
2. Ano ang tawag sa mapanuring pagsisiyasat sa nilalamang impormasyon ng isang teksto?
A. Mapanuring Pagbasa B. Mapanuring Pakikinig C. Pagbasa D. Pakikinig
3. Alin sa apat na antas ng pagbasa ang ginagamitan ng kritikal na pag- iisip upang ganap na maunawaan
ang kahulugan ng teksto at pananaw ng manunulat?
A. Analitikal B. Mapagsiyasat C. Primarya D. Sintopikal
4. Alin sa apat na antas ng pagbasa ang maituturing na pinakamababa?
A. Analitikal B. Mapagsiyasat C. Primarya D. Sintopikal
5. Anong antas ng pagbasa ang humihingi sa mambabasa na bumuo ng sariling sistema o pang-unawa sa
pangkalahatang kaisipan ng teksto?
A. Analitikal B. Mapagsiyasat C. Primarya D. Sintopikal
6.Ano ang ibang tawag sa tekstong impormatibo na naglalayong magbigay ng impormasyon?
A. balita B. deskriptibo C. ekspositori D. naratibo
7.Ang paglalahad ay tumutukoy sa pagbibigay ng _______at sa mga mambabasa.
A.kongkretong impormasyon at pagpapaliwanag B. pangyayari at karanasang magkakaugnay
C.katangian at pandama D.panghihikayat at katuwiran
8. Anong uri ng tekstong impormatibo na nagpapakita ng pagkakaugnay- ugnay ng mga pangyayari at kung
paanong resulta ang kinalabasa
A. pagbibigay katuturan B. paghahambing C. pag-uuri at pagbubukod D. sanhi at bunga
9. Ang ganitong paraan ng paglalahad ay ginagamit kung ang paksang tinatalakay ay hindi kilala o pamilyar.
A. paghahalimbawa B. paghahambing C. paglilista ng klasipikasyon D. sanhi at bunga
10. “Ang Ivatan, Ifuntok, Ibanag, at Gaddang ay ilan lamang sa mga katutubong wika sa Pilipinas.” Anong uri
ito ng paglalahad?
A. pagpapahindi B. paghahambing C. paghahalimbawa D. pag-uulit
11. Ito ay katangian ng tekstong deskriptibo kung ikaw ay maglalarawan sa isang
tao ayon sa kaniyang tangkad o kulay ng balat.
A. karaniwan B. masining C. obhetibo D. subhetibo
12. Anong katangian ng tekstong deskriptibo kapag ilalarawan mo ang iyong kaibigan bilang hingahan ng sama ng
loob, madalas na nakapagpapagaan ng mga suliranin.
A. karaniwan B. masining C. obhetibo D. subhetibo
13. Ito ay uri ng tekstong deskriptibo na nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o
pangmalas.
A. karaniwan B. masining C. obhetibo D. subhetibo
14.Ito ay uri ng tekstong deskriptibo na nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas
ng may-akda.
A. karaniwan B. masining C. obhetibo D. subhetibo
15. Ito ay isa sa mga kasangkapan ng tekstong deskriptibo na ang layunin ay makabuo ng malinaw na larawan sa
imahinasyon ng mambabasa.
A. detalye B. impresyon C. pananaw D. wika
16. Alin sa mga kasangkapan ng mahusay na tekstong Deskriptibo ang tumutukoy sa imahen ng paksang naiiwan sa
isipan ng mambabasa pagkatapos nitong mabasa ang teksto?
A. detalye B. impresyon C. pananaw D. wika
17. Alin sa mga kasangkapan ng mahusay na tekstong Deskriptibo ang nangangailangan ng maingat na pagpili at
paggamit upang matiyak ang mahusay na pagkakalarawan ng isang paksa?
A. detalye B. impresyon C. pananaw D. wika
18.Sa nobelang “Dugo sa Bukang-Liwayway”, ilarawan si Tano, ang pangunahing tauhan sa kuwento.
A. mahirap B. masungit C. matangkad D. mayaman
19. Ang tekstong deskriptibo ay nagbibibgay ng sa mga mambabasa
A. hakbang B. hikayat C. impormasyon D. larawan
20.Basahin: “Ako ay may-alaga. Asong mataba, buntot ay mahaba, maamo ang mukha. Mahal niya ako, at mahal
ko rin siya. Kaya kaming dalawa ay nagmamahalan na.” Sino sa palagay mo ang naglalarawan sa aso?
A.amo B. apo C. kapwa aso D. lolo
21.Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng Tekstong Persuweysib?
A.naglalahad ng impormasyon B.nagbibigay kaalaman sa isang di piksyon na sulatin
C.nanghihikayat ng mga mambabasa partikular sa isang usapin, isyu o paksa
D.iminumulat nito ang mga mamamayan sa kaganapan sa lipunan
22.Tumutukoy ito sa pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita
o pahayag.
A.Name Calling B. Glittering Generalities C. Transfer D. Testimonial
23. Hinihikayat ng propaganda device na ito ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang
masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.
A. Testimonial B. Plain Folks C. Bandwagon D. Card Stacking
24. Pagsasabi ito ng magandang puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.
A. Bandwagon B. Name Calling C. Glittering Generalities D. Card Stacking
25.Hango ito sa salitang Griyego na naiuugnay sa salitang etika ngunit higit na angkop sa salitang imahen.
A. Phobos B. Ethos C. Pathos D. Logos
26. Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa impormasyon at datos na kaniyang
inilatag mula sa kaniyang pananaw o punto de vista ang dapat paniwalaan.
A. Phobos B. Ethos C. Pathos D. Logos
27.Tumutukoy ito sa paggamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
A. Phobos B. Ethos C. Pathos D. Logos
28.Tumutukoy ito sa paninira sa isang produkto o tao upang hindi ito mabili sa merkado o tatangkilikin ng mga tao.
A. Transfer B. Card Stacking C. Bandwagon D. Name Calling
29. Isinasagawa ng manunulat ang gawaing ito upang mabatid ang mga detalyeng ilalatag sa gagawing tekstong
persuweysib.
A. pakikipanayam B. pananaliksik C. pagtatanong D. obserbasyon
30. Ang sumusunod ay taglay ng isang makabuluhang tekstong persuweysib maliban sa isa. Alin sa mga nakatala
ang hindi kabilang patungkol sa tekstong pwersuweysib?
A. Malalim na pananaliksik B. Kaalaman sa paniniwala ng mga mambabasa
C. Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig D. Paglalahad ng mga katanungan

II. A. Isulat ang K kung ang pahayag ay nagpapahayag ng katotohanan samantalang O naman kung ito’y opinyon.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.Si Rodrigo Duterte ang nagpasimula ng Oplan Tokhang.
2.Sa palagay ko, mas uunlad ang ating bansa kung ang mamumuno ay may layuning pag-isahin ang mga
mamamayan.
3.Ayon sa balita ng GMA News, nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron Variant.
4.Para sa akin, mas mabuting magpabakuna na upang mas mababa ang tiyansa mong mahawaan ng COVID-19.
5.Sa ulat ng News 5, si Leni Robredo ay may pinakamalaking nagastos sa Facebook Ads na umabot sa mahigit
kumulang 14.1 milyong piso.

B.Isulat ang T kung wasto ang kaisipang ipinahahayag sa sumusunod na pangungusap at M kung hindi. Kung M ang
sagot, ipaliwanag sa patlang sa ibaba kung bakit mali ang pahayag.
1.Hindi mahalaga na malawak na karanasan sa pag-unawa ng tekstong impormatibo dahil sapat na ang pananaliksik
upang maunawaan ito.
2. Bukod sa katumpakan, mahalagang kapaki-pakinabang ang paksa ng isang tekstong impormatibo.
3.Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong impormatibo.
4.Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa
komprehensiyon ng mga tekstong impormatibo.
5.Hindi sinasagot ng tekstong impormatibo ang tanong na “bakit”.
6. Ang tekstong pamproseso ay espesyal na uri ng tekstong argumentatibong nagpapaliwanag kung paano ang
paggawa ng isang bagay.
7. Nakapokus ang tekstong prosidyural sa iisang mambabasa at hind sa pangkalahatan.
8. Isa sa mga halimbawa ng impormasyonal na tekstong prosidyural ay ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng
upuan.
9.Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pang-uri.
10.Gumamit ng tiyak na wika at mga salita.
11. Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki, kulay, at dami).
12.Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang ipakita ang pagkakasunod-sunod at ugnayan
ng mga bahagi ng teksto
13. Kailangang maayos din ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na dapat isagawa o sundin.
14. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.
15. Ang halimbawa ng transitional devices ay una, bilang panimula, ikalawa, una sa lahat, susunod, pagkatapos, at
panghuli, sa wakas, sa lahat ng mga ito atbp.

You might also like