You are on page 1of 2

KINAM NATIONAL HIGH SCHOOL

FILIPINO 10
KWARTER 1
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
Pangalan: ______________________________Baitang/Seksyon:_______________Petsa:________
I. Basahin at unawaing mabuti ang pahayag, pagkatapos piliin at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Isang uri ng akdang tuluyan na nagpapahayag ng mga opinyon, kuro-kuro o saloobin ng may-
akda tungkol sa isang mahalagang isyu o paksa.
a. Tula b. Sanaysay c. Nobela d. Dula
2. Elemento ng sanaysay na tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga ideya o
pangyayari upang maunawaan ng mambabasa ang sanaysay.
a. Tema b. Anyo at Estruktura c. Damdamin d. Himig
3. Ito ay mga kuwentong madalas na hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng
buhay.
a. Dagli b. Nobela c. Pabula d. Parabula
4. Ang __________ ay isang kwento kung saan ang mga elemento nito tulad ng tauhan, tagpuan
at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan at ibig sabihin.
a. Sanaysay b. Alegorya c. Pabula d. Parabula
5. Siya ang sumulat ng Alegorya ng Yungib.
a. Plato b. Socrates c. Glaucon d. Newton
6. Ito ang anumang tao o karakter na gumaganap sa istorya o kuwento.
a. Tagpuan b. Banghay c. Tauhan d. Aral
7. Bahagi ng Sanaysay na kung saan dito inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng
may akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
a. sanhi b. dagli c. tema d. panimula
8. Siya ang “Ama ng Makabagong Sanaysay” , ayon sa kaniya ang sanaysay ay nagmula sa
dalawang salitang “Sanay” at “Pagsasalaysay”.
a. Willita A. Enrijo b. Alejandro G. Abadilla c. Plato d. Socrates
9. Sino-sino ang dalawang tauhan na nag-uusap sa sanaysay?
a. Plato at Socrates b. Socrates at Aristotle c. Plato at Glaucon d. Socrates at Glaucon
10. Sino ang nagsalin sa Wikang Filipino ng sanaysay na Alegorya ng Yungib?
a. Willita A. Enrijo b. Alejandro G. Abadilla c. Plato d. Socrates
11. Sa pamagat ng sanaysay na Alegorya ng Yungib, anong kaisipan ang sumagi sa iyo?
a. Kalayaan b. kataksilan c. pagkakakulong d. kasamaan
12. Sa akdang Alegorya ng Yungib, ang ___________ ay sumisimbolo sa pag-asa.
a. tubig b. araw c. hangin d. pader
13. Ang ________________ ay paksang pangungusap na batayan ng mga detalyeng inilad sa
teksto. Ito ay maaaring matagpuan sa introduksyon, katawan o konklusyong bahagi ng teksto.
a. Wakas b. Pantulong na ideya c. Pangunahing kaisipan d. Gitna
14. Tumutukoy sa oras, panahon at lugar na pinagdausan ng kuwento at istorya.
a. Tagpuan b. Tagpuan c. Banghay d. Aral
15. Ang sumusunod ay halimbawa ng isang akdang parabula maliban sa isa.
a. Ang Ama c. Ang Mabuting Samaritano
b. Ang Alibughang Anak d. Ang Tusong Katiwala
16. Ang salitang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na “__________” na nangangahulugang
paghahambing, ilustrasyon, o analohiya.
a. parabole b. parabol c. parabula d. parabbole
17. Saan sa Bibliya makikita ang kuwento ng Ang Tusong Katiwala?
a. Lukas 16: 1-15 b. Lukas 18: 1-15 c. Lukas 19: 1-15 d. Lukas 20: 1-15
18. Sino ang nagkwento ng Tusong Katiwala?
a. David b. Hesus c. Moises d. Pedro
19. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang ________ ng mundong ito sa paggawa ng
mabuti.” Ano ang tamang salitang bubuo sa diwa ng pangungusap na ito?
a. buhay b. katawan c. kayamanan d. utak
20. Sa tampok na parabula, ano ang ginawa ng katiwala sa ari-arian ng amo?
a. ibinigay b. inilustay c. pinundar d. itinago
II. Ibigay ang Hinihingi. Tukuyin kung ano ang hinihinging kasagutan sa mga pahayag sa

ibaba.

1-2. Ang Alegorya ay dapat na basahin sa dalawang paraan. Ano-ano ito?

1. _______________________

2. _______________________

1-7. Ang sanaysay ay may pitong elemento. Isa-isahin ang mga ito.

1. _______________________

2. _______________________

3. _______________________

4. _______________________

5. _______________________

6. _______________________

7. _______________________

1-3. Magbigay ng tatlong elemento ng Alegorya.

1. _______________________

2. _______________________

3. _______________________

You might also like