You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga del Sur
Aurora West District
MONTE ALEGRE NATIONAL HIGH SCHOOL
Monte Alegre, Aurora, Zamboanga del Sur
Taon Panunuruan 2018-2019

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO – 7


Ika 10 – 11 ng Enero, 2019

PANGALAN: BAITANG: ISKOR:

Unang Bahagi:Basahin at unawain ang sumusunod na aytem. Bilugan ang tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa mga tanong na kadalasang nakalilito sa mga tagapakinig ngunit nakapagtatalas ng isip at
kadalasang nagbibigay ng kasanayang lohikal sa mga nagtatangkang sumagot.
a. Tulang Panudyo b. Tugmang de Gulong c. Palaisipan d. Bugtong
2. Ito ay tula o awitin nanunukso o nagbibiro lamang.
a. Tulang Panudyo b. Tugmang de Gulong c. Palaisipan d. Bugtong
3. Ito ay mga paalala na maaring Makita sa mga pampublikong sasakyan tulad ng dyip, bus,at traysikel.
a. Tulang Panudyo b. Tugmang de Gulong c. Palaisipan d. Bugtong
4. Ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma. Kadalasan ito ay tanong na may doble
o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang palaisipan.
a. Tulang Panudyo b. Tugmang de Gulong c. Palaisipan d. Bugtong
5. Ang chitchiritchit ang isang halimbawa ng anong panitiakang Luzon?
a. Tulang Panudyo b. Tugmang de Gulong c. Palaisipan d. Bugtong
6. Ito ay mga salaysay na hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan
katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
a. Mito b. Alamat c. Kwentong Bayan d. Sanaysay
7. Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
a. Mito b. Alamat c. Kwentong Bayan d. Sanaysay
8. Ito ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang
mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
a. Mito b. Alamat c. Kwentong Bayan d. Sanaysay
9. Isang uri ng panitikang naisusulat sa anyong tuluyan. Karaniwang pumapaksa sa mga kaisipn at mga bagay-bagay.
a. Mito b. Alamat c. Kwentong Bayan d. Sanaysay
10. Anong uri ng sanaysay na nagtataglay ng makatotohang impormasyon, piling mga salita, at pahayag na maingat
na tinatalakay?
a. Di-pormal na sanaysay c. Pormal o Maanyong Sanaysay
b. Palagayang sanaysay d. Wal sa mga nabanggit
11. Anong uri ng sanaysay na mapang-aliw, mapagbiro, at nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga
paksa?
a. Di-pormal na sanaysay c. Pormal o Maanyong Sanaysay
b. Palagayang sanaysay d. Wal sa mga nabanggit
12. Ano ang tawag sa nagsisiganap sa kwento atkung anong papel na gagampanan ng bawat isa?
a. Tagpuan b. Saglit na Kasiglahan c. Tauhan d. Tunggalian
13. Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
a. Tagpuan b. Saglit na Kasiglahan c. Tauhan d. Tunggalian
14. Ito ay bahagi ng kwento na nagsasaad sa pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa suliraning
haharapin,na minsan sa sarili, sa kapwa, o salikasan.
a. Tagpuan b. Saglit na Kasiglahan c. Tauhan d. Tunggalian
15. Ano ang tawag sa pinangyayarihan ng mga aksyon, insidente, gayundin ang panahon kung kalian naganap ang
pangyayari?
a. Tagpuan b. Saglit na Kasiglahan c. Tauhan d. Tunggalian
16. Sa kwentong “Alamat ng Matsing”, ano ang hindi dapat gawin?
a. Sumunod lagi sa magulang c. Magalang sa guro
b. Maging pasaway d. Huwag magkalat
17. Ano ang dahilan ni Wigan kung bakit nagsinungaling siya kay Liwliwa tungkol sa pakpak nito? (Ang Unang
Bahaghari)
a. Gusto ni Wigan na maghiganti.
b. Mahal ni Wigan si Liwliwa at ayaw niyang mawala ito sa kanya.
c. Para mabigyan ng leksyon ang mga dalagang bituin.
d. Para hindi na makapaminsala ang mga dalagang bituin sa lupain ng mga magsasaka.
18. Sumisimbolo ang bahaghari ayon sa kwento ng “Ang Unang Bahaghari” sa ano?
a. Isang unos na nalagpasan ng tao.
b. Pagmamahal ng isang dalagang bituin sa isang magsasaka.
c. Pagmamahal ng nakatatatandang kapatid sa bunso.
d. Walang hanggang pagmamahal ng isang magsasaka sa kanyang pamilya at dakilang sakripisyo at handog na
pagmamahal ng pitong dalagang bituin kanilang bunsong kapatid.
19. Ano ang iniwang ala-ala ni Aging kay Juana noong nagkahiwalay sila?
a. Bahaghari b. Matsing c. Saging d. Bituin
20. Ano ang aral na nais ibatid ng mitolohiyang “Ang Pagkawala ng Unang Sirena”?
a. Huwag sirain ang kalikasan kundi alagaan ito.
b. Huwag maging sakim sa kapangyarihan.
c. Sumunod sa utos ng matatanda.
d. Ang tunay na yaman ay makikita sa kapaligiran.

Ikalawang Bahagi: Basahin at unawain ang mga sumusunod na parirala/pangungusap. Isulat ang AP (Awiting
Panudyo), TG (Tugmang de Gulong), PA (Palaisipan), o BU (Bugtong).

_____ 1. Dalawang balon, _____ 6. Isang balong malaim,


Hindi makalingon. Punong-puno ng patalim.
_____ 2. May isang prinsesang sa tore ang nakatira, _____ 7. Si Mario ay isa sa apat na magkakapatid. Ang
Balita sa kaharian, pambihirang ganda. mga pangalan nila, umpisa sa panganay ay sina Enero,
Ano ang gagawin ng binatang sinisinta? Pebrero, Marso, Abril at ________. Ano ang pangalan ng
bunso sa magkakapatid?
_____ 3. Sitsit ay sa aso, _____ 8. Chitchiritchit alibangbang,
Katok ay sa pinto, Salaginto salagubang
Sambitin ang “para” Ang babaesa lansangan,
Sa tabi ang hihinto. Kung gumiring parang tandang.
_____ 4. Si Maria kung Dende, _____ 9. May dumi sa ulo,
Nagtitinda sa gabi; Ikakasal sa Linggo
Naghindi mabili, Inalis, inalis,
Umupo sa tabi. Ikakasal sa Lunes.
_____ 5. Ang di magbayad sa mula kanyang _____ 10. Isang supot na uling,
pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. Naroroot bibitin-bitin.

Inihanda ni:

MAY LANIE A. CALIAO


Guro sa Filipino

You might also like