You are on page 1of 4

Department of Education

Region VI Western Visayas


Division of Iloilo City
District 1- Iloilo City Proper
A. Bonifacio Integrated School
Ledesma St., Iloilo City

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.

1. Ito ang tawag sa maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang tuluyan tulad ng
maikling kwento, anekdota, mito ,alamat at nobela.
a. banghay b. Buod c.daloy d. Taludtud
2. Ito ang kwentong nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari.
a. makabanghay b.tauhan c.pag-ibig d.balangkas
3. Sa pagsusuno-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento, gumagamit tayo ng mga __________.
a. pantukoy b. pangatnig c. pandiwa d. pang-abay
4. .“ Ang bawat bituin ay naging putting munting bulaklak sa sadyang napakatamis ng samyo, ________ noon,
ang kanyang mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkwintas sa mga dalaga at bisita, at pang-alay sa
mga Santa tuwing may okasyon”.
5. Anong salita ang maaaring ipuno ng magiging pananda ng pang-abay na pamanahon?
a. hanggang b. kaya c. mula d. kapag
6. Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na _________.
a. Panlinaw b. pananhi c. pantuwang d. Panapos

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanayang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naiisip. Mula
ngayon, magiging mabuti nasiyang ama. Dinukot niya sa kanyang bulsa ang perang ibinigay ng kanyang
amo sa asawa ( na kiming inabot naman agat nito sa knay, tulad ng narararpat.).

6. Mahihinuhang ang amaay magiging _____________.


a. Matatag b. mabait c. matapang d. masayahin
7.
“Tapos po ako ng pagtuturo kaso lang wala pa ring mapasaukan. Oo nga po e, di mo na ba kaya kahit ‘yung
tigtatatlong daan lang na kuwarto isang araw? Hindi po talaga kaya e”.
Sige, ipakita mo itong papel sa Social Services. Doon sa bandang kanan, Salamat po! Maraming salamat.
Kailangang magpanggap, magsinungaling, mapunta lang si Rebo sa Charity Ward ng osital. Dito, kahit paano,
kutson ang mahihigaan ni Rebo, ‘di hamak na mas mainam kesa higaang bakal na de gulong ng Emergency
Room.
Ipinahiwatig ng teksto na ang ama ay ___________.
a. Maawain b. mapagmahal c. matulungin d. Maalalahanin
8. Ang isang pahayag ay katotohanan kung;
a. ipinagtatanggol ang karapatan ng nakakarami
b.sinusuportahan ng datos , pag-aaral , pananaliksik at suportang impormasyon
c. ginagamit ang pariralang “pwedeng ang mga pangyayari...
d. malinaw na naipapahayag.
9. Sa pangungusap na, “ ang araw ay muling sisikat sa dakong Silangan pagsapit ng umaga. “ Aling salita
ang may dalaw o higit pang kahulugan?
a. Araw b. umaga c. sisikat d. lahat ng nabanggit
10. Ang salitng may salungguhit sa Sanaysay ay nangangahulugang __________.
a. Pag-eensayo b. paligsahan c. pamahiin d. Programa
11. Pinakamaliit na yunit ng salitang may kahulugan
a. Morpema b. Ponema c. Salitang-ugat d. Pantig
12. Pamuno sa pandiwa o tinatawag din ito malapandiwa
a. Aspekto b. Modal c. Pangatnig d. Pawatas
13. Tulang mula sa Japan na binubuo ng 31 na pantig
a. Ambahan b. Haiku c. Tanaga d. Tanka
14. Karaniwang paksang sa tulang ito ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig.
a. Tanaga b. Tanka c. Parabola d. Salawikain
15. Kung ang Tanka ay may limang taludturan na may tatlumpu’t isang pantig, ang Haiku ay may _____ na taludturan.
a. Tatlo b. Apat c. Lima d. Anim
16. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan
a. Maikling kuwento b. Kuwentong bayan c. Parabola d. Pabula
17. Tumutukoy ito sa lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig ng salita
a. Tono b. Diin c. Intonasyon d. Antala
18. Alin ang hindi kabilang sa pangkat?
a. Tono o Intonasyon b. Diin c. Paningit d. Antala o hinto
19. Mula ito sa matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
a. Maikling kuwento b. Sanaysay c. Pabula d. Parabula
20. Isang uri ng maikling kwento na ang pokus ang mga pangyayari sa tauhan upang mabigyan ng kabuuang pag-
unawa ang mga mambabasa tungkol sa kanila
a. Makabanghay b. Katutubong kulay c. Kapaligiran d. Tauhan
21. “ Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Ang pahayag ay ___.
a. nakikiusap b. nagmamakaawa c. nag-uutos d. nagpapaunawa
22. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa
iyo ang lahat ng kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana
ay nangangahulugang ________.
a. Natatakot c. Mahal ang kanyang asawa
b. Hindi si Ravana ang kaniyang gusto d. Naniniwala sa milagro
23. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho.
Ang ibig sabihin ng upa ay _____.
a. pautang b. bayarin C. utang D. kaukulang bayad sa paggawa
24. Ang pahayag na, “ Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay nangangahulugang ________.
a. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.
b. lahat ay may pantay- pantay na karapatan ayon sa napag-usapan.
c. ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis.
d. mahalaga ang oras sa paggawa.

Basahin at unawain ang kasunod na teksto.


May mga enerhiyang nukleyar at ibang kauri. Pamuksa ba ng tao o pantulong sa ating pangangailangan ang enerhiya?
Napakalaki ng maitutulong ng agham at teknolohiya sa pagkakaroon ng maunlad na pamumuhay kung magagamit
ito sa mabuting kaparaanan na may maganda at makataong hangarin. Hindi lamang ang pag-unlad na pisikal ang
mahalaga kundi pagsasaalang-alang ng sosyal na kalagayan ng tao kaalinsabay ng mga teknolohiyang dumarating. Sa
hangaring mabuti, ang agham at teknolohiya ay ilaw na magbibigay- liwanag at nag-uugnay sa lahat ng mga bansa sa
mundo.

25. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?


a. nagsasalaysay b. naglalarawan c. naglalahad d. nangangatuwiran
26. Ano ang paksa ng tekstong binasa?
a. enerhiyang nukleyar c. pisikal na pag-unlad
b. pumupuksa ng tao d. makataong hangarin
27. Ano ang maitutulong ng agham at teknolohiya sa atin ayon sa teksto?
a. naging makabago tayo c. maunlad na pamumuhay
b. bumubuti ang serbisyo d. nag-uugnay sa mga bansa sa mundo
28. Bukod sa pag-unlad na pisikal, ano pa ang dapat isaalang-alang?
a. sosyal na kalagayan ng tao c. emosyonal na kalagayan ng tao
b. moral na aspekto ng tao d. pinansiyal na kalagayan ng tao
29. “Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Ano ang nais ipahiwatig nito?
a. huwag pakialaman ang buhay ng iba
b. huwag magtitiwala sa iba
c. huwag sasama sa hindi kauri
d. iwasan ang pakikipagkaibiga

30. “Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na inialay.” Ang unang linya ng tula ay
nagpapahiwatig ng____
a. pag-iisa c. pagpanaw ng isang tao
b. paglubog ng araw d. panibagong araw na darating
Sabihin kung anong uri ng tunggalian ang nasa bawat pahayag. Piliin ang letra sa loob ng kahon.

A. Tunggaliang tao sa sarili B. tunggaliang tao sa kapwa tao C. Tunggaliang tao sa lipunan

31. Lagi na lang niyang iniisip ang sasabihin ng iba, kaya’t hindi makapagpasya si Tenyente Guevarra.
32. Si Donya Consolacion ay isa sa nagdulot ng mga kasawian ni Sisa.
33. Kamangmangan ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang alipin ng mga dayuhan.

Piliin sa Hanay B ang mga pahiwatig o konotasyong nakapaloob sa bawat pahayag sa Hanay A.
HANAY A
HANAY B
34. “Ipakita ninyo sa amin ang paaralan ng isang bayan a. Walang sinumang nilikha sa daigdig ang maaaring
at sasabihin naming kung anong uri ng bayan iyan!” pumantay o makalampas sa kapangyarihan Niya.
35. “Ang di pagkakasundo ay siyang batas ng buhay. b. Ang anumang bagay na narinig ay nababawasan o
36. “Ang Diyos ang tanging hukom ng mga tao, siya ang nadaragdagan kapag sinabi na sa iba.
tanging makapagpapasya sa buhay, huwag tangkain c. Matutong tumayo sa sariling paa ang mga anak kapag
kailanman ng tao na siya’y halinhan sa gawain.” hinayaan ng mga magulang ang mga ito na magpasya
37. “bihirang balita ang matapat, magkatotoo man, para sa kanilang sarili.
marami ang dagdag. d. Kung magaling ang paturuan ngayon, bukas ay
38. “Ang mga anak ay dapat magnasang maging higit magkakaroon ng mabubuting mamamayan.
kaysa kanilang mga magulang at sa piling ng mga e. Mula sa kalikasan hanggang sa buhay ng mga nilalang
magulang ang itinuturo nila ay maging musmos ang ay naroroon ang pagbabaka o paglalaban
mga ito.”
39. Nasa anong antas ng wika ang pahayag na “Meron ka bang dala?”
a. kolokyal b. pormal c. lalawiganin d. balbal
40. Nasa anong antas ng wika ang salitang “buang”?
a.lalawiganin b. Pormal c. balbal d. lalawiganin

You might also like