You are on page 1of 2

Pagsusulit sa Filipino 9

UNANG MARKAHAN
Week 1 – Week 4

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.Ito ay pagpapakahulugan na nagtataglay ng neutral o obhetibong kahulugan ng mga termino.
a.Denotatibo b.Konotatibo c. Pangatnig d. Pang-ugnay
2.Ito ay bahagi ng maikling kwento na naglalarawan sa panimula hanggang sa paglalahad ng suliranin at solusyon.
a.Kakalasan b.Kasukdulan c. Saglit na kasiglahan d. Suliranin
3.Ito ay akdang pampanitikan na nagpapakita ng mga pangyayari sa pinakamaayos na pagpaplano at pagbabalangkas ng mga
importanteng bahagi. Madalas na sumasalamin ito sa mga isyung panlipunan.
a.Dula b.Maikling kwento c. Nobela d. Tula
4.Ito ay bahagi ng nobela na nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela.
a.pananalita b.damdamin c. pamamaraan d. tauhan
5.Ito ay akdang pampanitikan na may maiksing salaysay na naglalaman ng mahalagang pangyayari na
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan.
a.Dula b.Nobela c. Maikling kwento d. Tula
6.Ito ay bahagi ng maikling kwento na nagpapakita ng lubhang kawilihan sa daloy ng kwento.
a.Kakalasan b.Kasukdulan c. Saglit na kasiglahan d. Suliranin
7.Ito ay bahagi ng nobela na naglalaman ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela.
a.Banghay b.Damdamin c. Pananalita d. Simbolismo
8.Ang pagiging _________ay isang mahalagang katangiang dapat taglayin upang makapagbigay ng tamang detalye o
impormasyon sa isang paksa.
a.Mapanuri b.Mapagtanong c. Mapagkawanggawa d. Mapagkumbaba
9.Mahalagang maunawaan ang mga _________ upang magbigay-liwanag sa kontekstong nais bigyang ipahiwatig ng manunulat
o tagapagsalita gayundin ang mga terminolohiyang nakapaloob sa salita, parirala o pangungusap
a.Aralin b.Babasahin c. Kahulugan d. Nilalaman ng libro
10.Ito ay bahagi ng nobela na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.
a.Banghay b.Damdamin c. Pananalita d. Simbolismo
11.Ito ay isang paraan upang maipamalas ang kaalaman tungkol sa isang isyu o usapin.
a.Pagbibigay ng komento b.Paghatol at pagmamatuwid c. Pagsusuri d. Pag-ungkat ng isang pangyayari
12.Ito ay bahagi ng maikling kwento na nagpapakita ng magandang direksyon ng kwento.
a.Kakalasan b.Kasukdulan c. Saglit na kasiglahan d. Panimula
13.Ito ay tawag sa mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng salita, parirala o pangungusap.
a.Pangngalan b.Pandiwa c. Pang - ugnay d. Pang-abay
14.Siya ang may-akda ng nobelang ‘Gapo’.
a.Lualhati Bautista b.Virgilio Almario c. Deogracias Rosario d. Edgardo Reyes
15. Ama ng Maikling Kwento sa Pilipinas.
a.Lualhati Bautista b.Virgilio Almario c. Deogracias Rosario d. Edgardo Reyes

II. Gramatika
A.Piliin sa loob ng kahon ang konotatibo at denotatibong kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Sagot
lamang ang isulat sa sagutang papel.

●Sisidlan na yari sa materyal na plastik ●Walang pakiramdam ●Karangyaan o kayamanan


●Taong may mapagkunwaring ugali ●Kalsada ●Isang uri ng metal na kumikinang
●Matulis na bahagi ng isda ●Matigas na bagay ●Susi ●Pagsubok sa buhay
16.Maraming plastik sa mundo kaya’t ‘di dapat agad-agad na magtiwala.
Konotatibong kahulugan:___________________________________
Denotatibong kahulugan:___________________________________

17.Masakit ang kanyang lalamunan dahil sa laki ng tinik.


Konotatibong kahulugan:___________________________________
Denotatibong kahulugan:___________________________________

18.Hindi siya gusto ng kanyang mga empleyado dahil bato ang kanyang puso.
Konotatibong kahulugan:___________________________________
Denotatibong kahulugan:___________________________________
19.Hindi kailanman matutumbasan ng kahit ano pa mang ginto ang pagtulong sa kapwa.
Konotatibong kahulugan:___________________________________
Denotatibong kahulugan:___________________________________

20.Ang daan sa pag-abot ng mga pangarap ay sipag at tiyaga.


Konotatibong kahulugan:___________________________________
Denotatibong kahulugan:___________________________________

B. Punan ng wastong pang-ugnay ang bawat bilang. Pumili ng sagot sa loob ng panaklong na nasa dulong bahagi ng
pangungusap.

21.Gusto ko nang umuwi ____ hindi pa dumarating ang sundo ko.(pero, kung)

22. Mas mainam na tumawag ka ulit mamayang alas-otso ____ nais mo siyang makausap. (kung,pero)

23. Ano ang gustong inumin ni Lolo Pedro, mainit na kape ____ tsaa? (o,man)

24. ____ PHIVOLCS, may posibilidad na pumutok ang Bulkang Mayon anumang oras. (Ayon sa, Labag sa)

25. ____ kanilang kaligtasan ang pagpapaalis sa mga residente ng Albay. (Ayon sa, Para sa)

26. Ang mga sariwang prutas ay ____ Lola Nadya. (para kay, para sa)

27.-30. Bumuo ng parirala mula sa dalawang salitang ibinigay sa pamamagitan ng paggamit ng pang-angkop. Isulat ang sagot sa
patlang.

27. bilog + buwan = ____________________________

28. buwanan + pagsusulit = ____________________________

29. plastik + bote = ____________________________

30. hangin + amihan = ___________________________

You might also like