You are on page 1of 3

PAGSUSULIT – SANAYSAY AT TALUMPATI

MULTIPLE CHOICE:

1. Siya ang tinaguriang “Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog.”


a. Dr. Samuel Johnson
b. Michel De Montaigne
c. Marcelo H. Del Pilar
d. Alejandro G. Abadilla

2. Ito ay naglalahad ng saloobin, kuro-kuro, kaalaman at opinion sa paksang pinag-uusapan.


a. Talumpati
b. Sanaysay
c. Tula
d. Panitikan

3.Inilalahad nito ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may akda.


a. Panimula
b. Gitna o Katawan
c. Wakas
d. Wala sa nabanggit

4. Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay
na paksa upang patunayan at suportahan ang inilalad na pangunahng kaisipan.
a. Panimula
b. Gitna o Katawan
c. Wakas
d. Wala sa nabanggit

5. Ito ang kabuuan ng sanaysay at ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksang batay
sa mga katibayan at katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.
a. Panimula
b. Gitna o Katawan
c. Wakas
d. Wala sa nabanggit
6. Ito ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa.
a. Tema
b. Anyo at Estruktura
c. Wika o Estilo
d. Larawan ng Buhay

7. Ito ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga


mambabasa.
a. Tema
b. Anyo at Estruktura
c. Wika o Estilo
d. Larawan ng Buhay

8. Ito ay nakakaapekto sap ag-unawa ng mga mambabasaa, higit na mabuting gumamit ng


simple, natural, at matapat na mga pahayag.
a. Tema
b. Anyo at Estruktura
c. Wika o Estilo
d. Larawan ng Buhay

9. Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na


gumagamit ng sariling himig ng may-akda.
a. Tema
b. Anyo at Estruktura
c. Wika o Estilo
d. Larawan ng Buhay

10. Naipapahayag ng isang magaling na may akda ang kaniyang damdamin nang may
kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
a. Damdamin
b. Himig
c. Anyo at Estruktura
d. Wika o Estilo
11. Ito ay nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin na maaaring masaya, malungkot,
mapanudyo, at iba pa.
a. Damdamin
b. Himig
c. Anyo at Estruktura
d. Wika o Estilo

12. Naglalayon ito na magdulot ng kawilihan sa isang piling pangkat ng mambabasa ukol sa
paksang hindi ganap na nababatid ng mga pinag-ukulan.
a. Sanaysay na Pormal
b. Sanaysay na Di-Pormal
c. Wika o Estilo
d. Anyo at Estruktura

13. Ito ay isang uri ng sanaysay na maaaring paksain ang lahat, lalo na ang kaugalian ng tao sa
isang masaklaw na paglalahad.
a. Sanaysay na Pormal
b. Sanaysay na Di-Pormal
c. Wika o Estilo
d. Anyo at Estruktura

14. Ayon sa kanya, “Ang sanaysay ay ang pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na
karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.”
a. Dr. Samuel Johnson
b. Michel De Montaigne
c. Marcelo H. Del Pilar
d. Alejandro G. Abadilla

15. Alin dito sa apat na halimbawa ng pangungusap ang Sanaysay na Di-Pormal.


a. “Kuya, Naghain na ko, tayo ay magsalo.”
b. “Ma’am, ipagpaumanhin niyo po ang pagkaantala ng aking pagdalo sa inyong klase.”
c. “Anak, hindi ko hangad na mapagalitan ka pero kailangan mong maunawaan ang iyong
pagkakamali.”
d. “Hello! Anybody home?! Dinig na ng buong barangay ang bunganga ko, cellphone ka
lang nang cellphone maghapon. Di ka man lang tumulong dito!”

You might also like