You are on page 1of 4

1.

Ang mga sumusunod ay maaaring paghanguan ng tekstong impormatibo MALIBAN sa:


a. pahayagan b. diksyunaryo c. liham d. internet
2. Ito ay tinuturing na pinakamahalagang bahagi ng isang talata.
a. susing salita c. pantulong na detalye
b. paksang pangungusap d. mga pagpapatunay at ebidensya
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga detalye kung ang paksa ay: Matatag na Pilipino?
a. Lumalaban kapag inaapi c. Tumatayo pagkatapos ng bagyo
b. Nilalabanan ang pandemya d. Bumabangon sa kabila ng lindol
4. Sa pagtukoy ng paksa, maaari itong matagpuan sa mga sumusunod MALIBAN sa:
a. unang pangungusap ng talata c. kongklusyon ng talata
b. gitnang bahagi ng talata d. pangunahing ideya ng talata
5. "Pasok mga suki, mura lang ang presyo, hinding-hindi k magsisi. Bukas mahal na ito. Kaya ano pa ang
hinihintay ninyo. Bili na!" Ito ang sigaw ng mga nagtitinda sa palengke. ANo ang kaisipang nakapaloob
sa binasang teksto?
a. Bumili na dahil mura lang ang presyo
b. Hindi bibili dahil mahal ang presyo
c. Lalayo dahil hindi gusto ang paninda
d. Sabihin babalik na lang
6. Ayon kay ______ ang tatlong paraang ng panghihikayat ay Ethos, Pathos at Logos.
a. Shakespeare b. Voltaire c. Ian Foster d. Aristotle
7. Isang paraan ng panghihikayat na gumagamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang
mambabasa.
a. Ethos b. Logos c. Pathos d. datos
8. Paraan ng epektibong panghihikayat na tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat.
a. Pathos b. Datos c. Logos d. Ethos
9. Ano ang halimbawa ng tekstong prosidyural?
a. Manuskrito b. Manwal c. Monopodial d. Pag-agham na papel
10. Piliin kung aling elemento ng tekstong prosidyural ang nakasaad: "Ilagay ang kanang kamay sa
kaliwang dibdib."

a. Layunin b. Hakbang c. Kagamitan d. Tulong ng Larawan

11. Piliin kung aling elemento ng tekstong prosidyural ang nakasaad: "Mga hakbang para gumawa ng
mamon."

a. Layunin b. Hakbang c. Kagamitan d. Tulong ng Larawan

12. Uri ng tayutay na gumagamit ng mga salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan
nito.

a. Simile o Pagtutulad c. Hyperboli o Pagmamalabis

b. Personipikasyon o Pagsasatao d. Onomatopeya o Paghihimig

13. Ano ang tayutay na ginamit sa pangungusap:

"Lumipad ang mga oras."

a. Simile o Pagtutulad c. Metapora o Pagwawangis

b. Prsonipikasyon o Pagsasatao d. Hyperboli o Pagmamalabis

14. Ano ang tayutay na ginamit sa pangungusap:

"Katulad ng pagbuhos ng ulan ang pagtulo ng kanyang mga luha."

a. Simile o Pagtutulad c. Personipikasyon o Pagsasatao

b. Metapora o Pagwawangis d. Hyperboli o Pagmamalabis

15. Ano ang tayutay na ginamit sa pangungusap:

"Umuusok ang kaniyang ilong."

a. Metapora o Pagwawangis c. Hyperboli o Pagmamalabis

b. Personipikasyon o Pagsasatao d. Onomatopeya o Paghihimig

16. Ito ay ang pinakagusto mong sabihin sa mga mambabasa o tagapakinig.

a. Paksa b. Tao c. Bagay d. Lugar

17 . Ito ay gumigising sa kawilihan ng mambabasa o makikinig.

a. Paksa b. Pamagat c. Himig talinghaga d. Wala sa pagpipilian

18. Ito ay ang nagpapanatili sa kapanabikan ng bumabasa o nakikinig.

a. Pamagat b. Paksa c. Panimula d. Wala sa pagpipilian

19. ANn
ng tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang
mabigyang linaw ang temang taglay ng akda?

a. Balangkas b. Banghay c. Panimula d. Katawan

20. Ito ay mahalaga upang may maiwang impresyon sa bumabasa attagapakinig na magbubunga ng
pagkilos na siyang layunin ng sinulat?

a. Panimula b. Banghay c. Katawan d. Wakas

21. Ito ay tumutukoy sa oras, petsa at taon ng pangyayari.

a. Tagpuan b. Tagpuan c. Panahon d. Banghay

22. ALin sa mga sumusunod ang HINDI isa sa mga elemento ng tekstong naratibo?

a. Estruktura b. Tunggalian c. Emosyon d. Paksa

23. Ito ay isang mahalagang elemento ng pagiging naratibo. Ito ang magiging kaluluwa ng mismong
kwento o teksto.

a. Paksa b. Panimula c. Tunggalian d. Wakas

24. Saan sinasabi ang posisyon at panig ng argumento?

a. Introduksyon b. Katawan c. Pahayag ng Tesis d. Kongklusyon

25. Alin dito ay HINDI halimbawa ng tekstong argumentatibo?

a. Tesis b. Posisyong Papel c. Talambuhay d. Pananaliksik

Test II. Tama o Mali


Panuto: Isulat ang TAMA kung ang mga pahayag ay totoo at MALI naman kung hindi.
26. Ang tekstong Persweysib ay subhetibo ang tono sapagkat ang pamamaraan ng panghihikayat ay
nakabatay sa personal na opinyon at paniniwala ng may-akda.
27. Kahit na kailan ang Tekstong Persweysib ay hindi umaapela o pumupukaw ng damdamin sa
mambabasa upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umaayon sa ideyang inilalahad.
28. Ang isang artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas ay isang
halimbawa ng pamamaraan ng panghihikayat na ethos.
29. Kailangan gumamit ng salitang kilos sa tekstong prosidyural.
30. Hindi ganoon ka detalyado ang mga hakbang sa tekstong prosidyural.
31. Mahalagang pag-isipan kung aling aspekto ng paksang inilalarawan ang sapat nang gamitan ng payak
na paglalarawan lamang at alin ang dapat gamitan ng masining na paglalarawan.
32. Kailangang maging maligoy sa paglalarawan ng isang paksa.
33. Ang tekstong naratibo ay isang pormal na pagsasalaysay na para bang nagkwento ka ng isang bagay o
pangyayari sa paraang pormal sa iyong kaibigan.
34. Isa ang damdamin sa mga elemento ng tekstong naratibo.
35. Ang anekdota, talambuhay, balita o malikhaing sanaysay ay ilan lamang sa mga halimbawa ng di-
piksyon.
36. Ang tekstong argumento ay maaring nagtatanggol ng paksa o nagpapanig sa kasalungat na ideya laban
sa paksa.
37. Hindi mahalaga ang mga sanggunian na pinagmulan ng mga karagdagang impormasyon na ginamit sa
teksto.
38. Ang tekstong argumentatibo ay nagbibigay punto sa nais nitong ipaglaban.
39. Ang tekstong argumentatibo ay pumupuna sa mga bagay na hindi umaayon.
40. Pagtatanggol sa sarili lalo na kung may ipinaglalaban ka ay argumentatibo.

"Ang tagumpay ay ang kabuuan ng maliliit na pagsisikap na paulit-ulit sa araw-araw"

Inihanda ni: Gng. Kathleen Kaye G. Catatista

You might also like