You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY

UNANG MARKAHAN
Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10
PANGALAN: _______________________________ SEKSYON : __________________
GURO : __________________________ PETSA : __________________
URI NG MODA : ___ Online ___ Modular ___ Blended ___ Iba pa ___________

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito’y isang agham o pag-aaral ng mito at alamat na kung saan ay tumutukoy sa kalipunan ng
mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga
diyos-diyosan.
a. maikling kwento c. dula
b. parabula d. mitolohiya

2. Ang mitolohiya ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos. Saan
orihinal na lupain nagmula ang kalinangan ng mitolohiya?
a. Roma c. Greece
b. Barcelona d. France

3. Dahil sa sama ng tiyuhin kay Rhea, pinatay niya ito pati na rin ang asawa nitong si Mars. Kung
kaya’t ng magkaroon ito ng kambal na anak ay inutusan niya ang _________ upang
isakatuparan ang maitim na balak sa magkapatid.
a. mangangaso c. mangangalakal
b. pastol d. alipin

4. Nagkaroon ng alitan ang magkapatid na Romulus at Remus. Mula rito, ano ang ipinakitang
tunggalian sa akda?
a. Tao vs. Sarili c. Tao vs. Lipunan
b. Tao vs. Tao d. Tao vs. Kalikasan

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng alipin, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa?
a. Opo, dahil hindi kayang ibalik ang bagay na nawala na.
b. Hindi, dahil maaaring patayin ang alipin dahil sa pagsuway sa kagustuhan ng
tiyuhin.
c. Hindi, dahil hindi naman ito anak ng alipin kaya hindi niya ito.
d. Opo, dahil maling pumatay ng tao hindi tulad ng tiyuhin na kayang patayin ang
kamag-anak.

6. Anong katangian ng tiyuhin ang masasalamin sa akdang Romulus at Remus?


a. makasarili c. matapang
b. mapagmahal d. may malasakit sa kamag-anak
7. Bilang kabataan/mag-aaral, ano ang mensaheng hatis ng akdang “Romulus at Remus” sa
personal mong buhay bilang anak?
a. Kailangang maging sentro ng ating buhay ang pamilya.
b. Ang inggit ay walang maidudulot na mabuti.
c. Ang pagmamahalan ay susi upang magkaroon ng pagkakaunawaan.
d. Kinakailangang magsikap upang umunlad ang buhay.

8. May mag gamit ang mitolohiya. Alin sa sumusunod ang HINDI gamit ng mitolohiya?
a. magturo ng mabuting asal
b. ipaliwanag ang tungkol sa mga diyos at diyosa
c. maipaliwanag ang kasaysayan
d. ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig

9. Ang mitolohiya ng mga Taga- _________ ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal at moralidad
na ayon sa batas ng kanilang diyos at diyosa.
a. Gresya c. Roma
b. Ehipto d. Pransiya

10. Ang Pilipinas ay mayaman din sa ganitong uri ng panitikan. Alin sa sumusunod ang mitolohiya
ng ating bansa?
a. Si Cupid at Psyche c. Tungkung Langit at Alunsina
b. Sina Thor at Loki sa lupain ng mga Higante d. Romulus at Remus

11. Saan sa Bibliya makikita ang kuwento ng Ang Tusong Katiwala?


a. Lukas 16:1-15 c. Lukas 19:1-15
b. Lukas 18:1-15 d. Lukas 20: 1-15

12. Sino ang nagkuwento ng Ang Tusong Katiwala?


a. David c. Moises
b. Hesus d. Pedro

13. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang __________ ng mundong ito sa paggawa ng
Mabuti.” Ano ang tamang salitang bubuo sa diwa ng pangungusap na ito?
a. Buhay c. Kayamanan
b. Katawan d. Utak

14. Bukod sa tonong mapagmungkahi, ano pa sa mga sumusunod ang sangkap ng isang
parabula?
a. Kasawian c. Katatawanan
b. Katatakutan d. Misteryo

15. Alin sa mga ito ang elemento ng parabula na tumutukoy sa pagkakasunod-sunod na


pangyayaring naganap sa kwento?
a. Aral c. Tagpuan
b. Banghay d. Tauhan

(16-20) Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang kung ano ang POKUS NG
PANDIWA ang ginamit.

-Pokus Aktor -Pokus Layon -Pokus Tagatanggap - Pokus Kagamitan


__________16. Ipinanghukay ni Marissa ang maliit na pala sa pagtatanim niya.
__________17. Kumain ng mangga na may bagoong ang mga bisita sa handaan.
__________18. Hinandugan ng mga magulang si Jerica ng nakagandang tuta noong
Martes.
__________19. Ginawa ang kubo noong tag-init upang madali itong maitayo.
__________20. Nag-iingat ang bawat Pilipino laban sa Covid-19.

21. Ginagamit ni Ella ang kanyang mga bakanteng oras sa pagbabasa _____________
si Niña naman ay sa pagsusulat ng tula.
a. at c. samantalang
b. nang d. upang

22. Ang pagkakasakit ni Ely ay ________________ kanyang pagpapaulan.


a. dahilan ng c. resulta ng
b. di tulad ng d. subalit

23. ___________________ sa kanyang mga gawain, kailangan niyang tapusin ang lahat
ng kanyang takdang- aralin sa takdang oras.
a. bilang karagdagan c. dagdag pa rito
b. bukod dito d. kabilang dito

24. Hindi niya ginawa ang mga gawaing ibinigay ng guro. __________________, wala
siyang maipapasang awtput.
a. higit sa lahat c. sa madaling salita
b. sa halip d. sa kabilang banda

25. Matatapos sana niya ang kanyang mga gawain ____________ ito ay ginawa niya ng
paunti- unti.
a. dahil sa c. kung
b. datapwat d. nang

26. Si Jose ay nagsisikap na makaipon ng pera _______________ ay gusto niyang


makapunta sa ibang bansa upang doon makipagsapalaran.
a. pag c. pero
b. palibhasa d. saka

27. Kahit hindi nakasubaybay ang guro ay patuloy na nag- aaral si Marie at gumagawa ng
mga kailangang gawin. ________________ siya ay masipag at matiyagang mag-
aaral.
a. dahil c. kaya
b. higit sa lahat d. tunay na

28. Dahil sa COVID 19, ang mga mamamayan ay kailangang magsuot ng facemask
_________________ ng faceshield. Ang mga mall ay hindi nagpapapasok kapag ang
tao ay hindi sumunod dito.
a. at iba pa c. maging
b. datapwat d. ni

29. _________________ pumunta si Ronnie sa paaralan ay dumadalo siya ng online


class dahil sa banta ng COVID 19.
a. bilang karagdagan c. karagdagan dito
b. halimbawa nito d. sa halip na
30. Nahihirapan sa pagdedesisyon si Karla ________________ siya ay bibili ng hilaw na
tahong o sasayaw sa tiktok.
a. at c. kung
b. kaya d. pag

31. Isang uri ito ng akdang pampanitikan na may tonong mapangmungkahi at maaaring
may sangkap na misteryo, umaakay rin ito sa tao sa matuwid na landas ng buhay.
a. Mitolohiya c. Parabula
b. Pabula d. Sanaysay

32. Mula sa kwentong Ang Tusong Katiwala, Siya ang nagwika na “Hindi kayo maaaring
maglingkod nang sabay sa Diyos at Kayamanan.”
a. Amo ng sakahan c. Katiwala ng sakahan
b. Hesus d. Pariseo

33. Sa parabulang Ang Tusong Katiwala, paano natuklasan ng amo na niloloko


siya ng kanyang katiwala?
a. May nagsumbong sa amo c. May nagpadala ng liham
b. Napanaginipan niya d. Sinabi ng kanyang asawa

34. Tukuyin kung sa anong elemeto ng parabula nabibilang ang mga sumusunod: Amo ng
sakahan, Katiwala ng Sakahan, Taong may pagkakautang ng sandaang tapayan ng
langis, Taong may utang ng sandaang trigo, mga Pariseo at si Hesus?
a. Aral c. Tagpuan
b. Banghay d. Tauhan

35. Sa bansang ito nagmula ang parabulang “Ang Tusong Katiwala.”?


a. Italya c. Syria
b. Gresya d. Turkey

36. Buuin ang analohiya: Mitolohiya: Piksyon- Parabula:____________.


a. Aral c. Kabutihang -asal
b. Di-Piksyon d. Kabulaanan

37. Ito ay nagmula sa dalawang salitang sanay at pagsasalaysay.


a. maikling kuwento c. mitolohiya
b. dula d. sanaysay

38. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral
at malalim na pagkaunawa sa paksa.
a. pormal c. istruktura
b. di - pormal d. istilo

39. Ito ay piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista o pananaw ng may-akda.
a .nobela c. sanaysay
b. maikling kuwento d. tula

40. Kinakailangan ng malalim na ________________ at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang


makapagbigay ng mahusay na argumento.
a. pananaliksik c. pang-unawa
b. pag-iisip d. lahat ng nabanggit

***

You might also like