You are on page 1of 4

Good Samaritan Colleges

Burgos Avenue, Cabanatuan City


JUNIOR HIGH SCHOOL

Guro: John D. Regala

Asignatura: Filipino 9 20
IKATLONG BUWANANG EVALWASYON
A.Y. 2021 – 2022

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat katanungan at Piliin ang tamang sagot.

1. Ayon sa kanya “Ang tula ay isang tuwirang pagbabagong-hugis sa buhay; na sa ibang


pananalita, ito ay isang maguniguning paglalarawan na nakalupkupan ng kariktan sa
pamamagitan ng mga sukat ng taludtod, na tahasang nadarama, dinaramdam, iniisip, o
ginagawa ng tao.Tao laban sa tao”
a. Alfredo Austin
b. Alfredo Austine
c. Alfred Austin
d. Alfred Austine

2. Ito ay isa sa mga pinaglalaanan ng isang manunulat upang masiguradong mabisa ang
kanyang isusulat na tula.

a. Sukat
b. Tugma
c. Taludtod
d. Istruktura

3. Ito ay sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa,
matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.

a. Tula
b. Talinghaga
c. Tayutay
d. Tugma

4. Ang Pangungusap na “Si berting ay animo rabit dahil sa Bilis niyang Tumakbo” ay isang
halimbawa ng anong uri ng Tayutay?

a. Pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Pagsasatao
d. Eksaherasyon

5. “Nahiya ang buwan at nagkanlong sa Ulap”, ang pahayag na ito ay isang halimbawa ng
Tayutay na__________?

a. Pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Pagsasatao
d. Paghihimig

6. Ang pangungusap na “Ang kanyang kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi” ay


halimbawa ng tayutay na _______?

a. Pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Pagsasatao
d. Paghihimig

7. “ang pag-tik-tak ng relo ay tila nagsasabing ikaw ay parating na” ang pahayad na ito ay isang
halimbawa ng tayutay na _______?

a. pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Paghihimig
d. Pagsasatao

8. Uri ng tayutay na hindi naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.

a. Tanong na kritikal
b. Tanong na retorikal
c. Tanong na lirikal
d. Tanong na Literal

9. Siya ang kilalang manunulat, makata, at retiradong guro mula sa Bansang Malaysia na
sumutat ng tulang pinamagatang “Mga tunog ng Kahirapan”?

a. Jacinto Ramayah
b. Jacinta Ramayan
c. Jacinto Remayah
d. Jacinta Ramayah

10. Isinalin naman niya sa wikang tagalog ang tulang makikita sa ika-siyam na bilang.

a. Mayvel V. Ameg
b. Maybel V. Ameg
c. Mayvel V. Amog
d. Maybel V. Amog

11. Anyo ng panitikan na pinaglalaanan ng oras at talion ng isang sanay o bihasa sa pagsulat .

a. Salaysay
b. Maikling-kuwento
c. Sanaysay
d. Tula

12. Alin sa mga pagpipilian sa ibaba ang hindi kabilang sa katangian ng Sanaysay?

a. Nagdudulot ng lungkot sa mga mambabasa


b. Nagbibigay impormasyon
c. Nakalilibang
d. Nakapanghihikayat

13. Tumatalakay sa isang paksa o usaping pangkaraniwan na o mas nananaig ang opinyon o
obserbasyon.

a. Pormal na sanaysay
b. Di-Pormal na sanaysay
c. Paksang-diwa
d. Kaisipan

14. Sa anong bahagi ng sanaysay kinakailangang makilala ang paksa?

a. Panimula
b. Gitna
c. Wakas
d. Pamagat

15. Uri ng sanaysay na naglalaman ng mahahalagang impormasyon na ginagamitan ng


pananaliksik, kakikitaan din ito ng maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya.

a. Pormal na sanaysay
b. Di-Pormal na sanaysay
c. Paksang-diwa
d. Kaisipan

16. Ang bahaging ng sanaysay ay nagtataglay ng konklusyon na siyang magpapalakas sa mga naunang
ibinigay na detalye.

a. Pamagat
b. Panimula
c. Gitna
d. Wakas

17. Ang bahaging ito naman ay naglalaman ng mga detalye tungkol sa paksa. Ito rin ang
pinakamahabang bahagi ng sanaysay.

a. Pamagat
b. Panimula
c. Gitna
d. Wakas

18. Alin sa mga pagpipilian sa ibaba ang hindi nabibilang sa Karapatan ng mga kababaihan mula
sa tinalakay na halimbawa ng sanaysay mula sa Indonesia?

a. Pag-aaral
b. Maayos na pamumuhay
c. Pag-ibig
d. Wala sa nabanggit

19. Siya ang nagsalin sa Wikang Filipino ng sanaysay mula sa Indonesia na pinamagatang “Kay
Estella Zeehandelar”.

a. Ruth Elynia S. Mabanglo


b. Ruth Elinia S. Mabanglo
c. Ruth Elynia T. Mabanglo
d. Ruth Elinia T. Mabanglo

20. Dalawang Samahan na nagtataguyod upang puksain ang diskriminasyon sa mga kababaihan at sila
ang naghahangad ng pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa pagitan ng lalaki at babae .
a. CEDAW
b. GABRIELA
c. MALASAKIT
d. A at b

You might also like